You are on page 1of 1

Kagustuhan ng mga Mamimili Sa Pagbili sa pagitan ng Tradisyonal at Online

Na Merkado ng mga Napiling mga Mag-aaral ng Angono Private

High School Sa Senior High School Taong 2019-2020

Abstrak

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang malaman kung ano nga ba ang karaniwang
kagustuhan ng mga Senior High School na mag-aaral ng Angono Private High School pagdating sa
pagbili sa pagitan ng tradisyonal at online na paraan.

Sa panahon ngayon, marami ng paraan o mga pamilihan na maari nating gamitin o puntahan,
tulad na lamang nang pagbili sa Online na merkado, ito ay ang paggamit ng teknolohiya upang
makabili ng mga produkto. Pangalawang pamamaraan naman sa pagbili ay ang tradisyonal o ang
nakasanayan natin na pagbili sa pisikal na pamilihan at mas uso ito sa mga mamimili dahil nakikita
at nahahawakan ang mga produkto na nais bilhin ng isang mamimili.

Sarbey ang ginamit ng mga mananaliksik upang makakalap ng impormasyon sa mga napiling mag-
aaral ng Angono Private High School na mga Senior High School. Ayon sa resulta nang sarbey,
walang kinalaman ang kasarian sa kagustuhan ng mga mag-aaral pagdating sa pagpili kung saan
bibili, kung ito ba ay sa tradisyonal o sa online na merkado. Ngunit ang edad ay mayroong
kinalaman sa kagustuhan ng mga mag-aaral pagdating sa pagbili sa tradisyonal o online na
merkado.

Ang layunin ng papel na ito ay upang malaman kung ano nga ba ang mas ginagamit sa panahon
ngayon, tradisyonal o online na merkado.

You might also like