You are on page 1of 2

Panuto:Basahin at unawaingmabuti.

Pagtatanggol Kalayaan at Teritoryo ng Bansa

Ang mga bansa ay may mga batas na ipinatutupad para sa kaayusan at kapayaan , sa ating
bansa ito ay nakasaad sa saligang Batas ng Pilipinas , na ayon sa Articulo II seksyon 4,ang
pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglilingkuran at pangalagaan ang sambayanan at
mamamayan.Ngunit may pagkakataon na kailangan tulungan ng mamamayan ang estado  upang
ipagtanggol ito laban sa mga kaaway ng bansa na naaayon sa batas. 

May mga batas na nagtatakda ng lawak ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas, at ito ay ang
sumusunod:
 Eksklusibong Sonang Ekonomiko ay ang bahagi ng karagatan na itinatadhana ng
United Nations Convention on the Law of the Sea.
 Batas ng Pangulo– nakatakda sa batas na ito ang baseline o hangganan ng teritoryong
nasasakop ng Pilipinas kabilang ang extended continental shelf o maliliit na mga pulo na
nakausbong at nakalubog sa katubigan na sakop ng 200 milyang layo sa baybayin ayon
sa itinakda ng UNCLOS.

 Doktrinang Pangkapuluan – ay isang doktrinang teritoryo sa dagat o karagatan na


naglalayong protektahan ang pamumuhay at seguridad ng mga mamamayan na nakatira
sa mga lugar malapit dito.

May mga dahilan kung bakit dapat ipagtanggol ang kalayaan at teritoryo ng bansa.
  Mapangalagaan ang kanyang mamamayan na naninirahan sa teritoryo ng
Pilipinas.
  Lupang Sinilangan kung saan tayo namulat kung sino tayo kung ano ang ating
salinlahi at iba pa. 
  Maraming pakinabang ang mga Pilipino sa teritoryong sakop ng Pilipinas na
maaarinating matatamasa bilang mga Pilipino.
 Marami tayong magagandang mga tanawin na dinarayo ng mga turista at sagana
sa likas na yaman ang Pilipinas .
 Mga serbisyong Armed Forces of the Philippines (AFP) ang misyon nito ay ang
pagsasagawa ng mabilis naprompt at tuloy-tuloy na operasyon ng panlupa.
 Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Airforce (PA) nangangalaga ito sa
katahimikan ng ating himapapawid.
 Philippine National Police (PNP) – ilan sa kanilang tungkulin ay ipatupad ang lahat ng
mga batas at ordinansang may kaugnayan sa pagtatanggol ng buhay at ari-arian,
panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at masiguro ang kaligtasan ng publiko,
imbestigahan at hadlangan ang mga krimen, arestuhin ang mga Kriminal at
tumutulongsakanilangpaglilitis.
Hukbong Pandagat (Philippine Navy) – ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway namaaari ng
dumaan sa mga iba’t ibang anyong tubig sa ating bansa sa panahon ng digmaan, nagpapatrol sila sa ating
dagat at karagatan.
Araling Panlipunan 6
Quarter III- Week 5

Pangalan: _________________________________________ Petsa: _______________

Baitang IV-Pangkat : _________________________________ Guro: ________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Isulat ang T kung tama, M kung mali ang sitwasyong nais inasaad sa patatanggol ng mga
mamamayan sa kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.

___1. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan para sa sambayanan ay nakasaad sa Saligang Batas ng
Pilipinas, Artikulo II Seksiyon 4.
___2. May mga ahensiya ng pamahalaan na tumutugon sa pangangailangan upang ipagtanggol ang
kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.
___3. Walang karapatan ang mga Pilipino na galugarin at gamitin ang yamang dagat ng bansang Pilipinas.
___4. May mga batas na nagtatakda ng lawak ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
___5. Kailangang ipagtanggol ng mamamayan o estado ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Anong batas umiiral ang lapad na 200 milyang hangganan ng Pilipinas mula sa
dalampasigan?
A. Eksklusibong Sonang Ekonomiko C. Atas ng Pangulo
B. Doktrinanag Pangkapuluan D. Batas ng Bansa
_____2. Anong hukbo ang nangangalaga ng katahimikan ng ating himpapawid?
A. Philippine National Police
B. Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army)
C. Hukbong Pandagat ng Pilipinas (Philippine Navy)
D. Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Airforce)
_____3. Bakit nararapat na ipagtanggol ng mamamayan ang kalayaan at teritoryo ng bansa?
A. Upang mapangalagaan ang mamamayan na siyang bumubuo sa isang bansa at ito ang
ating teritoryo.
B. Upang may mg amamamayan ang Pilipinasnatumatangkiliksaprodukto ng Ibangbansa.
C. Upangito ay mapangalagaan para sakapakanan ng mgadayuhan.
D. Upangsakalaunanmasakop ang Pilipinassaibang bansa.
_____4.Anong batas ang itinadhana ng UNCLOS?
A. Eksklusibong Sonang Ekonomiko C. Kasunduan sa Paris
B. Doktrinang pangkapuluan D. Batas ng Bansa
____5. Ano ang nakasaad sa Saligang Batas ng PilipinasArtikulo II, Seksiyon 4?
A. Pangunahingtungkulin ng pamahalaan angpaglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
B. Bahagi ng karagatannaitinatadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea
C. Nakatakdasabatasnaito ang baseline o hangganan ng teritoryo ngPilipinas
D. Isang doktrina ng teritoryo ng dagat o karagatan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno.
Tanong: Bakit kailangang ipagtanggol ng mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng
teritoryo ng bansa?

You might also like