You are on page 1of 2

USAPING SAME SEX MARRIAGE DAPAT TULDUKAN SA BANSANG PILIPINAS

Iba’t iba ang ating pananaw sa usaping same sex marriage. Mayroong mga sumasang-ayon at
mayroon naming hindi. May mga sumasang –ayon dahil para sa kanila lahat ng tao ay may pantay-
pantay na karapatan na kung saan mayroon silang karapatan na magmahal at pakasalan kung sino ang
tinitibok at ninanais ng kanilang puso. Mayroon namang din ang mga lubhang tumututol dahil ito ay
immoral at isang kasalanan sa mata ng Panginoon.

Ang MKA Group ay lubos na sumasalungat sa usaping same sex marriage. Sa Genesis kabanata 2,
Ipinahayag sa kasulatan na nagbibigay ng punto para sa pag unawa sa disenyo ng Diyos para sa Kasal.
Unang prinsipyo, ang kasal ay para sa isang lalaki at isang babae na kung saan tinakda ng Diyos ang
pagtatalik sa sa pagitan ng mag-asawa, na kung saan ipinapakita nito na ang deesnyo ng kasal ay para
mabuo ang pamilya sa pagsasama ng babe at lalaki at magkaroon sila ng mga anak. Dito sa Pilipinas
tinututulan ang same sex marriage dahil alam nating lahat na ang Pilipinas ay isang kristiyanong bansa.
Sa bibliya, ipinangaral ni Pablo sa mga taga Roma na kasalanan ang homosekswalidad. Sa Catholic
Bishop Conference of the Philippines na ginanap, sinabi ni Cubao Honesto Tiongo na labag ang same sex
marriage sa kagustuhan ng diyos dahil ang babae ay para sa lalaki lamang at ang lalaki ay para sa babae
lamang na kung saan babae at lalaki lamang ang puwedeng ikasal. Labag din umano ang same sex
marriage sa “Natural Law”at“Canon Law.”Ang papel ng kasal ay upang magbunga ng anak at magsimula
ng pamilya na may ina at ama sa tahanan na kinikilala.Sa pagdaragdag, malaya ang kasapi ng LGBTQ na
magpahayag ng damdamin o saloobin sapagkat ito ay isang karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa
seremonya ng kasal ay kailanman ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan at simbahan. Ayon sa Social
weather station (SWS), 61% ng mga pinoy ang hindi pabor sa same sex marriage sa nasabing survey na
ginawa gamit ang 1,200 na respodents.

Sa bansang San Francisco, California legal ang same sex marriage. Isang sikat na Celebrity ang
nagtungo sa nasabing lugar upang doon maganap ang kasal. Mula Pilipinas nagtungo sina Aiza Seguerra
o mas kilala sa pangalang Ice Seguerra ngayon kasama ang kanyang kasintahan na si Liza Dino na kung
saan naganap an kanilang pagiisang dibdib noong December 8,2014 upang mapagtibay ay kanilang
pagmamahalan. Ilan sa mga mabuting naidudulot ng same sex marriage ay napapatunayan nila sa isa’t
isa ang kanilang pagmamahalan kahit marami ang nanghuhusga, magiging katanggap-tanggap ang
LGBTQ sa lipunan,magkakaroon ng kalayaan na mag asawa kung lalaki o babae man ang ninanais maging
asawa at kakayahang mag-ampon ng mga batang ulila dahil maraming bata ang makakahanap ng
bagong pamilya na kukupkop sa kanila.

Ngunit kung iisipin nating mabuti ay hindi talaga dapat maipatupad ang same sex marriage dahil
hindi sapat ang mga rason upang maipatupad ito. Kung maipapatupad ito ay papasok sa nabanggit na
pag aampon dahil wala silang pag-asang makabuo ng sarili nilang anak. Kung sila man ay makapag
ampon ay maaari ring magdulot ng hindi magandang epekto sa utak ng bata, dahil ang mga bata ay
kinakailangan ng nanay at ganoon na rin sa ama. Maaari rin siyang mabully dahil sa kasarian ng kanyang
magulang. Katulad na lamang ng kuwento sa MMK na pinamagatang “ Salamin” na kung saaan ang
magulang ng bata ay kabilang sa LGBTQ Community na kung saan namamanipula ang utak ng kanilang
anak na ang akala ng anak nila na ang pagigigng isang bakla o tomboy ay okay lamang dahil sa
impluwensiya ng kaniyang mga magulang sa kaniyang nakikita.Isa pa ay kung ang anak nila’y magiging
katulad nila ay hindi sila matutuwa at hindi nila matatanggap dahil alam nila ang pangkuktya ng ibang
tao sa mga bakla at tomboy.Hindi rin naglalayong maisabatas ang same sex marriage dahil ang Pilipinas
ay isang kristiyanong bansa. Ayon sa mga arsobispo ng Pilipinas ay labag ang same sex marriage sa
Natural,Canon,Human at Divine Law.

