You are on page 1of 19

KABANATA I

ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NITO

Ang cyberbullying ay isang uri ng bullying na nagaganap sa mga

makabagong teknolohiya tulad ng cellphones, laptops, computers, at tablets. Ang

cyberbullying ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng palitan ng mensahe, text,

online application o maging sa social media, mga social forums at gaming

community na kung saan ang mga tao ay maaring sumali at magbahagi ng mga

bagay. (Maui, 2015)

Isa sa tatlong kabataan sa 30 mga bansa ang nagsabing nabiktima sila ng

online na pag-aapi, na may isa sa limang nag sasabing nilaktawan nila ang

paaralan dahil sa cyberbullying at karahasan, ayon sa isang bagong poll na

inilabas ngayon ng United Nations Children’s Emergency Fund, ang samahan ng

United Nations na nagtatrabaho para sa mga karaptan ng mga bata. (UNICEF)

Sa panahon ngayon kung saan kahit ng kabataan ay tila alam na ang lahat

ng bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na

pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis napagkatuto ng mga tao sa anumang bagay

sa kanyang paligid,laganapan ang isang di pangkaraniwang suliranin sa kagamitan

ng mga teknolohiya na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima

nito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na Cyberbullying. (Yambao, 2012)


Ang Cyberbullying o pagmamaton gamit ng teknolohiya ay kabilang sa

bullying. Ang itong pangyayari ay hindi karaniwang komunikasyon dahil maari

silang magbigay ng trauma sa mga na biktima nila o kundi magbibigay ito ng

panganib sa buhay ng isang indibidwal. Ito ay tinuring na kapag ginagamit ang

internet,teknolohiya selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga larawan na

paglalayang manakit o magpahiya ng kapwa. Ang ilan sa mga mananaliksik ay

ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan. Ang

kagawian sa cyberbullying ay hindi lamang limitado sa mga bata, habang ang mga

pag-uugali ay nakikilala sa parehong kahulugan sa mga matatanda, ang

pagkakaiba sa grupo ng edad ay minsang tinatawag bilang cyber-stalking o cyber-

harrasment, kapag sinasagawa sa kapwa matanda at minsa ding inaayon sa

kasarian. (Valcory, 2017)

Ang Cyberbullying ay naging malubhang problema para sa mga

estudyante at maaaring maging sanhi ng pangmatagalan sa mga biktima at

pananakot nito. Ito ay mahalagang ihinto at makakuha ng tulong sa mga tao na

kasangkot, ngunit maaaring maging mahirap na malaman kung paano ito

ihinto.Ang mga magulang at iba pang mga nag-aalaga at nagbabantay ay

maaaring magtrabaho kasama ang mga kabataan na labag dito upang maiwasan o

ihinto ang Cyberbullying. Dapat na ihinto ang Cyberbullying para sa mga

estudyante na gusto mag-aral at para na din sa kaayusan ng lahat.


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik nito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa

cyberbullying. Para maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot

ang mga sumusunod na mga katanungan:

1.) Ano ano ang demographic profayl batay sa kanilang:

A. Edad

B. Kasarian

C. Strand

2.) Ano ano ang magiging epekto nito sa mag-aaral na nakararanas ng

cyberbullying?

3.) Ano ang mga interbensyon nito sa kanilang pag-aaral?

KAHALAGAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing batayan kung ano ang maaaring

epekto ng Cyberbullying sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng Saint Joseph Institute

of Technology Basic Education Annex Campus.

Para sa magulang - upang makita ang pagbabago na mangyayari sa kanilang

anak. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsasarbey sa

mga mag-aaral.
Para sa mga mag-aaral - upang maging aktibo at wag magpapaapekto sa mga

nang-aapi.Kung hindi man sila hihinto ay agad itong isumbong sa iyong guro o sa

iyong magulang.

Para sa mga guro - dapat handa kayong makinig sa mga estudyante ninyo lalo na

sa isyung ito.Sapagkat malaki na tulong ito para sa mga mag-aaral na apektado ng

cyberbullying.

