You are on page 1of 9

YUNIT III

Pagsulat ng Komposisyon

KOMPOSISYON
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng isip at damdamin ng tao.
Ang komposisyon ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ito rin ang
itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay
interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.Walang pag-
aalinlangang masasabi na ang pagsulat ay isang aktibong Gawain. Hindi ito basta-basta lamang
nangyayari, nasasangkot ng interns na partisipasyon at imersyon sa proseso.
Hal:
a. Natatanging karanasan
b. Pagbibigay-interpretasyon
c. Puna sa nabasang akda
d. Puna sa napanood

Uri ng Komposisyon

1.Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.


Hal. mga kasaysayan, mga balita
2.Argumentativ- Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan
opagpapaliwanagan.
Hal. mga editoryal
3.Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.
Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisment
4.Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay
Hal. mga akdang pampanitikan
5.Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar, pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
6.Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isangbagay.
Hal:Ang pagluluto ng kahit anong uri ng pagkain.
Ang mga imersyong pagsulat ay kadalasang:
Solitari at kolaboratib
Pisikal at Mental
Konsyus at sabkonsyus

MGA TEORYA SA PAGSULAT


1. W. Rose Winteroud
Ayon sa kaniya ang proseso sa pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng Gawain na
nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
2. Donald Muray
Ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang
manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan
sabawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano
niyaiyon maipapahayag ng episyente.“A good writer is wasteful”“The writer cannot build a good
strong piece of writing unless he has gathered anabundcance of fine raw material.”
3. Ben Lucian Burman
Feeling stuck? “I am a demon on the subject of revision. I revise, revise, revise until
every word is what Iwant.”
Ano ang Talata at komposiyon nito?
Ang komposisyon o katha ay binubuo ng mga talata. Ang talata naman ay binubuo ng
lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi palagay o paksang diwa.
Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang
pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan:
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposiyon. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksang
nais, talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipninapilwanag, isinasalaysay,
inilalarawan, o binibigyang-katwiran.
2. Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito ay may
tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo it nng mga sumusuportang
ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.
3. Talatang Paglilipat-diwa- Ito ay sinasama o kinukuha ang mga nasabi nang ideya sa mga
nauna.
4. Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito
nakasaad ang mahahalagang kaisipan na nabangit sa gitna talata. Minsan, ginagamit ito upang
bigyang linaw ang kabuuan ng komposisyon.
Samantala, may tinatawag namang mga Personal na Komposisyon
KOMPOSISYONG PERSONAL
Ang mga ito ay akdang personal, ito rin ay nakakatulong sa pang-arawaraw natin na
gawain lalo na sa pagalala ng mga makaraan na pangyayari, pagrereplek sa ating mga pinanood,
at pwede rin ito maging kabuhayan natin. Dyornal, Repleksyong Papel, at Blog ang mga
halimbawa rito.
A. Dyornal (Kahulugan at Kalikasan)
Isang talaan ng mga pansariling gawain, repleksyon, naiisip at nadarama.
DAYARI – pansarili at pribadong karanasan”
Ang pagtatago ng dyornal ay pangkaraniwan kaya’t ito ay tinatawag na pangkaraniwang
aklat. Itinatala dito ang mga di-malilimutang pangyayari sa buhay. Ito rin ay nagsisilbing isang
tahimik na kasama (repositoryo ng mga lihim at karanasan) at isang instrumento na ginagamit sa
pag-iisa upang usisain o kausapin ang sarili.
PARA SA MGA MANUNULAT:
Ibinabatay ang mga akdang sinusulat. (ang draft ng akda ay kadalasang isinusulat sa
dyornal upang di malimutan)
Ang Pagsulat ng Dyornal
Walang sinusunod na pisikal na kaanyuan. Hindi kailangan na may natapos na Digri.
Kahit saan at anong oras puwede. Hindi kailangang kronolohikal.
Walang sukat na dapat sundin. Walang kailangang istilo.
Sampung Dahilan ng Pagtatago ng Dyornal
1. Travelog
2. Mga Panaginip
3. Logbook
4. Isang aklat ng kaisipan
5. Kuwaderno sa pagpaplano
6. Batayan/ Paraan sa malikhaing gawain
7. Imbentaryong eklektik
8. Memoir
9. Tagatago ng koleksyon
10. Isang uri ng pakikipag-usap sa sarili.

