You are on page 1of 5

Filipino sa Piling Larang (Akademik)

NAME: ____________________________________________ DATE: _________________________


SECTION/STRAND: _________________________________ SCORE: ________________________

Aralin 5 – Katitikan ng Pulong


Bahagi na ng kahit na anong propesyon ang pagkakaroon ng organisasyon. Ang bawat organisayon
ay may pangangailangan na magkaroon ng pulong ito ay upang mapag-usapan ang mga mahahalagang
bagay o pangyayari. Sa sinumang bahagi ng isang organisasyon o kompanya, ang pag-upo sa pulong ay
bahagi ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa pakikisangkot sa iba’t ibang
mga usapin ng mga katrabaho at ng misong organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano
sasalaain ang lahat ng mga pinag-usapan sa isang maikli at malinaw na paraan.
Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad ng gumagawa ng
katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat ang muling pag-uulat ng esensya ng
anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa
pamamagitan ng isang mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa
pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong dokumento sa mga hindi nakadalo.

GAWAIN BILANG 1
Sa abot ng iyong makakaya, tugunan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit mahalaga ang pagpupulong o pag-uusap-usap ng bawat grupo o organisasyon?
2. Sa iyong palagay, paano kaya malalaman ang pinag-usapan sa pulong ng mga miyembrong hindi
nakarating sa pulong?
3. Kailangan pa bang malaman ng lahat ng miyembro ng organisasyon ang napag-usapan sa pulong? Bakit?

GAWAIN BILANG 2
Suriin ang halimbawa ng katitikan ng Pulong sa ibaba, matutukoy mo ba kung ano-ano ang mga bahagi
nito? Ipaliwanag ang bawat isa.

Saint Bernard Catholic School


Senior High School Department
0212 F. Silbano St. Brgy. Pinagpala Binangonan, Rizal

Buwanang Pagpupulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Nobyembre 7, 2020
Library, Saint Bernard Catholic High School

Bilang ng mga Dumalo: 9/11


Mga Dumalo: Romulo Enriquez, Alexandra Timbol, Kate Gomez, Richard Lumpao, Gloria Mendoze, April
June, Joel Arena, Goerge Hill at Hilario Macario
Mga Liban: Julia Bontoc at Lailani Katwil

I. Call to Order
Sa ganap na 10:00 n.u. ay pinasimulan ni G. Enriquez ang pulong sa pamamagitan ng pagbibigay
ng isang salawikain.

II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Binibining Luwalhati B. Gamboa.

III. Pananalita ng Pagtanggap


Ang bawat dumalo sa pagpupulong ay malugod na tinanggap ni G. Romulo G. Enriquez bilang
tagapanguna ng pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 4, 2020 ay binasa ni Gng.
Alexandra Timbol. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni Gng. Kate Gomez at ito ay
sinang-ayunan ni G. Richard Lumpao.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong.

TAONG
PAKSA TALAKAYAN AKSIYON
MAGSASAGAWA
Mga Problemang Tinalakay ni Gng. Magsasagawa ng G. Romulo G.
Inilatag ng mga Lorna Ulik ang mga pulong sa pagitan ng Enriquez.
Magulang hinaing ng mga GPTA Officers at ng
magulang Administrasyon upang
mabigyang solusyon
ang mga problema.
Income Generating Inilatag ng mga guro Napagkasunduan na Pamumunuan ni Bb.
Project para sa ang iba’t ibang Gawain pagbobotohan sa Luzviminda Efraim ang
pagpapatayo ng Audio na maaring susunod na gagawing botohan.
Visual Room pagkakitaan upang pagpupulong ang lahat
maging pondo para sa ng Gawain na
pagpapatayo ng AVR. naibigay.
Iba pang mga bagay Napag-usapan sa Mahigpit na Pamunuan ng
na tinalakay pulong ang mga ipapatupad ang Administrasyon
problema sa ilang guro pagbabawas sa
batay sa madalas na sweldo sa mga araw
pagliban, pagpasok ng na liban ang guro at
huli at ang ilan ay hindi ang pagbibigay ng
nagtuturo ng maayos memo sa mga gurong
sa klase. hindi tutupad ng
maayos sa kanilang
tungkulin.

