You are on page 1of 27

Araling Panlipunan

Quarter 3: Week 5
Pagtatanggol ng Mamamayan sa
Kalayaan at Hangganan ng
Teritoryo ng Bansa
Aralin 1: Pagtanggol ng kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansang Pilipinas

Aralin 2: Pakinabang ng mga Pilipino sa teritoryong sakop ng Pilipinas at kung paano ito maipagtanggol.
Layunin:

PamantayangPangnilalaman: Nabibigyang katwiran kung bakit kailangang


ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng
bansa.
 
PamantayansaPagganap: Natatalakay ang mga katwiran kung bakit kailangang
ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng
teritoryo ng bansa.
 
KasanayangPampagkatuto: Pagkatapos ng aralingito, inaasahanna
1. Natutukoy ang katwiran kung bakit kailangang ipagtanggol ng mga mamamayan
ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa. (APH6HK-IIIE-4)
Gawain Bilang 1: Subukin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong.
Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas Artikulo II, Seksiyon 4?


A. Pangunahingtungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at
pangalagaanang sambayanan
B. Bahagi ng karagatannaitinatadhana ng United Nation Convention on
the Law of the Sea
C. Nakatakdasabatasnaito ang baseline o hangganan ng teritoryo ng Pilipinas
D. Isang doktrina ng teritoryo ng dagat o karagatan
 
2. Anong batas ang itinadhana ng UNCLOS?
 
A. Eksklusibong Sonang Ekonomiko C. Kasunduansa Paris
B. Doktrinang Pangkapuluan D. Batas ng Bansa

3. Anong batas umiiral ang lapad na 200 milyang hangganan ng Pilipinas mula
sa dalampasigan?

A. Eksklusibong Sonang Ekonomiko C. Atas ng Pangulo


B. Doktrinang Pangkapuluan D. Batas ng Bansa
4. Anong hukbo ang nangangalaga ng katahimikan ng ating himpapawid?

A. Philippine National Police


B. Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army)
C. Hukbong Pandagat ng Pilipinas (Philippine Navy)
D. Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Airforce)

5. Bakit nararapat na ipagtanggol ng mamamayan ang kalayaan at teritoryo ng bansa?


 
A. Upang mapangalagaan ang mamamayan na siyang bumubuo sa isang bansa.
B. Upang may mga mamamayan ang Pilipinas na tumatangkilik sa produkto ng ibang bansa.
C. Upang ito ay mapangalagaan para sa kapakanan ng mga dayuhan.
D. Upang sa kalaunan masakop ang Pilipinas sa ibang bansa.
Aralin 1: Pagtanggol ng kalayaan at hangganan ng
teritoryo ng bansang Pilipinas
Ang mga bansa ay may mga batas na ipinatutupad
para sa kaayusan at kapayaan , sa ating bansa ito ay
nakasaad sa saligang Batas ng Pilipinas , na ayon sa
Articulo II seksyon 4,ang pangunahing tungkulin ng
pamahalaan ay paglilingkuran at pangalagaan ang
sambayanan at mamamayan.Ngunit may pagkakataon
na kailangan tulungan ng mamamayan ang estado
upang ipagtanggol ito laban sa mga kaaway ng bansa
na naaayon sa batas
.
May mga batas na nagtatakda ng lawak ng
hangganan ng teritoryo ng Pilipinas, at ito ay ang
sumusunod:
Eksklusibong
Sonang
Ekonomiko

 Ito ay ang bahagi


ng karagatan na
itinatadhana ng
United Nations
Convention on the
Law of the Sea.
Batas ng Pangulo

Nakatakda sa batas na ito ang


baseline o hangganan ng
teritoryong nasasakop ng
Pilipinas kabilang ang extended
continental shelf o maliliit na
mga pulo na nakausbong at
nakalubog sa katubigan na
sakop ng 200 milyang layo sa
baybayin ayon sa itinakda ng
UNCLOS.
Doktrinang
Pangkapuluan

Ito ay isang doktrinang


teritoryo sa dagat o
karagatan na
naglalayong protektahan
ang pamumuhay at
seguridad ng mga
mamamayan na nakatira
sa mga lugar malapit
dito.
May mga dahilan kung bakit dapat ipagtanggol ang
kalayaan at teritoryo ng bansa.

