You are on page 1of 27

TSAPTER I.

SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

A. Panimula

Sa ating paaralan, sa ating mga tahanan, o maging saang lugar, palagi nating

naririnig ang pagsasabi nila sa mga pagkakaiba ng mga kabataan noon sa mga

kabataan ngayon. Minsan sa ating tahanan, ang pagkakaibang ito ay kadalasang

sinasabi ng ating mga tiyuhin/tiyahin. Madalas nilang sabihin ang kalagayan nila

nung sila pa ang mga dalaga at binata at inihahalintulad nila ang kanilang kaligayan

sa ating kalagayan ngayon bilang mga kabataan ng Gen Z.

Minsan naman, ito’y tinitukoy ng ating mga guro. Kung pano sila kabait

noong sila pa ang nag-aaral noong sila pa’y mga dalaga at binata. Kadalasang

nasisingit ang paksang ito sa anumang klase. Ngunit hindi natin sila masisis

sapagkat, may punto naman sila. Lahat ng kanilang mga binibitawang salita ay may

pagkatotohanan. Atin naman mababatid, maging millennial ka man o Gen Z ka, na

meron talagang pinagbago ang mga kabataan noon kung ikukumpara natin sa mga

kabataan ngayon.

Kaya naman, bilang isang mananaliksik, napag-isipan kong pag-aralan

kung talagang ramdam ba ng mga kabataan noon at kabataan ngayon ang

pagkakaiba nila sa isa’t-isa at kung bakit ito nangyari. Habang nasa proseso na rin

ng pagsasaliksik kung bakit ito nangyari, akin na ring tatalakayin kung ano ang mga

dulot nito.

1
Ang mga kabataang nabibilang sa Millenials o Generation Y ay mga

batang naipanganak sa mga taong 1980-1995, habang ang mga naisilang sa 1996-

2010 ay kilala bilang Generation Z.

B. Pagpapahayag ng Suliranin

Sa mga araw at oras na aking nagugol upang matapos ang pananaliksik na

ito, aking naranasan ang iba’t-ibang mga problema na hamak na nagpabagal sa

aking pagsusuri na naging dahilan sa muntik na paghantong ko sa pagkabigo. Ang

mga suliranin na aking hinarap ay ang mga sumusunod:

1. Ang paglalahad sa aking guro ng mga katanungan na aking gagamitin para

sa pagkalap ng mga datos;

2. Ang paghahanap ng mga kabataan na maaari kong tanungin ukol sa napili

kong paksa;

3. Ang kakulangan ko ng lakas ng loob na tanungin ang mga iba’t-ibang tao

tungkol sa aking paksa;

4. Ang pagbubuod sa mga datos na aking nakalap;

5. Ang hindi pagkakaroon ng kooperasyon ng katawan at utak ko; at

6. Ang kakulangan sa kagamitan.

2
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang sulating pananaliksik na ito ay naglalayong;

1. Maipahayag kung ano at sino ang mga millennial age (kabataan noon) at

Generation Z (kabataan ngayon);

2. Maipahayag kung ano ang pagkakaiba ng dalawang henerasyon: Millennial at

Gen Z;

3. Maipalahad ang mga mabubuti at masasamang dulot ng pagkasilang bilang

isang kabtaan sa henerasyon ng Millennials at Gen Z;

4. Mailahad ang dahilan o sanhi kung bakit nangyari ang pagkakaiba ng mga

kabataan sa Gen Z mula sa mga Millennials; at

5. Maipahayag ang napapanahong kalagayan ng mga Millennials at Gen Z.

3
D. Batayang Konseptwal

Kabataan Noon Vs Kabataan Ngayon

Dahilan ng Pagkakaiba ng mga Millennials at


Pagkakaiba ng Millennials at Gen Z
Gen Z

Pananaliksik Interbyu Pagmamasid Internet

Pananaw ng mga Millennials at


Gen Z

E. Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Layon ng sulating pananaliksik na ito na malaman ang kahulugan o ibig

sabihin ng kabataan noon (Millenials) at kabataan ngayon (Generation Z o Gen

Z), pagkakaiba ng dalawang henerasyon, dahilan ng pagkakaiba ng dalawang

henerasyon, magaganda at masasamang dulot ng pagkakasilang bilang isang

millennial at Gen Z. Sa pag-aaral at pananaliksik na ito, labing-anim na katao

na tagasagot ang kailangan upang matagumpay na makuha ang tamang datos

para sa pananaliksik na ito. Sa Dingras National High School/Poblacion

4
Campus gaganapin ang pag-aaral. Mahigit isang buwan ang hangganan o

katapusan ng pag-aaral sa papel pananaliksik na ito.