Para sa paaralan - dapat may aksyon na gagawin ang paaralan ukol sa

cyberbullying upang mabawasan ang mga naging apektado dito.Para din malaman

at matulungan ang mga mag-aaral sapagkat marami itong naging epekto sa pag-

aaral nila.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon,

istatibo at kongkretong datos ukol sa kakayahan ng cyberbullying na maging

isang paraan ng paglinang ng iba’t ibang larangan. Binibigyan nito ng higit na

pansin ang mga mag-aaral ng Saint Joseph Institute of Technology Basic

Education Annex Campus. Gagamitin namin ang mga impormasyon na nakalap

mula sa mga respondente. Ang magiging respondente ay ang mga Senior High

School na nasa ika-labing isang baitang, kung saan magkakaroon ng 100 na mag-

aaral ang pipiliin upang makakuha ng tamang impormasyon ukol sa


cyberbullying. Ang pamamaraan na maari naming gamitin ay ang Stratified

Sampling Method.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura at

pag-aaral na nakuha sa mga binasang aklat, tesis, disertasyon, at iba pang mga

babasahing may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Isinasagawa ang

paghahanay ng mga kaisipan at konsepto mula sa iba’t ibang manunulat at

mananaliksik upang mabigyang linaw ang isinagawang pag-aaral.

Mga Kaugnay sa Literatura

Ayon kay Taboy, 2013 sa artikulo ng Balita.net, (2014), isang bata ang

naiulat na namatay dahil sa pambu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon

umano ang siyam na taong gulang na bata matapos itong asarin ng 12 kamag-aral

niya at nauwi ito sa matinding pag-aaway laban sa 2 kamag-aral niya sa bakuran

ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur. Namaga umano ang braso ng

bata hanggang sa makaramdam ito ng labis na sakit kung kaya‟t dinala ito sa

pagamutan matapos ang tatlong araw at dito’y nasawi ang bata sa cardiac arrest.

Ang artikulo na ito ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik

dahil sa mga epekto na nagagawa ng cyberbullying sa isang indibidwal. Ang

artikulo na ito ay nagpapahayag o nagpapakita kung gaano ka delikado ang pag-


bubully sa isang estudyante. Kung kaya’t ang nakuha naming literatura na ito ay

makakatulong bilang isang mananaliksik.

Ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News Ngayon ni Ted

Failon”, talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon

dito, maraming dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao.

Maaaring nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan,at

kapansanan. Sa nasabing blog, maaaring nambubully ang isang tao dahil sa inggit,

galit o kaya’y impluwensya ng barkada sa kanya. Karaniwan na ngang laman ito

ng mga pahayagan at telebisyon. Ayon kay Ben Tulfo, ang bullying ay

pagpapakita ng pagiging dominante ng isang tao. Kung kaya’t dahil sa lumalalang

kaso ng bullying, nagpasyahan ng DepEd o Department of Education na tuligsain

na ang problemang ito na nakakapagdulot ng pinsala sa bawat kabataan.

Bilang mananliksik ang pahayag na ito ay may kaugnay sa aming pag-

aaral tungkol sa cyberbullying dahil pinpakita dito kung bakit naaapi ang isang

indibidwal. Maraming nakapaloob sa literatura na iyon kagaya nalang ng

nangaapi ang isang tao dahil may kahinaan ang inaapi o kaya na impluwensyahan

ng kanyang barkada. Pinapakita din dito na dapat may kamalayan ang mga

magulang nila tungkol sa kanilang anak.


Mga Kaugnay sa Pag-aaral

Ang National Crime Prevention Council ay nakapagtala ng mga serye ng

pang-aapi sa internet at ito ay tinawag nilang Cyber-bullying. Ayon sa kanila, ang

cyber-bullying ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng kompyuter,

cellphone, telepono o iba pang mga aparato na ginagamit upang makapadala ng

mga post, ng mga text o mga imahe na nakakapanakit ng kalooban ng ibang tao o

masira at mapahiya ang tao. Ang cyber-bullying ay maaaring maging simple

hangga’t patuloy na magpadala ng e-mail sa isang taong may sinabi na gusto

nilang walang karagdagan makipag-ugnayan sa nagpadala,ngunit maaari ding

isama ang pagbabanta, sekswal na pangungusap, nakakasira etiketa (ibig sabihin,

hate speech), pinagtutulungan ang mga biktima sa pamamagitan ng paggawa ng

mga ito ang paksa ng panlilibak sa forums, at pag-post ng huwad na pahayag

bilang katunayan na naglalayong sa kahihiyan. (NCPC, 2014)

Bilang isang mananaliksik ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa mga

mananaliksik dahil binibigyan ng kamalayan ng NCPC ang mga estudyante kung

bakit ihinto na ang pangaapi. Pinapakita din dito ang kanilang natipon na mga

datos sa kanilang pag-aaral. Kung kaya’y malaking tulong ito sa mga indibdwal

lalo na sa mga mananaliksik.


