You are on page 1of 15

Epekto ng labis na pag-tangkilik sa Kulturang Koreano sa personalidad at paraan

ng komunikasyon ng mga mag-aaral sa CLIS

Panimula

Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mg kakaiba at malikhang uri

ng pag-iisip pagdating sa iba’t-ibang bagay tulad n alamang sa paggawa ng awitin

ngunit sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng mga produktong banyaga sa ating

bansa ay marami na ang nagbago. Ito ay popular sa mga kabataan ngayon na silang

nahumaling sa kulturang Koreano. Mga mag-aaral ng dahil sa pag usbong ng mga

Pilipino na nagging isang pangunahing kadahilanan ng paglaganap ng globalisasyon sa

pag-impluwensya ng iba’t-ibang kultura sa Pilipinas. Naging laganap ang pag

impluwensya ng Koreano sa kulturang Pilipino, gayundin sa pamumuhay ng mga

estudyante. Ito ay marahil na din sa kakaibang aliw sa ating mga Pinoy.

Ang mga kabataan ay may kanya-kanyang pagtangkilik sa kulturang Pilipino,

maaring mapanamit, paggaya sa istilo ng pagsasalita, sa kanilang mga pagkain, o

maari ding pagtangkilik sa mga kilalang tao doon sa mga Pilipino lalo na ang mga

estudyante na kung baga ay nakakapagpaantig ng kanilang mga puso.

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na

kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo o

pagsasalita. Komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay sapagkat ito

ay isang uri ng pakikipag usap sa tao. Madali mong maipadama ang nararamdaman mo

kung ikaw ay makikipag-usap sa taong gusto mong kausap. Ang paraan ng pakikipag

komunikasyon ng isang tao ay nakabatay sa mga nakakaimpluwensya sa kanya. Sa


pag-usbong ng kulturang Koreano naapektuhan ang paraan ng pakikipag

komunikasyon ng isang tao. Tinatangkilik at ginagamit ang mga salitang banyaga sa

pakikisalamuha sa iba.

Sa madaling salita, ang kulturang Koreano ay nakagawa ng malaking epekto sa

Asya pati natin sa iba pang mga bansa. Sa kabila ng mga magandang dulot nito hindi

mawawala ang epekto sa labis na pagtangkilik sa kulturang Koreano.

Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na maipabatis na sa bawat

magandang nakukuha dito ay may kaakibat ng epekto lalo na’t kung sa labis na

pagtangkilik ditto. Matukoy ang iba’t-ibang impluwensyang Koreano. Mabatid kung bakit

ganoon n alamang kahit ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa kulturang Koreano. At

higit sa lahat nilalagyan ng pag-aaral na ito na maging daan upang mamulat ang mga

kabataan sa mga bagay na maari nilang kahinatnan sa pagtangkilik ng kulturang

Koreano.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga mag-aaral, mga magulang, guro ng


asignaturang Pilipino, sa mga susunod na mananaliksik. Ang makikinabang sa pag-
aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Mga mag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang


malaman at matuklasan ang kahalagahan ng kulturang Pilipino.

Ang mga magulang: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang upang
bigyang gabay ang mga anak at mamulat o malinawan ang kanilang kaisipan patungkol
sa labis na pagtangkilik sa kulturang Koreano
Mga guro ng asignaturang Pilipino: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang bigyan
ding gabany ang mga mag-aaral at turuan ng tamang paggamit at pagtangkilik ng
kultura nating Pilipino na makakakatulong sa paghubog sa paraan ng pakikipag
komunikasyon ng mag-aaral ng Conde Labac Integrated School.

Mga susunod na mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga susunod


na mananaliksik dahil ito ay magsisilbing basihan nila at sa paggawa nila ng mas
maayos at magandang pananaliksik ukol sa aspeto ng labis na pagtangkilik sa
kulturang Pilipino sa personalidad at paraan ng komunikasyon ng mag-aaral ng Conde
Itaas Integrated School.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na isasagawa ay sumasaklaw sa mga piling mag-aaeal ng


Conde Labac Integrated School, ukol sa “Epekto ng labis na pagtangkilik sa kulturang
Koreano sa personalidad at paraan ng komunikasyon ng mga mag-aaral ng Conde
Labac Integrated School”. Sila ang magiging tagatugon sa mga katanungan sa
pamamagitan ng talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik na kinapapalooban ng
10 respondente mula sa ika-sampung baiting ng Conde Labac Integrated School.
Kabanata 2