Mga Ideyang Maitatala sa Dyornal


1. Pagtatala at paglalarawan ng kapaligiran na iyong nakikita.
2. Pagsulat ng mga kumbersasyon na maririnig habang naglalakbay
3. Pagbibigay reaksyon sa lugar na iyong nakita.
4. Pagsulat ng iyong mga karanasan at nararamdaman.
5. Kumuha ng mga salita sa aklat, dyaryo, magasin, liham, billboard.
6. Maaaring itala lamang ang mga salita.
7. Maaaring magtala sa dyornal ng mga pahayag, paglalarawan o mga tanong na
pumapasokn sa isipan.
8. Kung isang manunulat:- maaaring ilarawan mo ang iyong damdamin sa pagsisimula,
pagsasaayos, pagrerebays at pagsulat ng pinal na kopya.
9. Maaaring magtala ng mga entris sa dyornal nang patula.
10. Hindi kinakailangang maging kahanga-hanga ang tula.
11. Maaaring litanya lamang ang itala basta may taludtod at tugmaan
12. .Magsulat ng mga liham (ipadala man o hindi).
13. Tungkol sa mga nasa paligid (may buhay man o wala)
14. Mga taong importante sa iyo noong ikaw ay bata pa.
15. Mga alalahanin o problema, maging oersonal man o may kinalaman sa iyong opag-aaral
o trabaho.
16. Maaaring mamili sa mga naisulat mo na sa dyornal at ito ay irebays (bantas, gramar,
atbp.)
17. Maaaring bawasan o dagdagan.
18. Maaaring may tanggalin o palitan.
19. Gawin ang sa palagay mo ay makapagpapabuti ng iyong isinulat.
20. Magsulat tungkol sa tao o mga taong nakilala mo na may interes o hilig na katulad sa iyo.
21. Maging sensitibo sa panahon (weather).
22. Subukang isulat sa dyornal ang lagay ng panahon.
23. Ilarawan ang iyong mga namamasid sa kapaligiran at iyong nararamdaman
24. Maglarawan ng mga bagay mula sa iyong kinalalagyan o kinauupuan.
25. Kahit nasa isang lugar lamang sapagkat ang isinusulat ay nakadepende sa moodi ng taong
sumusulat.
26. Gumawa ng listahan ng mga pahayag na may patlang at maaaring magsimula sa
pamamagitan ng pagsusuplay ng mga salita sa bawat patlang.
27. Gamitin mo ang alpabeto (akrostik)
28. Magsuri ng mga aklat na iyong nabasa.
29. Magpunta sa aklatan at tignan ang kard katalog.
30. Maglista sa dyornal ng mga aklat na gusto mong basahin kapag nagkapanahon ka.
31. Magsulat tungkol sa inyong klase: mga kaklase, guro sa klase at mga gawain sa klase.
32. Makinig ng radyo nang ilang minuto. Isulat sa dyornal ang iyong narinig.
33. Mag-imbento ng mga karakter. Ilarawan ang kanilang anyo at kilos.
34. Mag-imbento ng isang imadyinaring empleyado na ang trabaho ay magsulat ng isang
dyornal. Hayaan mo siyang magsulat para sa iyo.
Repleksyong Papel
Ang repleksyong papel ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o
karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay
sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring
kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na
tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong papel ay naglalayong bigyang-
katwiran, ipaliwanag, o SUriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang
maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante,
Golla, Honor-Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang tahas na katangian ng
karaniwang papel ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang pagsasalaysay ng
subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at
kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.
Naaalala mo pa ba ang mga pangyayari sa iyong buhay nang ikaw ay 10 taong gulang?
Itala ang tatlong mahahalagang karanasan na hindi mo malilimutan. Ipaliwanag kung bakit hindi
mo rnalilimutan ang mga ito at ano ang nagawa ng mga ito sa iyong sarili.
Ang replektibong papel ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon
sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng
manunulat para sa mambabasa. Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng
bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito ay sa
kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat, at
katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.
Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng replektibong papel o ang
mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat at indibidwal, may mga pagkakataong nais
mo na lamang itago sa iyong kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin
ang mga ito sa iyong panulat (University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging
obhetibo sa pagsasalaysay. Sa kabila ng lahat, ang mga manunulat naman ay narito upang
tumulong sa pagpapahusay at pagpapabuti ng sangkatauhan.
Mga Bahagi ng Repleksyong Papel
1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring
ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang-
panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang maigting na damdamin
sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng
salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay
ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong papel, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.
Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o
isyu at mga pananaw niya rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang
naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.
Basahin ang isang halimbawa ng repleksyong Papel.

