You are on page 1of 12

EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALBAL SA ARAW-ARAW NA

PAMUMUHAY SA KAHUSAYAN SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG


SULATIN NG MGA MAG-AARAL IKA-11 NA BAITANG SA
HOLY ROSARY COLLEGE

Austria, Juan Miguel Z.


Beldad, Gabriel S.
Fernandez, Christine Joie T.
Gadbilao, Nathaniel O.
Habulan, Dannah Lyn
Orpilla, Cyrus Angelo C.
KABANATA 1

I. Panimula

Sa pag-usad ng panahon, ang wikang gingamit natin ay nagbabago kasabay ng pag-unlad

nating mga Pilipino. Ito ay sa kadahilanan na ang wika ay ang ginagamit natin sa

pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan sa isa’t isa kung kaya naman sa paglipas ng

panahon ay nagbago ito. Pinapaiksi natin ang ibang salita o hindi naman kaya ay nagiimbento

tayo ng mga terminolohiya upang mapadali ang pakikipagusap sa kapwa natin. Dahil dito,

umusbong ang pinakamababang antas ng wika, ang salitang balbal.

Ang salitang balbal o balbal ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika

ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ito ang mga salitang nabuo sa impormal na paraan

(Kazuhiro et. Al., 2009). Ito ay nagsisilbing “parangal sa mga dalubhasang Pilipino na may

abilidad na gawin na Masaya at libangan ang wika”. Ito ay sa kadahilanang nagmula ang salitang

balbal sa iba’t ibang pangkat ng masa - estudyante, drayber ng jeep, artista, empleyado at ang

LGBT community. Ngnunit ang salitang balbal ay may kakayahang na sirain ang identidad ng

ating pambansang wika na siyang ginagamit sa propesyonal na aspeto at maging sa akademikong

sulatin. (Quia, et. Al., 2018)

Ang akademikong sulatin o akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga

tanong na kinagigilawan ng akademikong komunidad. (Gocsik, 2004) Ang akademikong

pagsulat ay nangangailangan din ng mataas na antas ng wika kung kaya naman magiging

problema para sa mga mag-aaral ang pagsusulat nito sapagkat salitang balbal o mababang antas
ng wika ang kanilang gingamit sa araw-araw. Hindi magiging madali para sa mag-aaral ang

paggawa ng mga ganitong uri ng sulatin sapagkat salitang balbal ang antas ng wika na kanilang

nililinang.

Ang pag-aaral na “Epekto ng paggamit ng salitang balbal sa araw-araw na pamumuhay sa

kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang sa Holy

Rosary College” ay isasagawa sa Holy Rosary College ng Santa Rosa, Laguna. Ang mga

respondente nito ay ang mga mag-aaral na nasa ika-11 na baitang sa Holy Rosary College. Sila

ang mga napili na respondente sapagkat sila ang mga mag-aaral na madalas gumawa ng

akademikong sulatin dahil sa asignatura nila na “Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan” na

isang applied subject at dahil kabilang ang mga mag-aaral sa ika-11 na baitang sa henerasyon na

madalas gumamit ng mga salitang balbal. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay matutuklasan

kung ano-ano ang madalas na gamitin na balbal na salita ng mga mag-aaral at kung ano ang

epekto nito sa kanilang kakayahan sa pagsusulat ng akademikong sulatin.

II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Lokal na Literatura at Pag-aaral (Orpilla at Habulan)

Inilahad ni Quijote et al. (2016) sa pag aaral na “Ang Wikang Filipino sa Makabagong

Panahon”, Ang wika ay isang importanteng susi ng isang bansa dahil ito ang ginagamit sa

pakikipagkimunikasyon, pakikipag-talastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan.

Mahalaga ito sapagkat kung wala ito, hindi lalago ang ekonomiya kung hindi nagkakaisa o

nagkakaintindihan ang mga tao. Sa pagyabong ng henerasyon, kasabay din nito ang pagyabong

ng wikang Filipino. Nagkakaroon ng mas maraming uri ng wika at nagsisimula na ring lumikha
ng mga panibagong balbal na lenggwahe katulad na lang ng beki language, jejemon at marami

pang kalyeng lenggwahe.

Tinalakay ni Baldon et al. (2014) sa pag aaral na “Wikang Filipino, Sa Makabagong

Panahon”, Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay nagbabago at patuloy na umuunlad.

