You are on page 1of 1

Sa pag-aaral ng pagkakakilanlan ng isang katutubong pangkat, mahalagang

isaalang-alang ang pagtuklas sa iba’t ibang bahagi ng pinagmulan ng mga ito. Isa sa
mahalagang pangungunahing pag-aaral sa isang katutubong pangkat ay ang kultura at
paraan ng pamumuhay ng mga ito. Sang-ayon sa binabanggit ni Lacson(2019), ang
sining at kultura ng isang bayan o lalawigan ay siyang nagiging pagkakakilanlan ng
isang komunidad, ng isang lahi. Makikita kung gaano kayaman at kayabong ang diwang
makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga mahahalagang pangkulyurang
kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa pagsalin-salin ng maraming
henerasyon. Bilang kahingian sa pag-aaral ng mga mananaliksik, nangalap ang mga ito
ng datos tungkol sa kultura at paraan ng pamumuhay ng mga Tumandok at T'boli. Ang
mga suliranin na nabuo sa pananaliksik ay ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
Tumandok at T'boli sa usapin ng: kultura at paraan ng pamumuhay?, paano
nakaaapekto ang modernisasyon sa pagpapanatili ng kultura at paraan ng pamumuhay
ng mga Tumandok at T'boli? at bakit mahalagang maipasa sa mga susunod na
henerasyon ang kultura at paraan ng pamumuhay ng dalawang katutubong pangkat?
Layunin ng mga mananaliksik na mapalawak pa ng kaalaman sa kultura at paraan ng
pamumuhay ng mga Tumandok at T’boli batay sa pangangalap ng mga literatura hinggil
sa dalawang pangkat. Inaasahan din na magbunga pa ito ng impormasyon at kaalaman
hindi lamang sa mga mananaliksik, bagkus ay sa iba pang mag-aaral na maaaring
makatulong sa pagpapanatili sa kultura ng mga katutubo. Tungkulin ng mga Pilipino na
halaga ang kasaysayan, wika at kultura sa loob ng isang bansa pagkat itong ang
maitatawag na sariling atin. Responsibilidad ng bawat isa na maipasa ito sa susunod na
henerasyon bilang pagpapayaman pa sa malawakang pagpapanatili ng kultura ng
bawat pangkat higit lalo ang mga Tumandok at T’boli. Kaya nararapat na pananatilihing
buhay ang mga kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan,
kamalayan at kinabukasan.
Sa pangangalap ng mga datos ng mga mananaliksik ay bumuo ang mga ito ng
diagram bilang pagpapalitaw sa kaibahan at pagkakatulad sa kultura at paraan ng
pamumuhay ng mga Tumandok at T’boli. Bilang resulta ay naipakitang magkaiba ang
kultura ng dalawang pangkat subalit magkakaparehas sa likas na yaman na
pinanggagalingan sa paraan ng kanilang pamumuhay.

You might also like