You are on page 1of 2

Bulacan State University

Kolehiyo ng Arte at Literatura


Departamento ng Araling Pilipino
Guinhawa, Lungsod ng Malolos, Bulacan
KONSEPTONG PAPEL SA ARALING PILIPINO (ARP 101)
PANGALAN PANGKAT PETSA ISKOR
1. Adriano, Denise Kylla Marielle C. 3 11/25/2019
2. Bautista, Richelle F.
3. Bautista, Steffany Joy F.
4. Betonio, Monica Lyza T.
5. Dela Cruz, Ellery Jane L.
6. Divinagracia, Anna Marie S. SEKSIYON
7. Faustino, Alexandria S.
8. Isidro, Hanna Mae R. BSA-1E
9. Lovendino, Sinhaisez C.

Tentatibong Pamagat:

Ang Konsepto ng Kultura sa Mata ng Kabataan: Isang Komparatibong Pag-aaral

sa mga Paniniwala at Gawi Noon at Ngayon sa Lungsod ng Malolos, Bulacan

Mahalagang bahagi ang kultura sa isang bansa sapagkat nagbibigay ito ng kulay

sa pagkakakilanlan nito. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang

kinalakihan niya at nagtuturo sa kanya kung ano ang kaniyang gagampanan sa lipunan

at kung paano niya ito maisasagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit

sa lahat, ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay

tungo sa makabuluhang buhay. Binubuo ng kultura ang mga paniniwala o mga

nakasanayang kagawian ng tao. Maraming paniniwala ang nabuo mula sa kaisipan

nating mga Pilipino at naapektuhan na rin ng iba’t ibang mga pagbabago. Ang ibang

mga nakagawian ay nananatili pa tulad ng tradisyon sa paggunita ng fiesta, ang iba

naman ay nagbabago dulot ng modernisasyon, ngunit ang iba naman sa mga ito ay

tuluyang naglalaho na. Layunin ng mga mananaliksik na alamin ang pagbabago ng


kultura sa lungsod ng Malolos sa paglipas ng panahon. Bilang ang kabataan ang

magsisilbing subhekto sa gagawing pananaliksik, bibigyang pokus ang kanilang mga

pananaw. Samantalang, ang mga importanteng detalye kaugnay ng kultura noon sa

lungsod ng Malolos ay magmumula sa mga taong may sapat na karanasan at

kaalaman. Mahalagang bigyan ng pansin ang pagbabagong ito sapagkat, ang kultura

ang isa sa pinakamalaking parte na bubuo ng ating pagka-Pilipino. Dahil sa paglipas ng

panahon at pagusbong ng makabagong teknolohiya, palaging nababangit ang salitang

pagbabago. Maririnig natin palagi sa nakatatanda ang mga katagang “Ibang iba na

talaga ang kabataan sa panahon ngayon”. Kaya naman, ang komparatibong pagaaral

na ito ay naglalayong alamin kung ang mga pagbabagong namamayani ay angkop sa

pamantayan ng lipunan. Alam ng mga mananaliksik na kinakailangan ang pagbabago

upang umunlad ang bayan ngunit, mahalagang malaman kung alin sa mga nakagisnan

noon ang dapat pa rin natin pahalagahan ngayon. Sa henerasyong lubusang binabago

ng modernisasyon, makatutulong ang pagaaral na ito upang malaman kung paano

umusbong ang kultura sa Malolos at kung paano ito nagbago sa paglipas ng panahon.

Malaking ambag sa komunidad na malaman ang kasalukuyang kaalaman ng kabataan

sa kultura ng lungsod at kung ano ang pagkakaiba nito sa mga nakagawian noon. Higit

pa dito, makakatulong ito upang masuri kung paano binibigyang halaga ng kabataan

ang mga tradisyon, paniniwala at mga nakagawian noon. Makakatulong rin ang

pagaaral na ito upang masukat ang antas ng pagbabago at makapagbigay ng

suhestiyon o solusyon upang buhayin ang ilan sa kulturang nakagisnan at mapagtibay

ang ilan sa mga kulturang namamayani at patuloy na pausbungin ang kamalayan ng

mga Pilipino sa kulturang bumubuo ng ating pagka-Pilipino.

You might also like