You are on page 1of 29

Quarter 3 - Week 4

Kahalagahan ng Soberanya sa
Pagpapanatili ng Kalayaan ng
Bansa

 Ang Isang Bansang Malaya ay May


Soberanya
 Mga Karapatang Tinatamasa ng
Isang Malayang Bansa
Balik-Aral
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng Amerika?
A. Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte
B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo
2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit
may kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act
B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987
D. Philippine Rehabilitation Act of 1946
3. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang Amerikano?
E. Mapaunlad ang mga ito.
F. Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
G. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.
H. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
4. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman?
I. Batas Militar C. Base Militar
J. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act
5. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa Amerika?
K. ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.
L. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.
M. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas dahilan ng pagkawasak sa digmaan.
N. makuha ang bansang Amerika.
Ano nga ba ang kahalagahan ng watawat sa
isang bansa? Ito ang sumasagisag
sa isang bansa. Ito
ang simbolo ng
bawat estado at ito
rin ang nagkikilala
sa bawat bansa.
Kung wala ito, hindi
mo malalaman agad
kung anong bansa
ang nirerepresenta
nito. Magkakaroon
ng pagkakagulo at di
pagkaunawa
Ito ang tinatawag na
SOBERANYA.
Paano tayo makakatulong sa ating
pamahalaan upang mapanatili nito
ang soberaniya ng bansa?

Ano ang Soberanya?


Ang Soberanya ay isa sa
mga kapangyarihan ng
ating bansa bilang estado.
Upang maunawaan natin
kung ano ang soberaniya,
kailangan suriin natin kung
ano ang isang estado.
Ang estado ay binubuo ng isang lipon ng mga mamamayang
naninirahan sa isang nakatakdang teritoryo, may pamahalaang
nagtataglay ng awtoridad na kinikilala ng karamihan ng mga
mamamayan nito, may kapanyarihang magpapatupad ng sarili
nitong mga batas, at nakatatamasa ng kalayaan.
Mga Katangian ng Soberanya

1. Permanente- Ang awtoridad ng estado ay


permanente at mananatili ito hangga’t ang mga
mamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sarili
silang pamahalaan.

2. May awtonomiya- Ang tanging sakop ng awtoridad


ng estado ay ang mga mamamayan nito at iba pang
mga tao at bagay na matatagpuan sa loob ng teritoryo
nito. Hindi sakop ng awtoridad ng estado ang mga
naninirahan sa labas ng teritoryo nito.
Mga Katangian ng Soberanya

3. Komprehensibo- ang kapangyarihan ng estado ay


sumasakop sa lahat ng mga bagay at taong naninirahan
saloob ng teritoryo nito, kabilang na ang kanilang mga
magiging anak.

4. Hindi nalilipat at lubos o absolute- Ang


kapangyarihan ng estado ay hindi maaaring ipasa o
ipagkaloob sa kaninuman.

5. Walang taning ang panahon- May bisa ito sa


ngayon at hanggang sa darating napanahon.
May apat na elemento ang bawat estado

1. Mamamayan- Ang mamamayang nakatira sa


teritoryo ay ang pinakamahalagang teritoryo.Magkaiba
ang laki ng populasyon ng mga estado na maaring
kinabibilangan ng mga katutubo o kaya’y ng mga dayo
sa lugar.
May apat na elemento ang bawat estado

• 2.Teritoryo- Ang pangalawang mahalagang


elemento ng estado ay ang teritoryo o ang mga
lupang naangkin nito. Dito naninirahan ang mga
mamamayan ng estado.
May apat na elemento ang bawat estado

• 3. Pamahalaan- Ang pangatlong mahalagang


elemento ng estado ay ang pamahalaan. Ito ang
ahensiyang nagpapatupad ng mga batas at
kaayusang nagpapahayag ng mithiin ng estado.
May apat na elemento ang bawat estado