 Mapangalagaan ang kanyang mamamayan na naninirahan sa teritoryo


ng Pilipinas.
 Lupang Sinilangan kung saan tayo namulat kung sino tayo kung ano
ang ating salinlahi at iba pa.
 Maraming pakinabang ang mga Pilipino sa teritoryong sakop ng
Pilipinas na maaarinating matatamasa bilang mga Pilipino.
 Marami tayong magagandang mga tanawin na dinarayo ng mga turista
at sagana sa likas na yaman ang Pilipinas .
HUKBONG SANDATAHAN NA
NANGANGALAGA SA KALAYAAN NG
PILIPINAS
 Mga serbisyong Armed Forces of the Philippines (AFP) ang
misyon nito ay ang pagsasagawa ng mabilis naprompt at tuloy-tuloy
na operasyon ng panlupa.
HUKBONG SANDATAHAN NA
NANGANGALAGA SA KALAYAAN NG
PILIPINAS
Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Airforce (PA)
nangangalaga ito sa katahimikan ng ating himapapawid.
HUKBONG SANDATAHAN NA NANGANGALAGA SA
KALAYAAN NG PILIPINAS

Philippine National Police (PNP) – ilan sa


kanilang tungkulin ay ipatupad ang lahat ng
mga batas at ordinansang may kaugnayan sa
pagtatanggol ng buhay at ari-arian,
panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at
masiguro ang kaligtasan ng publiko,
imbestigahan at hadlangan ang mga krimen,
arestuhin ang mga Kriminal at tumutulong
sa kanilang paglilitis.
HUKBONG SANDATAHAN NA NANGANGALAGA
SA KALAYAAN NG PILIPINAS

Hukbong Pandagat (Philippine Navy) – ipagtanggol ang ating bansa laban sa


mga kaaway namaaari ng dumaan sa mga iba’t ibang anyong tubig sa ating bansa
sa panahon ng digmaan, nagpapatrol sila sa ating dagat at karagatan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Magtala ng tatlong katwiran kung bakit dapat


ipagtanggol ng mamamayan ang kalayaan at hangganan ng
teritoryo ng bansa, isulat sa kwaderno ang sagot.
1._______________________________________________
2._______________________________________________
3._______________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Isulat ang T kung tama, M kung mali ang sitwasyong nais inasaad sa
patatanggol ng mga mamamayan sa kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
Gawin ito sa inyong kwaderno.
___1. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan para sa sambayanan ay nakasaad
sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo II Seksiyon 4.
___2. May mga ahensiya ng pamahalaan na tumutugon sa pangangailangan upang
ipagtanggol ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
___3. Walang karapatan ang mga Pilipino na galugarin at gamitin ang yamang dagat
ng bansang Pilipinas.
___4. May mga batas na nagtatakda ng lawak ng hangganan ng teritoryo ng
Pilipinas.
___5. Kailangang ipagtanggol ng mamamayan o estado ang kalayaan at hangganan
ng teritoryo ng bansa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Panuto: Mula sa seleksyon, itala sa kahon ang ahensiya na


nagtatanggol sa kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
Tungkulin Ahensiya ng Pamahalaan
1.Imbestigahan at hadlangan ang mga krimen,arestuhin ang mga kriminal.
_________________________________
 
2.Nagpapatrol sa ating dagat at karagatan. _________________________________
 
3.Nagsasagawa ng mabilis na prompt at tuloy-tuloy na operasyong panlupa.
  _________________________________
4.Nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa himpapawid.
  _________________________________
5. Nagpapatupad ng lahat ng mga batas at
ordinansang may kaugnayan sa pagtatanggol ng buhay at ari-arian.
________________________________
Aralin 2: Pakinabang ng mga Pilipino sa teritoryong sakop
ng Pilipinas at kung paano ito maipagtanggol.

