You are on page 1of 23

Persepsyon at Saloobin ng mga Mag-aaral sa Sekondarya Patungkol sa Kulturang

Pilipino sa Larangan ng Paniniwala at Tradisyon

Panukalang Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik na Isinakatuparan ng mga Mag-aaral ng Senior High School ng

Himamaylan National High

Mga Mananaliksik

Kriszelle May B. Bermudez


Pangunahing Tagapagtatag

Mark P. Tugado

Princess Shamille L. Espartero

Angelo L. Robosa

Alexa Gabrielle G. Gerbolinga

MARY JANE V. SUELLO

Guro sa Pananaliksik

Nobyembre 26, 2023

Petsa

Kabanata I
Introduksiyon

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang kultura ng Pilipinas ay mayaman na magkakaiba at kinabibilangan ng

maraming iba't ibang elemento na nag-ugat sa kasaysayan, relihiyon, wika, sining, at iba

pang aspeto ng lipunan. Ang mga paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino ay nagpapakita

ng pagmamahal sa bayan, paggalang sa mga nakatatanda, pagpapahalaga sa pamilya, at

pagkamalikhain at pagiging masayahin.

Ayon kay Jadion 2019, ang kultura ay ang yaman at pundasyon ng isang bayan.

Ito ay sumasalamin at bumubuo sa mga paniniwala, kaugalian at mga nakagisnang

gawain ng mga tao. Ang kultura ay tinuturing pamana ng mga ninuno na nagmula pa sa

sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan at maging sa susunod na henerasiyon. Sa

bansang Pilipinas, ang kultura ay nagmula pa sa tradisyunal na kasanayan ng mga

katutubo at maging sa impluwensya ng mga mananakop.

Bawat tao ay may sariling kulturang kinalakihan na siyang nagbibigay gabay sa

pagkilala kung ano ang karapat-dapat na tungkuling gagampanan at sa papanong paraan

ito maisasakatuparan sa paraang kanais-nais. Lalo sa lahat, ang kultura ang siyang

nagsisilbing haligi at patnubay sa pagtahak ng landas patungo sa isang makabuluhang

buhay (Acosta et al, 2016).

Ang pananaw ng isang tao ay nakabatay sa kanyang kultura. Ang mga pananaw at

saloobin ng mga mag-aaral sa kulturang Pilipino sa larangan ng paniniwala at tradisyon

ay maaaring mag-iba depende sa kanilang mga karanasan, kaalaman, at impluwensya.

Ang ilang mga mag-aaral ay may positibong saloobin at bukas at interesadong matuto
tungkol sa kulturang Pilipino. Ang ilang mga tao ay maaaring may negatibong pananaw

at saloobin at maaaring walang malasakit o mapang-uyam sa pag-aaral tungkol sa

kulturang Pilipino. May mga taong may neutral na pananaw at saloobin at walang

opinyon o reaksyon sa pag-aaral ng kulturang Pilipino.

Ang mga paniniwala sa mga diyos, espiritu, o iba pang banal na nilalang ay hindi

lamang simpleng bahagi ng kultura, kundi malalim na nakaugat sa kanilang pang-araw-

araw na pamumuhay at nagbibigay direksyon sa kanilang mga desisyon at kilos. Ang mga

ritwal at seremonya, kasama na ang mga relihiyosong pagdiriwang, ay hindi lamang mga

kaganapan kundi mga mahahalagang gawain na nagbibigay-liwanag sa mga paniniwala

ng isang lipunan. Ang mga ito ay nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa mga

tradisyon na nagbibigay ng kahulugan sa buhay. Ang mga ito ay hindi lamang

nagpapakita ng damdamin at pananaw ng mga tao kundi nagbibigay rin ng bintana para

sa iba na masilip at maunawaan ang kanilang lipunan. Ang mga tradisyon, lalo na ang

mga pampamilya, ay nagpapalalim sa ugnayan ng mga miyembro ng komunidad. Ang

mga kwento-kwento, ritwal, at sayaw na bahagi ng tradisyon ay hindi lamang mga

libangan kundi naglalaman din ng kaalaman at aral na nagbibigay-liwanag sa kasaysayan,

pilosopiya, at pamumuhay ng isang komunidad. Ang pagpapatuloy ng mga tradisyon ay

hindi lamang nagpapalalim sa pagpapahalaga sa sariling kultura kundi nagpapalakas din

sa pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang paniniwala at tradisyon ay sumasalamin sa mga

ugali, pag-uugali, at kahalagahan na nagbubuklod at nagpapayaman sa isang komunidad,

at ito ay mahalagang bahagi ng patuloy na pag-unlad at pagpapatibay ng kultura ng isang

bansa (Acosta, 2018)


Ang mga paniniwala ng mga Pilipino ay hindi lamang bunga ng kanilang kultura

at tradisyon, kundi nakuha rin sa mga banyagang sumakop sa bansang Pilipinas. Ito ay

nagpapakita na ang kultura at paniniwala ng isang bansa ay hindi lamang nakabatay sa

kanilang sariling karanasan, kundi maaaring hango rin sa impluwensya ng ibang bansa.

