You are on page 1of 2

Division of Pasig City

Sta. Lucia Senior High School

Rosario Vill., Brgy. Sta. Lucia Pasig City

TEACHER: Mrs. Helen Grace O. Gutierrez

TOPIC: Ang Mailap na Katotohanan

NAME: Bengan, Hanna B.

SECTION: ABM-Laurel

Introduction
Ang Mailap na Katotohanan
Sa paghahanap sa katotohanan, kailangang maging malay sa dalawang panig na
nagsasalubungan at kung minsan ay nagbabanggaan: ang nagsasalita at ang kausap.
May nakikita ang nagsasalita sa sarili niya; may nakikita rin naman ang kausap sa
kanyang sarili. Kailangang maging alisto sa meron ang dalawa-sa meron ng karanasan, sa meron ng
kausap ko, sa meron ng sarili.
Ilan sa mga argumentong ginagamit ng mga tao upang patotohanan at/o ipasa bilang totoo ang
isang opinyon ang mga sumusunod. Tingnang maigi at subukang maghanap sa sariling mga karanasan
ng mga pagkakataong ginagamit ang mga ito.
Argumentum ab auctoritate
(Isip Alam ko 'to)
May tukso na tingnan ang sariling nakikita bilang absolutong pagpapamalas ng meron. Hindi na
makikinig sa kausap dahil ang sa sarili lamang ang wasto at tama. Palibhasa'y kinikilala ang sarili bilang
eksperto sa paksa, inaakala niyang hindi siya magkakamali sa paghusga sa isang bagay. Wala
nang maidaragdag ang kausap. Tinitingnan ang sa kausap nang may taas-kilay na pagdududa at/o
malisya.
Argumentum ad verucundiam
(Isip Sinabi Ni)
Tinatanggap bilang totoo ang isang bagay at itinitiklop ang sariling naranasan sa meron dahil
sinabi ng isang pamosong tao na tama at totoo ang bagay na isinusuri. Hindi mali ang makinig sa eksperto
tungkol sa isang paksa. Siguraduhin lamang na ang magsuri, at husay sa pagpapaliwanag sa paksang
kanyang pinagkadalubhasaan. Hindi dahil ang isa ay eksperto sa teolohiya ay agad na siyang
mapagtitiwalaan sa mga usapin ukol sa kalakalang pandaigdig. Madalas nakikita ang mga ganitong hindi
angkop na pagpapatotoo sa mga patalastas kung saan sinasabi ng isang artista o atleta na mahusay ang
produkto kahit wala naman sa kanyang poder na magbigay ng ekspertong opinyon ukol sa produkto at sa
mga dulot nito.
Argumentum ad hominem
(Isip Sino Ka Ba)
Kabaligtaran naman ng pangalawa ang argumentong ito. Hindi na tinatanggap bilang totoo ang
sinasabi ng isang tao dahil mababa ang pagtingin sa kanya. Inaaglahi ang pagkatao ng kausap upang ilihis
ang usapan at hindi na mapatotohanan ang isang pahayag. Hindi ba't kung minsan kapag
nagkakapikunan sa isang diskusyon, sa halip na maging mas matalas pa sa pakikipagtalo, bubulyawan na
lang ang kausap ng, "Pangit ka!?" Tila ba na hindi na dapat pagkatiwalaan pa ang kausap sa kanyang
sinasabi dahil pangit siya. Walang kinalaman ang kanyang hitsura sa paksang pinagtatalunan.
Argumentum ad misericordiam
(Isip Biktima Ako)
May iba naman na hinahaluan ng makabagbag-damdaming drama ang pagpapahayag
upang makuha nag pagsang-ayon ng iba. Sa halip na magbigay ng mga patunay upang mapagtibay
ang pahayag, kinukuwento ang kalunus-lunos na kasaysayan ng buhay upang kaawaan at
pagbigyan. Maririnig natin sa mga balita kung paano ginagamit ng mga magnanakaw ang pinagdaraanang
hirap upang makalusot sa ginawang mali laban sa pag-aari at tiwala ng kapwa.
Argumentum ad populum
(Isip Gaya-gaya)
Isa sa pinakamabisang paraan upang kunin ang pagsang-ayon ng kausap ay sa pamamagitan
ng pagbabalangkas sa pahayag bilang tanggap na ng marami. Dahil ito ang uso o ang ginagamit o
ang pinaniniwalaan ng marami, dapat maging ganito na rin ang iyong paniniwala. Hindi na kinakailangan
pa ng patunay at/o paliwanag upang patotohanan o pasubalian ang isang opinyon dahil nga sinasang-
ayunan na ito ng marami. Ang tanong na kailangang sagutin ng mga gumagamit ng ganitong argumento
ay: ilan ang sinasabing marami? Ang marami ba ay lahat? Ang walo ba ay marami na?
Argumentum ad baculum
(Isip Ako ang Batas)
Kapag hindi makuha sa santong dasalan, kukunin sa santong paspasan na madalas ay sa
pamamagitan ng pananakot, pamimilit, at/o dahas upang makuha ang pagsang-ayon ng kausap.
Dahil sa mga pansala (filters) na ito, lumalabo nang lumalabo ang pagtingin sa meron. Sa halip na
ang meron ang pagtuunan ng pansin, ang tao at ang kanyang mga naisin ang tinitingnan. Tinitingnan na
lamang kung sino at ilan ang kasama sa isang paninindiga; pumapailalim na lamang sa takot o
tumutuntong na lamang sa titulo upang ipilit ang opinyon.
Hindi masama ang opinyon. Napapalawak ang ating abot-tanaw ng iba-ibang mga
opinyon. Hanggang nakakagat sa meron ang opinyon, mapagbabahaginan ito bilang katotohanan.
Nagiging mali lamang ito kung ang opinyon na ang nagging basehan ng meron sa halip na ituro tayo
ng mga ito at mabuhay sa meron.

You might also like