You are on page 1of 14

IMPLUWENSYA NG SOCIAL MEDIA SA PAGPAPAUNLAD NG

BUKABULARYO SA WIKANG FILIPINO

Mga mananaliksik:

Joy Dave Lagud Acuesta

Lyka Gieselle Cudo Fernandez

Angelo Patayan Zerna

KABANATA 1
Panimula

Sanligan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang impluwensya ng social media


sa pagpapaunlad ng bukabularyo sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 7 na
mataas na paaralan ng Sta. Clara. Sa pamamagitan nito ay maaaring malaman ang mga
impluwensya ng social media sa bukabularyo. Mailalahad din sa pananaliksik na ito ang
kahusayan ng mga mag-aaral sa bukabularyo na ayon sa kasarian. Maaari itong tulay na
malaman na nakakatulong ba talaga ang social media sa mga mag-aaral sa kanilang
kalakasan o kahinaan sa bukabularyo. Makakatulong din ito sa mga guro na at lipunan
kung ano ang kalalabasan ng pananaliksik na ito. Ang mga impormasyon o datos ma
makakalap sa pananaliksik ay magagamit ng mga mananaliksik bilang basehan ng pag-
aaral na may kinalaman sa impluwensya ng social media sa pagpapaunlad ng
bukabularyo ng mga mag-aaral.

Ayon nga sa pag-aaral nina Hu at Deng (2007), ang bokabularyo ay isang


mahalagang bahagi ng wika at siyang batayan ng mga kakayahang pangwika sapagkat
ang mga mag-aaral na walang sapat na kaalaman sa bokabularyo ay makararanas ng
paghihirap sa pagiging matatas sa pakikipagtalastasan at pag-unawa sa binabasa.

Ayon kay Kamil et al. (2008), ang pagbuo ng bokabularyo ay isang proseso ng
pagtanggap ng mga bagong salita na gagamitin sa pang-araw-araw na buhay partikular
ang batayan ng pag-aaral ng anumang wika. Ang pagbuo ng bokabularyo ay nakatutok sa
pagtulong sa mga estudyante na matutunan ang kahulugan ng mga bagong salita at
konsepto sa iba't ibang konteksto at sa lahat ng akademikong pangnilalaman.
Sa pag-aaral na isinagawa sa San Isidro College, Malaybalay City, a n g m g a
mag-aaral ay gumagamit ng mga pahiwatig ng konteksto sa
pagbibigay-kahulugan ng mga salitang nababanggit ng guro sa diskusyon upang
mapabuti ang kanilang kasanayan sa bokabularyo (Ong, 2009). Sa pag-aaral ni
Obguia at Labad (n.d), gumamit ng iba't ibang mga panlipunan, memorya,
nagbibigay-malay at metacognitive strategies ang mga mag-aaral upang madagdagan
ang kanilang kaalaman sa bokabularyo.

Ayon kay Beck (2008) at Graves & Watts-Taffe (2008), kung direktang pagtuturo
ng mga estratehiya sa bokabularyo at pag-aaral ng salita, o pagdaragdagng dami ng
pagbabasa ng mga mag-aaral, isang mahalagang prinsipyo na nakabatay sa pananaliksik
na nalalapat sa kabuuan ng lupon ay itaguyod ang masidhing interes sa mga salita sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng estudyante at pakikilahok sa isang komunidad ng pag-
aaral na tinatangkilik ang paglalaro ng mga salita,nagtataguyod din sa mga indibidwal na
interes pati na rin sa mga pangangailangan ng kurikulum, at binibigyang-diin ang
pagiging epektibo ng sarili sa pag-aaral ngsalita.

Halos lahat ng pag-aaral kaugnay sa mga estratehiyang ginagamit upang


mahubog at mahasa ang bokabularyo ay nakatuon sa tradisyunal na pag-aaral gaya
na lamang ng pag-aaral ni Ong (2009) sa pamamaraan ng mga mag-aaral sa
pagpapabuti ng kanilang bokabularyo sa aktuwal na diskusyon ng guro.
Mahirap na ngayong may pandemya ay hindi maaaring magsagawa ng harapang
diskusyon kung saan kadalasang naituturo at nahahasa ang bokabularyo.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pagsusuri sa impluwensya ng social


media sa pagpapaunlad ng bukabularyo sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Sta.
Clara sa ikapitong baitang. Ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Anu-anong mga social media ang karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral?


2. Ano ang impluwensya ng social media sa bukabularyo ng mga mag-aaral?
3. May pagkakaiba ba sa antas ng bukabularyo na naayon sa kasarian?

