You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.

Nilalaman nito:

· Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral

· Saklaw at Delimitasyon

· Resulta at Konklusyon

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

· Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin,
hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

· Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

· Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak

· Dapat ito ay naka dobleng espasyo

· Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.

· Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.

· Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang

You might also like