Ang mga kulturang nakagisnan ay unti-unti nang nagbabago at naglalaho sa

paglipas ng panahon,dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang kaisipan at persepsyon ng mga

tao sa paniniwala. Ang ilan sa mga dahilan ng pagbabago at tuluyang paglalaho ng mga

nakasanayang gawain ay ang pagkakaroon pagkakaiba sa relihiyon; pagkamulat ng mga

tao sa makabagong teknolohiya; at ang pagkakaroon at paglantad ng modernismo sa

kasalukuyang panahon. Ang mga salik na ito ay nagdudulot ng pagbabago sa tradisyunal

na kultura at nagpapatunay na iilan na lamang ang mga bayan sa ating bansa ang

nagsasabuhay ng Kulturang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maglahad ng

kasalukuyang antas at katayuan ng kultura at tradisyon sa pamamagitan pagbatid ng

saloobin at pananaw ng mga mag-aaral sa sekondarya.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay-tuon sa pananaw at saloobin ng mga mag-

aaral sa sekondarya mula sa strands sa HUMSS at ABM tungkol sa kultura ng Pilipinas

sa larangan ng Paniniwala at Tradisiyon. Layon ng pananaliksik na ito na mahanapan ng

kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Makaapekto ba ang pagkakaiba sa relihiyon, modernisasyon, at social media sa

pagbabago o pagbaba ng interes sa mga kultural na paniniwala at tradisyon ng

Pilipinas sa mga mag-aaral sa sekondaryang?


2. Ano ang hamon sa pagtanggap at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa sekondarya

sa mga katutubong paniniwala at tradisyon sa isang modernong lipunan?

3. Paano nahaharap ang mga mag-aaral sa sekondarya sa mga hamon sa pagtanggap

at pagpapahalaga sa mga katutubong paniniwala at tradisyon sa isang

kontemporaryong konteksto ng lipunan?

Teoretikal na Balangkas

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya

ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop

noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na

tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas.

Pagbabatayan din ng pag-aaral na ito ang teoryang “bakod-bukod-buklod” ni

Elizabeth Morales-Nuncio, 2013. Ang teoryang ito ay nagpapakita ng kung paano

masusuri ang mga baryabol sa isang pananaliksik batay sa kanilang hangganan, katangi-

tangi, at pagkakatulad. Ang teoryang ito ay makatutulong sa pagsasaliksik at pag-aaral

ng kulturang Pilipino sa larangan ng paniniwala at tradisyon dahil ito ay nagbibigay ng

isang paraan ng pag-uuri at paghahambing ng mga ito sa ibang kultura.

Ang teorya ng kultural na pagkakakilanlan ay ang paniniwala na ang bawat tao ay

may sariling pagkakakilanlan na nakabatay sa kanyang kultura. Ito ay nagsasabi na ang

kultura ay isang mahalagang bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang teorya na ito ay

makatutulong sa pag-aaral ng mga pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa kulturang

Pilipino sa larangan ng paniniwala at tradisyon dahil ito ay magbibigay ng isang


kaalaman sa kung paano nakakaapekto ang kultura sa pag-iisip, pag-uugali, at damdamin

ng isang tao. Ito ay magpapakita ng pag-unawa at pagtanggap sa sariling kultura at sa

kultura ng iba.

Ang Teoryang Kultural ay isang konsepto na ginagamit para sa pag-aaral at pag-

intindi sa mga pagbabago sa kultura. Ito ay nagpapahiwatig na ang kultura ay isang

kumpletong sistema ng pamumuhay ng isang tao. Ayon dito, ang buhay at personalidad

ng isang tao ay malaki ang kaugnayan sa kanyang kultura. Ang kultura ay parang isang

daan para maunawaan at makilala ang mga tradisyon at paniniwala ng isang tao. Sa ibang

salita, ang kultura ay isang mahalagang elemento sa paghubog ng pagkatao ng isang tao

(Lustig, 2013).