Mga kaugnay na literatura at pag-aaral

Nakasaad sa Journal ng Wikang Filipino na nasa wika ang susi para sa pag-

unlad ng intelektwalismo ng bawat Pilipino. Ito ay nakadepende sa sariling bbatas ng

kaalaman at tiwala sa dayuhang tradisyon ng kaalaman dahil pwede naman at kayang

lumikha ng sariling tradisyong intelektwal kung gugustuhin.Ang patuloy na paggamit ng

wikang katutubo sa iba’t-ibang anyo sa sining at luktura tulad ng mga akdang

pampanitikan, radio, paggamit ng wika [ara sa malalim na pag-iisip. Sa pagpapatuloy ng

ganitong kalagayan ay maiisusulong ang kaganapan ng intektwalismo ng mga Pilipino.

Batay sa Intelektuwalismo at Wika, karamihan ng di pagkakaintindihan ng mga

tao ay bunga lang ng di maayos na paggamit ng wika. Lalo na sa komunikasyon na ang

tanging gamit ay pagsusulat, tanging mga salita at pangungusap lang umaasa ang mga

tao para maipahayag ang gusting sabihin. Sa madaling salita, responsibilidad ng bawat

tao na pagyamanin ang kanyang kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang armas

ng komunikasyon. Ang isang hamon ng globalisasyobg nagaganap sa larangan ng

ekonomiya para sa iba’t-ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang

magtataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga

pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon, tulad ng mga pag babagong

dulot ng mga makabagonbg teknolohiya, sa kanikanilang kultura o pangkalahatang

pamamaraan ng pamumuhay.

Ayon sa antropologo, ang kasalukuyang kalagayan ng globalisasyon ang

nagbubunsod sa iba’t-ibang tao upang maihambing ang kanilang kultura sa mas


malaking pangkat sanhi ng komunikasyob sa kultura, ang iba’t-ibangf lahi ay nabigyan

ng pagkakataon upang maibahagi sa maliit o malalaking pangkat ang kanilang kultura

at wika. Sa positibong pananaw, nagdudulot ito sa ibang nasyon na magkaroon ng mas

malalim na pagpapahalaga sa iba pang kultura. Ang paghahambing sa ibang kutura ay

maaring magdulot ng pagsasanib ang pakikibagay sa wika o gawi ng isang pangkat

mula sa paglamon ng isang daminanteng pangkat o wikang nagbubunga ng

pagsasantabi sa nakagisnang kultura upang makamit ang pagsang-ayon mula sa ibang

kultura. Kung gayon, ang pagpapanatili sa orihinalidad n isang kultura ay isa nang

malaking hamon para sa isang pangkat na namumuhay sa modernong henerayong

sinasaklaw ng globalisasyon. Ang kultura ay kinapapalooban ng mga simbolo tulad ng

wika at kailangang intindihin ang kahulugang kultura nito upang maging ganap ang

pagunawa sa mga lingguwistikong elemento nito. Biang aspekto ng kaalamang kultura

upang mabigyan ng sariling paraan ang mga simbolikong representaston sa mga

programang isinasagawa.

Ayon kay Gudykunst, ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kultura ay

nangyayari kapag ang mga indibidwal ay nakikipag-ugnayan ng maayos at lumilikha ng

mga kahulugan habang nagdadala ng iba’t-ibang kapahulugan ng kanilang kultura. Ito

ay pakikipag-ugnayan sa mga tao mula sa iba’t-ibang nasyonalidad. Ang iba ay

tumitingin sa pakikipag-ugnayan ng intercultural bilang komunikasyon na

naiimpluwensyahan ng iba’t-ibang mga etniko, relihiyon, at orientasyong sekswal. Ang

parehong interpretasyon ay nagpapakita na ang mga intercultural na pakikipagugnayan

ay nangyayari kapag ang tao ay naglalahad ng kanilang pagkakakilanlan ng kultura

para maunawaan ang kanilang gawi, pagkiling, lenggwahe, ugali at relasyon. Sa


karagdagan, ang intercultural na komunikasyon ay nakikitaan ng karanasan sa iba’t-

ibang lipunan. Sa kabuuan, ang intercultural na pakikipag-ugnayan ay pagbibigay at

tumatanggap ng mensahe o kabuuan ng lenggwahe at kultura.

