You are on page 1of 15

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagsasalita sa Wikang Filipino ng Ika-labing isang

baitang ng Humanities and Social Sciences

Panukalang Pananaliksik

Bilang Pagtugon sa

Kahingian ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik

MGA PANGALAN NG KASAPI

Glaiza Charisse C. Villacorte

Jasmine T. Encarnacion

Jhumar G. Apuya

John Rex O. Labana

Jonalyn M. Calosor

Lermae Jane Q. Pintoy

Tristan B. Costan

JUNE 26, 2023


DAHON NG PASASALAMAT AT PAGHAHANDOG

PASASALAMAT

Nais naming magpasalamat sa aming guro na si Ginoong Jovir Cabiling na gumabay sa

amin sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito sa walng humpay na suporta, gabay at payo

sa aming mga mananaliksik.

Nais naming bigyang pugay ang aming mga miyembro sa kanilang oras na inilaan at

pasensya dahil matagunpay naming naisagawa an gaming pag-aaral na ito tungkol sa

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagsasalita ng Wikang Filipino sa Ika-labing isang

baitang at pakikipagtulungan upang mabuo itong pananaliksik, hindi magiging possible

ang lahat kung wala ang inyong suporta.

Nais din naming pasalamatan ang aming magulang sa pagbigay ng pahintulot upang

maisagawa naming ang pananaliksik na ito.

Higit sa lahat ang panginoon na naggabay sa amin upang maisagawa ng tama at may

katuturan an gaming pag-aaral at sa pagdinig ng aming mga panalangin, wala kami

ngayon kung wala ang kanyang patnubay at pagmamahal. Maraming Salamat!


PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito

sa mga taong tumulong, gumagabay at naging bahagi’t inspirasyon upang matagumpay

na maisagawa ang pananaliksik na ito. Sa nagbigay nang lakas, katatagan, patnubay at

walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang pag-aaral na ito


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pamagat ng Pahina i.

Talaan ng Nilalaman ii.

Kabanata

I. Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Kaligiran ng Pag-aaral

Batayang Teoritikal at Paradaym

Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Saklaw at Limitasyon

II. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Literatura

Lokal na Pag-aaral

Banyagang Literatura

Banyagang Pag-aaral

Sanggunian
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

1.1 Panimula

Sa panahon ngayon, marami sa ating Pilipino ay hindi marunong magsalita o umintindi

ng Wikang Filipino sa mga maraming kadahilanan sabi nga nina Espina at

Borja(1999)”Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang

kanyang damdamin at kaisipan” sa ating pakikipag-usap sa araw-araw na pamumuhay,

tayo ay gumagamit ng wikang nakaugalian na nating gamit pero paano kung sa paglipas

ng mga panahon tuluyan na itong mawala?

Sa pag-aaral na ito dito natin malalaman kung ano ang mga hadlang o balakid bakit

nahihirapan ang mga mag aaral ng Humanities and Social Sciences sa pagsasalita ng

Wikang Filipino kailangan itong pag-aralan para magawan ng paraan upang hindi tayo

maging mangmang at mas lalo pa nating maintindihan ng lubusan ang ating kultura ang

tradisyon.

Samakatuwid, ang mga salik na nakakaapekto sa pagsasalita ng Wikang Filipino ng mga

mag-aaral Humanities and Social Science sa ACLC College of Ormoc ay maaaring

kinabibilangan ng kapaligiran ng paaralan, mga impluwensya mula sa ibang wika at

kultura, pagbabago sa komunikasyon sa modernong panahon, ang papel ng mga guro,

at ang mga asignaturang nauugnay sa Filipino at panitikan. Sa pamamagitan ng

malasakit, pagtutok, at patuloy na pagpapahalaga sa Wikang Filipino.


1.2 Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pagsasalita ng wikang Filipino sa ika-labing isang baitang ng Humanities and Social

Sciences ay isang mahalagang aspekto ng edukasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyang

konteksto ng edukasyon, mayroong mga pagbabago at hamon na kinakaharap ang mga

mag-aaral at mga guro sa larangang ito.