Nais ng mga mananaliksik na ibahagi ang talakaying ito sa mga mamamayang

Pilipino lalo na sa mga kabataan ng makabagong henerasyon at mapukaw ang isipan ng

mga mambabasa batay sa kanilang mga opinion at pananaw sa pagkawala at pagbabago

ng kultura at tradisyon base sa kanilang persepsiyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

DIBISIYON

1. Ang pag-aaral ay mahalaga sa dibisyon dahil ito ay makakatulong sa pagpapabuti

ng mga programa at patakaran na naglalayong pangalagaan at itaguyod ang

kultura ng Pilipinas. Maaari rin itong magbigay ng impormasyon sa mga

tagapamahala ng edukasyon kung paano mas epektibong maisasama ang mga

aralin tungkol sa paniniwala at tradisyon sa kurikulum, at


2. ito ay nagbibigay sa mga mag-aaral, mga guro, at mga tagapamahala ng mga

kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga na makakatulong sa kanilang pag-unlad

bilang mga mamamayan at mga propesyonal.

PAARALAN

1. Sa paaralan, ang pag-aaral ay mahalaga dahil ito ay magbibigay ng gabay sa mga

administrador at guro kung paano nila mas mapapahalagahan at maisasama ang

kultura ng Pilipinas sa kanilang pagtuturo. Makakatulong ito sa kanila na lumikha

ng isang kapaligiran na nagpapahalaga sa mga lokal na paniniwala at tradisyon, at

maghikayat sa mga mag-aaral na maging mapagmataas sa kanilang kultural na

pamana,

2. ito rin ay maaaring magbubukas ng mga posibleng landas sa lalong pagpapabuti

ng nasabing larangan at maging katuwang ng iba pang disiplina sa pagbubuo ng

isang tunay at makabuluhang maka-Pilipinong pananaliksik. Ang pag-aaral

tungkol sa kulturang Pilipino sa paaralan ay naglalayong makapag-ambag sa

pagpapaunlad ng bansa at pagpapalaganap ng pambansang identidad at

kamalayan, at

3. bilang tagapagpanday at tagapagpayabong ng kaalaman ng tinatawag sa “Pag-asa

ng Bayan”, ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang higit na

mabigyang-pansin ang mga kulturang Pilipino, upang mapaangat alinsabay sa

globalisasyon.

MAG-AARAL
1. Para sa mga mag-aaral sa sekondarya, ang pag-aaral ay mahalaga dahil ito ay

makakatulong sa kanila na mas maunawaan at pahalagahan ang kanilang sariling

kultura. Ito rin ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na suriin ang kanilang

mga pananaw at saloobin patungkol sa kultura ng Pilipinas, na maaaring

magkaroon ng positibong epekto sa kanilang pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa

sarili,

2. ang pag-aaral tungkol sa kulturang Pilipino ay makatutulong sa mga mag-aaral na

magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang sarili, sa kanilang kapwa,

at sa kanilang bansa, at

3. ang pag-aaral tungkol sa kulturang Pilipino ay makapagbibigay sa mga mag-aaral

ng inspirasyon, pagmamalaki, at pag-asa para sa hinaharap, ito ay isang paraan ng

pagpapahiwatig ng pagmamahal sa bayan at pagpapalaganap ng pambansang

pagkakaisa.

MGA SUMUSUNOD NA MANANALIKSIK

1. Ang pag-aaral ay mahalaga para sa mga sumusunod na mananaliksik dahil ito ay

magbibigay ng pundasyon at mga datos na maaari nilang gamitin para sa

karagdagang pag-aaral. Maaari rin itong magmungkahi ng mga bagong tanong at

direksyon para sa hinaharap na pananaliksik na may kinalaman sa kultura,

edukasyon, at pag-unlad ng kabataan, at

2. ito ay magbibigay sa kanila ng mga kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga na

makakatulong sa kanilang pag-unlad bilang mga mamamayan at mga

propesyonal. Ang pag-aaral sa kulturang Pilipino ay nagtuturo rin sa kanila ng


mga aral sa buhay, mga pakikipag-ugnayan, at mga responsibilidad na kailangan

nila sa kanilang kinabukasan.