Haypotesis

Walang makabuluhang impluwensiya ang social media sa pagpapaunlad ng bukabularyo


ng mga mag-aaral.
Teoretikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ang impluwensya ng social media sa pagpapaunlad ng bukabularyo sa Wikang


Filipino ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng Sta. Clara ay ibinatay sa mga sumusunod na
teorya:

Teoryang Innatism-ang pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak


na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang
kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay
nakikipag-interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang
wika ay nakapaloob at nabibigyang-hugis ng sosyo-kultutal nakapaligiran kung saan ito nabubuo.
Ito’y mabibigyang-kahulugan lamang kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.

Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto
ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang
tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya
ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang
nakakakilos at nakakagalaw.

            Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition


Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black
box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng
kanyang mga kapanalig ang terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag
nila sa aparatong pang-isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook,
1988; White, 1989).

Teoryang Iskema ay ang proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa sa pagkabuo


ng mga mahahalagang salik sa pag-unawa. (Pearson 1987) Ayon sa Teoryang Iskema, ang lahat
ng ating naranasan at natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad sa kategorya. Ang
mga iskemang ito ay nadaragdagan, nalilinang, nagbabago, at napapaunlad. (Pearson at Sapiro
1982). Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pagunawa
kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-
iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984). Ang dating kaalaman
(iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.

Bawat bagong impormasyon ay nadaragdag sa dati nang Iskema. Ang dating paniniwala
sa pagbasa ay ang pagsasabi ng ideya na nasa teksto. Nangangahulugang parang kinopya ng
teksto ang hinihingi ng mambabasa. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng
dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskema. Bawat bagong
impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskema. Samakatuwid, bago
pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng
teksto mula sa kanyang iskema sa paksa.
Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o ekspektasyon niya ay wasto,
may kulang o dapat baguhin. Dahil dito, ang teksto ay lunsaran lamang sa pagbuo ng kahulugan.
Hindi ang teksto ang sentrong iniikutan ng pang-unawa kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa. Sa madaling salita, ang kahulugang nabuo sa kanyang isipan ay ang batayan kung
nauunawaan niya ang binasa o hindi.

Triarchich Theory ni Steinberg, ang kaalaman ay nababatay sa paanonaaayon ang isang


indibidwal sa pagbabago ng kapaligiran sa kanyang buong buhay.
Isinasaad din sa teoryang ito na ang paggalaw ng utak ay nakabase sa tatlong components. Una ay
ang metacomponents na kung saan ang ating utak ay napo-proseso sa paglutas ng suliranin at
paggawa ng mahahalagang desisyon. Pangalawa, ay ang performance components
na kung saan ang prosesong utak ay gumagalaw sa atingmemorya. Ang paggawa ay nababatay sa
kung ano ang dating alam at pag-uugnay nito
sa paggamit nito sa isang bagong gawain. At ikatlo ay ang knowledge-acquisition components na
kung saan ang utak ay pumipili sa mga bagong kaalaman na atingnakukuha. Kung alin ang tama
at mahalaga o alin ang mali at hindi gaanong mahalaga.Kasabay ng tatlong ito
ay kakayahang maka-adapt ng isang indibidwal sa kanyangginagalawan (adaptation) upang siya
ay maka-adjust o makasabay sa mga pagbabagonito.

Connectivism Theory ito ay tumatalakay sa pagkatuto na nagbibigay diin olaman sa


layon o papel na ginagampanan ng sosyal at kultural na konteksto sa
kung paano at saan nangyari ang pagkatuto. Ang pagkatuto ay hindi lamang simplengnangyayari
sa isang indibidwal ngunit pati na rin sa pakikipagkomunikasyon sa iba gamitang
pakikipagtalastasan. Ang nagpapaiba sa Connectivism sa iba pang teorya katulad nalamang ng
Constructivism ay ang pananaw na “Ang pagkatuto ay maaaring makuha
hindilamang sa ating sarili, ito ay nakatuon sa pagdudugtong-dugtong ng mahahalaga atespesyal 
na mga impormasyon, at ang mga koneksyon na nagbibigay sa atin ngkakayahan na matuto ay
mas importante kaysa sa kasalukuyang estado ng pag-alam.”

Ang mga teoryang nabanggit ay may koneksyon sa paksang napili ng mga mananaliksik.
Ito rin ang maging gabay upang malaman ang impluwensya ng social media sa pagpapaunlad ng
bukabularyo sa Wikang Filipino.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Sa pag-aaral na ito, ang malayang baryabol ay ang social media at ang di-
malayang baryabol naman ay ang bukabularyo sa Wikang Filipino.