Finish Line
Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino. May titser
na sina Aling Auring at Mang Primo.
Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong
ko ang bagyong signal kuwatro.
Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na nagsikap
makapasa sa entrance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako sa
kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon,
babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka-GMA
telebabad).
Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga propesor
para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong hinabol.
Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila noon.
Humahabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko
ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati guwardiya
ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi sa
pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan—ang diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa
Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng
mga mambobolang Filipino major.
“Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang mahalaga
matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako ay inyong guro
pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga pagkakataong ako ang inyong
mag-aaral. Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit
ko sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”
Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksiyon?
Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?

Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:


Pag-uugnay sa sariling karanasan:
Pagsasabuhay sa natuklasan saiyong sarili.
Araw-araw ay nakakikita tayo ng mga sitwasyong minsan ay ikinagugulat natin. Nagtataka man
ay mapag-iisip ka na lang kung bakit kaya nangyari o nangyayari ang ganito.

Blog
Ano ba ang Blog?
Ito ay galing sa dalawang salita web at blog. Ang blog ay may dalawang depinisyon.
• Blogger – tawag sa tao o grupong nangangalaga, nagpapatakbo, at nagsimula ng isang
blog.
• Blogosphere – ang tawag sa komunidad o mundo ng mga blogger.
• Una, ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na may tema at naglalaman
ng mga salita o teksto, litrato, video, link, o kung ano man ang naisin ng blogger.
• Ikalawa, bilang isang pandiwa, ang blog o pagbablog ay tumutukoy sa aksiyon ng
paggawa o pagsusulat ng isang post na siyang ilalagay at magiging laman ng iyong blog
(pangngalan).
Paano magsimula ng blog?
Kailangan mong magbukas ng account sa isang web site gaya ng google blogspot.com o
kaya sa www.wordpress.com liban dito meron pang iba na libreng nagbibigay ng serbisyo sa
blogging at doon may mga guide kung paano ka magsisimula at paglalathala, maari ka nang
magsulat ng blog o salaysay ayon sa paksa na gusto mo.
Mahirap bang magsulat ng blog?
Hindi mahirap ang mag blog lalo na kung gagamitin mo ang iyong sariling wika, marami
namang puwedeng maging paksa. ang blog ay parang presentasyon na may nais ipahatid sa mga
nagbabasa, ang may akda ang nagsasalita at ang mga bumabasa ang nakikinig, dapat ay malinaw
at naipapakita ang sinasabi ng may akda o blogger, dapat ito ay makakapagbigay ng mahalagang
impormasyon at ideya sa mga bumabasa, mga bagay na magdadagdag sa kanilang kaalaman,
magpapaalala sa mga nalalaman na nila, puwede ka ring mag patawa kung kinakailangan para
hindi mawalan ng gana ang bumabasa.
Anu-ano ang maari mong isulat sa blog?
Marami mong isulat ang iyong karanasan sa buhay na mapupulutan ng aral, mga
problema na nabigyan ng sulusyon, Istorya ng Paglalakbay kung saan magbibigay ng idiya kung
saan maganda magbakasyon, may guide kung paano pumunta, saan kakain ng masarap, magkano
ang pamasahe at iba pa na nagbibigay ng impormasyon, mga pangyayari gayd ng pinanggalingan
mong kasayahan, sa blog ay puwede ka ding mag-iwan ng mga katanungan na maaring sasagutin
ng mga makakabasa nito sa pamamagitan ng komento, mga magaganap sa hinaharap na
maaaring daluhan o puntahan ng makakabasa at marami pang iba ayon sa nais mong isulat.
Kung nais mong matutung magsulat isa ito sa paraan para masanay ka, nakakaingganyo
ang pag blo- blog, pampalipas oras matututo ka pa, at sa huli puwede mo ring gamitin para
kumita ng pera.
Mga Uri ng Blog:
• Fashion Blog – Ito ang pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay
naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o pananamit.
• Personal Blog – Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano puwede. Ang mga blogger
na gumagamit ng ganitong uri ng blog ay maaari lamang nilang gustong magbahagi ng kanilang
buhay.
• News Blog – Nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Maari na ring isama
rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports, at teknolohiya.
Humor Blog – Naglalayon ang blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga
mambabasa. Pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa mga humor blogger dito sa
Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa katotohanan
gamit ang kanilang alam na paraan.
• Photo Blog – Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang tumblr. Hindi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa rin ang
Tumblr dahil bukod sa mga litrato ito rin ay naglalaman ng mga mensahe.
• Food Blog – Ang pangunahin at maaaring layunin ng blog na ito ay magbabahagi ng mga
resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain.
Vlog – Ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa
blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o kung anumang
personal na gawain.
• Educational Blog – Nakakatulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan ang mga
mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan.

You might also like