You are on page 1of 33

Salitang Gen Z: Bagong Mukha ng Baryasyong Filipino

_________________________________________

Isang Pag-aaral na inihain sa


Kagawaran ng Gurong Pang-edukasyon
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
Andrews Campus

_________________________________________

Bilang pagtugon sa pang-akademikong


pangangailangan ng asignaturang
Introduksiyon sa Pananaliksik

_________________________________________

Binasoy, Mark Lyndhel C.


Gannaban, Steve T.
Tejano, Jenny Lou P.
Sacobo, Fremalyn Joy S.
Tobias, Ma. Anglica M.
Torres, Merycris D.
Umayam, Leslie Ann C.

1
Kabanata I

SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

1. Panimula

Ang pagiging dinamiko o pagbabago ay isa sa mga makabuluhang katangian

ng wika. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa

kapaligiran. Batay sa artikulo ni Virgilio Almario na isinaad ni Jimenez, F. (2014), ang

wika ay sumasabay sa panahon na kung saan ang makabagong mga salita na

madalas gamitin ay nagiging tanyag, ang makalumang salita naman ang naibabaon

sa limot at nawala sa sirkulasyon. Sumasang-ayon siya na natural lamang ito lalo na

sa panahong mabilis umusbong ang teknolohiya at pabago-bago ng panahon.

Ang pagbabago sa wika ay karaniwan ng bahagi ng pagbabago sa buhay.

Ang pamamaraan ng komunikasyon ay sumasabay sa pagbabagong ito.

Binibigyang-buhay ng komunikasyon ang pagyabong ng kultura, lipunan lalo na ng

wika. Sa patuloy nitong pagbabago, umuusbong ang mga salita na tangi sa isang

pangkat ng tao.

Dahil sa pagiging malikhain ng tao, nakabuo ng iba’t ibang bagong salita. Ito

ang tinatawag na Barayti ng Wika. Ayon kay Elcomblus Staff (2020) ang barayti ng

Wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na

uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ibig sabihin, ito ay nagbabago dahil sa iba’t

ibang pangangailangan ng tao sa loob ng isang lipunan.

Ang pagbabago sa wika ay dumaraan sa ebolusyon at nakabatay sa

bokabularyong napagkakasunduan ng mga mamamayang gumagamit nito. Sa

paglipas ng panahon, nakabubuo rin ng mga bagong salita dahil sa pagiging

malikhain ng tao. Ang wika ay sumasabay rin sa uso. Naging bahagi ng kulturang

2
popular ang swardspeak, jejemon, at konyo. Pangunahing wika ng kabataang

Filipino ang slang. Binubuo ito ng isang leksikon ng mga hindi estandardisadong

salita at parirala sa isang tiyak na wika. Ito rin ay isang impormal na wika na

ginagamit sa karaniwang pakikipagkomunikasyon. Bahagi ang slang ng isang wika

na lagpas sa kombensiyonal o istandard na gamit ng wika. Binubuo ito ng mga

bagong hangong salita, parirala o may pinalawak na kahulugan na nakapaloob sa

bawat terminolohiya. Kadalasan itong nagbibigay ng impresiyon sa tagapakinig

tungkol sa pag-uugali o nakagawian ng nagsasalita (Gime Arjohn, 2020)

Maraming slang ang umusbong, ginamit, sumikat, napalitan, at nagbagong-

bihis. Isa na riyan ang slang ng Generation Z (GenZers). Ang GenZers ay kabataan

na isinilang sa pagitan ng 1990 hanggang 2000 (Halaw sa isinagawang pag-aaral ni

Gime Arjohn, 2020). Ang paggamit ng GenZers sa salita ay naglalarawan ng

sosyolohikal na kaligiran sa paggamit ng wika na mayroon lamang sila. Ang wika ng

Generation Z (WikaGenZ) ay nag-aambag sa wika sa kasalukuyan mula sa mga

transpormasiyon na nagaganap sa kanilang panahon bunsod ng pag-unlad ng

teknolohiya o impluwensiya ng online platforms tulad ng social media (socmed).

Isinaad sa pag- aaral ni Cheyne na sinipi ni Bediones (2018), ang mga

nilikhang Wika ay makikitaan ng pagkakakilanlan sa mga wikang natural na nabuo

batay sa isang tao o grupo ng mga tao na hindi matunton kung kailan nagsimula.

Dagdag pa rito ay hindi tulad ng mga wikang natural na nagbabago sa pag-usad ng

panahon, ang mga artipisyal na wika ay malayang binubuo sa takdang oras at

layunin nito. Ito ang nangyari sa tinatawag nating mga salitang balbal, dahil sa

pagkayamot ng mga kabataan o mga kabataang GenZ, umusbong ang ma salitang

ito.

3
Sa kabilang dako bunsod ng makabagong henerasyon, hindi maitatangi ang

pagiging palasak ng mga salitang Gen Z at kapansin-pansin na nasasanay na ang

mga kabataan sa paggamit ng mga salitang ito na napupulot nila sa Social Media o

di kaya’y sa lipunan at kulturang kanilang kinalakihan. Dahil dito, nakakalimutan ng

mga kabataan ang pormal na kayarian ng mga salita maging ang kalituhan sa

pakikipagpanayam ng isang batang GenZ na bihasa sa mga salitang balbal sa antas

ng tao sa lipunan o hindi nabibilang sa kanilang henerasyon.

Batay sa isinagawang pag- aaral ni Adams na sinipi ni Bediones (2018), ang

pormal na pag-aaral sa mga inimbentong wika ay nakatuklas ng magandang resulta

at nakahihikayat na makitang may sariling kakayahan ang mga ito ngunit magiging

mapanganib kung iaangkop sa mga natural na wika na magbubunsod ng kalituhan

lalo na sa paraan ng pag-unawa. Dagdag pa niya ay madalas na sa mga wikang

inimbento mula sa mga sikat na akda ay walang pag-iingat sa mga detalye sa

pagpapahayag ng saloobin, at pagwawalang bahala sa kultura at katapatan.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Gime Arjohn (2020) pinamagatang WikaGenZ:

Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas na isinumite sa International Journal of

Research Studies in Education. Napatunayan sa pag-aaral na ang wika ay buhay at

dinamiko sa lipunang patuloy na gumagamit ng midya at teknolohiya. Ang

impluwensiya ng social media platforms tulad ng Twitter, Facebook, Instagram,

telebisyon at iba’t ibang panoorin ay nagbubunsod ng eksperimentalisasyon sa mga

bagong salita at mga umiiral nang mga salita. Ipinapakita rin ng papel na ito na

patuloy pa rin ang transpormasiyon ng mga salita batay sa impluwensiyang sosyal at

kultural.

4
Iminumungkahi na ipagpatuloy ang pag-aaral ng WikaGenZ tulad ng epekto

nito sa pasulat na diskurso, implikasyon nito sa tumatanggap ng mensahe na hindi

nabibilang sa kanilang henerasyon,

Nahimok ang mga mananaliksik na malikom at masuri ang mga salitang Gen

Z na ginagamit ng mga kabataan sa College of Teacher Education (CTE) ng

Cagayan State University Andrews Campus. Layunin ng pag-aaral na makalikom at

masuri ang mga salitang Gen Z na ginagamit sa kasalukuyan. Gayundin ang

pedagohikal na implikasyon nito sa akademiko at sosyo-linggwistikong pagtanaw.