Tutol man ang simbahan ay patuloy paring isinusulong ng LGBTQ Community ang karapatan
nilang maikasal sa kanilang special someone na “unexpectedly” minahal nila kahit kapareho ng kanilang
kasarian. Pero bukod sa isyu na labag ito sa moral ng lipunan at simbahan,mukhang mas dapat isaalang
alang ng mga LGBTQ Community ang kanilang kalusugan mula sa negatibong epekto ng same-sex
marriage. Ayon sa mga eksperto, ang mga taong nakikipagrelasyon sa kaparehong kasarian ay mas
Malaki ang bantang humina ang katawan at resistensiya dulot ng iba’t ibang karamdaman tulad ng sakit
sa baga at puso na possible ring humantong sa kamatayan kumpara sa mga mag-asawang babae at
lalaki. Batay sa pananaliksik, ang mga lalaking may relasyon sa kapwa nila lalaki ay 61% mas mababa ag
tibay ng kalusgan habang ang babaeng may karelasyon na babae ay 46% na mas mababa ang kanilang
kalusugan kumpara sa babaeng ang asawa ay lalaki. Pagbibigay-linaw ng mga dalubhasa hindi ito
tahasang panghihimasok sa sexual orientation o preference ng mga LGBT Community sa halip, isa
lamang itong solusyon upang mailayo sa panganib ang kanilang kalusugan at buhay. Ang pagpapakasal
ng lalaki sa babae ay higit na makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng mga talamak na
karamdamang nauuwi sa kamatayan. Bukod sa HIV/AIDS na maaring makuhang sakit,maraming mga iba
pang impeksiyon na maaring makua sa pkikipagtalik na maaring maging sanhi ng iba’t ibang
kumplikasyon. Ayon kay Dr. Gilbert yang, ang genital warts, gonorrhea at syphilis ang tatlo sa
pinakakaraniwang mga sexually transmitted infections (STis) nakukuha ng mga tao.Madalas hindi kaagad
lumalabas ang sintomas ng mga ito. Ang genital warts ay mga kulugo o butlig na tumutubo malapit sa ari
ng babae at lalaki na kkung san kung hindi kaagad maaagapan ay maaring magng sanhi ito ng cervical
cancer sa mga babae dahil pareho an virus na nagiging sanhi ng genital warts at cervical cancer. Ang
Gonorrhea naman, o mas kilala sa tawag na “tulo” ay maaring maging sanhi ng pagkabaog sa mga
babae.Maaari ring maging sanhi ng Chlamydia ang gonorrhea sa mga babae na kung saan madalas wala
itong sintomas sa mga babae. At ang panghuli ay Syphilisis na sugat malapit sa ari na kung hindi
madetect o hindi maagapan ay maaaring apektuhan ang puso,t utak.

Hindi Pilipinas ang tamang bansa kung saan puwedeng ipatupad ang same sex marriage dahil ito
ay kristiyanong bansa at hindi pa handa ang mga puso’t isipan ng mga Pilipino sa usaping ito. Maaayos
lamang ang lahat kug ang bawat isa ay alam ang salitang RESPETO. Respeto sa Tradisyong kinagisnan at
pinaniniwalaan.

Mga sanggunian: Ipinasa nina:


www.philstar.com/pilipin-star-ngayon/bansa/2018/07/01
google
https.//sulatinparauilantang.wordpress.com Galutan,Aubrey Jones
https.//www.churchjesuschrist.org Bulayo,Marilen
https./brainly.ph/question/2061806 Reyes, Krizel Anne
https.//brainly.ph/question/1216233
https.//news.abs-cbn.com
https.//www.bulgaronline.com
https.//www.gotquestions.com

You might also like