Una, ang modernisasyon at teknolohiya ay patuloy na nagbubunga ng mga pagbabago

sa mga pamamaraan ng komunikasyon. Ang pag-unlad ng teknolohiya, tulad ng social

media at mga digital na plataporma, ay nagdudulot ng iba’t-ibang paraan ng pagsasalita

at komunikasyon. Ang paggamit ng mga bago at modernong salita , abbreviations , at

bahagi na ng pang-araw-araw na pakikipag-usap . Ang ganitong kaligiran ay maaring

makaimpluwensya sa tamang balarila at paggamit ng wikang filipino sa loob ng ikaw-

labing isang baitang ng Humanities and social sciences.

Pangalawa, ang pagbabago sa pamantayan ng pagsasalita ay isa pang mahalagang

aspeto na dapat suriin. Sa kasalukuyang, mayroong pag-unlad ng kolokyal na pagsasalita

at paggamit ng wikang Filipino. Ang mga salitang “jejemon” O ang paggamit ng “jejemon”

style ng pagsulat at pagsasalita ay nagiging bahagi ng kulturang pangkomunikasyon ng

mga kabataan. Ito ay maaaring magdulot ng mga hamon sa tamang Paggamit ng

Humanities and social Sciences.

Pangatlo, ang kakayahan sa pagsasalita ng wikang filipino ng mga mag-aaral sa

larangang ito ay maaring maging isang salik na makakaapekto. Ang iba’t ibang wika at
dialekto na ginagamit sa iba’t ibang rehiyon ng pilipinas ay maaring magdulot ng

pagkakaiba-iba sa kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita ng wikang Filipino.

Ang mga mag-aaral na hindi pamilyar o hindi nagsasalita ng wikang Filipino sa kanilang

tahanan ay maaaring magkaroon ng mga pagkakataon ng kakulangan sa pagsasanay at

pagpapahalaga sa wikang ito.

Sa ganitong kaligiran ng pag-aaral, mahalagang suriin ang mga salik na nakakaapekto

sa pagsasalita ng wikang Filipino a ikaw-labing isang baitang ng humanities and social

sciences. Ang pag-unawa sa mga hamong ito ay magiging pundasyon sa pagbuo ng mga

estratehiya at program ana tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa

pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa pagsasalita ng wikang Filipinio;.

1.3 Batayang Konseptuwal / Batayang Teoritikal at Paradaym

Batayang Teortitikala

Sa pananaliksik na ito bibigyan ng kasagutan kung bakit ang isang mag-aaral ay

hindi alam kung paano magsalita ng Wikang Filipino at ang kahalagahan ng

pagsasalita ng ating wika. Ayon kay Abueg (2001), na ang pasalitang wika ang

karaniwang batayan ng pagsusuri ng pagbabago ng wika. Kaya naman kailangang

pag-aralan ang mga pagbabagong nagaganap sa pagbigkas, kayarian ng

pangungusap ginagamit sa leksiyon, at iba pang aspekto ng wikang hindi

nasasalamin sa pasulat na wikang pinag-aralan.


Paradaym

INPUT PROSESO AWTPUT

Nais ng mananaliksik na Ang mga mananaliksik ay Inaasahan ng mga

malaman ang mga Salik na mamamahagi ng mga mananaliksik na sa pag-

nakakaapekto sa nasabing kwestyuner sa aaral na ito ay matukoy ang

pagsasalita ng Wikang mga mag-aaral sa Ika- mga suliraning kinakaharap

Filipino sa Ika-labing isang labing isang baitang ng ng mga mag-aaral sa Ika-

baitang ng Humanities and Humanities and Social labing isang baitang sa

Social Sciences sa ACLC Sciences upang makakalap kanilang pagsasalita ng

College of Ormoc. Kung ng mga impormasyon o Wikang Filipino at

kaya’t nagsagawa ng datos hinggil sa paksang makakalap ng maayos ang

kwestyuner na naglalaman pinag-aaralan o tinatalakay. nasabing pananaliksik.

ng mga katanungan hingil

sa paksang pinag-aralan.
1.4 Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin at tukuyin kung bakit nahihirapang

magbasa ng Wikang Tagalog ang nasa Ika-labing isang pangkat ng Humanities and

Social Sciences sa ACLC College of Ormoc.

1. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagsasalita ng wikang filipino sa ika-

labing isang baitang ng Humanities and Social Sciences?

2. Ano ang mga programa ng mga guro para mapaunlad ang pagsasalita ng

wikang filipino ng mga estudyante?

3. Ano ang mga paraan ng mga magaaral upang mas gumaling ang kanilang

pakikipagtalastasan sa wikang filipino?

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging

kapakinabangan nito sa mga sumusunod:

Mga Guro: Ang mga guro ay magkakaroon ng kaalaman at ideya sa kung ano ang

dahilan kung bakit hindi makapagsalita ng maayos ang estudyante sa Wikang Filipino

at maaari din nilang matugunan at bigyang kasagutan ang ilan sa mga suliranin nito.

Magkakaroon sila ng tamang pagpapasya nang sa gayon ay magabayan nila ng tama

ang mga mag-aaral sa tamang landas.


Mga Mag-aaral: Ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay

makakatulong upang tukuyin ang mga salik na nakakaapekto sa pagsasalita ng isang

mag-aaral at mabigyan ng solusyon para maiwasan ang pagkakautal na pagasalita.

Sa mga Magulang: Ang pananaliksik na ito ay mabibigyang hinuha o dagdag

kaalaman sa mga magulang sa kung ano ang mga suliraning kinakaharap ng kanilang

mga anak, hinggil sa pagsasalita ng Wikang Filipino sa eskwelahan at upang

mahanapan at mabigyan ng solusyon ang mga suliraniing umiiral na makakatulong

sa pagpapabuti ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa Adminitrasyon ng Paaralan: Makakatulong ito upang maka-isip ng mga paraan

at proseso kung paano nila ipapa-alam sa mag-aaral ng paggamit ng Wikang Filipino.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito.

1.6 Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa salik na nakakaapekto sa pagsasalita ng

Wikang Filipino sa mga mag-aaral ng ACLC College of Ormoc. Saklaw nito ang may

strand na Humanities and Social Science. At ang pag-aaral na ito ay may solusyon

kung paano magsalita ng maayos at hindi pagkakautal ng isang estudyante. Sa bilang

na dalawang daan na nakatala sa HUMSS students ay mayroong isang daan at

limampu na respondente ang nakalap upang tumugon sa interbyu. Ito ay naganap

ngayong pangalawang semester at hanggang pagtapos ng ikalawang markahan ng

ikalawang semestre ng taong pampaaralan (2022-2023).


1.7 Kahulugan ng mga Katawagan

Pagsasalita – ito ay isang paraan upang maipahayag natin kung ano ang gusto

natin sabihin o iparating sa ibang tao.

Kultura – tumutukoy sa mga pangkalahatang kaugalian, paniniwala, tradisyon, at

mga artefakto na nakapaligid sa isang partikular na lipunan.

Intonasyon – ito ay pagbabago ng tono, ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa

pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.

Asignatura – ito ay isang aralin sa paaralan na kailangang pagdaanan sa loob ng

isang semester o isang taon.

Panitikan – tumutukoy sa mga akdang literatura na likha ng mga Pilipino o tungkol

sa kultura at panlipunang buhay ng mga Pilipino.

Wika – ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao na kung saan

may kaayusan sa pagpapahayag ng damdamin o kaisipan.

Modernong Panahon – ay ang pagbabago ng paraan ng pamumuhay ng tao

ngayon kumpara noon.

Aspekto – ito ay nagsasaad o nagpapahayag kung ang kilos ay nasimulan na,

natapos na o sinisimulan na o sisimulan pa.