Saklaw at Delimitasiyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtalakay ng pananaw at saloobin ng mga

mag-aaral sa sekondarya ng Himamaylan National High School patungkol sa kulturang

Pilipino, partikular sa larangan ng paniniwala at tradisyon. Ang mga partikular na aspeto

ng paniniwala at tradisyon na tatalakayin ay ang mga sumusunod: selebrasiyon ng mga

espesyal na kaganapan o pista, mga ritwal at seremonya, mga paniniwala sa mga

supernatural na nilalang, at ang papel ng relihiyon sa buhay ng mga mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging limitado lamang sa isandaang (100) mag-aaral

ng sekondarya mula sa Akademikong strand na HUMSS at ABM ng Himamaylan

National High School sa taong panuruan 2023-2024. Ito ay bubuuin ng limampung (50)

lalaki at babaeng tagatugon bawat strand sa akademiko. Hindi magiging kabilang ng

pananaliksik ang pananaw at saloobin ng mga guro, magulang, o ibang sektor ng

komunidad, ibang antas ng edukasyon, ibang paaralan, ibang kultura, at ibang larangan

ng kulturang Pilipino na hindi kaugnay sa paniniwala at tradisyon, tulad ng wika,

kasuotan, sining, musika, pagkain, at iba pa.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga terminolohiya na di-pamilyar o

natukoy sa isang hiram na salita mula sa wikang Ingles. Ang depinisyon ng mga

terminolohiya ay nagpapahayag ng konseptuwal na depinisyon na nakabatay o nagmula


sa magkaugnay na pag-aaral at diksyunaryo at operasyonal na depinisyon na tumutukoy

naman sa mga konkretong pamamaraan o hakbang na ginagamit upang sukatin o

matukoy ang isang konsepto. Ito ay naglalaman ng mga eksaktong kahulugan,

pamamaraan, o pagpapaliwanag kung paano ginagamit o inaaplay ang isang konsepto sa

isang partikular na sitwasyon.

ABM konseptuwal na depinisyon - Ang ABM (Accounting, Business, and Management)

ay isa sa mga strand na inaalok sa hayskul academic track. Ang layunin nito ay magbigay

ng sapat na kaalaman sa lahat ng mga mag-aaral na kumukuha ng accounting,

management at iba pang kursong may kinalaman sa negosyo sa unibersidad (Cordial, J.

2017).

Operasyonal na depinisyon-Ito ay isa sa espisipikong strand na gagamitin bilang baryabol

sa pag-aaral na ito, na naglalayong paunlarin at palawakin ang kasanayan ng mga mag-

aaral sa pangangasiwa ng negosyo, pag-aanalisa ng financial data, at paggawa ng mga

desisyon at pagpapasya batay sa mga ito, na maaaring magamit sa pag-aaral at pag-unawa

ng kulturang Pilipino sa larangan ng paniniwala at tradisyon.

HUMSS konseptuwal na depinisyon- Ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) ay

isang aklatan na naglalaman ng pananaliksik para sa malalim na pagsusuri ng iba't ibang

aspeto ng lipunan, kultura, sining, at agham panlipunan. Isang kurikulum sa hayskul na

nakatuon sa mga lugar gaya ng sikolohiya, sosyolohiya, pilosopiya, panitikan, at agham

pampulitika (Cornal, L. 2019).

Operasyonal na depinisyon- ito ay isa sa espisipikong strand na gagamitin bilang

baryabol sa pananaliksik na ito, na naglalayong paunlarin ang kasanayan ng mga mag-


aaral sa kritikal na pag-iisip, pananaliksik, at komunikasyon na bumubuo sa

kasalukuyang kamalayan ng mga mag-aaral na naglalahad ng koneksiyon ng bawat

indibidwal sa lipunang kinabibilangan sa pag-aaral ng kulturang Pilipino sa larangan ng

paniniwala at tradisyon.

Kulturang Pilipino konseptuwal na depinisyon- Ang Kulturang Pilipino ay tumutukoy

sa mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, at iba pang aspekto ng buhay ng mga Pilipino.

Ang mga kaugalian ng mga Pilipino ay kinabibilangan ng pagiging mapagkumbaba,

paggalang sa mga nakatatanda, pagiging malasakit sa kapwa, at ang pagpapahalaga sa

pamilya. Kasama rin dito ang mga ritwal at seremonya tulad ng mga fiesta, kasal, binyag,

at iba pa (Lopez, et.al, 2015).

Operasyonal na depinisyon- ito ay magsisilbing gabay sa mga mananaliksik upang

kanilang maunawaan ang mga ugali, paniniwala, at mga gawi ng mga Pilipino upang

maunawaan ang mga isyu at hamon na kinakaharap ng bansa.

Pananaw konseptuwal na depinisyon- ang pananaw ay ang paraan ng pagtingin o pag-

unawa ng isang tao sa isang partikular na paksa o sitwasyon (Charlene, 2019).

