isang bansa. Estado Daloy ng Aralin Mamamayan Teriteryo Pamahalaan PILIPINAS Soberanya
Bansa Pagkakakilanlan BANSA
Ang tawag sa isang lugar o teritoryo na mayroong
sariling pamahalaan na may magkakatulad na kasaysayan, kultura, wika at tradisyon. KATANGIAN NG ISANG BANSA MAMAMAYAN TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA PAGKAKAKILANLAN MAMAMAYAN • Ang pinakamahalagang katangian at yaman ng isang bansa. • Sila ang mga tao na namumuno at pinamumunuan ang isang bansa. • Bumubuo sa lakas-paggawa na nagsusulong sa kaunlaran ng bansa. TERITORYO • Ito ang kalupaang nasasakupan at nasasaklaw ng kapangyarihan ng isang bansa. • Dito naninirahan ang mga mamamayan at nakakakuha ng likas na yaman na kanilang mapakikinabangan. PAMAHALAAN • Binubuo ng pangkat ng tao na nangangasiwa sa bansa. • Tumutulong sa mga mamamayan na matupad ang kanilang mga mithiin at hangarin. SOBERANYA • Ang kataas-taasan at ganap na kapangyarihan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ng bansa na magpatupad ng mga programang makabubuti rito ng hindi pinanghihimasukan ng dayuhang kapangyarihan. • Ito ang isang katangian ng isang malaya at nagsasariling bansa. PAGKAKAKILANLAN • Ang pagkakaroon ng sariling wika, kasaysayan, kultura, at tradisyon ang siyang nagpapakilala sa isang bansa at sa mga tao na naninirahan dito. • Mahalaga rin ito upang mapanatili ang pagkakaisa sa isang bansa. TANDAAN Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang sa alinman sa apat na binanggit na katangian. Sa kasalukuyang, may mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na katangian ng pagiging ganap na bansa at kabilang dito ang PILIPINAS. SURIIN NATIN Ang PILIPINAS ay isang bansa o estado sapagkat mayroon itong: Mga MAMAMAYAN, ayon sa Philippine Statistic Authority ,tinatayang mahigit 100, 979,303 mamamayan sa Pilipinas noong 2015.
TERITORYO, may kabuoang sukat na 300 000
kilometro kuwadrado.
PAMAHALAAN, na binubuo ng mga opisyal
na halal ng mga mamamayang Pilipino. SOBERANYA, HULYO 4, 1946 nakamit at mapasakamay ng mga Pilpino ang minimithing kasarinlan mula sa mga dayuhang mananakop. DAGDAG Halimbawa ng mga bansa sa KAALAMAN TIMOG-SILANGANG ASYA BAKIT ITINUTURING NA ISANG BANSA ANG PILIPINAS? MGA GAWAIN A. Iguhit ang Saranggola sa papel. Isulat sa apat na bahagi ng saranggola ang : APAT NA ELEMETO NG ISANG BANSA O ESTADO B. Basahin ang MAIKLING TULA . Bilugan ang mga salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang Bansa.
PILIPINAS, ISANG BANSA
Ni Ynnos Azaban
Pilipinas, isang bansa
Tao’y tunay na Malaya Mayroong namamahala May sariling teritoryo Para talaga sa tao C. Babasahin ko at itaas ang kamay kapag ang pangungusap ay nagsasabi ng katangian ng isang bansa. 1. May mga mamamayan na naninirahan sa isang bansa. 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa. 3. Binubuo ng Tao, at Teritoryo lamang ang isang bansa. 4. Ang bansa ay may sariling pamahalaan. 5. May sariling teritoryo ang isang bansa.