F. Pagbibigay Kahulugan sa mga Katawagan

Ang bawat terminong mababanggit at gagamitin sa pananaliksik na ito

ay napapaloob sa papel pananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong

sa mga nambabasa upang kanilang mas maunawaan ang handog nitong

kahulugan. Nanggaling ang mga salitang ito sa mga diksyunaryo, internet at iba

pa.

1. Millenials (Generation Y) – ito ang tawag sa mga kabataang

naipanganak sa taong 1980 hanggang 1995. Sila ang mga kabataang

may edad 22 (pinakabata) hanggang 37 (pinakamatanda).

2. Generation Z (Gen Z) – ito ang tawag sa mga kabataang naipanganak sa

taong 1996 hanggang 2010. Sila ang mga kabataang may edad 7

(pinakabata) hanggang 21 (pinakamatanda).

PAALALA: Ang mga nabanggit na taon ay maaaring sumanib sapagkat walang

pamantayang kahulugan kung kailan ang tunay na simula o pagtatapos ng isang

henerasyon.

5
TSAPTER II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

MILLENNIALS

Batay sa Internet:

Ayon sa WhatIs.com (2014), ang Millennials ay mga indibidwal na

nakaabot na ng karampatang gulang sa mga panahon ng 21st century.

Ayon sa Philstar.com (2015), ang mga Millennials ay ang mga

kabataang ipinanganak mula 1980s-1990s.

Ayon sa Wikipedia.org, ang Millenials ay ang mga pangkat ng

kabatan na sumusunod sa Generation X.

Ayon sa Tomasinoweb.org (2015), ang mga Millennials ay mga

kabataang nagbababad sa social media at pag-ibig.

Batay sa Tao:

Ayon kina Neil Howe at William Strauss (1987), ang mga

Millennials ay mga pangkat ng indibidwal na ipinanganak sa taong 1982

hanggang 2004.

Ayon kay Jam Pascual, isang manunulat ng dula, ang Millennial ay

isang bagay na wala talagang makakaintindi.

Ayon kay Jean Twenge, isang Psychologist, ang mga Millennials ay

“Generation Me” batay sa kanyang librong Generation Me: Why Today’s

6
Young Americans Are More Confident, Assertive, Entitled – and More

Miserable Than Ever Before noong 2006.

Batay sa Dyaryo:

Ayon sa Iconoclast, ang mga Millennials ay mga kabataang

ipinanganak sa taong 1978.

Ayon sa Newsweek Magazine, ang mga Millennials ay ipinanganak

sa taong 1977 hanggang 1994.

Ayon sa New York Times, ang mga Millennials ay mga kabataang

ipinanganak sa taong 1980 hanggang 2000.

Ayon sa Ad Age Editorial (August 1993), ang mga Millennials ay

mga batang mas bata pa sa 11 taong gulang na ipinanganak sampung taon

pagkatapos ang Generation X.

GENERATION Z

Batay sa Internet:

Ayon sa Wikipedia.org, ang mga Generation Z ay ang mga

kabataang komportable sa teknolohiya at komportable sa pakikihalubilo sa

mga social media sites.

Ayon sa Wikipedia.org, ang mga Gen Z ay kilala rin bilang Post-

Millennials, iGeneration, Plurals o di kaya’y Homeland Generation ay ang

mga pangkat ng mga kabataan na sumusunod sa mga Millennials.

7
Ayon sa Urbandictionary.com (2010), ay mga Gen Z ay ang mga

ipinanganak pagkatapos ang taong 1990.

Ayon sa Bloomberg.com (2014), ang mga Gen Z ay ang

pinakamalaking grupo ng henerasyon sa U.S., na tinalo ang bilang ng mga

Millennials.

