You are on page 1of 8

learning

modules
for
grade 4
(2 nd set
)
Aralin 2: PAGKILALA SA AKING BANSA

Pag-hahandaan Ko!

Bumuo ng sariling kahulugan o paglalarawan sa salitang bansa.

BANSA

Pag-aaralan ko

Ang bansa ay komunidad ng mga mamamayan na may iisang lahi,


kasaysayan, wika, kultura, at pamahalaan. Maraming bansa sa daigdig at ilan
sa mga ito ay ang Greece, Estados Unidos, Japan, Espanya, at ang Pilipinas.
Bawat bansa ay may katangian. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
 Lahi - pangkat ng mga tao na may iisang pinagmulan o pamana
 Kasaysayan - mga pangyayaring naganap mula sa kauna-unahang
panahon hanggang sa kaslukuyan.
 Wika - mga salitang ginagamit sa isang pook o rehiyon upang
magkaunawaan.
 Kultura - kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang lahi.
 Pamahalaan - pangangasiwa at paghawak ng kapangyarihan pampolitika
para sa kasapi, mamamayan, katutubo, ng isang komunidad, lipunan, at
estado.
Ang mga bansa sa mundo ay nagpapangkat ayon sa mga kotinente.
May pitong kontinente sa daigdig: Asia, Africa, Europe, North America,
South America, Australia, at Antarctica. Ang Pilipinas ay nasa Asia, ang
pinakamalaking kontinente sa lahat.

Pinagmulan ng Pilipinas Ayon sa Agham


May mga nabuong teorya ang mga siyentipiko tungkol sa pinagmulan
ng Pilipinas. May mga naniniwalang nabuo ang Pilipinas sa pamamagitan ng
diyastropismo; at may mga nagpapanukala namang dahil ito sa proseso ng
gradasyon.
Ang diyastropismo ay ang proseso ng paggalaw ng balat ng lupa na
nagbubunga ng pagtaas sa ilang bahagi at paglubog naman sa ibang bahagi.
Batay naman sa prosesong bulkanismo ang pinaniniwalaan ni Prof.
Bailey Willis. Ayon sa kanya, nabuo ang Pilipinas sa pamamagitan ng
pagputok ng mga bulkang nasa ilalim ng Pacific Ocean may dalawang
milyong taon na ang nakaraan. Ang mga tunaw na bato sa ilalim ng bulkan
na magkakalapit ay nagkahiwa-hiwalay dahil sa lakas ng pagsabog ng mga
ito.
Higit na pinaniniwalaan ng mga siyentipiko ang proseso ng gradsayon
o ang Teorya ng Tulay na Lupa. Isinasaad dito na ang mga pangunahing
pulo sa Pilipinas ay dating magkakakabit at karugtong ng ilang bansa sa
Southeast Asia. Nang tumaas ang tubig sa dagat sanhi ng pagkatunaw ng
yelo sa daigdig, lumubog ang mga tulay na lupa kaya’t nahiwalay ang
Pilipinas.
Karagdagang Kaalaman
Isang German meteorologist, si Alfred Wegener, ang nakabuo ng isang
teorya na nagsasaad na ang pagkakaroon ng mga kontinente ay sanhi ng
paggalaw sa ilalim ng lupa. Batay sa kanyang obserbasyon, nag-iisa lamang
ang mga lupalop noon subalit dahil sa mga lindol at pagsabog ng mga bulkan
sa ilalim ng dagat na siyang naging sahi ng paggalaw, unti-unting
nagkawatak-watak at naghiwa-hiwalay ang mga lupa. Ang teoryang ito ay
tinatawag niyang Continental Drift Theory.

Ang Pilipinas ay isang bansa. Taglay nito ang mga katangiang


binanggit sa unang bahagi ng aralin. Nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas na “Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng
kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na
nakapaloob dito at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na
kapangyirahan o huridiksyon ng Pilipinas na binubuo ng mga kalupaan,
katubigan, at himapapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang ilalim ng
dagat, at iba pang mga pook submarina nito..”
Ang Pilipinas ay isang Estado na buinubuo ng mga taong naninirahan
sa isang tiyak na teritorya sa ilalim ng pamamahala ng isang pambansang
may soberanya. Batay sa kahulugang ibinigay, ang Estado ay binubuo ng apat
na sangkap o elemento: teritoryo, soberanya, mamamayan, at pamahalaan. Kung
wala ang isa sa mga ito, hindi maaaring magkaroon ng Estado.
Ang teritoryo ay ang pisikal na ari-ariang nasasakop ng estado.
Binubuo ito ng lupain, tubigan, at bahagi ng himapapawirin kung saan ang
Estado ay gumaganap ng kapangyarihan. Hindi na mahalaga kung malaki o
maliit ang teritoryo. Ang importante, ito ay tiyak upang malaman ang
hangganan ng kapangyarihan ng Estado.
Soberanya naman ang tawag sa elementong nagbibigay ng karapatan
upang maipatupad ng isang Estado ang layunin nito sa mga mamamayan sa
pamamagitan ng mga batas.
Ang mga taong naninirahan sa isang teritoryo o lupaing sakop sa
Estado ay tinatawag na mga mamamayan. Ito ang pinakamahalang elemento
ng Estado. Hindi ito mabubuo kung wala ang mga tao.
Kailangan ng Estado ang pamahalaan upang bumuo, ipakahulugan, at
ipatupad ang batas. Ito ang elementong nagpapatupad sa ganap na
kapangyarihan ng mga mamamayan.