VI. Pagtatapos ng Pulong


Nang wala ng anumang paksa na tatalakayin at napagkasunduan na ang mga dapat gawin sa
bawat adyenda, ang pulong ay tinapos sa ganap na 1:00 n.t.

VII. Iskedyul ng Susunod na Pulong


Nobyembre 27, 2020 sa Library ng Saint Bernard Catholic School, 9:00 nu.

Inihanda ni:

MEVPolicarpio
Maria Elizabeth V. Policarpio
Science Coordinator

GAWAIN BILANG 3
Pag-aralan ang aralin.

KATITIKAN NG PULONG (Minutes of the Meeting)


Ang katitikan ng pulong ay isang dokumentong nagtatala ng diskusyon at desisyon sa isang
pagpupulong. Ito ay nakabatay sa adyendang inihanda ng Tagapangulo ng lupon. Ito ay dapat na organisado
ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Ang katitikan ng pulong ay mahalaga sa isang organisasyon dahil nagsisilbi itong tala upang maging
batayan at sanggunian.

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong


1. Heading – pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang
petsa, lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Saint Bernard Catholic School
Senior High School Department
0212 F. Silbano St. Brgy. Pinagpala Binangonan, Rizal

Buwanang Pagpupulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Nobyembre 7, 2020
Library, Saint Bernard Catholic High School

2. Mga Kalahok o Dumalo – Nakalagay ang kabuuang bilang ng mga dumalo, pangalan ng lahat ng
dumalo maging ang mga liban.
Bilang ng mga Dumalo: 9/11
Mga Dumalo: Romulo Enriquez, Alexandra Timbol, Kate Gomez, Richard Lumpao, Gloria Mendoze, April
June, Joel Arena, Goerge Hill at Hilario Macario
Mga Liban: Julia Bontoc at Lailani Katwil
3. Action Items o Usaping Napagkasunduan – Mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay,
maging ang mga hindi natapos o nagawang proyekto.

I. Call to Order
Sa ganap na 10:00 n.u. ay pinasimulan ni G. Enriquez ang pulong sa pamamagitan ng pagbibigay
ng isang salawikain.

II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Binibining Luwalhati B. Gamboa.

III. Pananalita ng Pagtanggap


Ang bawat dumalo sa pagpupulong ay malugod na tinanggap ni G. Romulo G. Enriquez bilang
tagapanguna ng pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 4, 2020 ay binasa ni Gng.
Alexandra Timbol. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni Gng. Kate Gomez at ito ay
sinang-ayunan ni G. Richard Lumpao.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong.

TAONG
PAKSA TALAKAYAN AKSIYON
MAGSASAGAWA
Mga Problemang Tinalakay ni Gng. Magsasagawa ng G. Romulo G.
Inilatag ng mga Lorna Ulik ang mga pulong sa pagitan ng Enriquez.
Magulang hinaing ng mga GPTA Officers at ng
magulang Administrasyon upang
mabigyang solusyon
ang mga problema.
Income Generating
Inilatag ng mga guro Napagkasunduan na Pamumunuan ni Bb.
Project para sa
ang iba’t ibang Gawain pagbobotohan sa Luzviminda Efraim ang
pagpapatayo ng Audio
na maaring susunod na gagawing botohan.
Visual Room pagkakitaan upang pagpupulong ang lahat
maging pondo para sa ng Gawain na
pagpapatayo ng AVR. naibigay.
Iba pang mga bagay Napag-usapan sa Mahigpit na Pamunuan ng
na tinalakay pulong ang mga ipapatupad ang Administrasyon
problema sa ilang guro pagbabawas sa
batay sa madalas na sweldo sa mga araw
pagliban, pagpasok ng na liban ang guro at
huli at ang ilan ay hindi ang pagbibigay ng
nagtuturo ng maayos memo sa mga gurong
sa klase. hindi tutupad ng
maayos sa kanilang
tungkulin.

4. Pagtatapos – Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.

VI. Pagtatapos ng Pulong


Nang wala ng anumang paksa na tatalakayin at napagkasunduan na ang mga dapat gawin sa
bawat adyenda, ang pulong ay tinapos sa ganap na 1:00 n.t.

5. Iskedyul ng Susunod na Pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang
kasunod na pulong.
VII. Iskedyul ng Susunod na Pulong
Nobyembre 27, 2020 sa Library ng Saint Bernard Catholic School, 9:00 nu.