1.2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang papel na ito na nakatuon sa “Pagsusuri sa Bagong Mukha ng Baryasyong

Filipino na ginagamit ng mga Gen Z". Ito ay naglalayong sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Anu-anong mga salitang Gen Z ang ginagamit?

2. Anong proseso ang ginamit sa pagbuo ng mga salitang Gen Z?

3. Ano-ano ang pedagohikal na implikasyon ng mga salita sa piling larangan?

1.1 Akademiko

1.2 Sosyolinggwistika

5
1.3 Paradigma ng Pag-aaral

INPUT PROCESS OUTPUT

Layunin ng pag-aaral

na malikom at masuri ang mga

salitang Gen Z na ginagamit

ng mga kabataan. Sisikaping

sagutin ang mga sumusunod Ang mga mananaliksik ay


gagamit ng interview-method
na mga katanungan: sa paglilikom ng mga salita na
karaniwang ginagamit ng mga
1. Anu-anong mga salitang Gen Z sa labindalawang mag-
Nalikom at nasuri ang mga
aaral ng College of Teacher
Gen Z ang ginagamit? salitang Gen Z na ginamit ng
Education (CTED).
mga pIling mag-aaral sa
2. Anong proseso ang ginamit College of Teacher
sa pagbuo ng mga salita? Education (CTE).
Gagamitin ng mga
mananaliksik sa pagsusuri ng
mga salita ang Teorya sa
3. Ano-ano ang pedagohikal
Pagbuo ng salita nina
na implikasyon ng mga salita Delahunty at Garvey (2010).

sa piling larangan?

1.1 Akademiko

1.2 Sosyolinggwistika

FEEDBACK

6
Batayang Konseptwal

Ipinapakita ng paradigma ang prosesong daraanan ng pananaliksik sa pamamagitan

ng pagpapakita ng input-process-output model. Pinapakita sa input ang layunin ng

pag-aaral na malikom at masuri ang mga salitang Gen Z na ginagamit ng mga

kabataan. Sisikaping sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan: 1. Anu-

anong mga salitang Gen Z ang ginagamit? 2. Anong proseso ang ginamit sa pagbuo

ng mga salita? 3. Ano-ano ang pedagohikal na implikasyon ng mga salita? (a)

Akademikong pagtanaw (b)Sosyo-linggwistikang pagtanaw.

Ang proseso ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga

mananaliksik saklaw nito. Pinapakita sa proseso ang pagkalap ng datos sa

pamamagitan ng interview-method sa paglilikom ng mga salita na karaniwang

ginagamit ng mga Gen Z. Sa pagsusuri ng mga salita gagamitin ng mga

mananaliksik ang Teorya sa Pagbuo ng salita nina Delahunty at Garvey (2010). Sa

awtput ay nalikom at nasuri ng mga mananaliksik ang mga salitang Gen Z na

ginagamit ng mga piling mag-aaral sa College of Teacher Education (CTED).

Batayang Teoretikal

Teoretikal na Batayang Morpolohiya

Ang pag-aaral kung paano nabubuo ang mga salita ay tinatawag na morpolohiya.

Dagdag pa, sinabi ni Akunna (2012) na ang morpolohiya ay tumutukoy sa isang pag-

aaral na nagsasalita tungkol sa panloob na istruktura ng mga salita. Kabilang dito

ang pag-aaral ng pagbuo ng salita, na nagpapahintulot na siyasatin ang mga

katangian na bumubuo ng isang salita. Ang mga depinisyon na iyon ay nagpapakita

7
na kapag pinag-uusapan ang paraan ng pagbuo o pagbuo ng mga salita,

pagkatapos ay teknikal na tinatalakay nito ang tungkol sa morpolohiya.

Proseso sa Pagbuo ng Salita

Ang proseso ng pagbuo ng salita ay tumutukoy sa isang proseso ng paglikha o

pagbabago ng mga bagong salita kung saan patungo sa prosesong ito, iba ang

lalabas ng mga salita pati na rin ang mga klase ng salita, ang kahulugan, o

kaganapan kapwa ang mga klase ng salita at ang kahulugan. Sa proseso ng pagbuo

ng mga salita, may ilang eksperto na may kanya-kanyang uri nito tulad nina Lieber

(2009). Mayroon siyang walong uri ng proseso ng pagbuo ng salita; panlapi,

tambalan, kombersyon, likha, back-formation, paghahalo, akronim at mga

inisyalismo, at pagsipi. Sa kabilang banda, mayroon lamang anim na uri ng proseso

ng pagbuo ng salita sina Delahunty at Garvey (2010) tulad ng pinaghanguan,

pagsasama-sama, paglikha, pagpapaikli, paghahalo, at paghiram. Gayunpaman,

para sa pangangailangan ng pananaliksik na ito, mas pinipili ng mananaliksik ang

paggamit sa teorya nina Delahunty at Garvey (2010).

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral

Inaasahan na magiging kapaki-pakinabang ang isinagawang pag-aaral upang

magbigay ng tulong sa mga sumusunod:

Sa Mamamayan: Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mas madagdagan

ang kanilang kaalaman tungkol sa bagong baryasyon ng wika na ginagamit Gen Z at

maunawaan ang pagkakaiba-iba ng estilo ng indibidwal sa paggamit ng wika o

salita.

8
Sa mga kabataang Gen Z: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa kanila

upang maintindihan at mapalawig ang kanilang kaisipan kung papaano nagkaroon

ng iba't ibang baryasyon ng wika at paano nakakaapekto ang mga salita o wikang ito

sa kanilang buhay.

Sa mag-aaral: Makakatulong ang pananaliksik na ito upang sa gayon ay

mapahalagahan at maka-kalap sila ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa

pagkakaroon ng iba’t ibang baryasyon ng wika sa komunidad na ginagalawan nila.

Sa mananaliksik: Ang pananaliksik na ginawa ay makakabigay impluwensiya sa

kanila sa pamamaraan na ang pag-aaral na ito ay maaaring makahikayat sa iba

pang mananaliksik sa paksa na tungkol sa wika at mailahad o maibahagi ang

natutunan na pag-aaral na gamitin bilang isang gabay sa pag-unawa ng pinagmulan

ng iba’t ibang

baryasyon ng wika at ang epekto nito sa buhay ng nakakarami.

1.5 Lawak at Sakop ng Pag-aaral

Sa pangkalahatan, ang layunin ng pag-aaral na ito ay makalikom at masuri

ang mga salitang Gen Z na ginagamit ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.

Ang pangunahing kalahok sa pag-aaral ay ang labindalawang mag-aaral sa College

of Teacher Education (CTE) ng Cagayan State University Andrews Campus (CSU).

Malayunin ang pagpili ng mga kalahok. Tiniyak na sila ay nasasaklaw ng Generation

Z. Ang mga kalahok ay ipinanganak mula taong 1990-2000. Sila ay karaniwang may

ugnayan sa kanilang kapwa GenZers o Gen Z at aktibo sa paggamit ng kanilang

wika. Isinaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang mga etikal na konsiderasyon lalo

na sa edad at kanilang pagsang-ayon sa pagiging kalahok ng pag-aaral.