Nakakakita ka na ba ng
mga logong ito?

Ano ang masasabi mo


tungkol sa mga logong
ito?
Mga Ahensiya ng Pilipinas na nagtatanggol ng
bansa

1. Department of Foreign Affairs(DFA) ay ang nakikipag-ugnayan sa


ibang estado ng bansa para masiguro ang kaligtasan ng ating teritoryo
gayun din ang ating kapangyarihan at karapatang pambansa
Mga Ahensiya ng Pilipinas na nagtatanggol ng
bansa
2. Department of Environment and Natural Resources(DENR)o Kagawaran ng Kapaligiran
at Likas na Yaman ay ang nangangalaga sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng
pangangasiwa,pangangalaga, at pag-ingat Mga Ahensiya ng Pilipinas na nagtatanggol ng
bansa sa ating likasyaman.
Mga Ahensiya ng Pilipinas na nagtatanggol ng
bansa

3. Department of Interior and Local Government(DILG) o Kagawaran ng


Interyor at Pamahalaang Lokal ay ang namamahala sa pagpapaigting ng
kapayapaan at kaayusan at pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan.
Ahensya ng Pamahalaan na nasa ilalim ng DILG
Philippine National Police Bureau of Jail Management and Penology
(PNP) (BJMP)

Kolehiyo ng Pampublikong Seguridad ng Pilipinas


Bureau of Fire Protection (Philippine Public Safety College o PPSC)
(BFP)
Mga Ahensiya ng Pilipinas na nagtatanggol ng
bansa
4. Department of National Defense (DND)-ay maglaan at magpanatili ng seguridad
estabilidad, kapayapaan, at kaayusang naaangkop
sa pag-unlad ng ekonomiya at pambansang kaunlaran.
Kahalagahan sa Pagtatanggol sa teritoryo ng bansa

 Kailangan nating ipagtanggol ang teritoryo ng ating bansa dahil


pag-aari natin ang mga ito.
 Ipagtatanggol ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng
maganda at mabuti sa ating bansa.
 Pangangalagaan ko ang teritoryong sakop ng ating bansa
pagtaguyod sa kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.
 Upang mapanatiling ligtas sa panganib.
Gawain Bilang 5
Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon na nagpapakita ng pagtatanggol ng ating
bansa.Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
  Department of Interior and Local
A. _____1. Nangangalaga para sa pagpapaigting ng kapayapaan at
Government (DILG) o Kagawaran ng kaayusan at pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan.
Interyor at Pamahalaang Lokal
 
B. Department of Environment and Natural
_____2. Nakikipag-ugnayan sa ibang estado ng bansa para masiguro
Resources (DENR) o Kagawaran ng
Kapaligiran at Likas na Yaman ang kaligtasan ng . Ating teritoryo gayundin ang ating
C. Department of Foreign Affairs (DFA) kapangyarihan at karapatang pambansa.
 
D. Department of National Defense (DND)
_____3. Nangangalaga sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng
E. Philippine National Police(PNP) o
pangangasiwa, pangangalaga, at pag-ingat sa ating likasyaman.
Pambansang Pulisya ng Pilipinas
 
F. ROTC (Reserved Officer Training Course)
_____4. Maglaan at magpanatili ng seguridad, estabilidad,
kapayapaan, at kaayusan na naaangkop sa pag-unlad ng
ekonomiya at pambansang kaunlaran.
 
_____5. Nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
Gawain Bilang 6
Panuto: Iguhit ang Concept Map sa iyong kwaderno at itala ang kahalagahan sa
pangangalaga ng teritoryo sa ating bansa.
MARAMING SALAMAT

You might also like