Operasyonal na depinisyon- ang pananaw sa konteksto ng pananaliksik na ito ay

tumutukoy sa mga opinyon, perspektibo, at interpretasyon ng mga mag-aaral sa

sekondarya tungkol sa kulturang Pilipino. Ito ay maaaring sumasaklaw sa kanilang mga

paniniwala, mga damdamin, at mga reaksyon na nakabase sa kanilang mga karanasan,

kaalaman, at pag-unawa sa kulturang Pilipino. Ito rin ay maaaring mag-iba-iba depende

sa kanilang personal na karanasan, pamilya, komunidad, at iba pang mga salik na

nakakaapekto sa kanilang pagtingin at pag-unawa sa kulturang Pilipino.


Paniniwala konsepyuwal na depinisyon- ang paniniwala ay tumutukoy sa mga

kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo, at ang mga

kaisipan, opinyon, o doktrina na pinaniniwalaan o tinatanggap ng isang indibidwal o

grupo ng mga tao. Ito ay maaaring batay sa personal na karanasan, relihiyon, o iba pang

mga saloobin (Cabrera, 2018)

Operasyonal na depinisyon- sa pananaliksik na ito, ang paniniwala ay isa sa mga

bibigyang pokus sapagkat ito ay isa sa mga aspetong bumubuo sa kulturang Pilipino, at

dito nakabatay ang mga impormasiyong kukunin ng mga mananaliksik sa mga

respondente sa kung ano ang pananaw at saloobin nila tungkol dito.

Relihiyon konseptuwal na depinisyon- Ang relihiyon ay isang hanay ng mga sistema ng

paniniwala, sistema ng kultura, at pananaw sa mundo na nag-uugnay sa sangkatauhan sa

espirituwalidad at kung minsan ay moralidad.

Operasyunal na depinisyon- Ang relihiyon ay nakatuon sa mga nakikitang pag-uugali at

gawi sa halip na mga panloob na paniniwala o karanasan.Ito ay nagpapahintulot sa mga

mananaliksik na pag-aralan ang relihiyon sa isang layunin at masusukat na paraan.

Social Media konteskstuwal na depinisyon-Ang social media ay tumutukoy sa mga

website at mga programa sa kompyuter na nagpapahintulot sa mga tao na magbahagi at

makipagpalitan ng impormasyon sa Internet o sa mga mobile phone (Ubalubao, et.al,

2018).

Operasyunal na depinisyon- sa pag-aaral na ito, ang social media ay mga website at

computer program na kasalukuyang ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral,


tulad ng Facebook, Google, Instagram, Twitter, at YouTube, na nakakaimpluwensya sa

mga tradisyon at paniniwala tungkol sa kulturang Pilipino.

Saloobin kontekstuwal na depinisyon- Ang saloobin ay tumutukoy sa mga damdamin,

ugali, at emosyon tungkol sa partikular na paksa (Ki, 2021).

Operasyonal na depinisyon- ito ay magbbiigay ng impormasyon tungkol sa pagtanggap at

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa sekondarya sa kanilang sariling kultura. Ito rin ay

maaaring magbigay ng mga ideya kung paano mas maaring maipalaganap at

maipalaganap ang kulturang Pilipino sa mga kabataan. Ang saloobin ng mga mag-aaral sa

sekondarya tungkol sa kulturang Pilipino ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa

kanilang pag-uugali, pagpapahalaga, at pagkilos.

Tradisyon konseptuwal na depinisyon-ang tradisyon ay ang mga kaugalian, gawain, o

ritwal na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ito ay nagbibigay ng

identidad at pagkakakilanlan sa isang kultura o grupo ng mga tao (Millena, 2016).

Operasyonal na depinisyon- sa pananaliksik na ito, ang tradisyon ay isa sa mga bibigyang

pokus sapagkat ito ay isa sa mga aspetong bumubuo sa kulturang Pilipino, at dito

nakabatay ang mga impormasiyong kukunin ng mga mananaliksik sa mga respondente sa

kung ano ang pananaw at saloobin nila tungkol dito.


Kabanata II

Paglalahad ng Magkaugnay na Literatura

Lokal na Pag-aaral

Sa pananaliksik ni Lawrence De Chavez (2022) na pinamagatang "Ang

kahalagahan ng Kulturang Pilipino sa Kasalukuyan" ay nakapaloob na kailangang

mapahalagahan ang tradisyunal na kulturang Pilipino. Ipinakita sa pag-aaral na ito ang

kahalagahan ng mga kultura ng kahapon na hindi na isinasagawa at kinakaligtaan sa

kasalukuyan dahil sa tuluyang pagbabago sa pananaw ng bawat tao na naging

pangunahing salik sa paglaho nito sa kasalukuyang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay

akma sa pag tuklas ng medyor na dahilan sa pagbabago ng perspektibo ng bawat

indibidwal sa lipunan. Ito ay makakatulong sa pag tugon at pag salba sa tuluyang

pagbabago at paglaho ng tradisyunal na kultura sa kasalukuyang panahon. Ang layuning

mapanatili ang nakagisnang tradisyon at paniniwala ay hakbang sa pagapapanatili ng

pagkakakilanlan ng bawat Pilipino .

Ang pag-aaral na ito ay nakapagbigay ng mga mahahalagang natuklasan tungkol

sa kulturang Pilipino. Una, ito ay nakapagpatotoo na ang kulturang Pilipino ay mayaman,

makulay, at malikhain. Ito ay naglalaman ng mga kaugalian, tradisyon, at paniniwala na

nagmula sa iba’t ibang mga impluwensya ng mga katutubo, mga dayuhan, at mga

kolonyalista. Ito ay nagpapakita ng mga katangian ng mga Pilipino na masayahin,

mapagmahal, matulungin, at matatag. Ikalawa, ito ay nakapagpahiwatig na ang kulturang

Pilipino ay nanganganib na mawala dahil sa mga pagbabago sa lipunan. Ito ay dahil sa


mga salik tulad ng globalisasyon, modernisasyon, migrasyon, at edukasyon na

nagdudulot ng pagkawala ng interes, paggalang, at pagmamalaki sa kulturang Pilipino.

Ikatlo, ito ay nakapagbigay ng mga mungkahi sa pagpapalaganap at pagpapalakas ng

kulturang Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga paraan tulad ng pagtuturo ng mga

aralin sa kultura sa mga paaralan, paggawa ng mga programa at proyekto na nagtatampok

ng mga katutubong sining at kultura, pagbibigay ng mga insentibo at suporta sa mga

nagsusulong ng kulturang Pilipino, at pagpapalawak ng mga ugnayan at pakikipagpalitan

ng mga karanasan at kaalaman sa ibang mga bansa na may kaugnayan sa kulturang

Pilipino. Layunin ng pag-aaral na ito na ipakita na ang mga tradisyunal na gawain sa

ating kasaysayan ay dapat pahalagahan at huwag kalimutan dahil ito ay sumisimbolo sa

ating pagka-Pilipino at lalo na sa susunod na henerasyon.

Lokal na literatura

Ang artikulo ni Joshua Villar (2016) na pinamagatang “Ang Pagkawala at ang

Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino” ay tumatalakay sa mga dahilan at epekto

ng ebolusyon ng kultura at wika sa kontemporaryong panahon, partikular na sa larangan

ng edukasyon at akademikong gawain. Ito ay naglalayong suriin ang paggamit ng wika sa

akademikong konteksto, ang impluwensya ng teknolohiya sa ebolusyon ng wika at

kulturang Pilipino, at ang mga pagbabagong nagaganap sa wika at sa paniniwala ng mga

Pilipino sa iba’t ibang kultura sa kasalukuyang panahon.

Mahalaga ang artikulong ito dahil nagbibigay ito ng kaalaman at nagpapataas ng

kamalayan sa mga mag-aaral, guro, at iba pang mga stakeholder sa edukasyon hinggil sa

mga impluwensya at pagbabago ng wika, tradisyon, at paniniwala sa modernong


panahon. Layunin nitong magmungkahi ng mga rekomendasyon at solusyon sa mga

hamon na dala ng mga pagbabagong ito sa wika at kultura sa akademikong gawain.

Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng pagiging kritikal at mapagmasid sa mga

pagbabago sa wika, nakagawiang tradisyon, at paniniwala na maaaring makaapekto sa

kulturang Pilipino at sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.


Kabanata III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay natatagpuan sa gitnang bahagi ng pananaliksik. Ang

medyor na layunin ng bahaging ito ay naging batayan ng sistematikong proseso na akma

sa pag- aaral. Ang kabanatang ito ay naglalaman ng walong bahagi: (1)Disenyo at

Pamamaraan ng Pag-aaral (2)Lokal at Populasyon ng Pag-aaral, (3)Instrumento ng

Pananaliksik; (4)Baliditi at Reyabiliti ng Instrumento, (5)Paraan ng Pangangalap ng

Datos; (6)Paraan ng Pag-aanalisa ng Datos; (7)Paraan ng pagsusuri ng Datos

Unang bahagi, Disenyo at pamamaraan ng pag-aaral, nagpapahayag at naglalahad

ng mga disenyo sa pananaliksik (research design) at pamamaraang nailapat sa pagsagawa

ng pag- aaral at pananaliksik.

Ikalawang bahagi, Lokal at populasyon ng pag-aaral, ang bahaging ito ng

pananaliksik ang naglahad ng lugar kung saan naganap ang pananaliksik at kung ano

kalawak ang sakop at saklaw nito.

Ikatlong bahagi, Instrumento ng pananaliksik, ito ang nagsilbing midyum o

kasangkaan kung paano isagawa ang pag-aaral at paano ito ilapat sa nasabing kalahok.

Ikaapat na bahagi, Baliditi at reyabiliti ng instrumento, naglalaman ng mga

paraang at prosesong napatunayan ang baliditi at reyabiliti ng instrumentong o

kasangkapan na gagamitin sa pag-aaral.


Ikalimang bahagi, Paraan ng pagsasagawa at paglilikom ng datos, ang bahaging

ito ay naglalahad ng hakbang-hakbang na plano at proseso sa pgakalap at pagkolekta ng

datos sa pagsagawa at pagsasakatuparan ng pag-aaral.

Ikaanim na bahagi, Pag-aanalisa ng Datos, sa bahaging ito binibigyang diin at

ipahahayag ang resulta ng datos.

Ikapitong bahagi, Paraan ng Pagsusuri ng Datos, sa bahaging ito, ay ipapahayag

ang pangkalahatang proseso ng pagtingin at pagsusuri ng mga impormasyon na nakuha sa

pananaliksik tulad ng transcribing. Ang layunin nito ay maorganisa at makuha ang mga

datos mula sa iba't ibang pinagmulan.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nasasailalim sa kuwalitatibong pananaliksik kung saan

paggagamitan ng metodong pakikipanayam at malalimang pagsisiyasat upang

maunawaan ang pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa sekondarya patungkol sa

kulturang Pilipino sa larangan ng paniniwala at tradisyon.

Sa pagpili ng mga respondente, ang pananaliksik na ito ay paggagamitan ng

purposive sampling. Ito ay ginagamit kapag piling kalahok lamang ang pipiliing

respondente sa isasagawang sarbey-interbyu.

Bilang batayan sa pagpili ng mga respondente, ang pananaliksik na ito ay

lalahokan ng anim (6) mga mag-aaral sa sekondarya na may edad na 16-17, tatlong (3)

mag-aaral sa sekondarya sa ilalim ng HUMSS strand at tatlong (3) mag-aaral sa

sekondarya sa ilalim ng ABM strand.


Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay pipili ng mga mag-aaral sa ikalabing isang baitang na

kabilang sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) at Accountancy, Business,

Management (ABM) track sa Himamaylan National High School bilang mga kalahok

pananaliksik. Ito ay gagawin sa loob ng mataas na paaralan ng Himamaylan, na

matatagpuan sa Vasquez, St. lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gagamit ng isang kwalitatibong

instrumento, ang pakikipanayam. Ito ay isang uri ng instrumento na naglalaman ng mga

tanong na may kaugnayan sa kulturang Pilipino at ang pananaw at saloobin ng mga mag-

aaral sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) at Accountancy, Business

Management (ABM) tungkol dito sa larangan ng paniniwala at tradisyon. Ang

pakikipanayam ay isasagawa ng mga mananaliksik sa mga kalahok upang makakuha ng

mas malalim na impormasyon.

Baliditi at Reyabiliti ng Instrumento

Para sa baliditi ng instrumenting gagamitin, ito ay isinangguni ng mga

mananaliksik sa dalawang guro na bihasa sa pananaliksik. Ginamit ang proseso ng

pagbabalideyt upang tiyakin na ang mga tanong sa pakikipanayam ay naaayon sa layunin

ng pag-aaral. Nagkaroon din ng pagsusuri mula sa mga guro na dalubhasa sa tiyak na

mga paksa, tulad ng kasaysayan at kultura ng bansang Pilipinas, upang lalo pang linawin

ang pag-aaral. Kinuha ang mga ideya para sa kagamitan mula sa mga libro, internet, at

iba pang nauugnay na pag-aaral. Ang mga gabay na tanong ay magiging epektibong
kasangkapan sa pangangalap ng impormasyon dahil ang mga ito ay dumaan sa masinop

na pagsusuri ng guro para sa pagiging tiyak nito. Ang mga kagamitan ay orihinal na likha

ng mga mananaliksik.