9
1.6 Katuturan ng mga Katawagan

Nasa katuturan ng mga katawagan upang maunawaan ang pag-aaral na ito,

ninais bigyan ng mga mananaliksik na bigyang-katuturan at ipaliwanag ang ilang

katawagang ginamit sa pag-aaral na ito gaya ng mga sumusunod:

Wika – Ang wika ang naglalahad ng pagkakakilanlan ng isang tao sa kanyang

pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunwaan ang

mga mamamayan sa isang bansa.

Barayti ng Wika – Ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay

sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ibig sabihin, ito ay nagbabago

dahil sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa loob ng isang lipunan.

Baryason ng Wika – Ito ang pagbabago sa isang wika dulot ng heograpikal,

sosyal at personal na aspeto ng taong gumagamit nito.

Salitang Balbal – Ang salitang balbal ay tinatawag ding slang sa Ingles.

Nanggagaling ang mga salitang ito sa mga grupo ng mga tao na ginagamit ang mga

salita upang magkaroon ng sariling codes.

Gen Z – Ang mga kabataang sa makabagong henerasyon na binubuo ng

mga indibidwal na ipinanganak mula 1990 hanggang 2000 at ang kanilang espesyal

na wika o slang kung tawagin (Gime Arjohn, 2020 WikaGenz: Bagong anyo ng

Filipino slang sa Pilipinas)

Sosyolek – Ito ay ang wika na nagresulta sa paggamit ng partikular na

pangkat.

Sosyolingguwistik – Ito ay nakatuon sa epekto ng lipunan sa paggamit ng

wika dahil sa mga salik na maaaring magpabago nito.

10
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga propesyonal at akademiko na

babasahin na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ito ang pagsusuring

nagbibigay ng malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa

pananaliksik upang madagdagan ang kaalaman ng mambabasa.

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng

kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at

magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ayon kay Mangahis et al

(2005) ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa

pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at

pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Ayon sa tanyag na kasabihan sa Ingles "No man is an Island".

Nangangahulugan na sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, kinakailangan ng

bawat tao ang pakikisalamuha,pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa kanilang

kapwa.Hindi maitatatwa na wika ang pumapagitan upang maipahayag nang mabisa

o epektibo ang kaisipan at damdamin ng bawat indibiduwal.

Nagmula ang wika sa salitang Latin na lengua, na ang literal na kahulugan ay

“dila”, kung kaya't magkasingtunog ang dila at wika. Ito ay simbolong salita ng mga

kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw,

lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita. Wika

ang nagbibigkis sa bawat mamamayan ng isang pamayanan, bayan, rehiyon o

11
bansa para maging mahusay ang daloy ng pamamahagi ng impormasyon para sa

kapakinabangan ng marami.

Pinaniniwalaan nina Tarsoly at Valijari (2013) na ang wika ay katangi-tanging

katangian ng tao, dahil sa wika nagkakaroon ng pagkakakilanlan. Ang wika ang

dahilan kung bakit nagkakaunawaan ang mga tao, kaya’t napakahalaga na

pagtibayin ang wikang mayroon ang isang lipunan dahil makikita rito kung paano

binibigyang pagpapahalaga ang sariling wika. Kung kaya’t nagkakaroon ng

pagkakaisa at pagkakabuklod- buklod tungo sa iisang layunin ang bawat indibidwal o

grupo ng mga tao sa ating lipunan.

Ayon kay Virgilio Almario na isinaad ni Jimenez, F. (2014), ang wika ay

sumasabay sa panahon na kung saan ang makabagong mga salita na madalas

gamitin ay nagiging tanyag, ang makalumang salita naman ang naibabaon sa limot

at nawala sa sirkulasyon. Sumasang-ayon siya na natural lamang ito lalo na sa

panahong mabilis umusbong ang teknolohiya at pabago-bago ng panahon.

Tunay na napakahalaga ng wika sa pang araw-araw na aspekto ng

pamumuhay. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Nagkakaintindihan

at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ang

wikang ito ang sumasalamin sa kultura at lahi nating mga Pilipino. Ngunit sa

pagpasok ng modernong panahon, kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya

kagaya ng social media,pagcha-chat sa messenger, pagtetext sa cellphone at iba pa

gamit ng mga gadgets, di natin maitatangging karamihan sa ating mga Pilipino lalo

na sa mga kabataan ay naiimpluwensyahan na mula sa mga ito at tayo’y pilit ring

umaangkop,nakikibagay at nakikisabay sa mga pagbabagong nagaganap sa ating

12
kapaligiran lalong lalo na pagdating sa wika. Patunay dito ang paggamit ng mga iba’t

ibang salitang nalilikha sa modernong panahon.

Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA news kung saan sinubukan

nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang

kahulugan ng mga lumang salita kagaya ng alimpuyok, papagayo, at salakat, wala

sa mga modernong kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga

ito subalit may isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa ulat

na ito masasabi nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap

ng kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan. Halimbawa na lamang nito

ay ang mga nobela ni Jose Rizal kung saan mga lumang salita ang mga ginagamit

dito. Isa rin sa nagpapatunay ng pag-usbong ng ating wika ay ang paglaganap din

ng iba't ibang salitang nalilikha sa modernong panahon kagaya ng "jejemon", "gay

language" at mga salitang may halong ingles. Halimbawa ng mga Ito ay "echusera",

" eow pows", "aketch(ako)", at iba pa.

Masasabi natin na ang ilang wika sa kasalukuyan ay hindi nakatutulong tungo

sa maayos na komunikasyon. Halimbawa na lang ay kung tayo'y nakikipag usap sa

mga nakatatanda gamit ang mga salitang Ito, maaaring Hindi tayo lubos na

naiintindihan nila dahil ang mga salitang ito'y lingid sa kanilang kaalaman.

Masasabing mas nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang mga pilipinong naaayon sa

modernong panahon at kasabay nito ang pag unlad na rin ng ating wika at mula rito

maaaring maging isang instrumento parin ng komunikasyon at nagpapalaganap ng

kaalaman ang wikang moderno.

Ang Investigative Documentaries ni Malou C. Mangahas,isang Journalist at

taga-ulat ng GMA network, na may pamagat na Jejemon and the Filipino Language.

13
Sa dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan nga ba ng

mga Filipino ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng

isang partikular na mensahe na nakasulat sa wikang jejemon. Ang iba, partikular na

ang matatanda, ay nahirapang basahin ang mensahe dahil sa sari-saring karakter

na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis naman itong naintindihan

ng mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang wikang Jejemon ay uso at pamilyar na sa

kanilang henerasyon.Sinubukan din nilang alamin kung kaya ng mga kabataan ang

tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon.dito, nadiskubre nilang higit na binibigyang

pansin ng ibang mga kabataan o mga Jejemon ang pagiging malikhain sa pagsulat

ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala rin sa

dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit may limitasyon

din ito. Mawawalan ng silbi ang kakaibang spelling kung iilan lamang ang

nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang pananalita.

