You are on page 1of 3

Oktubre ika-6 dalawang libo’t labing siyam ay napagpasyahan naming magpunta ng

Pangasinan upang magkaroon ng family bonding, kahit na hindi kami kumpletong


magpapamilya dahil anng ate ay nagkataong may pasok ng mga araw na iyon. Ang nanay at
tatay ay nagkaroon ng pagkakataon upang magkaroon ng time para sa isa’t-isa. Makita ko lang
yung mga magulang kong masaya at nag-eenjoy sa lahat ng mga bagay na ginagawa nila para
bang gumagaan yung problemang kinakaharap ko. Para lang silang kabataang magkasintahan na
sobrang mahal na mahal ang isa’t isa at ayaw mapaghiwalay sa dalawa. Masarap makita ang ga
mahal mo sa buhay na sobrang masaya at walang oras na sinasayang upang ienjoy ang bawat
Segundo ng buhay nila ay parang nadadala ka na rin sa alapaap ng kasiyahan at pagmamahal.
Nagpunta kami sa isang magandang lugar na ang kasama ko’y ang mahahalagang tao sa buhay
ko. Mahirap makahanap ng ganitong pagkakataon dahil minsan lang ito mangyari sa buhay ng
isang tao tulad ng pagkakataong nangyari nung mga panahong iyon. Ang mga ganoong
pangyayari ay hindi dapat kinakalimutan agad-agad dahil iyon ay napakasarap ireminisce dahil
pambihira nga lang ang mga pagkakataong katulad ng ganun. Siguro kaya sobrang naghahanap
ako ng sobrang pagkalinga dahil nanggaling ako sa pagmamahalang wagas na walang sino at ano
man ang makapaghihiwalay. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng magulang na sobrang
mahal na mahal ang isa’t isa at mahal na mahal kami ni ate. Tayug Sunflower Eco-Park ay
nagging saksi ng pagmamahalang walang ano man ang tutumbas kahit na kalkulahin man ang
lahat ng numero sa mundo. May pagdadalawang isip pa nga kami dahil sobrang layo pala ng
pupuntahan naming pero sobrang “worth it” dahil napunta kami sa isang lugar na tahimik at
punong-puno ng bulaklak na lalong nagpapaganda sa lugar. Hindi man panahon ng pag-usbong
ng sunflower ngayong buwan ng oktubre ay makikita mo parin naman ang mala paraisong ganda
ng lugar. Iyon nga nandoon na kami sa lugar na hindi naming inaasahang puntahan dahil ang
dapat lang naman naming puntahan ay sa Manaoag Church upang ipabless ang bagong biling
sasakyan ng tito ko. Kaya nandito nalang naman na kami ay hindi na naming sinayang ang oras
at agad-agad naming kinuhanan ng litrato ang bawat mahahalagang pangyayari at magagandang
spot sa sunflower park dahil bawat kuha ng litrato ay nagsisilbing alaala ng bawat isa sa
napuntahang lugar o kaya naman alaala ng magagandang nangyari sa buhay natin. Kaya
napakahalagang kuhanan natin ng litrato ang bawat pangyayari sa buhay natin dahil ito ang
magsisilbing alaala sa mga pagkakataon masaya man o malungkot tayo. Dito natin maaalala ang
mga bagay masakit o kaya naman ay nag-eenjoy lang.
Ang Aking
Paglalakbay

Kimberly V. Fronda
12-St. John the Evangelist

You might also like