Ayon sa Genhq.com (2017), ang mga Gen Z ay ang mga kabataang

may pinag-aralan, mga kabataang gustong gumawa ng bago sa mundo at

mga kabataang mas naiiba kaysa sa mga Millennials.

Batay sa Tao:

Ayon kay Frank N. Magid isag marketing firm, ang mga Gen Z ay

ang mga kabataang may pinakamababang paniniwala sa American Dream.

Ayon kay Leonid Bershidsky ng Bloomberg.com (2014), ang mga

Gen Z ay ang mga kabataang kayang pagsabay-sabayin ang limang screen:

TV, phone, laptop, desktop at mga tablet o gaming devices.

Batay sa Dyaryo:

Ayon sa Forbes (2015), ang henerasyon ng Generation Z ay

bumubuo sa 25% na populasyon sa Amerika.

Batay sa Pananaliksik:

Ayon sa MTV, ang mga Gen Z ay ang mga ipinanganak sa 2000.

Ayon sa Annie E. Casey Foundation, ang mga Gen Z ay ang mga

kabataang may mababang pursyento ng teen pregnancy.

8
TSAPTER III. METODO

A. Pamaraan sa Pagkuha ng Kasangkot

Sa pananaliksik na ito, siyam na mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang

seksyon at grado, isang guro na nagtuturo sa iba’t ibang asignatura, dalawang

guro na nag-eensayo bilang maging isang ganap na guro, at dalawang mga

mamamayan ang mga kasangkot sa naturang papel pananaliksik. Ang labing-

anim na katao na nabanggit ay nagtuturo at nag-aaral sa Dingras National High

School/Lt. Edgar Foz Memorial National High School – Poblacion Campus at

mga mamamayan ng Dingras, Ilocos Norte.

Ang mga nasabing bilang ng sangkot sa sulating pananaliksik ay kinuha

sa pamamaraang pagpili at pagdedesisyon.

B. Pamaraan ng Pananaliksik

Nabigyang tuklas ang mga pagkakaiba ng dalawang henerasyon,

dahilan sa pagkakaiba ng dalawang henerasyon at magaganda at masasamang

dulot ng pagkasilang sa millennial at Gen Z sa paraang Deskriptiv o palarawan.

9
C. Pangongolekta ng Datos

Sa pangongolekta ng datos na gagamitin sa sulating pananaliksik,

gumawa ang mananaliksik ng liham pahintulot para sa mga sangkot. Ang

sumunod at ang panghuli, ay ang pangongolekta ng mga talatanungan mula sa

mga sangkot at ang pagsusuri sa mga nakuhang datos, at ang pagbibigay

kahulugan sa mga datos na nakalap ng mananaliksik mula sa mga sangkot.

D. Pag-aanalisa sa mga Datos

Ang mananaliksik ay gumamit ng balangkas bilang instrumento sa pag-

aanalisa sa mga nakalap na datos mula sa mga sangkot.

10
TSAPTER IV. PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

A. Pagkakaiba ng Millennial at Generation Z

Ayon kay Celino, R.A (2017), isang batang Gen Z, naiiba ang millennials

sa mga Gen Z sa kanilang pag-uugali, paniniwala, pananalita, at pananamit.

Batay naman kay Salvatierra, Q. (2017), isa sa mga batang Gen Z, ang mga

millennials ay mas sanay sa mga manu-manong Gawain samatalang ang mga

kabataang Gen Z ay mas sanay sa mga gawaing gamit ang teknoloji.

Ayon sa pagkakaintindi ni Campano, D. (2017), isang kabataang Gen Z, sa

pag-uugali naiiba ang mga millennials sa mga kabataang Gen Z.

Ayon naman kay Corpuz, M. (2017), isang Gen Z, naiiba ang mga

millennials sa mga Gen Z sa paraang ugali at sa kanilang mga gawa.

Ayon kay Ampania, C. (2017), isang batang Gen Z, naiiba ang mga

millennials sa mga Gen Z sa kanilang pag-uugali at sa kanilang paniniwala.