Epekto ng K-POP sa mga kabataan

Ayon sa Wikipedia.org ang KPOP ay isang kategorya ng musika na binubuo ng

elctropop, hiphop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang KPOP ay

nagging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng

laganap na interes sa pananamitat estilo ng mga iniidolong Facebook fan pages. Ayon

din sa Wikipedia. Org, taong 1990 na nabuo at nasimula ang K-Pop.

Sa panahon ngayon na marami na ang nagbago lalo na sa mga kabataan sa

pagkawili nila sa popular grupong nagmula sa South Korea ang KPOP sensation

Group. Hindi nila nalalaman na may masamang epekto na pala ang K-POP sa ibang

paraan nasasakop na nito ang pag-iisip ng mga kabataan, nasasayang ang oras nila

dahil sa pagkawili dito.Base sa surbey, nasasayang ang oras nila para sa pag-aaral

dahil sa inuuna ang K-pop t hindi naayos ang gawaing bahay dahil ditto gumagastos

sila ng pera. K-pop isang popular na grupong mula sa South Korea na may angking

talent, karisma at gwapo na kinagigiliwan ng mga kabataan ngayon, mga millenials.

May mga epekto ang pagkawili sa K-pop, mau mga oras na nasayang mga bagay na

hindi nagagawa dahil ditto, mga gawaing bahay, maski pag-aaral

masasayang.Kabataang ginagawang libangan ang K-pop dito sila humuhugot ng

inspirasyon ng kasiyahan sa K-pop may mga bagayy na binabalewala nila para sa K-

pop.
Ang Korean Pop o mas kilala natin sa tawag na K-Pop, ay isang malawakang

pagkahilig sa mga produktong Koreano. Lubusan na rin itong nagging tanyag sa mga

Koreano at mapa hindi Koreano, dahil na rin sa kinilala ito sa Asian Market at pati na rin

sa Worldwide level.

Ang paglabas ng Seo Tai-ji & Boys sa taong 1992 ang nagsimula ng popular na

musika ng Timog Korea, na may pinaghalong rap rock at techno. Popular din noong

1990a ang mga Hip-hop duos kagaya ng Deux. Ang pagkabuo ng pinakamalaking

industriya ng talent ng Timog Korea, ang S.M. Entertainment noong 1995 ng isang

koreyanong negosyante na si Lee Soo Man, ay nagging daan upang mabuo ang

kaunaunahang grupo ng mga babaeng mang await at pati na rin ng mga lalaking mang-

aawit. Sa mga huling taon ng 1990s, ang YG Entertainment, DSP Entertainment at JYP

Entertainment ay biglang sumulpot sa industriya at naglabas sa publiko ng madami-

daming mga bagoong talent. Ang mga grupo tulad ng S.E.S, Fin K.L. H.O.T, Sechs

Kies, G.O.D., Fly to the Sky at Shinwa ay nagging matagumpay noong 1990s. sa

dekada ring ito sumikat ang Hip-Hop at R&B sa Korea na nagdulot ng kasikatan ng mga

mang-aawit katulad ng Drunken.

Ang impluwensya ng K-Pop ay lumabas rin sa Asya, katulad Amerika, Canada,

at Australia. Sa taong 2011 ang K-Pop ay nagging popular sa Japan, Malaysia, Poland,

Mexico, Philippines, Indonesia, Thailand, Taiwan, Singgapore, France, Ireland, China,

Canada, Brazil, Chile, Columbia, Argentina, Russia, Spain, Germany, Sweden,

Romania, Croatia, Australia, Vietnam, UK at Us.


Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga piling mag-aaral

Unibersidad ng Caloocan City, maaring sabihin na naangkop pa rin ito sa iba’t-ibang uri

ng mga mag-aaral na tumatangkilik sapagkat halos lahat ay naiimpluwensyahan na ng

tinatawag na “K-Pop” na maaring hatiin sa tatlong aspeto: sa pisikal na kaanyuan, sa

pag-iisip at sa pagiging nasyonalismo.