Ngunit sa kabilang dako naman ay higit na akma na gamitin ang mga salita

na may kinalaman sa modernong panahon at mas nauunawaan ng mas malaking

bahagi ng populasyon.Sa kasalukuyan, malaki ang kinalaman ng teknolohiya at

modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng ilang mga salita.Sa isang panayam ng

GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for Literature Virgilio Almario

Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na nawawala sa sirkulasyon.

"Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency,"

paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino.

"Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi

sumunod sa uso, mamamatay ito," dagdag nya. Sinabi pa ni Almario na buhay ang

wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon.

14
Ayon naman kay Mangyao (2016) ang wika ay dynamic o patuloy na

nagbabago sa katagalan ng panahon. Ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o hindi

paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa

nakakaapekto sa pagbabago ng wika sa pamamagitan ng pagbabago o pag usbong

ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes,

2016).

Sa pag-unlad ng bansa, tuluyang nagbabago ang isang Wika. Kaugnay ng

pagbabagong ito ay ang paglaganap at pagdebelop sa larangang panteknolohiya.

Umusbong ang iba’t ibang kagamitan na siyang tuluyang nagpabago sa karaniwang

kinaugalian ng mga tao, dito lumbas ang Cellphone, Laptop, Desktop, LED television

at iba pang makabangong mga gadgets.

Isa sa naging bunga ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ang internet.

Ayon kay Sandoval (2010), naging bahagi na ito ng buhay ng maraming tao sa

sosyal, intelektuwal, ekonomiko at propesyunal na aspekto ng buhay. Ang internet

ay isang komunidad, isang sosyo teknikal na sistema ng komunidad na ang mga

miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya. Isa itong di-pisikal na lugar na kung saan

ay nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t ibang paraan.

Dahil sa pagbabagong ito, maraming mga nawawala at nalilimutan, at

mayroon namang umuusbong palang. Batid ng karamihan ang katotohanan na isa

sa mga katangian ng wika ay ang pagiging swak o sabay nito sa larga ng panahon.

Dinamiko o nagbabago, bilang tugon sa pangangailangan ng lipunan may

nalilikhang mga panibagong salita. “Imbento” ika nga. Ayon kay Elcomblus Staff

(2020) ang barayti ng Wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na

15
nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ibig sabihin, ito ay

nagbabago dahil sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa loob ng isang lipunan.

Ang impormal na wika ay ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-

araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga

kakilala at kaibigan. Ito ay maaring lalawiganin na ginagamit lamang sa particular na

pook o lalawigan,kolokyal na pang araw-araw na salita na kung saan nabibilang din

ang pagpapaikli ng salita, balbal na itinuturing na mababang antas ng wika na

nagmumula sa iba’t ibang pangkat, ito ay kilala rin bilang “slang” sa ingles, at ang

pinaka mababang antas, ang antas-bulgar. Sa antas na ito nabibilang ang mga

salitang bastos at hindi kanais-nais. (Bernales, et al. 2016)

Ayon kay Maranan (2016), sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng

makabagong henerasyon, kasabay nito ang pag-usbong ng mga impormal na wika

ng hindi natin binigyang pansin. Ang ating pamumuhay ay nagbago, nagging madali

sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng umuusbong na

teknolohiya, at dahil laganap na ang iba’t ibang uri ng media mabilis na tayong

magkaroon ng komunikasyon sa iba’t ibang tao sa loob at labas ng bansa. Isa ito sa

mga dahilan kaya’t nabuo ang maraming bagong salita na hindi naman angkop sa

nakasanyang wika. At dahil sa kagustuhan naman ng mga Pilipino na mapadali ang

komunikasyon, pinaikli nila ang mga salita at gumamit ng mga “shortcut” na hindi rin

naman nararapat. Umusbong din ang mga salitang jejemon, bekimon, mga salitang

hango sa fliptop at marami pang iba ng nagpaparumi sa ating nakasanayang wika.

MGA BARAYTI

Isinaad ni Constantino (2005) na nabubuo ang mga Barayti ng wika mula sa

bawat indibidwal na may kani-kanyang paraan ng paggamit ng wika na nagsasama

16
upang makabuo ng bagong anyo ng wika sa dimensyong heograpiko (diyalekto) at

dimensyong sosyal (sosyolek). Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng

natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo

sitwasyonal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na baryasyon o barayti

ng wika.Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.

Ayon naman J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting

nabubuo batay sa dimensiyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat

panlipunan. Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante ,wika ng

matatanda , wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan , wika ngmga bakla, ng

kabataan at iba pang mga pangkat. Makikilala ang iba‘t ibang barayti nito sa

pagkakaroon ng kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkato grupo na

gumagamit ng wika. Batay sa pahayag ni J.K. Chambers, sosyolek ang tawag sa

barasyon ng wika na dulot ng dimensyong sosyal at ito ay nababatay sa mga

pangkat panlipunan. Isa sa magandang halimbawa nito ay ang “Gay lingo” na

wikang ginagamit ng mga bakla.

Sa nagdaang Sawikaan 2010 noong Agosto, ipinakilala ni Jesus Hernandez,

tagapangulo ng Departamento ng Linggwistiks sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang

“bekimon” bilang bagong sosyolek o jargon ng lipunan. Ayon kay Hernandez sa

kaniyang papel na pinamagatang “Pasok sa Banga: ang mga sosyolek bilang batis

ng mga salita sa Filipino,” na kaniyang binasa noong ika-29 at 30 ng Agosto sa

Sawikaan na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas, ang wika ay masasabing

sumasabay sa pagbabago ng panahon at lipunan, isang mahalagang katangian sa

paghubog ng wika. Ang wika, giit niya, ay may baryasyon na tinatawag na sosyolek.

Ito ay dulot ng mga pagpapangkat ng mga grupo ng mananalita at pakikipag-

uganayan ng mga mananalita sa ibang sektor ng lipunan. Isa sa mga

17
pinakamatingkad na sosyolek sa lipunan ay ang “swardspeak” o mas kilala bilang

gay lingo.

Ayon naman sa pag-aaral ni Kimberly Q. Querubin, malaki ang naging

epekto nito sa mga kabataan. Masayang gamitin ang mga salitang ito sa text o chat,

ngunit kapansin-pansin na kahit sa paraan ng pagsasalita at pagsulat, ay nadadala

ang wikang ito. Ayon naman sa pampahong papel ni John Andrew Samonte,

nagdudulot ng hindi pagkakaintindi ang wikang sosyolek dahil sa diskriminasyon lalo

na sa kabataan. Nagkakaroon ng pakakaiba o “diversity” dahil sinasabing ang mga

taong gumagamit ng wikang ito o ang mga mismong jejemon ay ang mga

makabagong jologs. Bukod pa rito hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi ng mga

naturang jejemon dahil sa labis na paggamit nila ng ibang espesyal na karakter at

numero.