Ayon naman kay Saldivar K. (2017), isa na naming kabataang Gen Z, ang

mga Gen Z daw ay naiiba sa mga millennials sa kanilang technological

advancements, practices at habits.

Ayon kay Saladino, J. (2017), isang kabataang millennial, naiiba ang mga

millennial sa mga Gen Z sa paraan ng kanilang paniniwala, kaugalihan, at sa

kanilang teknoloji.

Ayon kay Balais, J. (2017), isang kabataang millennial, malaki ang

pagkakaiiba ng mga millennial sa mga Gen Z sapagkat noon, alam ng mga


11
millennials ang rumespeto sa mga nakatatanda pero ngayon parang wala nang

pinakikinggan ang mga kabataang Gen Z.

Ayon kay Galiza, H. (2017), isang Gen Z, ang nag-ibahan ng mga

millennials sag a Gen Z ay ang kanilang mga ugali.

Ayon kay Saludares A. (2017), isang kabataang millennial, nagkaiba ang

mga millennials sa mga Gen Z sa paraang pagbabago.

Ayon kay Tolentino, F. (2017), isang kabataang Gen Z, mas maganda ang

ugali ng mga millennials kaysa sa Gen Z dahil sap ag-usbong ng teknolohiya. Mas

nagging tamad ang mga Gen Z kumpara sa mga millennials na sanay sa manual na

trabaho.

Ayon kay Pinzon, D. (2017), isang kabataang Gen Z, ang mga millennials

ay naranasan o natunghayan ang maganda at mayamang kapaligiran kaysa ngayon.

Kaming mga Gen Z ay nakakaranas ng iba’t-ibang masasamang panahon tulad ng

bagyo, lindol, climate change at iba pa.

Ayon kay Gaoaten, J. (2017), isang batang millennial, nagkaiba sa ugali ang

mga kabataang millennials sa mga kabataang Generation Z.

Ayon kay Corpuz, L. (2017), isang batang Gen Z, ang mga millennial babies

ay 7 hours and above per day para sa media at ang pangunahing layunin nila sa

buhay ay edukasyon at ang makapagtrabaho. Samantalang sa mga nabibilang sa

Generation Z, sila ay produkto ng Gen X at Y, 6 hours pataas ang nilalaan para sa

media. Lives in luxuries. Views life as uncertain.

12
B. Dahilan sa Pagkakaiba ng Millennial at Generation Z

Talahayaan 1

Mga Dahilan Puntos Bahagdan

Pagkaunlad ng Teknoloji 11 42%

Paraan ng pagpapalaki ng mga magulang 4 15%

Modernisasyon 8 31%

Maling Impluwensiya 3 12%

Kabuuan 26 100%

Batay sa resulta ng mga nakalap na datos, ang Talahayaan 1 ang nagpapakita kung

ano ang mga maaari o pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakaiba ang mga

millennials sa mga Gen Z.

Ayon sa datos, labing-isa (11) ang nagsasabing ang Pagkaunlad ng Teknoloji ang

pangunahing dahilan kung bakit nagkaiba ang mga millennials sa mga Gen Z, katumbas

nito ay apatnaput dalawang bahagdan (42%) sa kabuuang bahagdan. Sumunod ay ang

Modernisayon na may puntos na walo (8) na may katumbas na tatlongput isang bahagdan

(31%) sa kabuuang bahagdan ng datos. Sumunod ang Paraan ng pagpapalaki ng magulang

at Maling Impluwensiya na may puntos na apat (4) at tatlo (3) na may katumbas na labing-

lima (15%) at labing-dalawa (12%) ng buong galang.

13
C. Maganda at Masamang Dulot ng pagiging Millennial at

Generation Z

MILLENNIAL

Ayon kay Balais, J. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Marami akong natutunan sa mga 1. WALA.

bagay na dapat na matutunan na hindi

alam ng Gen Z.

2. Matututunan mo kung paano maging 2. WALA.

dependent.

3. Alam mo kung ano ang tama at mali. 3. WALA.

Ayon kay Saladino, J. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mas magalang ang mga kabataan 1.

noon kasi may takot kami sa mga

nakatatanda.

2. Natuto kaming maging dependent sa 2.

murang edad

3. Alam namin ang mga asal na dapat 3.

naming isapuso at hindi.