6. Lagda – Mahalagang sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha o gumawa ng katitikan ng
pulong, karaniwang kalihim ito, nakalagay din ditto kung kalian ito naisumite.

Inihanda ni:

MEVPolicarpio
Maria Elizabeth V. Policarpio
Science Coordinator

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


BAGO MAGSIMULA ANG
HABANG NAGPUPULONG PAGKATAPOS NG PULONG
PULONG
Ihanda ang sarili bilang tagatala. Itala ang aksiyon habang Basahin muli ang isinulat. Tignan
Gumawa ng template para nangyayari ang mga ito, hindi kung may mga tinalakay na hindi
mapadali ang pagsulat. pagkatapos. naisama.

Basahin ang ihinandang adyenda Magpokus sa pang-unawa sa Kapag may mga bagay o
upang madaling sundan ang pinag-uusapan at sa pagtala ng tinalakay na hindi naisama o hindi
daloy ng pulong. mga desisyon o rekomendasyon. naunawaan, tanungin agad ang
namamahala ng pulong o ang iba
pang dumalo.
Maaring gumamit ng lapis o Tandaan. Hindi kailangan isulat Nararapat na lagyan ng numero
bolpen, at papel, laptop o tape ang bawat salitang maririnig sa ang bawat linya at pahina ng
recorder. pulong. katitikan ng pulong upag madali
itong masuri sa mga susunod
pang pulong.
Mangalap na rin ng mga Balangkas lamang ang pulong
impormasyon tungkol sa mga ang ilalagay, hindi ang record ng
layunin ng pulong, sino na ang sasabihin ng bawat kalahok.
dumating, at iba pa.

GAWAIN BILANG 4
Punan ng tamang sagot ang bawat bahagi ng grapikong pantulog sa ibaba.

KATITIKAN NG PULONG

GABAY SA PAGSULAT MGA BAHAGI


PAGSUSULIT PARA SA IKAAPAT LINGGO
I. PANUTO: Basahin ang mga kasunod na pahayag at tukuyin ang salita o konseptong inilalarawan
ng bawat isa. Piliin ang titik ng tamang sagot. ( 2 Puntos bawat isa)
1. Dito sa bahaging ito nakalagay ang mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay, maging ang mga
hindi natapos o nagawang proyekto ng nagdaang pulong.
a. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
b. Action Items o Usaping Napagkasunduan
c. Heading
2. Ito ay isang napakahalagang dokumentong nagtatala ng diskusyon at desisyon sa isang pagpupulong.
a. Adyenda
b. Posisyong Papel
c. Katitikan ng Pulong
3. Siya ang madalas na nagsisilbing tagasulat ng katitikan ng pulong.
a. Presiding Officer
b. Kalihim
c. Ingat Yaman
4. Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pagpupulong.
a. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
b. Action Items o Usaping Napagkasunduan
c. Heading
5. May mga mahahalagang bahagi ang katitikan ng pulong ito ay ang :
a. Introduksiyon, Katawan, Konklusyon, Pagpapalawig, Kasunduan
b. Unahan , Gitna, Wakas, Lagda, Kalahok
c. Heading, Kalahok, Pagtatapos, Iskedyul ng Susunod na Pulong, Lagda

II. Basahin at unawain ang mga kasunod na pahayag at tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat isa.
Titik T ang isulat kung ito ay tama. Kung ito naman ay mali, isulat ang salita o grupo ng mga salita
na nakapagpamali dito.
_____ 1. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, mas mainam na ang presiding officer ang gumawa nito,
sapagkat siya ang higit na nakakaalam sa mga nangyayari sa pagpupulong.
_____ 2. Ang katitikan ng pulong ay mahalaga sa isang organisasyon dahil nagsisilbi itong tala upang
maging batayan at sanggunian.
_____ 3. Mas nararapat na isulat ng sabay ang adyenda at katitikan ng pulong.
_____ 4. Ang katitikan ng pulong ay dapat lagdaan ng kalihim o sino mang indibidwal na sumulat nito.

_____ 5. Habang nagpupulong, marapat na gumawa ng template para mapadali ang pagsulat. Basahin ang
inihandang adyenda upang madaling sundan ang daloy ng pulong.

You might also like