Noong 2008, nagkaroon na ng pag-aaral ang isang ahensya ukol sa

bullying sa ating bansa. Ayon sa Plan Philippines noong 2008, “ang bullying ay

isang karaniwang ‘behavior’ na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa

Pilipinas, ang bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga estudyante sa mga

pribado at pampublikong paaralan.”

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita kung gaano na ka lala ang

cyberbullying sa ating bansa. Pinahayag din dito na ang cyberbullying ay isa ng

behavior ng mga tao kung kaya’t marami ng naaapi. Mahalaga ito na pag-aaral

dahil pwede kaming kumuha dito ng mga impormasyon.

Sa pangkalahatan, ang mga nalikom na impormasyon ng mga

mananaliksik na nang galing sa mga artikulo at mga pahayag ay malaking tulong

at ambag tungo sa pag-aaral sa epekto tungo sa cyberbullying sa mga mag-aaral.

Dahil sa mga kaugnay na pag-aaral at mga literatura na nakalap ay nalalaman ng

mga mananaliksik ang mga epekto at mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng

cyberbullying lalo na sa mga pribado at sektaryang mga paaralan. Lalong

natutulongan ang mga mananaliksik tungo sa pag-aaral na ito.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan

sa mga epekto ng cyberbullying. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at

ang linggwistikang pagsusuri ng mga epekto ng cyberbullying.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng kwantiteytib at kwaliteytib

na disenyo na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom

ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito

para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa

maraming respondente. Ayun kay Valdez (2019) ay mas mapapabilis ang

pagkuha ng mga datos sa kwantiteytib o kwaliteytib na paraan sa pananaliksik.

Respondente

Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-

aaral sa ika-labing isa na baiting mula sa SJIT Annex Campus. Kukuha ang mga

mananaliksik ng isang daan (100) na mga respondente mula sa baiting ito. Ang

paraan sa pagkuha ng mga respondent ay ang Stratified Sampling Method. Ayun

kay Lavrakas (2008) mas mainam na gamitin ang Stratified Sampling Method sa
pag-aaral na ito sapagkat mas mapapabilis nito ang pagkuha ng mga respondente

para sa pananaliksik na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gagaamit ng talatanungan o survey questionnaire

bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-

aaral. Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik ay gagawin ng may

pag-iingat upang maging accurate o sakto ang mga datos na makakalap ng mga

mahalagang impormasyon na lubusang makatulong sa pag-aaral at mabigyan ng

tama o wastong kasagutan ang mga katanungan o problema na nais masagutan.

Tritment ng Datos

Sa bahaging ito, dito naisasalin ang mga datos na nanggagaling sa mga

respondente na maaaring makatulong sa pag-aaral tungkol sa epekto ng

cyberbullying. Ang istrahikal na mga opinion ng mga respondente ay ang

magiging kasagutan sa mga katanungan ukol sa pag-aaral na ito. Upang

magtuoonan ng pansin ang isyung ito ay magbibigay lamang ng sarbey

kwestiyoner sa mga napipiling respondente.

P= F/N x 100

Kung saan:
F= bilang ng sumagot

N= Kabuuang bilang ng kalahok o respondent

Sa ikalawang bahagi ng pagtatayang katanungan ay gagamitin ang weighted

Mean:

Wm= Weighted Mean

Wf= Weighted Frequency

N = Kabuuang bilang ng respendente


KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng

mga datos na nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang

pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan sa

unang kabanata.

Ayon sa unang tanong ng nasa Layunin ng Pag-aaral kung saan dito

malalaman ang Demographic Profile ng mga respondente ayon sa kanilang: Edad,

Kasarian at Strand,

Sa pangalawang talangguhit dito nakapresenta ang datos na nakalap mula

sa pagsasarbey galing sa persepsyon ng mga respondent ng mga mag-aaral ng

Senior High School ng Saint Joseph Institute of Technology, Annex Campus

tungkol sa epekto at interbensyon ng Cyberbullying batay sa kanilang Academic

Performance at Social.
Q no.1 A

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang edad


80
70
60
50
40
30
20
10
0
16 yrs old 17 yrs old 18 yrs old

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang edad

Talangguhit 1.

Nakalahad sa talangguhit na ito na mayroong 8 ng mga mag-aaral na

sumagot sa Sarbey Kwestiyoner ay nasa edad na 16, 72 naman ay nasa edad na 17

at sa panghuli, 20 naman ang nasa edad na 18.

Q no.1 B

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian


60
50
40
30
20
10
0
Babae Lalaki

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian


Talangguhit 2.