Paraan ng Pagsasagawa at Paglilikom ng Datos

Ang impormasyong na kinakailangan sa pag-aral na ito ay magmumula sa mga

kalahok na mag-aral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) at Accountancy,

Business Management (ABM). Hihingin ng mga mananaliksik ang permiso mula sa mga

mag-aral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) at Accountancy, Business

Management (ABM) sa pamamagitan ng liham naglalaman ng mga gabay na katanungan

na kanilang inihanda. Ang mga mananaliksik ay personal na pumunta sa silid-aralan ng

mga kalahok upang magkalap ng datos. Isasagawa ang pakikipanayam sa tinakdang oras

at lugar ng mga mananaliksik.

Sa isasagawang kwalitatibong pananaliksik, itinakda ng mga mananaliksik na

isagawa ang isang mas kumpletong pamamaraan sa pangangalap ng datos sa

pamamagitan ng audio at video recording. Ang paggamit ng structured interview o

nakabalangkas na pakikinayam ng mga mananaliksik ay isinusulong ang maayos na

paghahanda ng mga tanong upang tiyakin ang kahalagahan at kalidad ng impormasyon na

kanilang makuha. Sa pamamagitan ng pagiging bukas ng mga kalahok sa pakikipag-usap

at personal na pagsagot sa mga itinakdang tanong, nais ng mga mananaliksik na

mapatibay ang kahalagahan ng bawat pahayag. Dagdag pa, ang paggamit ng kwestiyoner

ng mga mananaliksik ay magbibigay ng karagdagang seguridad sa pangangalap ng datos,

na tiyak na maayos na nairekord ang bawat aspeto ng layunin sa pananaliksik. Sa


pangkalahatan, ang kabuuang proseso ng pangangalap ng datos, kasama ang audio at

video recording at transcribing ng mga mananaliksik, ay naglalayong mapabuti ang

kalidad ng pagsusuri at interpretasyon ng kwalitatibong datos sa hinaharap.

MGA GABAY NA KATANUNGAN SA PAG-AARAL

1. Sa iyong palagay, mahalaga ba na mapanatili ang mga nakagisnang tradisyon tulad ng

pagmamano, pag dalo sa simbang gabi, pagbabayanihan, pagdiriwang ng kapistahan at

pagsusuot ng barong at saya na kabilang sa kultura ng ating bansa? Bakit o bakit hindi?

2. Ano ang mga kaugaliang isinasagawa sa larangan ng relihiyon na masusuri mong

naaayon sa nakagisnang kulturang Pilipino?

3. Naka apekto ba ang paggamit ng mga gadgets o makabagong teknolohiya sa iyong

pananaw sa paniniwala at tradisyon ng kulturang Pilipinas? Kung oo, pangatwiranan.

4. Sa iyong opinion, ang tradisyunal at kontemporaryo o modernong kultura ba ay

nakakatulong sa paghubog ng pagkakakilanlan ng bawat indibidwal?

5.Ano-ano ang naging impluwensiya ng social media sa iyong pananaw sa paniniwala at

tradisyon ng kulturang Pilipinas?

6. Sa palagay mo, dapat bang sundin ang mga tradisyon o okasyon kahit na hindi na ito

nauugnay? Bakit o bakit hindi?

Paraan ng Pag-aanalisa ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay magsasailalim sa pagsusuri ng mga datos mula sa mga

hinanda nang panayam o interbyu sa mga kalahok sa pamamagitan ng isang pang-


kuwalitatibong sintesis. Ihahanda ng mga mananaliksik ang nakalap na impormasyon sa

isang maayos at nakatalang pormat. Ang pagsusuri ng resulta ng mga datos ay isasagawa

sa pamamagitan ng transcribing upang mapadali ang pang-unawa, na magbibigay linaw

sa paliwanag ng mga ito.

Paraan ng pagsusuri ng datos

Gagamitin ang qualitative content analysis para suriin ang mga panayam, dahil

ito'y isang epektibong paraan sa masusing pag-analisa ng iba't ibang tema ng

pananaliksik. Ang pagpili sa ganitong pagsusuri ay nagbukas ng oportunidad para sa

masusing pagsusuri ng mga detalye mula sa mga panayam. Ang mananaliksik ay

nakatuon sa pagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tugon mula sa mga

kalahok. Sa tulong ng pan kuwalitatibong sintesis, nasusuri ang mga kritikal na bahagi ng

mga natuklasan sa pananaliksik. Ang pagsasanib ng impormasyon mula sa pagsusuri ay

isinagawa sa pamamagitan ng paglalapat ng eksplanasyon at pagbibigay-diin sa

koneksyon ng qualitative content analysis at iba pang datos ng pananaliksik.

You might also like