14
Ayon kay Saludares, A. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. May mga nabaong masayang ala-ala. 1.

2. May mga magagandang aral na 2.

aming napulot at nakuha.

3. 3.

Ayon kay Gaoaten, J. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mabilis kaming natuto sap ag-aaral. 1. WALA

2. Mas pinakikinggan ang mga bata ang 2. WALA

kanilang mga magulang.

3. Hindi pasaway ang mga bata noon. 3. WALA

GENERATION Z

Ayon kay Celino, R.A (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Hindi pinoproblema kung saan 1. Naaadik sa pagcocomputer o

gagawin ang computerized projects. pagseselpon at palaging nagpupuyat.

15
2. Mas maganda ang karanasan ng mga 2. Hindi nagagawa ang mga takdang

Gen Z kaysa sa mga millennials. aralin.

3. Mas madaming alam sa mga 3. Mas inuuna ang paglalaro sa mga

makabagong kagamitan ang mga gadget kaysa sa mas mahalagang

Gen Z kaysa sa mga millennials. bagay, at nawawalan ng galang sa

mga nakatatanda.

Ayon naman kay Salvatierra Q. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mas napapadali na ang 1. Nawawalan o nababawasan na ang

komunikasyon. effort.

2. Mas madali na ang paghahanap ng 2. Nagiging laganap na ang panonood

mga sagot sa mga takdang aralin. ng mga kabataan ng hindi pa dapat

mapanood.

3. Nagkakaroon ng mga gawaing 3. Nawawalan ng oras sa pamilya.

kaaaliwan.

Batay kay Campano, D. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Dahil sa teknoloji, napapadali ang 1. Hindi naipasa ang mga

mga gawain ng mga kabataan. magagandang pag-uugali o asal ng

16
mga kabataan noon sa mga kabataan

ngayon.

2. Progresibo. 2. Mas tamad ngayon ang mga

kabataan.

3. 3. Mas maharot ang mga kabataan

ngayon.

Ayon kay Corpuz, M. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Technologies are advanced. 1. Hindi naipasa ang mga ugali nila

noon sa atin ngayon.

2. Makes work easier. 2. Pagiging tamad dahil sa pag-iral ng

teknoloji.

3. More progressive. 3. Mas malalandi o mahaharot ngayon

dahil sa maling paggamit ng

teknoloji.

Ayon kay Ampania, C. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mas napapadali ang buhay dahil sa 1. Dahil sa mga teknoloji, ginagamit

mga teknolohiyang nagsilabasan. nila ito upang makapanakit ng

damdamin at iba pa.

17
2. Maunlad ang buhay ng tao. 2. Nawawalan na ng respeto ang mga

kabataan dahil sa masamang

impluwensiya ng kapaligiran.

3. 3. Maharot na ang mga kabataan.

Ayon kay Saldivar, K. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Exposed early on technology, easier 1. We are more focused on this, we

to know the process. make this as our habit that the old

habits are slowly diminishing.

2. Makes works easier. 2. Mas tamad ang mga kabataan

ngayon.

3. More progressive. 3.

Ayon kay Galiza, H. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Pag-usbong ng makabagong 1.

teknolohiya.

2. Palaging nakikinig sa mga magulang. 2.

3. 3.

18
Ayon kay Tolentino, F. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mas nagging aware tayo sa mga 1. Dahil sa teknolohiya ay nagiging

nangyayari sa paligid dahil mas tamad tayo.

napadali ang paraan ng

komunikasyon.

2. Mas napapadali at napapasaya ang 2. Palagi tayong kinukumpara sa mga

paraan ng ating pag-aaral. millennials at lumalabas na mas

maganda ang ugali nila.

3. Mas dumarami ang ating kaibigan 3. Kung minsan ay napapalayo ang

dahil sa mga social networking sites. loob natin sa ating mga magulang

dahil sa sobra nating paggamit ng

gadgets. Nawawala ang family

bonding.

4. 4. Mas prone tayo sa sakit dahil sa

radiation.

