You are on page 1of 2

Bulacan: Lunduyan ng Kultura at Kalinangan

Probinsyang kilala sa sagana at patuloy pang pinagyayamang kultura. Bilang isang Pilipino katulad ko,
nalalaman mo ba kung bakit ang probinsya ng Bulacan ang isa sa mga lalawigan na may pinakamaunlad
na kultura dito sa ating bansa? Hayaan mo akong imulat ang iyong mata upang malaman mo.

Ang kultura at kasaysayan ay pawang magkabuhol na lubid patuloy pang pinagtitibay ng panahon.
Magbabago man ang ikot ng mundo dala na rin ng nakabagong teknolohiya, hindi kailanman mawawala
ang kalinangan at pagpapanatili sa kulturang kinasanayan.

Bukod sa ito ang susi sa patuloy na paghukay sa nakaraan, nagiging kasangkapan din ito sa pagtuklas sa
hinaharap. Ito rin ang nagsisilbing repleksyon ng isang nasyong nais makatamo ng progreso at
pagkakaisa.

Ngunit sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon, mabilis na nalalambungan nito nito ang makulay na
tradisyon at kasaysayan ng ating lalawigan. Ang ilan ay tuluyan nang itinulak at itinaboy ang mga
kaugaliang sa una pa lang ay kinupkop na ng ating mga ninuno. Sa kabila nito, marami pa rin ang patuloy
na yumayakap at nagpapaunlad sa mga kasaysayang ito. Hindi pa huli ang lahat upang muling balikan
ang mga ito.

Halika't maglakbay tayo sa ating maganda at mayabong na lalawigan.

Ang probinsya ng Bulacan ay binubuo ng 3 siyudad at ng 21 na munisipalidad. Sa bawat sulok ng Bulacan


ay may iba't-ibang kultura na nakagisnan na at hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinagyayaman. Hitik
sa magagandang lugar at masasayang pagdiriwang ang ating lalawigan. Kabilang dito ang Baliwag Buntal
Hat, Meycauayan Gold Filigree, Sukang Paombong, Bocaue Fluvial Parade, Angat Dam, Baliwag Transit at
iba pa.

Maraming kilalang Bayani na ipinanganak at nanirahan sa bayan ng Bulacan gaya ni Mariano


Ponce,Marcelo H, del Pilar, Trinidad Tecson.Alamin natin kung ano ang mga ginawa nila sa ating bansa.Si
Mariano Ponce ay isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas.
Si Marcelo H. del Pilar kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", isang ilustrado noong panahon ng
Espanyol. Si Trinidad Perez Tecson ay babaeng bayani ng Himagsikang Filipino at kilala bilang “Ina ng
Biyak-na-Bato.” Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng mga
kalalakihan sa rebolusyon.
Mayroong mga lugar sa Bulacan na ipinagmamalaki nila gaya na lamang ng Barasoain Church. Ang
Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinasang pagpupulong ng
Unang Kongreso ng Pilipinas, ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos at pagpapasinaya ng Unang
Republika ng Pilipinas Ang simbahan na ito ay iprinoklama ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang isang
pambansang liwasan.

Isa din ang Biak na Bato na dinarayo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga lakbay-aral.
Kadalasan, ang mga kwebang pinagkutaan nila Aguinaldo ang kanilang dinarayo. Puntahan din ang Biak-
na-Bato ng iba pang mga turistang nais makaranas ng pagligo sa isang malamig at malinis na batis, mag-
explore ng napakaraming kweba sa paligid, o para mabuhay ng ilang saglit sa bisig ng inang kalikasan

Sa bawat kontribusyon at ambag ng lalawigan ng Bulacan ay mas lalong lumalalim ang tatak na iniiwan
nito sa lahing Pilipino.Sa huli, bilang kabataan dapat mas laling magyabing ang mga paghihirap na
ginawa para sa ating kultura. Kailangan magkaroon tayo ng oras sa kulturang mayroon tayo upang
maging tuloy-tuloy ang pagyabong nito.

Sa Bulacan, number one ang ating kultura at ang ating kasaysayan. Patuloy nating panatilihin ang
pagpupugay at pagmamahal sa ating kultura at pagtanaw sa ating kinaroroonan

You might also like