Ayon sa talangguhit na ito, dito pinapakita ang bilang ng mga respondente

ayon sa kanilang kasarian kung saan mayroong 50 na babae at 50 naman na lalaki.

Q no.1 C

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang Strand


35
30
25
20
15
10
5
0
Stem Humss Abm Gas

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang Strand

Talangguhit 3.

Sa talangguhit na ito ipinapakita na may 30 na mga mag-aaral ang nasa

strand na STEM, HUMSS at ABM na nakilahok sa pagsasarbey, habang may 10

na mag-aaral ang nasa strand na GAS.


Persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa Cyberbullying na nakabatay sa

Epekto sa Academic Performance

Ikalawang Bahagi

EPEKTO sa ACADEMIC MEAN DESKRIPSYON


PERFORMANCE

1.Palaging nawawalan ng 5.43 Maaring Sumasang-ayon


gana lalo na sa pag-aaral.

2.Pagbiglang pagbaba ng 2.88 Hindi sumasang-ayon


academic performance.

3.Pagkawala ng interes sa 2.93 Hindi sumasang-ayon


mga extracurricular
activities.

4.Laging tulala sa klase o 3.02 Neutral


lutang.

5.Pagkawala ng self-esteem 3.08 Neutral


sa pagbahagi ng opinion sa
klase.

General Weighted Mean 3.47 Neutral

Talahanayan 3.1

Lumalabas sa resulta na may 5.43 weighted mean ang maaring sumasang ayon

ukol sa pag-aaral ng Epekto ng Cybullying sa Academic Performances,na


palaging nawawalan na ng gana lalo na sa pag-aaral ang mga studyante marahil

na rin dahil sa pagbubully ng mga kamag-aral ay hindi na siya makapokus sa

kanyang pag-aaral napapaisip nalang ito na mag laro ng kompyuter games kung

saan nagiging tulay ito upang mawalan na din siya ng ganang lumahok sa mga

aktibidad sa paaralan, ang rason na ito ay nakakuha ng pinakamataas na weighted

mean. Ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News Ngayon ni Ted

Failon”, maaaring nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na

kaanyuan,at kapansanan. Sa nasabing blog, maaaring nambubully ang isang tao

dahil sa inggit, galit o kaya’y impluwensya ng barkada sa kanya. Kaya na rin

nangbubully ang isang tao ay nangalinga lang ito nang atensyon ng tao dahil hindi

binigyang atensyon ng kanyang magulang kayat ibinibaling nalang sa iba ang

atensyon na wala sila.

Persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa Cyberbullying na nakabatay sa

Epekto sa Academic Performance


EPEKTO SA SOCIAL MEAN DESKRIPTIB

1.Hindi na makikinig sa 2.57 Hindi sumasang-ayon


magulang.

2.Unti-unting mawawalan ng 2.79 Hindi sumasang-ayon


mga barkada.

3.Hindi na makikipag-usap sa 2.87 Hindi sumasang-ayon


kaklase.

4.Makakaramdam ng Trauma 3.01 Neutral


lalo na sa mga tao.

5.Naghahamon ng away sa 2.70 Hindi sumasang-ayon


kaklase.

General Weighted Mean 2.79 Hindi sumasang-ayon

Talahanayan 3.2

Ayon sa talahayan 3.2 mayroong 3.01 weighted mean kung saan neutral,

katamtaman na sumang-ayon o hindi sumang-ayon ang mga respodente ukol sa

Epekto ng Cybullying sa Social, na makakaramandam ng trauma na sa mga taong

nahahagilap niya araw-araw. Marahil batid ng mga mag-aaral na nagiging mas

mahiyain ang isang studyante pag nakakaranas ito nang pambubully. Ayon sa

Plan Philippines noong 2008, “ang bullying ay isang karaniwang ‘behavior’ na sa

mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang bullying ay nakaka-apekto na

sa maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan.” Ang

pag-aaral na ito ay nagpapakita kung gaano na ka lala ang cyberbullying sa ating


bansa nagdudulot ito ng pagkatakot sa mga bagay-bagay na nasasalamuha nila

araw-araw. Pinahayag din dito na ang cyberbullying ay isa ng behavior ng mga

tao kung kaya’t marami ng naaapi. Mahihunuha natin sa problemang ito na mas

mahihiya nang mag labas ng hinanakit, problema sa ibang tao ang isang biktime

kayat kinikimkim nalang ito dahilan upang magpakamatay ang mga studyanteng

nakakaranas nito.

You might also like