.
Kabanata II

Ayon kay Manuel L. Quezon , “ Ang wika ay nagpapahayag ng kaisipan ng tao at mithiin

ng isang bayang” Kung saan binibigyan ito ng kahalagahan si Quezon ay kinikilala bilang”

Ama ng wikang Pambansa “ Kung kaya Malaki ang naiambag niya sa pagpapalawak at

pagbibigay ng halaga sa ating wika. Dapat malaman na malaking bahagi ang

ginagampanan ng wika sa ating buhay. Ang wika ay ginagamit bilang isang paraan upang

tayon ay nagkaroon ng pakikipag-usap at pagpapahayag ng isipan. Hindi natin

namamalayan na maaaring limitado na rin tayo sa pag-alam ng wikang Filipino Bilang

isang bahagi ng Pakikipag-usap sa pamamagitan nito magkakaroon tayo ng malalim na

pagkakaunawa sa kahulugan at kahalagahan ng wikang Filipino.

Sa pag-aaral nina Castillo et.al (2018), may titulong Pagbuo at Balidasyon ng

Estratehiyang Interbensyong Kagamitan Pampagtuturo sa Gramatikang Filipino, Malaki

ang gampanin ang mga kagamitan ng panturo gay ng sanayang aklat pagkaka-alam ng

mga mag-aaral at mabisa itong panturo ng mga guro sa hinaharap. Ito ay lubusang

ginagamit at mas nakakatulong sa kanila upang magsilbing gabay sa kanilang pagtuturo.

Binibigyang diin ni Henderson (2015), Sa pag-aaral na Importance of Oral

Communication Skills na ang kakayahan sa pakikipaghalubilo ay kailangan para

mapaunlad ang ating kasanayan sa ating pagbabasa at pagsulat pati na rin pag-iisip at

pagkatuto. Binanggit din nya na dapat linangin sa pakikipagkomunikasyon, Una ay ang

kasanayan sa pakikinig, na sya ang pangunahing paraan sa pagtanggap ng


impormasyon. Pangalawa, ay ang pagsasalita ng mga mag-aaral upang mabisa nilang

maihatid ng kanilang ideya at saloobin. Pangatlong kasanayan ay dapat linangin ang

kahinaan at kalakasan sa paggamit ng wika at iba pang salik ng pakikipagkumonikasyon

upang makabuluhan ang paggamit ng wikang Filipino sa proseso ng pagpapalitan ng

ideya at kaalaman.

Ayon kay Bautista (2008), dapat pagsikapan ng bawat tao o ng mga mag-aaral pagkatuto

ng wikang Filipino upang maging mabunga ang pamumuhay nito sa daigdig. Dapat

taglayin ang mga makrong kasanayang pangwika tulad ng pakikinig, pagsasalita,

pagbasa, pagsulat. Binigyan din ng panahon upang pag-araln ni Adigue (2022),

ang ugnayan ng kuwentong pambata at kuwentong pangkalikasan. Dito naipakita na higit

na natututo ang mga mag-aaral kung may interaktibong lahok sa bawat pagtuturo. Naging

sentro ng aralin ay ang mga kuwentong pambata at pangkalikasan na nakapagbigay

ng malaking bahagdan sa pag-unawa at interes ng mga mag-aaral upang matuto.

LOKAL NA PAG-AARAL

Jessica, D. p. (2023). Interaktibong Modyul sa Pagtuturo ng Filipino. International


Journal of Research and Development , 48.

Marie, J. (2023). Pagbuo at Balidasyon ng Kagamitang Pampagkatuto sa Filipino


sa Kolehiyo. International Journal of Multidisciplinary Research .

Ronnie. (2021). Tungkol sa Wika. Research Gate.


Sanggunian
Marie, J. (2023). Pagbuo at Balidasyon ng Kagamitang Pampagkatuto sa Filipino
sa Kolehiyo. International Journal of Multidisciplinary Research .

Ronnie. (2021). Tungkol sa Wika. Research Gate.

You might also like