Professional Documents
Culture Documents
MODYUL SA ARALING
PANLIPUNAN 4
UNANG MARKAHAN –
MODYUL 1
PANGALAN
MODYUL 1-UNANG MARKAHAN PAKSA: Ang Pilipinas ay isang bansa
PAUNANG SULYAP:
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana,relihiyon, at lahi.
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ang pag-unawa at naibibigay ang importansya ng isang bansa
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng
bansa, naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
inaasahang maunwaan ang pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal
gamit ang mapa.
LAYUNING PAMPAGKATUTO:
P: Ibigay ang ibig sabihin ng bansa
K: Alamin ang lokasyon ng bansa
S: Matukoy ang mga nakapaloob sa isang bansa
NILALAMAN:
itaas.
Bukod sa mga
pangunahing direksyon ay
mayroon ding mga sekundaryong
direksyon. Ito ang mga direksyon
na nasa pagitan ng mga
pangunahing direksyon. Mahalaga
ito para matukoy ang eksaktong
direksyong kinararoroonan
Pangalawang Direksyon:
1. hilagang silangan
2. hilagang kanluran
3. timog silangan
4. timog kanluran
Pilipinas, IsangBansa
niYnnosAzaban
Pilipinas, isangbansa
Tao’ytunaynamalaya.
Mayroongnamamahal.a
May sarilingteritoryo
Soberanya
Bago kilalanin bilang isang ganap na bansa ng United Nations at mga estadong kasapi dito ang
isang pook, kinakailangan muna nilang patunayan na nakakamit nila ang apat na katangiang
sinasaad sa itaas. Halimbawa nalang ay ang bansang South Sudan at Taiwan. Ang South Sudan
naman sila ay kinikilala bilang isang ganap na bansa. Sa kaso naman ng Taiwan, kahit na
mayroon silang sariling populasyon, teritoryo, at pamahalaan, hindi kinikilala ng China ang
kanilang soberanya, kaya naman hindi natin masasabi na isang ganap na bansa ang Taiwan.
importanteng element
hanapbuhay
GAWAIN 1.
Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar
para maituring na isang bansa.
___ 1.May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
___ 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
___ 3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang
___ 4. May sariling pamahalaan
___ 5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito