You are on page 1of 2

“Nararapat na Ipagbawal ang Paninigarilyo sa

Publiko”
Naniniwala ako sa binitawang kasabihan ni Chinkee Tan na
“Ang Bisyo na hindi magawang bitawan ang magdadala sa atin ng hindi
magandang kinabukasan”. Hindi lamang paninigarilyo ang mga bisyo dito sa
Pilipinas marami pang iba isa lamang sa pinaka madami ang paninigarilyo.
Bakit hindi parin tumitigil ang mga tao sa paninigarilyo kahit alam nilang
masama ito sakanilang kalusugan? Ano-ano nga ba ang mga maaaring maging
sanhi ng paninigarilyo sa kalusugan, kalikasan at kinabukasan? Bakit dumadami
ang mga kumokonsumo sa sigarilyo o mga naninigarilyo? At bakit mga
kabataan ang mas lamang sa mga matatandang manigarilyo?
Sa panahon nating ngayon mas nagiging mulat na ang mga tao sa
realidad dahil sa mga nakikita nila sa “internet” at sa paligid nila.
Nadadagdagan ang mga kaalam nila tungkol sa mga bagay bagay
mapamasamang bagay o mabuting bagay pa man yan. Isang halimbawa na roon
ay ang PANINIGARILYO, alam naman natin na masama para sa kalusugan ang
paninigarilyo ngunit hindi parin sila tumitigal sa paggamit nito. Nakakalungkot
lang isipin na kahit propesyonal na doktor ang nagbabala sa atin hindi parin
tumitigil o nababawasan ang naninigarilyo sa ating bansa. Kahit ang Pangulo na
ang nagsaway hindi parin sumunod ang mga tao hindi lamang sa Pilipinas kundi
sa iba’t ibang bansa rin. Kaya hindi parin natitigil o tumitigil ang isang tao sa
paninigarilyo dahil sa Adiksyon. Adiksyon ang tawag sa estado na kung saan ay
patuloy na hinahanap-hanap ng isipan ang isang bagay. Ang mga taong nasa
ganitong kalagayan ay nangangailangan ng sikolohikal at medikal na tulong
upang mapatigil sa pagbibisyong ito. Masama ang sigarilyo sa ating kalusugan
ayon kasi sa mga pag-aaral ay nagtataglay ito ng mga kemikal na
nakakapagdulot ng sakit na kanser at iba pa. At maaapektuhan din ang mga
taong nakakaamoy ng usok galing sa taong naninigarilyo kung tawagin ay
“Secondhand Smoker” madadamay sila sa mga sakit na dulot ng sigarilyo. Sa
kalikasan naman ay ang mga upos ng sigarilyo ay nagiging kalat sa anyong-
tubig at anyong-lupa at padagdag ng padagdag ang mga kalat nito at ang usok
ng sigarilyo ay nakakasama sa polusyon sa hangin masisira ang ating ozone
layer na nagpoprotekta sa atin sa matinding sikat ng araw. At masisira ang
kinabukasan ng mga kabataang nalulong dito sapagkat maaari silang
magkasakit at mawalan ng pokus sa pag-aaral samantala sa matatanda naman ay
mawawalan sila ng pokus sa pagtatrabaho at pamilya nila, dagdag konsumo sa
pera na dapat para sa mga anak nila at maaari din silang magkasakit.
Nadadagdagan ang mga taong nais manigarilyo dahil sa mga nakikita nila at
“curiosity” dahilan ng pagsubok nila hanggang sa magpatuloy na ito at libangan
daw ng iba. At sa mga kabataan naman dahil nga sa henerasyon na natin ngayon
maraming kabataan ang nagpapadala sa kung ano ang uso at
naiimpluwensiyahan sila ng kanilang mga kaibigan kaya maaaga silang
namumulat sa realidad.
At sa lahat lahat hindi nagkulang ang pamahalaan sa paalala. Mismong
nakalagay pa nga sa pakete ng sigarilyo ang paalalang “Cigarette Smoking is
Dangerous to your Health”. At may nakalagay na litrato ng mga maaaring
maging sanhi ng sakit sa pagamit ng sigarilyo. Sobrang dami rin ang maaari
nating kaadikan at gawing libangan gaya ng pagtatanim, pagtugtog ng
instrumento, pagtulong sa mga nangangailangan at pokus sa ating mga mahal sa
buhay. Kaysa pagtuunan natin ang paninigarilyo na maraming masamang dulot
sa atin at mundo. Isa lang ang ating buhay kaya pangalagaan natin ito at gamitin
ng maaayos.

SIPI:
https://medium.com/@cheanedv/tekstong-argumentatibo-9807ce5d6d38
https://bayangpilipinas.wordpress.com/2011/12/04/ang-paninigarilyo/
https://www.nhlbi.nih.gov/files/docs/resources/heart/filipino-health-manual/
session-10/tipsTagalog.pdf

You might also like