Ayon naman kina M. A. K. Halliday at Hasan R. (2001), ang rehistro ay ang

wika ng mga karaniwang tao na nauugnay sa isang konpigurasyon ng isang

sitwasyon. Sa partikular na halaga ng larang, moda at estilo. Ang larang para sa

kanila ay “ang kabuoang kaganapan, kung saan ang teksto ay gumagana, kasama

ang trabaho o aktibidad na ginagawa ng mga tagapagsalita o manunulat”. Rehistro

ang anyo ng wika na tumatagal sa iba't ibang mga pagkakataon. Ang Rehistro ay

isang mahalagang panlipunang kasanayan na nagbibigay ng kakayahang umangkop

at nagpapakita ng kakayahan sa pagsasalita at naaangkop na mga kaugalian. Kahit

pa sa mga dalubhasang mag interpret, ang rehistro ang pinaka mahirap na pag-

aralan, hindi lang ito umaasa sa wika mismo, kundi pati na rin sa mga sosyal na

kaugalian, kultura, at maging ang mga personal na kagustuhan. Bilang ang isang

relasyon ay kaugnay sa pagitan ng umuusad ng isang indibidwal, ang rehistro ng

18
wika ay maaaring magbago at maging mas impormal. Hindi tulad ng mga salita at

pambalarilang kaayusan, ang rehistro may sarili nitong hanay ng mga panuntunan.

Mula naman sa blog ni Seguir (2011), ang wikang register o “Sociolinguistics”

ay isang baryasyon ng wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit

ng wika. Ito rin ay mas madalas na nakikita o nagagamit sa isang partikular na

disiplina. Sa panahon ngayon, ito ang palaging ginagamit sa pagsasalita at

pakikipag-usap sa ibang tao. Dahil tumatakbo ang panahon at kasabay nito ang

pagdami ng mga taong may iba’t ibang konsepto, paniniwala, at kultura. Ang mga

taong ito ay mayroong sariling wika na sila-sila lamang ang nakakaunawa at

ginagamit nila sa pakikipagtalastasan. Ang mga wikang ito ay mga wikang register.

Ang “Jejemon” at “Fliptop” ay iilan sa mga halimbawa nito. Sinasabi ni Wardhaugh

(2006), ang mga Sociolinguist ay gumagamit ng iba’t ibang pamantayan sa

pagkakakilanlan ng tao. Kapag sinubukan nilang ilagay sa lugar ang mga indibidwal

sa isang sosyal na sistema. Kasama ng pamantayan, maaring banggitin ang trabaho

at pinag-aralan ng pamantayan. Upang makilala ng mga Sociolinguist tinitignan ang

kalagayan ng buhay, trabaho at pinag-aralan. Sinusubukan nang ilagay ang mga

indibidwal sa sosyal na sistema. Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti

ng wika ayon sa gumagamit (Halliday, McIntosh at Stevens, 1994).

Sinabi ni Magracia (1993), ang barayting ito ay kaugnay ng higit na malawak

na panlipunang papel na ginagampan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.

Maaring gumamit ng iba’t Ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag

ng humigit kumulang na parehong kahulugan sa iba’t Ibang okasyon. Bawat

pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang

tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan. Samakatwid ang diyalekto ng isang tao

ay nagpapakilala kung sino siya, samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung ano

19
ang kanyang ginagawa. Sa pag-aaral ni Wardhaugh (2006), ang rehistro ng wika ay

mga set ng wika na may kaugnayan sa tiyak na trabaho o panlipunang grupo. Ang

mga surgeon, piloto ng airline, bank manager, sales clerk, musikero, prostitute at iba

pa ay gumagamit ng magkakaibang rehistro.

Madaling makilala ang iba’t ibang barayti nito dahil sa pagkakaroon ng

kakaibang rehistro ng wika. Bawat tao ay may magkakaibang persepsiyon sa bawat

bagay, may magkakaibang karanasan at kinalakihang kombensiyong panlipunan

kaya hindi kailan man magiging magkatulad ang kanilang paraan ng pananalita. Sa

pag-aaral ni Holmes (2001), ang terminong barayti ay walang pagtangi sa

lenggwahe at pagkakaiba-iba ng pagpapakahulugan at konsepto ng lenggwahe sa

iba’t ibang konteksto. Sinasabi ni Holmes na ang barayti ang bumubuwag sa

konsepto ng pagkakaiba-iba ng lenggawahe sa isang salita nagiging pantayang

pagtingin dahil sa baryasyon.

Isang natural na phenomena ang bunga ng ating malikhaing pag-iisip kung

kaya’y may mga nadaragdag at nalilipasan na ng panahon, ito ay ang mga salitang

nauuso pansamantala. Samakatuwid, dahil sa kaisipan ng nakararami upang mas

mapadali ang pagbigkas ng mga salita, nagkaroon ng iba’t ibang imbento ang mga

mamamayan. Kabilang na rito ang mga akronim, pagpapaikli at lalo na ang balbal.

Ang imbentong ito ay dala ng alon ng panahon at pinayayabong ng kasalukuyang

henerasyon. Buhay na buhay sa kadahilanang tinatangkilik at ginagamit ito ng

nakararami partikular ang mga bagets na nagtutunog lodi at petmalu kapag

sinasambit ang mga salitang ito sa pakikipagtalastasan kasama ang mga atabs sa

kalye. Itinuturing na isang pangangailangan ang wikang ito sapagkat talamak ang

gamit sa lipunan.

20
Ngunit pansin din sa makabagong panahon ang pag- usbong ng mga salitang

balbal. Ang balbal o slang ang mas pinakagamitin ng mga kabataang Filipino. Ang

mga kabataang sa makabagong henerasyon o mas kilala sa katawagan Gen-Z na

binubuo ng mga indibidwal na ipinanganak mula 1996 hanggang 2005 at ang

kanilang espesyal na wika o slang kung tawagin (Rey, 2019)

Maraming slang ang umusbong, ginamit, sumikat, napalitan, at nagbagong-

bihis. Isa na riyan ang slang ng Generation Z (GenZers). Ang GenZers ay kabataan

na isinilang sa pagitan ng 1990 hanggang 2000. Ang paggamit ng GenZers sa salita

ay naglalarawan ng sosyolohikal na kaligiran sa paggamit ng wika na mayroon

lamang sila. Ang wika ng Generation Z (WikaGenZ) ay nag-aambag sa wika sa

kasalukuyan mula sa mga transpormasiyon na nagaganap sa kanilang panahon

bunsod ng pag-unlad ng teknolohiya o impluwensiya ng online platforms tulad ng

social media (socmed).

GEN Z: ANG WIKA KO

Batay kay Boeree (2003), ang Wika ay sadyang inimbento lamang ng ating

mga ninuno at kanilang isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga balbal ay

inimbento lamang upang mapunan ang pangangailangang panlipunan. Sa

pagkakaimbento ng wikang ito ay namayapag sa kultura ng mga kabataan sa

kasalukuyang panahon.

Ang salitang balbal ay tinatawag ding slang sa Ingles. Nanggagaling ang mga

salitang ito sa mga grupo ng mga tao na ginagamit ang mga salita upang magkaroon

ng sariling codes. Dagdag pa nila, ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng

mga bagong bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay

21
nakalilikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang

mga salitang balbal at pangkabataang pananalita (Aldaca at Villarin, 2012).