Alamin Ko ang Kahulugan


 Batayan - pundasyon o saligan ng isang bagay, lalo na ng isang ideya o
argumento.
 Bulkanismo - may kaugnayan sa mga bulkan.
 Lupalop - kontinente o lupaing malawak at malaki.
 Nagpahayag - nagsisiwalat ng kuro-kuro o damdamin.
 Soberanya - kalayaan.
 Teorya - isang palagay o sistema ng mga ideyang nagpapaliwanag ng
ilang bagay.
 Teritoryo - saklaw na lupain sa ilalim ng isang namumuno, estado,
lungsod, at iba pa.
 Tinataglay - likas na angkin.

Tandaan Ko!
1. Bawat bansa ay may katangian at ito ay ang lahi, kasaysayan, wika,
kultura, at pamahalaan.
2. Isang ganap na Estado ang bansang Pilipinas. Tinataglay nito ang apat na
elemento ng isang Estado.
3. Ang apat na sangkap ng Estado ay ang teritoryo, soberanya,
mamamayan, at pamahalaan.
Pagsasanay 1
Sagutin ng Tama o Mali. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pahayag. Isulat naman ang MALI kung hindi.
1. Batay sa Teoryang Bulkanismo, ang Pilipinas ay nabuo mula sa magma o
kumukulong putik mula sa guwang sa ilalim ng dagat.
2. Ayon sa proseso ng gradasyon, ang Pilipinas ay dating nakakabit sa
kabuuan ng Asia.
3. Si Alfred Wegener ang nagpahayag ng Teorya ng Continental Drift.
4. Ang Asia ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig.
5. May dalawang teorya ang mga siyentipiko tungkol sa pinagmulan ng
Pilipinas.
6. Ang estado ay binubuo ng teritoryo, soberanya, mamamayan, at
pamahalaan.
7. Ang Pilipinas ay hindi Estado.
8. Ang soberanya ay nagpapatupad at nagpapahayag ng mga naisin ng
Estado.
9. Isang ganap na bansa ang Pilipinas.
10. Hindi mahalaga kung ang teritoryo ng isang Estado ay malaki o maliit.

Pagsasanay 2
Tukuyin kung alin ang bansa sa mga sumusunod. Lagyan ng tsek ang
bilang nito.

1. Vatican 6.Chile 11. Indonesia


2. New York 7. Ilocos Norte 12. Hawaii
3. Argentina 8. Brazil 13. Australia
4. Nepal 9. Damascus 14. Asia
5. South Korea 10. Hong Kong 15. the Netherlands

Pagsasanay 3
Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang mga
pangungusap. Hanapin sa loob ng kuwadro ang wastong sagot at isulat sa
patlang.
panghihimasok teritoryo
kabutihan lahi
pamahalaan mamamayan
teorya apat
soberanya ganap

1. Ang bansang Pilipinas ay isang Estado na binubuo ng mga taong


naninirahan sa isang tiyak na teritoryo sa ilalim ng isang pamahalaang may
.
2. Ang Estado ay binubuo ng na elemento.
3. Hindi magkakaroon ng Estado kung walang mga dahil walang
mamumuno at pamumunuan.
4. Kailangan ang ay may kakayahang pasunurin ang
nasasakupan.
5. Ang pamahalaan ay kinatawan ng mga tao kaya dapat ito’y gumawa para
sa ng mga tao.
6. Isang na Estado o bansa ang Pilipinas.
7. Ang panlabas na soberanya ay ang kalayaan ng Estado na maging malaya
sa ng ibang bansa.
8. Ang ay isang palagay o sistema ng mga ideyang
nagpapaliwanag ng ilang bagay.
9. Tinatawag na ang saklaw na lupain sa ilalim ng isang
namumuno, estado, lungsod, at iba pa.
10. Ang ay pangkat ng mga tao na may iisang pinagmulan o
pamana.

Pag-ugnayin Ko!
Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin ang mga tanong. Bigyan ng
paliwanag ang iyong sagot.
Sitwasyon 1: Ang Commonwealth of Puerto Rico ay isang Estado na
matatagpuan sa Carribean. Ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng
Estados Unidos.
Tanong: Isang bansa ba ang Puerto Rico? Bakit?

Sitwasyon 2: Ayon sa Artikulo X, Seksyon 15 ang 1987 Konstitusyon ng


Republika ng Pilipinas dapat bigyan ng autonomiya o kalayaan
sa sariling pamahalaan ang Cordillera at Muslim Mindanao.
Tanong: Ito ba ay nangagahulugan na gagawing hiwalay na Estado ang
mga ito? Patunayan.

Sitwasyon 3: Nilusob o sinalakay ang mga sundalong Amerikano ang


Afghanistan.
Tanong: Ano ang masasabi mo sa oagka-Estado ng Afghanistan sa
pangyayaring ito?

Palalawakin Ko
Bumuo ng akrostik mula sa salitang “bansa”.
B-
A-
N-
S-
A-

You might also like