You are on page 1of 2

Tema: Pamanang Lokal: Binhi ng Kulturang Pilipino

“Layag sa Tikas”

Bago pa man tuluyang pawiin ng nag-uunahang kislap ng liwanag ang mapanglaw


na dilim na nakahalukipkip sa makapal na ulap ay kumukumpas na ang animoy mala
batong sandata sa lupa na siyang kasangkapan sa buong araw na pakikibaka. Ang maugong
na yabag nitong sanhi ng pagkakatandang sasapit na ang maaliwalas na umaga ay siyang
gigising sa mga diwang nakahandusay pa. Hindi magkamayaw sa paghambalos na simbolo
ng pag arangkada at paghinto sa katawan na mistulang pader na hudyat nang paglarga.
Ika nga nila’y “walang tiyaga kung walang nilaga”, isang kasabihang nanatiling buhay sa
diwa sa pagka-pilipino at mapahanggang ngayon ay namumutawi sa kanyang damdamin at
kaisipan. Isa pinagmamalaking kulturang naging marka ng pagkakakilanlan na naglunsad
ng malaking bahagi sa buhay ng pagiging isang Tuguegaraoeno ay ang “Kalesa”. Isang lokal
na transportasyong ginagamit sa lungsod maging sa karatig lugar dito sa ating bansa na
naging dulot o impluwensiya ng Espanya. Gayumpaman, ayon kay Eloisa Mangulad
Mabborang, board of director of the National Commission for Culture and the Arts for
Luzon natatangi at kaiba ang katangian mayroon ang kalesang tampok sa lungsod na
nagpahihiwalay sa iba pa nitong uri sa Pilipinas. Hindi rin kailan man mabubura sa
kasaysayan ng lungsod ang pangyayari noong Marso 28, 1962 kung saan si Gregorio
Mabatan na kilala din sa katawagang Tiyu Goryo ng Barangay Ugac ay nag-iwan ng marka
sa kasaysayan ng Tuguegarao at naging mukha ng Ybang Cochero sa pagsakay nito sa
kanyang nag-iisang pasahero ng noo’y pangulo ng bansa.
Naging malaking kasangkapan ang ipinagmamalaking transportasyong ito kung saan
sumasaklaw sa buong pagkatao at buhay ng mga residente ng Tuguegarao hindi lamang sa
agrikultura, negosyo, kalakalan, pang-turista at industriya kundi maging sa sosyo-kultural,
relihiyosong mga aktibidad, kaganapan at maging bilang isang kasangkapang pampulitika.
Makikita din natin na napakahalaga ng gampanin ng kalesa kung saan maliban sa mga
nabanggit ay napapanahon ito at maka-kalikasan lalo na sa panahong mataas ang
pangangailangan sa gasoline na ginagamit sa mga modernong transportasyon. Ipinapakita
lamang na malaki ang gampanin ng tinaguriang makasaysayng transportasyon na Kalesa
bilang isang pamanang lokal ng mga ninuong Ybnag sa mamayan nito maging sa kabuuan
ng lungsod ng Tuguegarao na mapahanggang sa kasalukuyan ay ginagamit parin.
Ang pamanang lokal ay sadyang napakahalaga sapagkat mula sa mga ito ay naging lunsaran
upang mas mapagtibay at mapaigting ang isang kulturang nakakabit sa isang pamayanan at
sa pang araw-araw na pamumuhay nito. Isa rin itong repleksyon ng pagkakakilanlan sa
ating bansa bilang larawan ng pagkakaisa na kung saan dito sumibol ang nahubog na
kultura ng ating nakaraan na tinatamasa ng bagong henerasyon. Bilang karagdagan, sa
pamamagitan ng ating pagprepreserba at pagbandera nito ay magiging hudyat ng
pagtangkilik ng mga turismo na kung saan may malaki at magandang epekto hindi lamang
sa pag-unlad ng ekonomiya kundi kasabay din ng pananatiling pag-unlad ng mga
pamanang ito sa ating buhay bilang Pilipino.

Steve T. Gannaban
Arao Street. Ugac Sur Tuguegarao City
09150194873
May 16,2000
22 years old.

You might also like