Ayon kay Pinzon, D. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mabilis ang komunikasyon ngayon 1. Nagiging tamad na ang mga tao dahil

patungo sa iyong mahal sa buhay sa sa iba’t-ibang imbento na

pamamagitan ng mga social

19
networking sites gaya na lang sa nagpapabilis ng mga Gawain sa

Messenger, Facebook at iba pa. buhay.

2. Makabagong teknolohiya ang 2. Nagiging adik o lulong sa mga

nagpapaganda at nagpapaginhawa ng selpon o kompyuter ang mga

buhay ng mga tao. kabataan o Gen Z.

3. High-tech lahat ng bagay ngayon. 3. Nakakasira ang mga kompyuter

games sa mga Gen Z ngayon.

Ayon kay Corpuz, L. (2017)

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. Mas maraming alam sa teknolohiya 1. Puro internet na lang kami

kumukuha ng mga impormasyon at

nakakalimutan na namin ang gamit

ng mga libro.

2. Ang paraan o estratehiya sap ag-aaral 2. Dahil sa modernisasyon, nagdulot

ay hindi lamang nakabase sa mga din iot ng matinding katamaran sa

aklat kundi na rin sa internet na amin.

masasabi kong malaking tulong ito

para mapadali at mapagaan ang pag-

aaral.

3. Family centered at hindi self or job 3. Ang pagdepende lahat sa aming mga

centered. magulang bawat oras.

20
TSAPTER V. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Lagom

Nalaman at nakita ng mananaliksik ang maling pagakaintindi sa kung sino

ang mga millennials at Gen Z. Kanya ring napagtanto kung sino ang mga batang

nabibilang sa millennials (kabataan noon) at Generation Z (kabataan ngayon).

Nasaliksik ng mananaliksik ang pagkakaiba ng mga kabataan noon (millennials) sa

mga kabataan ngayon (Generation Z). Nasaliksik rin kung ano ang dahilan ng

pagkakaibang ito. At kanya ring nasaliksik kung ano ang mga masasama at

magagandang dulot ng pagkasilang bilang isang millennial o Gen Z.

B. Konklusyon

Ang pananaliksik ko sa Kabataan Noon Vs Kabataan Ngayon ay sadyang

humubog sa akin at ginising ako sa katotohanan. Nakatulong ito upang mahasa ko

ang aking pag-iisip ukol sa mga pagkakaiba ng mga millennials sa mga Generation

Z. Nakatulong rin ito sa aking kaalaman para maintindihan ang dahilan o sanhi ng

pagkakaiba ng dalawang henerasyon. At napaglinang nito ang aking isipan ukol sa

mga masasama’t mabubuting dulot ng pagkakasilang sa isa sa mga henerasyong

nabanggit.

Ang pangangalap ko ng mga datos sa aking napiling paksa ay tunay na

mahalaga at nakatutulong dahil sa mga datos na ito, aking napagtanto ang mga

kaalaman na maaari ko pang maihandog sa ibang mamamayan ng Pilipinas lalong-

lalo na sa kapwa naming mga mag-aaral.

21
C. Rekomendasyon

Ang pagbasa ng munting pananaliksik na aking ginawa ay mahigpit kong

inirerekomenda sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas, maging ito man ay bata,

kabataan o matanda. Ako bilang mananaliksik ay may nabaong mga magagandang

aral na aking maihahandog sa ibang taong aking makakasalamuha. Kaya naman ay

buong puso kong ini-rerekomenda ang pagbasa ng mga pananaliksik gaya nitong

akin. Sa lahat ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga pag-asa ng bayan. Ini-

rerekomenda ko ito hindi para sa aking sariling benepisyo kundi dahil ito ay

nakapagbibigay ng magagandang aral na makakabuti sa ating lahat na pwede nating

mabaon sa pagpapatuloy natin sa pagtahak sa ating buhay.

Ini-rerekomenda ko ito lalo na sa mga kabataan para sa hinaharap ay

kanilang malaman ang mga aral na atin nang unti-unting nakakalimutan dahil sa

masyadong mabilis na pag-usbong ng mga bagay-bagay gaya na lamang ng

teknoloji.

Pakinggan at bigyan natin ng pansin ang mga aral at utos ng mga

nakatatanda sa atin, sapagkat sila ay may mas malawak na kaalaman.

