You are on page 1of 3

VIII.

Kahalagahan ng Pag-aaral (Austria)

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mgasumusunod:

Sa mga mag-aaral

Makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawakang kanilang mga

kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang

malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilangpag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral

na ito ay makakatulong ng malaki para saepektibong pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa

wastong pamamaraan sa pag-aaral.

Sa mga guro

Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilangestudyante nang sa gayon

ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral satamang pamamaraan ng kanilang pag-aaral.

Magiging isang malaking karangalan attagumpay sa isang guro na naging matagumpay ang

kanilang mga estudyante sahinaharap.

Sa mga magulang

Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, aymakakapag-isip-isip ng

mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak,kasabay ng paggabay tungo sa maayos

at magandang pamamaraan ng kanilang pag-aaral.

Sa mga administrasyon
Makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang

maari nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastong pag-aaral at mahikayat ang mga estudyante

na mag aral ng mabuti

Note : Pakibago kasi hindi tungkol sa thesis natin yung ginawa mo. Tama naman yung way

pero dapat siyempre tungkol sa salitang balbal ganun.

Eto guide mo :

Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na naglalayong makamit ang paggawa ng glosaryo ng mga balbal na

salita ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Estudyante. Ang mga mananaliksik ay lubos na naniniwala na ang pag-aaral na ito ay

mahalaga lalo’t higit sa kapakanan at ikabubuti ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng

konseptong papel na ito, magkakaroon ng mas malawak na pananaw ang mga estudyante hinggil

sa kaligiran, halimbawa at maging paggamit ng mga balbal na salita.

Propesyonal. Sa pananaw ng mga mananaliksik, ang konseptong papel na ito ay

makatutulong sa mga propesyonal na tao sa iba’t ibang larangan. Ang kaalaman tungkol sa

wikang impormal tulad ng balbal ay magiging behikulo upang mas magampanan nila ang nang

maayos ang kanilang tungkulin. Magkakaroon sila nang mas matibay na relasyon sa kanilang

kliente/pasyente kung mayroon silang kaunawaan tungkol sa salitang balbal.

Mamamayang Pilipino. Ang mga mananaliksik ay buo ang paninindigan na ang kanilang

konseptong papel ay kapaki-pakinabang sa bawat mamamayang Pilipino sa ating lipunan. Ang

kaalaman na maibibigay ng kanilang pag-aaral ay malaki ang gampanin sa pagpapayabong ng

pambansang wika, na bahagi ng pagka-Pilipino ng mga mamamayang Pilipino.


pambansang wika, na bahagi ng pagka-Pilipino ng mga mamamayang Pilipino.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod

pang mananaliksik sa hinaharap. Maaaring ang konseptong papel na ito ay magsilbing

pagkukuhanan o basehan ng kanilang mga ideolohiya sa kabuuan.

You might also like