Gumagamit na ng ibat ibang paraan ang mga tao upang mapaikli ang pagsulat at pagbigkas ng

wikang Filipino, katulad ng pagpapaiksi ng mga salita na nagiging isang balbal dahil sa sobrang

pagpapaiksi.

Ayon kay Quia et al. (2018) sa pag aaral na “Pag-aaral Tungkol sa Epekto ng Paggamit

ng mga Salitang Balbal sa Piling Mag-aaral ng 11 ABM”, Ang mga Pilipino ay likas na

malikhain sa maraming aspekto, higit na lalo sa kanyang wika. Sa pang-araw-araw na paggamit

ng wikang ito, patuloy din itong umuunlad na nagiging dahilan sa paglawak ng saklaw na

bokabularyo nito.

Ayon kay Cabuhat et al. (2016) sa pag aaral na “Paggamit ng Wikang Balbal ng mga

Mag-aaral ng Grade 11 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Bongabon”, Ang wika ay isang

mahalagang parte ng pakikipag komunikasyon. Kung saan nagkakaisa at nagkakaintidihan. Ang

wika rin ang dahilan kung bakit nabubuklot ang iba’t ibang bansa sa mundo. Ang balbal naman

ay ang hindi tamang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo o

lipunan.

Inilahad naman ni Baybay et al. (2012) sa pag aaral na “Epekto ng Paggamit ng Balbak

na salita ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng Sekondarya ng ST. Thomas Academy”, Ang

salitang balbal ay nakahihina ng kakayahang makapag ispel ng mga mag-aaral at lumalabo ang

komunikasyon dahil hinahalo ito sa mga wastong salita.


Dayuhan na Literatura at Pag-aaral (Beldad at Austria)

Ayon kay Chen (2006) "ang salitang balbal ay klase ng ibat ibang salita. Ang ibat ibang

wika ay tumutukoy sa nakikilala mula sa paggamit ng nagsasalita at pangkat ng mga nagsasalita"

Ayon kay Dai&He (2010) "ang ibat ibang uri ay kinokonsidera na mas patas na tawag

kesa sa tawag gaya ng pamantasang wika o hindi pamantayang wika. Ang salitang americanong

balbal ay parte ng amerikanismo ay mas magiging international sa pagunlad ng USA at

American english.

Ayon kay Anderson and Trudgill (1983) ang salitang balbal ay ginagamit sa informal na

sitwasyon ang salitang balbal ay huling ginagamit sa mga sitwasyong pormal dahil sila ay

kinokonsidera na bastos.

Ayon kay Fedderick (1988) ang pagunawa ng lubos ng isang wika ay pag-alam ng ibig

sabihin ng lahat ng salita. Ang pagaaral at pagbasa ng ingles ng mahusay ay madali nang

makaalam ng diksyunaryo ng mga salita.

Ayon kay Lopez (2005) "Ang sistema ng pagpaparehistro ay nakakatulong at nagbibigay

ng mahusay at maasahang serbisyo sa mga magaaral. Ang sistema nito ay nakapagpapabuti sa

proseso ng pagpapatala sa mga tuntunin ng pagsusuri at iskedyul ng paksa.

Binanggit ni Mish (2003), "Ang salitang balbal ay hindi pormal na bokabularyo na

karaniwang binubuo ng bago, di-sinasadyang pagbago sa mga salita, magastos, pinilit, o

mabirong mga pigura ng pagsasalita."

Tinukoy ni Munro sa Fasola (2012) binanggit na ang salitang balbal ay kabilang sa hindi

pamantayan ng wika dahil ang ibang uri ng mga salita at ekspresyon ay maaaring gamitin ng

kahit sino sa pakikipag-usap o sa isang liham, ngunit hindi ginagamit sa pagsasalita o pormal na

sanaysay.
Ang salitang balbal at mga ekspresyon ay nilalarawan ng mataas na antas ng

impormalidad, kasanayan, at kayamanan ng bokabularyo. Nagpatanto sila ng isang tiyak na

pangkat ng tao na ang mga miyembro ay konektado kasama ang ilang partikular na link, tulad ng

teritoryo (Californian), edad (mga tinedyer), subculture (mga mag-aaral), karaniwang nangyayari

sa sinasalitang binubuo ng wika. (Burdova, 2009)

Ayon kay Patridge na nabanggit sa Hanggoro (2011), ang balbal na salita ay ipinakilala

mula noong ikalabing siyam na siglo, ginagamit ito upang mabago ang walang kabuluhang

pahayag na nauugnay sa mga dayuhan o mga kriminal, ginagamit ito ng ilang mga tao upang

gumawa ng mga biro at upang mapanatiling lihim ang kahulugan ng salita at dahil din sa gusto

ng ilang tao ng ibang wika bukod sa Standard English upang magpahayag ang mga ideya.

