You are on page 1of 2

Most Sacred Heart Of Jesus Chapel

Claro Castañeda Street, Namayan, Mandaluyong City

Triduum Mass sa Karangalan ng


KABANAL-BANALANG PUSO NI HESUS

Panalangin sa Pasasalamat
(Pagkatapos ng Banal na Komunyon)

Pari, Tagabasa at Bayan:

Panginoong Hesukristo, nagpapasalamat kami sa iyo, dahilan sa kasama ka naming


ngayon. Nagpapasalamat kami sa mga biyayang tinaggap namin sa iyo. Sa biyaya ng iyong
maka-Diyos na buhay sa aming kaluluwa. Sa pag-ibig ng Diyos, aming Ama at ang nananatiling
biyaya ng Banal na Espiritu. Sa kahanga-hangang biyaya ng iyong pagkanaririto sa Banal na
Eukaristiya, at higit sa lahat sa pag-ibig sa iyong Puso, pinag-isa kaming lalo sa iyo at sa bawa’t
isa sa amin sa kalaliman ng iyong Banal na Puso.

Tagabasa: Puso ni Hesus, pinaalab na siga ng pag-ibig.

Bayan: Turuan mo kaming magmahalan sa isa’t isa, katulad ng pagmamahal mo sa amin.

Tagabasa: Puso ni Hesus, pinaglagusan ng sibat, biktima ng kasalanan.

Bayan: Patawarin mo kami sa lahat naming kawalang utang na loob at sa aming mga
pagkukulang.

Tagabasa: Puso ni Hesus, matiisin at lubhang maawain sa mga nagtitiwala sa iyo.

Bayan: Maging takbuhan at lakas ka naming sa lahat ng mga pagsubok at tukso sa buhay.

Tagabasa: Puso ni Hesus, bukal ng buhay at kabanalan.

Bayan: Ilapit mo kami sa iyo at pakabanalin ang aming mga buhay sa iyong biyaya.

Tagabasa: Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli.

Bayan: Ipagkaloob mo sa amin sa oras ng kamatayan ang biyayang makabahagi sa


kaluwalhatian ng iyong muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang bagong buhay na
walang hanggang kaligayahan sa langit.

MSHJ Chapel Pahina 1


Manalangin Tayo

Pari, Tagabasa at Bayan:

O Dakilang Mananakop, inibig mo ang lahat ng tao sa buong kataimtiman hanggang sa


ipinahayag mo sa pamamagitan ng sagisag ng iyong sugatang puso. Maraming tao ang
nabubuhay na para bagang ikaw ay hindi nabubuhay. Marami ang winalang-bahala ka, o
hinamak ka o tinatanggihan ang iyong mga batas. Sa aming parokya, sa aming bansa, sa buong
mundo maraming mga Kristiyano ang malamig sa iyong pag-ibig. Marahil sa aming sariling
angkan at sa aming mga pamayanan ay hindi ka iniibig ng karapat-dapat.

Panginoon, ibig naming magbayad-puri sa iyo. Sapagka’t binigyan mo kami ng biyaya na


makilala at ibigin ka, iibigin ka namin ayon sa iyong inaasahan. Sa gitna ng makasalanang
daigdig, kami’y magiging malusog na mga kaanib ng iyong katawang Mistiko, nag-uumapaw sa
pag-ibig. Sa pamamagitan ng panalangin at pagpapasalamat ng panalagin at pagpapakasakit
kami ay magbabayad-puri ayon sa aming makakayanan, para sa kasamaan ng daigdig at para sa
kawalang-utang na loob ng tao. Gagawa kami ng aming makakaya upang iyong maihandog sa
amin Amang nasa langit ang isang maluwalhating sangkatauhan. Magagawa naming ito
sapagkat’t kami’y nakikisa sa iyo at nakikibahagi sa iyong mga gawain at sa iyong pagsakop sa
sangkatauhan. Puso ni Hesus, puso ng pag-ibig, papagningasin mo ang aming mga puso ng
iyong Pag-ibig. Siya nawa.

MSHJ Chapel Pahina 2

You might also like