Batay sa isang pag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines,

mayroon daw sila sariling wika na trending sa buong bansa, lalo na’t ang mga Gen-Z

ay tinawag na tech generation o digital natives (Alpay et al., 2019) sapagkat bukod

sa sila ang henerasyong ipinanganak at namulat kaagad sa mundo ng teknolohiya,

buong populasyon nila ang gumagamit ng internet, kung kaya’t hindi natatapos ang

pagtangkilik ng mga Gen-Z dito at hindi humihinto ang pag-usbong ng iba’t ibang

panibagong salita sa kanilang wika na sila rin mismo o isa sa mga kahenerasyon nila

ang gumagawa. Ayon sa isang Pilosopong Ingles at edukador na si Whitehead, wika

ang nagsisilbing salamin ng lahi at ng tauhan ng isang bansa at ang espesyal na

wika o slang ng mga Gen-Z ang sumasalamin sa kanila.

Isinaad sa pag- aaral ni Cheyne na sinipi ni Bediones (2018), ang mga

nilikhang Wika ay makikitaan ng pagkakakilanlan sa mga wikang natural na nabuo

batay sa isang tao o grupo ng mga tao na hindi matunton kung kailan nagsimula.

Dagdag pa rito ay hindi tulad ng mga wikang natural na nagbabago sa pag-usad ng

panahon, ang mga artipisyal na wika ay malayang binubuo sa takdang oras at

layunin nito. Ito ang nangyari sa tinatawag nating mga salitang balbal, dahil sa

pagkayamot ng mga kabataan o mga kabataang GenZ, umusbong ang ma salitang

ito.

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbago ng isang salita depende sa

paggamit o pagagamitan nito. Bukod pa rito, maraming prosesong pinagdaan upang

mabuo ang isang salitang balbal. Kaugnay dito ang “sosyolingguwistik” na nakatuon

sa epekto ng lipunan sa paggamit ng wika na nagbabago dahil sa edad, kasarian,

22
trabaho, pinag-aralan, antas ng pamumuhay, at iba pang aspeto ng buhay (Rubrico,

2012). Dagdag pa rito, maitururing na isang wikang sosyolek ang salitang balbal

sapagkat ito ay resulta sa paggamit ng isang pangkat ng mga kabataang GenZ.

Ayon sa pag- aaral ni Adams na sinipi ni Bediones (2018), ang pormal na

pag-aaral sa mga inimbentong wika ay nakatuklas ng magandang resulta at

nakahihikayat na makitang may sariling kakayahan ang mga ito ngunit magiging

mapanganib kung iaangkop sa mga natural na wika na magbubunsod ng kalituhan

lalo na sa paraan ng pag-unawa. Dagdag pa niya ay madalas na sa mga wikang

inimbento mula sa mga sikat na akda ay walang pag-iingat sa mga detalye sa

pagpapahayag ng saloobin, at pagwawalang bahala sa kultura at katapatan.

Ayon sa pag-aaral nina Tracy Francis at Fernanda Hoefel (Nobyembre 18,

2012) na pinamagatang “Ang tunay na Gen': Henerasyon Z at ang implikasyon nito

sa kumpanya” bago pa nalikha ang terminong “impluwensiya”, ginampanan ng mga

kabataan ang panlipunang papel na iyon sa pamamagitan ng paglikha at

pagbibigay-kahulugan. Ngayon isang bagong henerasyon ng mga

naimpluwensiyahan ang dumating sa eksena. Ang mga miyembro ng Gen Z—

malinaw, ang mga taong ipinanganak mula 1995 hanggang 2010—ay mga tunay na

digital native: mula sa pinakaunang kabataan, nalantad na sila sa internet, sa mga

social network, at sa mga mobile system. Ang kontekstong iyon ay gumawa ng isang

hyper-kognitibo na henerasyon na napakakomportable sa pagkolekta at pag-cross-

reference ng maraming mga mapagkukunan ng impormasyon at sa pagsasama ng

mga birtuwal at offline na karanasan.

Batay sa pag-aaral ng Global Language Monitor, humigit-kumulang 5,400

bagong salita ang nalilikha bawat taon; ang 1000 lamang ang itinuturing na hindi

23
sapat ang malawakang paggamit na ginagawa itong nai-print. Bilang karagdagan,

pinaniniwalaan ni Martini (2015) na ang henerasyon sa bawat henerasyon, ang mga

pagbigkas ay nagbabago, ang mga bagong salita ay hiniram o naimbento at ang

porsyento ng pagbabago nito ay nag-iiba. Higit pa rito, ang karamihan sa mga

pagbabagong nagaganap sa ating wika ay kadalasang nagsisimula sa mga bata

hanggang sa mga tinedyer (Thump, 2016). Nagsisimula silang tumuon sa pagiging

kabilang sa isang organisado na grupo, mga kasamahan sa koponan at mga

kaibigan at maging ang "tayo" na henerasyon. Habang sila ay nakikipag-ugnayan,

ang wika ay nagsisimulang magbago at kapansin-pansing kakaiba sa mga

nakaraang henerasyon. Halimbawa, ang Henerasyon Z ang pinakabatang tao sa

bansa.

Ayon kina Sladek at Grabinger (2014), ang Gen Z ay ang mga isinilang sa

pagitan ng 1996 hanggang 2009. Bilang karagdagan, sila ay nailalarawan bilang ang

pinaka magkakaibang lahi at etniko, at nasa landas na maging pinakamahusay na

pinag-aralan, sa kasaysayan ng U.S. Ang pinakamalaking pagkakaiba para sa Gen

Zers ay ang teknolohiya ay isang sentral na bahagi ng kanilang kinamulatan. Ito ang

unang henerasyon na dumating sa edad na may mga teknolohikal na pag-unlad

tulad ng smartphone hindi bilang isang bagong bagay na dapat gamitin, ngunit

bilang isang tinatanggap na bahagi ng pang-araw-araw na buhay (LeDuc, 2019)

Ang pagtingin sa ugnayan na mayroon ang mga tinedyer ng Amerika ay

nagbibigay ng isang pagsilip sa mga karanasan ng isang makabuluhang segment ng

Generation Z. Ayon sa isang survey sa Pew Research Center sa 2018, 95% ng 13

hanggang 17 taong gulang ay may access sa isang smartphone, at isang katulad na

pagbabahagi (97%) na gumagamit ng kahit isa sa pitong pangunahing mga online

platform. Ang YouTube, Instagram at Snapchat ay kabilang sa mga paboritong

24
destinasyon ng online ng mga tinedyer. 85% ang nagsabing gumagamit sila ng

YouTube, 72% ang gumagamit ng Instagram at 69% ang gumagamit ng Snapchat.

Ang Facebook ay hindi gaanong popular sa mga tinedyer - 51% ang nagsasabing

ginagamit nila ang site ng social media. 45% ng mga tinedyer ang nagsasabing

online sila "halos palagi," at isang karagdagang 44% na nagsasabing online sila

nang maraming beses sa isang araw. Gumagamit ang Gen Z ng iba't ibang mga

platform para sa iba't ibang mga aktibidad. Sa Instagram, ipinakita nila ang kanilang

minimithi na mga sarili; sa Snapchat, nagbabahagi sila ng mga sandali ng totoong

buhay; sa Twitter, nakukuha nila ang balita; at sa Facebook, nakakakuha sila ng

impormasyon.” Kaya't habang sila ay ganap na naaabot sa pamamagitan ng social

media, ang pinakamahusay na pagkonekta sa kanila ay nakasalalay sa pag-abot sa

kanila sa tamang paraan. (Hughes, 2018)

Sa Pilipinas, mayroong libreng serbisyo sa Facebook at Twitter na ibinibigay

ng iba't ibang network. Samakatuwid, ang sinumang taong konektado sa mga social

media platform na ito ay magkakaroon ng pagkakataong makipagtulungan at

makipag-usap online. Sa mas malawak na konteksto, ang konteksto ng social media

sa Pilipinas at sa buong mundo ay pinapagana ng Internet. Dahil sa pagdating ng

computer mediated communication, naging interes ng lahat ng linguist ang mga

wikang ginagamit sa komunikasyon. Dahil sa pagdating ng computer mediated

communication, naging interes ng lahat ng mga palaaral sa linggwistika ang mga

wikang ginagamit sa komunikasyon. Katulad ng, Computer mediated communication

(CMC), Santoro (1995), Herring (1996 at 2007) at Disyembre (1997). Isinaad nina

Thurlow, Lengel at Tomic (2004) ang pangunahing nakabatay sa teksto na

interaksyon ng tao na nagaganap sa isang mediated network ng mga computer o

25
mobile phone na nagpapahintulot sa isang proseso ng komunikasyon sa iba't ibang

konteksto at layunin.

Batid ng mga tao na ang mga batang Pinoy slang ay nabubuo din sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kahulugan sa mga umiiral nang

salitang Filipino. Bagama't may tinatawag na karaniwang paggamit, may ilang

partikular na grupo ng mga tao na lumikha ng mga baryasyon ng wika upang

magamit sa loob ng kanilang eksklusibong lupon. Ang ilang mga tao ay nagsimulang

gamitin ang mga ito bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na bokabularyo.

Dahil dito, maraming mga tinedyer ang gumagamit ng mga salitang iyon

bilang mahalagang bahagi ng kanilang komunikasyon sa kanilang mga kapwa

tinedyer. Ang ganitong mga salita ay nagpapahintulot sa kanila na mapanatili ang

relasyon sa mga kasama, makipag-usap, matuto ng bago at para sa kanila ang mga

salitang iyon ay laro lamang ng salita. Nagbibigay ito sa kanila ng madaling

katangian ng komiks para sa talumpating ito. Ito ay nasa lahat ng dako at marami sa

mga salita na ginagamit ngayon ay nagsimula bilang balbal.

Batay kay (Del Valle, 2017), kung napapaligiran mo ang iyong sarili ng mga

nakababatang tao, malamang na narinig mo na silang nagsabi ng ilang salita na tila

hindi mo maintindihan. Kung isa ka sa mga astig na bata noong 80's hanggang 90's,

makikita mo na ang wika ng mga kabataan ngayon ay hindi na iba sa sinasalita mo

noong mga kapanahunang iyon. Maaari mong sabihin na ang slang ng mga

nakaraang dekada ay bumabalik na may ilang mga update lang halimbawa: Ang ibig

sabihin ng "Petmalu" ay "malupit" o kamangha-mangha/sobrang astig. Ang ibig

sabihin ng "Lodi" ay "idolo" o isang taong tinitingala, "Werpa" na nangangahulugang

"kapangyarihan" at kadalasang ginagamit ito kapag may nagbibigay ng suporta at

26
panghuli ang baligtad na salitang "Matsala" ay nangangahulugang "salamat" na

isang regular na lumang " salamat” ngunit mas astig kaysa dati.

Ang "Sana all", "Awit", "Charot", "Sml", "Dehins", "Ediwow", "Hatdog", at iba

pang karaniwang ekspresyon ay ginawa bilang mga salitang balbal na Filipino, isang

mayamang mapagkukunan ng mga bagong salita at parirala na, kung gaano kabilis

ang mga ito ay nilikha ng mga teenager tulad ng Gen Z's ay mabilis na pinagtibay ng

mainstream upang maging tanyag ngunit gayundin, upang ipakita na sila ay naiiba

sa mga nakaraang henerasyon kung saan ang pagiging astig ay dapat maging

bahagyang mapang-uyam. Ang Gen Z ay dramatiko, maalam at sinasalamin ito ng

kanilang mga salita at naglalaman ng labis na dramatikong mga ekspresyon,

tandang padamdam at pagmamalabis.

Ang buong teksto ng Titulo IX, Artikulo 93 ng 1899 Konstitusyon ay nagsasad

na: “Ang paggamit ng mga wikang sinasalita sa Pilipinas ay hindi dapat sapilitan.

Hindi ito maaaring kontrolin maliban sa bisa ng batas at para lamang sa mga aksyon

ng pampublikong awtoridad at mga gawaing panghukuman."

Gaya ng nabanggit sa itaas, ang paggamit ng mga wikang sinasalita dito sa

Pilipinas ay hindi sapilitan kung kaya't ang wika ay magkakaiba at kasama nito, hindi

kaduda-duda kung bakit may kapangyarihan ang mga Gen Z sa paggawa ng

kanilang sariling wika. Kaya, ang mga dalubwika ay nababahala sa aktwal na mga

barayti ng linggwistika na matatagpuan sa pagsasalita at samakatuwid, ay

nangangailangan ng mga konsepto at pamamaraan na nagbibigay-daan sa atin

upang harapin ang pagkakaiba-iba. Ang mga konsepto at pamamaraan para sa

pagsisiyasat sa wika ay kinuha mula sa aktwal na wikang ginagamit sa mga

kontekstong panlipunan.

27
Batay kay Maghirang (2019), ang mga Pilipinong Gen Zers ay nailalarawan

bilang nababatid ang kapangyarihan ng teknolohiya, sabik na ibahagi ang kanilang

kaalaman at sabik sa higit pang pakikipag-ugnayan ng tao. Halos lahat ng oras ng

mga kabataang Pilipino ay nauubos sa paggamit ng kanilang mga smartphone. Sila

ay mahusay sa pagsasagawa ng ano mang magiging kahihinatnan o resulta sa

pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga gadget. Maraming mga aplikasyon na

maaaring i-install sa kanilang mga mobile phone tulad ng Twitter, Instagram,

Facebook at ang mga napupusuan para sa social na pakikipag-ugnayan.

Mas madalas o di kaya naman, maraming mga termino na hindi pamilyar sa

labas ng kanilang henerasyon ang nakakaharap araw-araw hindi lamang sa kanilang

mga post ngunit sa kung paano isulat ang kanilang mga komento at kung paano

magpadala ng mga mensahe sa kanilang mga pamilya at kaibigan. Ang mga bagong

likhang termino at pariralang nilikha nila ay tinatawag na Gen Z slang. Nakabuo sila

ng kanilang sariling slang, karamihan sa mga ito ay nakatali sa kultura ng media na

kanilang kinalakihan. Ang Gen Zers ay hindi maikakaila ang mga unang digital

natives na ipinanganak na may mga tinantyang teknolohikal na pag-unlad at

nakalantad sa social media, smartphone at agarang pagkuha ng mga impormasyon.

Kaya, ang teknolohiya ay lubos na itinuturing bilang isang malaking

kontribusyon sa pagbuo ng henerasyon sa mabilis na pag-unlad ng kung paano

nakikipag-usap, nakikipag-ugnayan ang mga tao at partikular, sa ebolusyon ng wika.

Bukod dito, ang usong paraan ng komunikasyon sa kasalukuyang henerasyong ito

ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga social platform. Kaya, lalo itong tumindi

dahil sa mga naganap na pagsara ng komunidad dahil lubos na inirerekomenda ang

pisikal distancing. Ang kultura ay nagsimulang itatag sa digital at sa gayon ang wika

sa pamamagitan ng paglitaw ng social media slang.

28
Ayon naman kay (Leitner, 1998, p. 129). Ang mass media ay salamin ng

realidad, at para sa iba ay bahagi mismo ng mga pangyayari sa lipunan. Ang mga

ugnayang ipinapahayag sa media ay kapwa nakasalalay at humuhubog sa wika at

lipunan. Naniniwala ang ilan na ang pagbabago sa wika ay kumakalat palabas mula

sa sentro. Ang sentrong ito ay isang indibidwal o pangkat o institusyong

nagpapasimula ng bagong istilo, salita, o gamit sa wika, at ayon sa lakas ng kanilang

impluwensiya ang layong mararating ng dinala nilang pagbabago. At ayon sa

kahalagahanngsocialmmedia.wordpres.com (2016) Ang social media ay isang

sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao. Nagbibigay daan ito sa paglikha

ng at pakikipagpalitan ng kaisipa kaalaman sa bawat mamamayan. Sa pamamagitan

din nito malayang makapagpagpaskil at makapagpagbahagi ng kaalaman at mga

larawan ang isang indibidwal. Kung kaya’t ito ang siyang naging daan sa madaling 9

pagkilala ng mga mamamayan partikular sa mga batang GenZ sa mga wikang

imbento kagaya na lamang ng mga salitang balbal.

Ang klasipikasyon ng mga henerasyon ng Brosdahl at Carpenter (2011) gamit

ang kategorya ng taon ng kapanganakan para sa bawat pangkat: Henerasyon X

(1961-1980), Henerasyon Y (1981-1990) at Henerasyon Z (1991 hanggang

kasalukuyan). Ang Gen Z ang unang nagkaroon ng teknolohiya sa Internet na

madaling magagamit at nalantad sila sa hindi pa nagagawang dami ng teknolohiya

sa kanilang pag-usbong, sa kagandahang-loob ng pag-unlad ng web na naganap sa

buong 1990s. Ang mga tao ng Gen Z ay natural na itinuturing na napakakomportable

sa teknolohiya, na ang pakikipag-ugnayan sa mga social media website ay isang

malaking bahagi ng kanilang mga gawi sa pakikisalamuha. Ang Gen Z ay

nagkakaroon ng malakas na 'birtuwal na samahan at tinutulungan nito ang mga

kabataan na makawala mula sa emosyonal at sikolohikal na pakikibaka na

29
kinakaharap nila offline. Ang maaga, regular at maimpluwensyang pagkakalantad sa

teknolohiya ng Gen Z ay may mga plus at minus sa mga tuntunin ng makatwiran,

sentimental, at panlipunang mga kahihinatnan.

Ipinanganak sa kalagitnaan ng pag-unlad ng teknolohikal, karamihan sa mga

katangiang inilarawan ay hindi pa lumalabas. Gayunpaman, marami ang nag-ugnay

sa Henerasyon Z sa pamamagitan ng lubos na konektado sa pagkakaroon ng

panghabambuhay na paggamit ng komunikasyon at teknolohiya (Wiedmer, 2015)

Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng

pananaliksik, respondente ng pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal

na tritment sa pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ng mga

mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

DISENYO AT METODO SA PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng Interview-method upang maglikom ng

mga datos at mailarawan ang karaniwang wikang ginagamit ng Gen Z.

POOK NG PANANALIKSIK

Isasagawa ang pag-aaral sa piling mag-aaral ng College of Teacher

Education (CTE) sa Cagayan State University. Naniniwala ang mga mananaliksik na

30
angkop ang pook na ito upang makakalap ng datos na kakailanganin upang

maisakatuparan ang kanilang pag-aaral.

MGA TAGATUGON SA PAG-AARAL/RESPONDENTE

Ang mga respondente ay magmumula sa labindalawang mag-aaral sa

College of Teacher Education (CTED) ng Cagayan State University.

KAGAMITAN SA PAG-AARAL

Magsisilbing instrumento ng mga mananaliksik ang talatanungan na

gagamitin bilang gabay na katanungan sa pakikipanayam. Ito ay upang malaman

ang mga salitang Gen Z na ginagamit sa kasalukuyan. Sa pakikipanayam ng mga

mananaliksik sa mga respondante ay gagamit ng voice recorder upang maitala ng

balido at organisado ang mga salitang Gen Z na ginagamit.

PROSESO SA PAGKOLEKTA NG MGA DATOS

Sa pagsasagawa ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay humingi muna ng

pahintulot sa dekana ng Departamento na magamit ang mga mag-aaral ng College

of Teacher Education (CTED). Ang mga mananaliksik ay gagamit ng interview-

method sa paglilikom ng mga salita na karaniwang ginagamit ng mga Gen Z sa mga

piling mag-aaral ng College of Teacher Education (CTED). Malayunin ang pagpili ng

mga kalahok. Titiyakin na sila ay nasasklaw ng Generation Z. Ang mga kalahok ay

ipinanganak mula taong 1990 hanggang 2000. Ang mga mananaliksik mismo ang

kakalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga

posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng iprepresentang datos. Ang

mga nakolektang datos ay susuriin at aaraling mabuti ang bersyon ng mga salitang

31
ginagamit ng mga kabataang Gen Z. Ang pag-aanalisa ng datos ay ibabatay ng mga

mananaliksik sa Teorya hinggil sa mga proseso sa pagbuo ng mga salita. nina

Delahunty at Garvey (2010).

REFERENCES

https://www.coursehero.com/file/82132594/kabanata-2docx/
https://www.academia.edu/36190494/
PAG_AARAL_TUNGKOL_SA_EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_MGA_SALITANG_BALBAL_
SA_PILING_MAG_AARAL_NG_11_ABM
https://www.academia.edu/39807149/
Kabanata_II_KAUGNAY_NA_PAG_AARAL_AT_LITERATURA
https://www.researchgate.net/publication/346700877_Pag-
usbong_ng_balbal_na_pananalita_bilang_modernong_wika_ng_kabataan_Isang_pagsusuri
https://www.researchgate.net/publication/
342849144_WikaGenZ_Bagong_anyo_ng_Filipino_slang_sa_Pilipinas
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/umg/630516/bakit-patok-ang-mga-
salitang-lodi-petmalu-at-werpa/story/
https://www.academia.edu/33470031/
Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_Scho
ol_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan
https://www.researchgate.net/publication/
342849144_WikaGenZ_Bagong_anyo_ng_Filipino_slang_sa_Pilipinas

32
https://uijrt.com/articles/v3/i4/UIJRTV3I40002.pdf
https://pdfcoffee.com/kabanata-ii-printeddocx-pdf-free.html
https://www.scribd.com/doc/436442879
https://www.coursehero.com/file/118141182/Generation-Z-Slang-Filipino-Street-Words-in-
the-Lens-of-Tanay-Senior-High-Schoolpdf/

33

You might also like