Mayroong apat na pagkilala sa mga criterias para sa salitang balbal ayon sa Lighter na

nabanggit sa Eriksen (2010), ang presensya nito ay kapansin-pansing bababa, kahit sandali, ang

dangal ng pormal o seryosong pagsasalita o pagsulat, ang paggamit nito ay nagpapahiwatig ng

pagiging pamilyar ng gumagamit sa alinmang paggalang o sa mas kaunting katayuan na puno o

hindi gaanong responsableng klase ng mga tao na may ganitong pamilyaridad at gumagamit ng

termino, ito ay isang bawal na termino sa ordinaryong diskurso sa mga taong may mataas na

katayuan sa lipunan o may mas malaking responsibilidad at ginagamit ito sa mga kilalang normal

na kasingkahulugan, lalo na sa kaayusan (a) upang maprotektahan ang mga gumagamit sa mga

kabalisahan na dulot ng ordinaryong bagay o (b) upang maprotektahan ang gumagamit mula sa

paghihirap o pagkabagot ng karagdagang pagpapaliwanag.

III. Teoritikal na Balangkas

Sinabi ni Downes (1998) na ang sosyolohistika ay ang sangay ng linggwistika na

nag-aaral lamang sa mga katangian ng mga wika at wika na nangangailangan ng sanggunian sa


sosyal, kasama ang konteksto, mga kadahilanan sa kanilang paliwanag. Mula sa paliwanag ng

Downes, ang simpleng kahulugan ng Sociolinguistics ay isang pag-aaral ng ugnayan sa pagitan

ng wika at lipunan, sinusuri nito ang paraan ng paggamit ng wika ng mga tao sa iba't ibang

konteksto ng lipunan at ang mga tao ay nagsasaad ng mga aspeto ng kanilang pagkakakilanlan sa

lipunan. Idinagdag ni Holmes (2000) na ang paraan ng pag-uusap ng mga tao ay

naiimpluwensyahan ng kontekstong panlipunan kung saan sila nagsasalita. Mahalaga kung

sino ang makakarinig sa amtn at kung saan tayo ay nakikipag-usap, pati na rin kung ano ang

nararamdaman natin

Sinabi ni Adams (2009) na kapag gumamit ka ng balbal, inilalantad mo ang iyong mga

ideya, iyong pakiramdam, iyong saloobin bilang kung paano mo nais na madama ang mga taong

nakikipag-usap sa iyo at kung paano mo nais na maramdaman ng mga taong iyon, na mas

mababa kung ano ang ibig mong sabihin.


IV. Konseptuwal na Balangkas (Orpilla)

Pinapakita sa balangkas na ito ang daloy na ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral.

EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALBAL SA ARAW-ARAW NA


PAMUMUHAY SA KAHUSAYAN SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN
NG MGA MAG-AARAL SA IKA-11 NA BAITANG SA HOLY ROSARY COLLEGE

Problema Pamamaraan Kinalabasan

1.Ano-anong mga 1.Interbyu Sa pamamagitan ng


salitang balbal ang mga sumusunod:
2.Sarbey
madalas na gamitin
1. Paglalagom
ng mga mag-aaral? 3.Talatanungan
2. Kongklusyon
2.Ano-anong 4.Pagsusuri
sitwasyon kung bakit 3. Rekomendasyon
gumagamit ng
salitang balbal ang
mga mag-aaral?

3.Ano ang dahilan


kung bakit ginagamit
ang salitang balbal sa
mga sitwasyonnaito?

