You are on page 1of 1

4.3.

1 | Salok- Dunong
Ngayong nabasa mo na ang artikulo "  Kulay ng balat: Katutubong Pananaw ukol sa
kagandahan ng balat ng mga taga El Nido Palawan",  sagutin mo naman ang
katanungang ito:
 
1. Ano ang disenyo ng pag-aaral? 
Ang disenyo ng pag-aaral ay kwalitatibong disenyo. Ito ay gumamit ng
Indigenous Method o pang-katutubong pamamaraan ng panalalakisik sapagkat sa
paraang ito mas malinaw na maiihahayag ng mga kalahok ang nais nilang sabihin
tungkol sa kung kulay ng balat ay may kaugnayan sa perpektong kagandahan. Ang
mananaliksik ay gumamit ng pagtatanong-tanong, paninirahan, pagmamasidmasid at
pakikisama sa pagkuha ng datos.
2.  Sino ang mga kalahok? Paano pinili ang mga kalahok sa pag-aaral? Ano ang
kraytiryang ginamit sa pamimili?
Ang mga kalahok ay binubuo ng sampung katao – limang babae at limang lalaki
na may edad na 15-20. Gumamit ang mananaliksik ng purposive random sampling sa
pagpili ng mga kalahok . At ang mga kraytiryang ginamit sa paimili ay dapat 15-20
taong gulang dahil ayon sa sanggunian ng mananaliksik ay ang positibong pagtingin sa
body image ng mga nasa 15-20 taong gulang ay bumaba. Ang isa pang naging
kraytirya ang ang demograpikong impormasyon ng mga kalahok dahil kinakailangan sa
pananaliksik na iyon ang mga kalahok na hindi pa naiimpluwensyahan ng media ang
kanilang pananaw tungkol sa paksa.

3.  Ano ang instrumento sa pangangalap ng datos? Paano naman sinuri ang mga datos
na nakalap?
Gumamit ang mananaliksik ng pagmamasid-masid, upang makita kung pasok ba
sila sa krayteria na hinahanap ng mananaliksik para sa naturang pag-aaral. Gumamit
din ng pakikipag-kwentuhan dahil dito malalaman ng mananaliksik upang malaman ang
kanilang perspektibo sa kulay ng balat. Upang makakuha ng maganda at eksakto ang
sinasabi ng kalahok, gumamit ang mananaliksik ng rekorder upang marinig ng maayos
ang kanilang pakikipanayaman. Maaring gumamit ng mga larawan ang mananaliksik
upang malaman kung ano ang eksaktong maputi at maitim sa kanila at kung nakikita ba
nila ito bilang kaaya-aya o hindi.
 
Pagkatapos mo namang sagutin ito ay dumako ka sa LINK na ito para sa sarili mong
gawain.

You might also like