• 4. Soberanya- Soberanya ang pang apat na elemento


ng estado. Ito ang pinakamataas na kapangyarihan ng
estadong nagbibigay pahintulot ditong magpatupad
ng mga batas sa mga mamamayang naninirahan sa
tertoryo nito.
Mga Dimensiyon ng Soberanya ng Estado
1. Soberanyang Panloob (Internal Sovereignty) –
tumutukoy sa kapanyarihan ng estadong pasunurin
ang lahat ng mga tao at pamahalaan ang lahat ng
mga tao , at bagay sa loob ng teritoryo nito sa
pamamagitan ng iba’t ibang mga ahensiya ng
gobyerno.
2. Soberanyang Panlabas (External Sovereignty) –
ang isang estado ay hindi nakadepende o kinokontrol
ng ibang estado dahil sa kalayaan nito. Malaya ito sa
anumang control o pakialam ng ibang estado.
Ang tatlong mahalagang kapangyarihang taglay ng estado ay:

• Kapangyarihang Pampulisya- ay
kapangyarihan ng pamahalaang
kadalasang itinatalaga sa mga
lokal na sangay nito na
tumutukoy sa pagbibigay ng mga
restriksiyon sa pagtataguyod at
pangangalaga sa kalusugan,
kaligtasan, moralidad,
pangkalahatang kapakanan,
convience, at pangangalaga sa
pampublikong interes.
Ang tatlong mahalagang kapangyarihang
taglay ng estado ay:
• Kapangyarihan Mamahala ng Ari-arian sakop ng
Teritoryo-ito ay karapatanng estadong mag-
angkin ng pribadong ari-arian para sa paggamit ng
publiko.
Ang tatlong mahalagang kapangyarihang
taglay ng estado ay:
• Kapangyarihang Magbuwis- ito ay ang kapangyarihan ng
estadong mangolekta ng halagang batay sa komputasyon o
pagkukuwenta ng kita ng isang tao o halaga ng ari-arian
para sa gastusin ng pamahalaan.
Katangian ng Soberanyang Panlabas

1. Nakapagsasarili
2. May karapatan at mga panrelihiyon sa
ilalim ng pandaigdig ng mga batas.
3. Nakipag-ugnayan sa ibang bansa.
Sagutan. Ito ay matatagpuan sa Google
Classroom. Sagot lamang.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang patlang
kung ang mga sumusunod na pangungusap ay mga katangian ng soberaniya
Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
 
______1. Ang bisa ng kapangyarihan ng estado ay may taning na panahon.
______ 2. Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaaring ipasa o ipagkaloob
sa kaninuman
______3. Maaring bumuo ang isang estado ng mga ugnayan sa ibang mga
bansa o estado, subalit ang soberanya nito ay hindi maaaring maipasa
o maibigay sa iba
_______4. Ang awtoridad ng estado ay hindi permanente at hindi mananatili
hanggat ang mga mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at
may sarili silang pamahalaan.
_______5.May awtonomiya: Ang tanging sakop ng awtoridad ng estado ay
ang mga mamamayan nito at ang iba pang mga tao at bagay na matatagpuan
sa loob ng teritoryo nito.
Mga Karapatang
Tinatamasa ng Isang
Malayang Bansa
Pagmasdan ang larawan tungkol sa
pagpapahayag ng kalayaan ng ating bansa. Ang
bansang Pilipinas ay nagtamo ng kalayaan noong
Hunyo 12, 1898. Sa unang pagkakataon tayo ay
nagkaroon ng soberanya. Pero ito ay nawala
nang tayo ay sinakop ng mga Amerikano. Noong
Hulyo 4, 1946, ipinagkaloob naman ng Estados
Unidos ang pinakamimithing kalayaan ng bansa.
Nagkaroon muli tayo ng tunay na soberanya.
Malaya na nga ba ang Pilipinas?

Sa araling ito, aalamin mo ang mga karapatang


tinamo ng Pilipinas nang ito ay maging ganap na
malaya.
Dahil sa isa nang bansang malaya ang Pilipinas, ito ay nagtataglay ng mga karapatan. Ang mga
karapatang ito ay ipinagkait sa bansa nang nasasakop pa ito ng mga dayuhan.

Pag-aralan ang paglalahad sa grap at alamin ang mga karapatan ng bansa nang ito ay ganap nang
malaya
Sagutan ito sa inyong kwaderno. Sagot
lamang.
Maraming Salamat
sa Inyong Pakikinig

Keep Safety po
tayong lahat!!!

You might also like