You are on page 1of 3

Posisyong Papel

Ayon kay Frederick Cezar (2017) Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro
hingil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may akda o ng may entidad, gaya ng isang
partidong political.

Sanggunian: https://prezi.com/97nklvqjhivb/posisyong-papel/

Posisyong Papel ni Angelica

Bullying

Bullying ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming bata ang ayaw ng pumasok. Dahil sa mga
pangungutya ng kanyang mga kaklase ay nawawalan na ito ng ganang pumasok sa araw-araw. Ito
rin ang tawag sa hindi magandang asal ng isang tao. Paninirang puri, mananakit, pagiging siga,
ilan lamang ito sa mga halimbawa ng bullying. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga kabataan
lalo na sa loob ng paaralan. May mga batang iniisip na magiging sikat sila kapag sila ay nambully
ngunit hindi nila alam na wala namang magandang maidudulot ito sa kanila, maaaring
kapahamakan lamang ang maidulot nito kung ang masamang pag aasal na iyo ay pinagpatuloy.

Ayon kay Patriciaperol may tatlong uri ng bullying, sosyal na pambubulas, pisikal na pambubulas,
at pasalitang pambubulas na kung saan ang sosyal na pambubulas ay isang uri ng pambubully
kung saan sinisiraan nito ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng kanilang binibiktima. Ang
pisikal na pambubulas naman ay ang pisikal na pananakit at paninira ng kanyang pag-aari. At ang
huli naman ay ang pasalitang pambubulas ito ay kung saan pasalita ang ginagamit ng bullies. Ito
rin ay panlalait, pang-aasar, pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba pa.

Ang mga nakatatamo ng pambubully ay maaaring makaranas ng depresyon, pagbaba ng tingin sa


sarili, pagkawala ng gana sa lahat at kung minsan ay umaabot ito sa pagkitil ng kanilang buhay.
Sinabi sa abs-cbn news, ayon sa isang abogado, nakasaad sa Anti-Bullying Act of 2013 ang mga
tuntunin na dapat sundin ng tagapamahala ng mga paaaralan at maging ng mga magulang upang
maiwasan ang bullying sa eskuwelahan. Sinabi naman ni atty. Castor “Itong batas na ‘to, ang kino-
cover niya elementary at secondary, so definitely menor de edad ang pinag-uusapan natin…wala
silang sinasabi na criminal liability,” kung kaya’t hindi pasok sa edad ng may criminal liability
ang kadalasang mga sangkot sa bullying, at maaaring ang mga magulang ng mga ito ang
mananagot sa batas. Posibleng maharap ang mga magulang nila sa kaso at pagbayarin ng danyos
para sa perhuwisyo at pinsala na ginawa ng kanilang anak sa biktima.

Para sa aking pananaw ay napakalaking bagay ng batas na iyan sapagkat sa pamamagitan ng batas
na yan at patnubay ng kanilang mga magulang ay mas mapapabilis ang pagsolusyon at pag tigil ng
pag dami ng pambubully.
Posisyong Papel ni Nichole

Paninigarilyo

Sa panahon ngayon marami ng tao ang sumusubok ng iba’t ibang bagay, lalo na ang mga
kabataan. Katulad na lamang ng pag subok sa bisyo ng paninigarilyo. Lalong dumami ang bilang
ng mga taong naninigarilyo dahil nag tangkang sumubok ang mga kabataan hanggang sa hindi na
nila ito naitigil. Ang paninigarilyo ay walang pinipili, matanda man o bata, mayaman o mahirap,
babae o lalaki ay kinahuhumalingan ang paninigarilyo. Alam ng lahat ang masamang epekto nito
sa kalusugan at paligid ng isang tao, ngunit patuloy pa rin itong ginagawa. Isa itong suliranin na
hindi nabibigyan ng solusyon upang matigil.

Ayon kay Wilam Beralde 240 na Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na dulot ng
paninigarilyo. Ang usok nito ay mayroong higit sa 7,000 na kemikal at maraming potent irritants.
Maagang namamatay ang mga taong naninigarilyo at ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon
ng sakit na kanser ang isang tao. Nagdudulot din ito ng maliliit na pinsala sa mga ugat ng isang tao
na magdudulot na pagka putol ng kamay at paa. Sinabi naman ng World Health Organization
(WHO) “ Ang sigarilyo ay isang produktong may katalinuhang ginawa na nagbibigay ng tama
lamang na dami ng nikotina upang ang gumagamit nito ay mapanatiling sugapa habang buhay
bago patayin ang tao ” Kung kaya’t kailangan ng mahinto ang paninigarilyo ng bawat tao, dahil
wala itong magandang maidudulot sa ating katawan. Hindi lang mismo ang mga naninigarilyo ang
masisira ang kalusugan pati na rin ang mga taong hindi naninigarilyo ngunit nalalanghap ang usok
nito. Kahit na nag iingat ang mga taong naninigarilyo hindi pa rin maiwasan na maamoy ito ng
ibang tao lalo na ang mga bata.

Ayon kay Ernesto Reyes Ang paninigarilyo ay makakaapekto sa utak at pakiramdam ng isang tao.
Isa sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo ay ang nicotine, isang kemikal na may kakayahang
baguhin ang pakiramdam ng isang tao. Kaya nitong abutin ang iyong utak ng ilang Segundo
lamang. Ito ay nag papasigla ng central nervous system ng isang tao ngunit habang papawala na
ang epekto ng nicotine ay makakaramdam ka ng pagod at maghahanap ka ng marami nito kung
kaya’t maraming naaadik sa sigarilyo. Ang epekto naman ng paninigarilyo sa baga ay kapag
nakalanghap ka ng usok galing sa sigarilyo, ikaw ay nag papapasok ng sangkap sa baga mo na
maaaring makasira sa baga mo. At ang paninigarilyo ay nakakasira sa lahat ng bahagi ng
sistemang cardiovascular.

Kaya’t para mapigilan ang masamang epekto ng sigarilyo, ang Department of Health ay may
planong itaas ang presyo ng sigarilyo. Ang isang kaha ng sigarilyo ay gagawing 120 pesos isang
kaha na dati ay 80 pesos lamang. Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mga naninigarilyo
dahil sa pagtaas ng presyo. Hindi rin naman malulugi ang mga kumpanya ng tobacco dahil mas
mura pa rin ang sigarilyp kesa ibang bansa. Pero mas mainam at makakabuti sa lahat na tuluyan na
itong mawala sa lahat ng bansa. Dahil maraming napapahamak at nagkakaroon ng sakit dahil sa
paninigarilyo. Hindi kalian man ito makakabuti sa katawa ng isang tao at lalong lalo na sa mga
bata na hindi pa gaano kalakas ang katawan ay nakakalanghap nan g usok ng sigarilyo. Kaya’t
nararapat lamang na ito’y bigyan ng pansin at solusyon para sa kalusugan ng lahat ng tao.

You might also like