4.Ano ang epekto


nito sa pagsusulat ng
akademikong sulatin?
Figura1 :Paradima ng Pag-aaral

V. Paradima ng Pag-aaral (Habulan)

VI. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na “ Epekto ng paggamit ng salitang balbal sa araw-araw na

pamumuhay sa kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ng mga mag-aaral sa ikaw-11 na

baitang sa Holy Rosary College” ay nag lalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan :

1. Ano-anong mga salitang balbal ang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral?

2. Ano-anong sitwasyon kung bakit gumagamit ng salitang balbal ang mga mag-aaral?

3. Ano ang dahilan kung bakit ginagamit ang salitang balbal sa mga sitwasyon na ito?

4. Ano ang epekto nito sa pagsusulat ng akademikong sulatin?

VII. Saklaw at Delimitasyon (Beldad)

Ang pananaliksik ay patungkol sa relasyon ng paggamit ng salitang balbal sa kahusayan

sa pagsusulat ng mga akademikong sulatin at kung ano ang mga epekto nito. Ang pananaliksik

ay isasagawa sa Sa Holy Rosary College Tagapo, Sta. Rosa, Laguna S.Y. 2019-2020. Saklaw ng

pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa mga strand ng Science, Technology, Engineering and

Mathematics (STEM), Accounting and Business Management (ABM) at Humanities and Social

Sciences (HUMMS) ng Holy Rosary College Tagapo Sta. Rosa Laguna. Ang mga mag-aaral na

ito ang siyang binigyang pansin ng mga mananaliksik sapagkat sila ang makapag-bibigay
opinyon ukol sa pag-aaral na gagawain. Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na

saloobin ng mga respondante o mag-aral sa buong Paaralan sa loob ng bansa. Ito ay may

kinalaman lamang sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa Holy Rosary College.

VIII. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mgasumusunod:

Sa mga Guro

Makakatulong ang pag aaral na ito para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga guro. Ito ay
magsisilbing gabay sa pag gamit ng mga salitang balbal na maaaring magamit sa pagtuturo.
Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang estudyante nang sa gayon ay
magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng kanilang pag-aaral.

Sa mga Magulang

Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay makakapag-isip-isip ng

mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak. Makakatulong sa mga magulang na

mas maunawaan ang mga salitang balbal na kadalasang ginagamit ng kanilang mga anak, Upang

ang kanilang mga anak ay magabayan at malimitahan nila ang kanilang mga anak sa paggamit

ng salitang balbal.

Sa mga Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang lalong mapalawakang kanilang mga

kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral Mahalaga ito para malaman ng mga

mag-aaral ang kanilang limitasyon sa paggamit ng mga balbal na salita, at mas maunawaan ang

kahulugan nito. Para malaman nila kung kalian at kung paano nila ito gagamitin.

IX. Depinasyon ng mga Terminolohiya


Salitang Balbal - Ang Balbal ay ang salitang Tagalog na nangangahulugang isang termino o

pariralang hiniram mula sa isang wikang banyaga na ginagamit ng mga pangkaraniwan o hindi

gaanong pinag-aralan, na ang anyo ay binago upang umangkop sa ilang paggamit (mula sa:

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/salitang_kalye.htm)

Akademikong Sulatin – Isang pagsulat na naglalayong linangin ang kaalaman ng mga mag-

aaral kaya tinawag ito na intelekwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tesis, term

paper,lab report, at iba pa. (mula sa: https://www.scribd.com/doc/79166019/Akademikong-

Pagsulat)

Kahusayan – Kagalingan sa pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang

pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig,

pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan.

(mula sa: https://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng

pagsulat.html)

Sociolinguistics - ang pag-aaral ng mga sosyolohikal na aspeto ng wika. Ang disiplina ay nag-

aalala sa sarili sa mga bahagi ng wika na ginagampanan sa pagpapanatili ng mga tungkuling

panlipunan sa isang komunidad (mula sa:https://www.britannice.com/science/sociolinguistics)

Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,

tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan (mula sa:

https://www.scribd.com/doc/76568616/KAHULUGAN-NG-WIKA)

Impormal na Wika – Tumutukoy sa mga salitang hindi standard na ginagamit natin sa pang

araw-araw , karamihan ng gumagamit ay mga teenager, at mga kasapi ng LGBT na nahihilig


magsalita ng salitang pabalbal. (mula sa:

https://www.scribd.com/document/412811831/Pormal-at-Di-Pormal-Na-Salita)

Komunikasyon – Paghahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang

paraan; isang pakikipagugnayan (mula sa:

https://www.scribd.com/document/156961711/Kahulugan-Ng-Komunikasyon)

Wikang Filipino – Katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas upang makipag

komunikasyon sa isa’t isa (mula sa: https://www.scribd.com/doc/231215884/Ano-Ang-

Kahulugan-Ng-Wikang-Filipino)

Pagsulat - Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ediya

ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para

maihayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

(mula sa: https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/)

You might also like