Makikita sa modelong balangkas na ito na ang pinakasentro na paksa ay


ang impluwensiya ng social media na kung saan may guhit na naka-angkla patungo sa
kahon ng bukabularyo sa Wikang Filipino. Ang mga mananaliksik ay gustong malaman
ang impluwensiya ng social media sa pagpapaunlad ng bukabularyo sa Wikang Filipino
kung saan ito ang nakikitang suliranin ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng
Ikapitong Baitang sa Mataas na Paaralan ng Sta.Clara
Modelong Balangkas

Impluwensiya ng Bukabularyo sa
Social Media Wikang Filipino
Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Pigura 1. Modelong Balangkas


KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Ang kahalagahan sa gagawing pag-aaral na ito ay makikita kung ano ang impluwensiya
ng Social Media sa pagpapaunlad ng bukabularyo sa Wikang Filipino ito ay inaasahang maging
kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Para sa mga Guro. Upang mabigyan ng ideya ang mga guro kung ano ba talaga ang
nakakaimpluwensiya ng social media sa mga mag-aaral.

Sa mga mag-aaral. Mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol impluwensiya ng social media at
kung ito ba ay konektado sa pagpapaunlad ng kanilang bukabularyo. Maaring malaman nila ang
mga nagpapaimpluwensiya sa loob ng paaralan.

Sa mga magulang. Mahalagang malaman ng magulang ang pagpapaunlad ng bukabularyo dulot


sa impluwensiya ng social media. Mabigyan ng gabay at patnubay ang kanilang mga anak.

Sa susunod na Mananaliksik. Upang mabigyan ng kaukulang patnubay, mahalagang


impormasyon at makakatulong sa kanilang pananaliksik at sa iba pang mananaliksik.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag – aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang impluwensya ng Social Media sa
pagpapaunlad ng bukabularyo sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral mula sa Ika-pitong Baitang
ng Mataas na Paaralan ng Sta. Clara sa akademikong taon 2022-2023. Nalilimitahan ang pag-
aaral na ito sa mga piling mag-aaral ng mataas na paaralan ng Sta. Clara.

Hinahangad din ng pananaliksik na ito na malaman at masuri ng mga guro kung may
positibo o negatibong Impluwensya ang Social Media sa bukabularyo. Sa huli, magbibigay ang
mga mananaliksik ng mga paraan na pwedeng gamitin ang Social Media sa pag-aaral.
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Upang mas mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa minarapat ng mga
mananaliksik na binigyan ng katawagan na magbibigay linaw sa pag-aaral nito.

Bukabularyo- ay ang pangkat ng mga salitang nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao
at ginagamit sa pang araw-araw.

Impluwensiya- ay isang lakas, puwersa o kapangyarihan na nakapagpapabago na nagmumula sa


labas ng isang tao o isang bagay na naimpluwensiyahan nito.

Internet- ay medium ng pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng mga impormasyon.


Nakakatulong at naipapadaling masagutan ang mga katanungan ng mga mag-aaral.

Social Media- ay ang tawag sa mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing tagapamagitan sa


pagpapalitan, pamamahagi, at paglilikha ng mga impormasyon, kaisipan, interes, at iba pang uri
ng mga pahayag sa mundong digital, sa pamamagitan ng mga birtwal na pamayanan at network.

Wika- ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga


simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
TALATANUNGAN

PAGSUSULIT 1:

Panuto: Ang bawat item ay may 4 posibleng tugon. Ang mga sagot ay laging ginagamit
(4). Halos lagging ginagamit (3). Minsan ginagamit (2). Hindi ginagamit (1).

Tanong: Ano ang mga networking sites madaalaas ginagamit ng mga mag-aaral ng
Baitang 7 sa Mataas na Paaralan ng Sta.Clara sa pagkatuto ng Wikang Filipino.

Laging Halos laging Minsan Hindi


Ginagamit (4) ginagamit (3) ginagamit ginagamit (1)

(2)

Facebook

Youtube

Google

Instagram

Messenger
PAGSUSULIT 2:

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at lagyan ng tsek ang loob ng box
para sa inyong sagot.

1. Anong klaseng social media ang nakakaimpluwensiya para sa iyo?


Facebook Tiktok Messenger
2. Anong klaseng social media platform ang ginagamit mo sa pang araw-araw?
Facebook Tiktok Messenger
3. Ang pagbabasa ba ng mga artikulo o balita sa social media ay nakakatulong sa paglinang
ng iyong bukabularyo?
Oo, dahil ito ay nagbibigay impormasyon at nagtuturo ng bagong bukabularyo
Hindi, dahil kadalasan ang nakikita ko sa internet ay halos pagbibiro lamang
Oo, dahil mas napapalinang nito ang aking kaalaman at nagbibigay ito ng ideya
sa akin para sa bagong bukabularyo
Hindi, dahil mas makakabuti kapag sa google ka magbabasa
4. Ilang oras ang binibigay mo sa iyong paggamit ng social media?
4-8 oras 1-3 oras 8-10 oras
5. Anong klaseng bukabularyo ang ginagamit mo sa mga social media platform na iyong
ginagamit?
Filipino Ingles Cebuano

PAGSUSULIT 3:

You might also like