22
TALASANGGUNIAN

https://www.careerplanner.com/Career-Articles/Generations.cfm

MILLENNIALS:

http://whatis.techtarget.com/definition/millennials-millennial-generation

http://www.philstar.com/para-malibang/2015/10/09/1508781/nakakasabay-ka-ba-sa-

henerasyon-ngayon

https://en.wikipedia.org/wiki/Millennials

http://tomasinoweb.org/2015/blogs/sa-mundo-ng-mga-milenyal.tw

GENERATION Z:

https://en.wikipedia.org/wiki/Generation_Z

http://www.urbandictionary.com/define.php?term=Generation%20Z

https://www.bloomberg.com/view/articles/2014-06-18/nailing-generation-z

http://genhq.com/igen-gen-z-generation-z-centennials-info/

http://www.huffingtonpost.com/george-beall/8-key-differences-

between_b_12814200.html

23
APENDISES

Dingras National High School/Lt. Edgar Foz MNHS


Poblacion Campus
S.Y. 2016-2017

Ika-6 ng Pebrero, 2017

Kagalang galang na Ginoo/Ginang:

Magandang araw po!

Ako po si Mark Daven Galiza na nasa ikalabing-isang taon sa sekondarya ng

Dingras National High School/Lt. Edgar Foz MNHS – Poblacion Campus at kasalukuyang

gumagawa ng pananaliksik na may pamagat na “Kabataan Noon Vs Kabataan Ngayon”.

Kaugnay nito, humihingi po ako ng pahintulot upang makagawa ng surbey sa mga kapwa

kong mag-aaral na nasa ibang seksyon at sa mga guro sa iba’t ibang asignatura ng Dingras

NHS.

Maraming salamat at pagpalain kayo ng Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,

MARK DAVEN GALIZA

Binigyang puna ni:

Gng. EVA G. MARTINEZ


Tagapayo
24
TALATANUNGAN

“Kabataan Noon Vs Kabataan Ngayon”

PANGALAN: _____________________________ EDAD: _______

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) ang sagot na iyong gusto sa mga piling tanong.

Sagutin ang mga tanong ng pawang katotohanan lamang batay sa iyong kaalaman.

1. Isa ka ba sa mga batang isinilang sa millennial age (kabataan noon) o Gen Z

(kabataan ngayon)?

___ a. MILLENNIAL ___ b. GENERATION Z

2. Kitang-kita mo ba ang pagkakaiba ng mga millennials kumpara sa mga Gen Z?

___ a. OO ___ b. HINDI

3. Sa paanong paraan nagkaiba ang mga millennials sa mga Gen Z?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

______..

4. Ano sa tingin mo ang dahilan ng pagkakaiba ng mga millennials kumpara sa mga

Gen Z? Bakit?

___ a. Pagkaunlad ng teknoloji ___ c. Modernisasyon

___ b. Paraan ng pagpapalaki ng mga magulang ___ d. Maling impluwensiya

___ Ibang dahilan: (Tukuyin kung ano) _________________________________.

Bakit ito ang napili mong sagot? ________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________.

25
5. Kung ikaw ay isang batang millennial, ano sa tingin mo ang maganda at

masamang dulot ng pagiging isang millennial?

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. 1.

2. 2.

3. 3.

6. Kung ikaw naman ay isang Gen Z, ano sa tingin mo ang maganda at masamang

dulot ng pagiging isang Gen Z?

MAGANDANG DULOT MASAMANG DULOT

1. 1.

2. 2.

3. 3.

___________________________
Lagda ng Sumagot

26
RESUME

Pangalan: Mark Daven C. Galiza

Tirahan: Brgy. Puruganan, Dingras, Ilocos Norte

Araw ng Kapanganakan: October 21, 1999

Edad: 17

Mga Magulang:

Ama: Rolando R. Galiza

Ina: Rosemary C. Galiza

Edukasyon:

Elementarya: Peralta Elementary School

Junior High School: St. Joseph Institute of Dingras Inc.

Senior High School: Dingras National Highschool/Lt. Edgar Foz MNHS –

Poblacion Campus

27

You might also like