You are on page 1of 1

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan


Departmento ng Senior High School
Departamento ng Filipino

PROYEKTO SA FILIPINO 11 (UNANG SEMESTRE-PANGGITNA)


Pangalan: Christian D Sta Cruz Pangkat: 11 HUMSS-E
Guro: Ms. Rachella Complido

Paksa: Pagtuklas sa yamang kultura


Pamagat: Kultura ng Bulakenyo
Panimula
Natuklasan ng mga mangingisda ang lugar na ito bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa.
Nanggaling sila mula sa baybayin ng Maynila at lumipat sa lupaing ito kung saan mataba ang
lupa at napapaligiran ng ilog at batis. Lumaki ang bilang ng mga naninirahan dito at ngayon ay
kilala na bilang lalawigan ng Bulakan. 
Pinaniniwalaang mula sa salitang "bulak" (kapok) o tinipil na salitang "bulaklak". Maaaring
tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook na may maraming tanim na bulak o bulaklak. 
Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng
kasaysayan ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay isa sa mga lalawigang nag-alsa sa mga Kastila.
Ang Simbahan ng Malolos at Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga naging punong himpilan ni
Pangulong Emilio Aguinaldo at ng kanyang batasan.
Katawan
  “Mayaman ang Bulakenyo sa Kultura at Sining” ani ni Bb. Nicanora Theresa “Rheeza”
Santiago-Hernandez. Ang panauhing tagapanayam na natatanging alagad ng kultura at sining.
Nagbahagi sya ng mga kaalaman sa pagpupuni at mga kaluto ng Bulakenyo at ng mga Pilipino.
At kahalagahan ng sining, kultura at tradisyon ng ating lalalwigan.

     Ang sining ay hindi kinakalakal, ang sining ay ipinamamahagi upang patuloy na mabuhay,
ipinapakilala at malaman, lalo na ng mga kabataan. Ang mga kaalaman na ibinahagi nya sa
forum na ito ay  ang mga kaalaman na natutunan nya sa kanyang tiyahin na si Tita Milagros
“Mila” Enriquez. Aniya hindi lang mayaman kundi napakakukulay ng kultura at sining ng mga
Bulakenyo. Biniyayaan din ang mga Bulakenyo ng mga magagaling at matatapang na mga
Bayani.
Wakas
 Tunay ngang ang Lalawigan ng Bulacan ay isang makasaysayang lugar at maraming
maipagmamalaking kasaysayan ng kaluto, kultura, sining at tradisyon. Tunay na mayaman ang
mga Bulakenyo sa mga ganitong bagay. Masasabi ko na panatiliin ang ganda at kulay ng
bulakan.  

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like