You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay

ni Christine Joie T. Fernandez

Sa larangan ng akademiko ay mayroong napakaraming uri ng sulatin. Halimbawa ng mga sulatin na ito
ay ang Panukalang Proyekto, Agenda, Bionote, Posisyong papel at iba pa. Sa asignaturang “Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larangan” ay matututuhan ng mga estudyante ang paggawa ng mga akademikong sulatin na
nabanggit. Sa subject na ito ay malalaman na hindi lamang basta-basta isinusulat ang mga sulatin na ito. Ngunit,
hindi lamang tungkol sa pagsulat ang matututunan sa asignaturang ito. Sa “Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan” o “FilLara” ay maari din tayo matuto ng mga pagpapahalaga, etika o mga values sa pagaaral ng
asignaturang ito. Sa “Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan” ay matututo ang mga estudyante na mag-manage
ng kanilang oras, na ang dedikasyon sa bawat bagay ay mahalaga at ang ‘teamwork’ o pakikipagtulungan sa
ibang tao ay parte na ng ating buhay.
Katulad ng nabanggit kanina, maraming uri ng sulatin ang ginagawa sa asignaturang ito. Minsan, mag
sasabay sabay ang pagpapagawa ng mga bagay sa mga estudyante sa bawat asignatura at hindi exception ditto
ang asignaturang “FilLara”. May mga pagkakataon na madaming sulatin ang pinapagawa at madami ding
ipinapagawa sa ibang asignatura kung kaya naman upang matapos ang lahat ng gawain ay dapat na matutunan
ng mga estudyante ang time-management sa asignaturang ito. Matututunan sa “FilLara” na dapat ay gawin agad
ang mga dapat na gawin upang matapos ang iba pang kailangan na ipasa. Sa asignaturang ito ay matututunan ng
mga estudyante na kung may ipapasa kinabukasan, dapat ay nasimulan na ito ilang araw na ang nakalilipas
upang ang kalidad ng sulatin ay hindi makompromiso. Dapat na matutunan ng mga estudyate na mag-set ng
schedule ng mga dapat gawin sa isang partikular na araw upang ma-manage nila ang kanilang oras.
Ang isang sulatin ay dapat na ginagawa ng may dedikasyon upang ito ay magresulta sa isang maganda o
malikhain na sulatin. Sa “FilLara” ay matututunan ng mga estudyante na hindi dapat minamadali ang isang
sulatin, sa halip ay dapat pinaglalaanan ito ng oras at puso upang maging maganda ang maging kalabasan nito.
Kapag may dedikasyon ang isang estudyante sa pagsulat, hindi niya ito ipapasa o gagawin ng basta-basta
lamang. Hindi susuko ang estudyante sa paggawa ng sulatin at hindi nito kukumpromisuhin ang kalidad ng
sulatin sapagkat alam nito na mahalaga na makagawa ng isang maganda o malikhain na sulatin sa asignaturang
“Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan”. Mahirap man na maghanap ng mga references, gumawa ng citations
o ang mismong pagsulat ng akademikong sulatin ay hindi susukuan ng estudyante ito dahil alam nito na
mahalaga na may dedikasyon sa paggawa ng isang sulatin upang maging maganda ang resulta nito. At ang
ppagapahalaga na ito ay matututunan sa asignaturang ito na madadala hanggang sa pagtanda ng mga estudyante
kahit na nag tatrabaho na sila.
Tulad nga ng sabi nila, walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang at matututunan natin ito sa
“FilLara”. May mga sulatin na kailangang gawin ng dalawahan o ng grupo at dahil ditto ay matututo tayo na
makisama sa iba sa pagagawa ng sulatin. Mag tutulungan ang mga estudyante sa paggawa nito. Matututo sila na
tumanggap ng ideya ng ibang tao at matututo na pagsamahin ang mga ideya nito upang makagawa ng mas
magandang sulatin.
Sa asignaturang to ay matuto ang mga estudyante ng mga pag papahalaga na dadalhin nila hanggang sa
sila ay mag katrabaho na siguradong makatutulong sa kanila pagdating ng panahon. Hindi lamang sa
akademikong paraan ngunit pati na rin sa values o etika na kinakailangan upang mabuhay sa mundong ito. Ang
asignaturang “Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan” ay tunay na makabubuti sa bawat estudyante at dapat na
matutunan ng susunod pang henerasyon.

You might also like