Epekto ng panood ng Korean Drama sa self-image, ideal self at self-esteem ng

mga mga aaral

Sa pag-usbong ng Korean entertainment industry, ang Korean music at Korean

television ay talagang pinagkakaguluhan sa buong Asya at kumakalat narin sa Europa

at Hilagang Amerika. Ang pagiging popular ng kultura ng Korea

ay tinatawag na “Hallyu”. Ang kahulugan nito ay Korean wave. Mga rason kung bakit

pinapanood ng mga tao ang Korean drama:

 Aktor o gumaganap

 Edukasyonal

 G-Rated

 Lalawak ang Bukabularyo

 Pagkain

 Fashion trend

 Emosyonal na koneksyon

2010-(Clare,2008) opisyal na ginamit ng GMA ang Network teledrama. Yin (2009)

Ang mgga palabas na ito ay may malalim na epekto sa nakaarami dahil sa tindi ng
emosyon na inilalabas ng drama neto. The AJU Business (2012) Ang Korean Wave ay

binubuo ng iba’t-ibang element. May dalawang drama na mayroong mahalagang ganap

sa kasaysayan ng Korean Drama. Ayon kay Joey Abacan ng GMA Network Vice

President for Program Management “Ang mga Pilipino ay minamahal ang mga drama at

mga istorya ng buhay nila. Kalimitan, ang Korean drama ay isa sa ating sandigan upang

tumakas at mapagalaw. Ayon kay Professor George Gebner (1960s) sa kanyang

cultivation Theory na sinasaboing nakakaimpluwensya sa manonood ang pag-iisip

tungkol sa realidad ng buhay mula sa kanilang napapanood sa telebisyon.

Ayon sa aklat na The Language of Animals, kung walang Komunikasyon, bawat

indibidwal ay magiging parang hiwahiwalay na mga isla.

Ayon sa aklat ng Bibliya, ang making na mabuti kapag may nagsasalita, at

huwag pangibabawan ang usapan. Hindi papansinin ng mga tao ang maling bigkas ng

salita o di sinasadyang pagkakamali sa gramatika, subalit hindi nila kagigiliwan ang

isang taong salita nang salita pero hindi naman nakinig. “Maging matulin sa pakikinig,

maging mabagal sa pagsasalita”.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Makikilala ang ib’t-ibang barayti nito sa

pagkakaroon ng kakaibang rehistro ng wika. (sanggunian: Akademikong Filipino tungo

sa EPektibong komunikasyon, P:38)

Base sa pananaliksik ni Hanna Patricia E. Mabini sa pagtuloy na pagsikat ng

kulturang Koreano, isa ang Pilipinas sa mga tumatanggap nito. Malaki ang nagging

porsyento ng mga “K-Pop Fan” na Pilipino sa populasyon ng Pilipinas. Hindi lamang sa

Luzon, kundi maging sa Visayas at Mindanao ay umabot na rin ang tinatawag na


“Hallyu Wave”. Bago pa man pumasok ang K-Pop na mayagpag na rin sa Pilipinas ang

mga Koreanovelas tulad ng Autumn in My Heart, Full Hoouse at Lovers in Paris. Dahil

sa interes ng mga Pilipino sa mga palabas na ito, nagging madali para sa mga artista

sa Korea ang makilala ng mga Pilipino. Taong 2009, nang sumikat ang kantang Nobody

ng Wondergirls at Fire ng 2NE1. Nagtuloy-tuloy ang pagsikat ng mga kantang Korean

sa Pilipinas mula noon. Nang taon ding iyon, ginagap ang unat ang pinakamalaking K-

Pop Event sa Pilipinas. Ang Philippine Kpop Convection sa Philippine Convention

Center (PICC). Taong 2010, nang dumating ang grupong Super Junior sa Pilipinas para

sa kanilang Super Show 2 : Asian Tour noong ika-10 ng April. Nagsunod-sunod ang

pagdagsa ng mga Korean Artists sa Pilipinas tulad ng mga grupong BEAST, U-KISS,

4MINUTE, 2NE1, BIGBANG, CNBLE, FT ISLAND. Taunang ginaganap na rin ang

Philippine KPOP Convention kung saan dinadaluhan ng mga taga hangang Pilipino

mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Nakapaloob sa pananaliksik ni G. Tarrieta Sereza ang K-Pop o Korean Pop ay isang

uri ng musika na meron ang Timog Korea na kung saan iba’t-ibang mga mang-aawit at

mananayaw, Koreano o Koreana pa yon. Ang K-Pop ay kasalukuyang kaganap sa

buong mundo at kilalang kilala ng mga kabataan maging sa mga may edad. Dahil sa

likas na mahilig ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan. Karamihan sa mga

kabataang nahihiligang making ng musika nila ay halos pinauulit-ulit nilang panuorin at

mananayaw na tinatangkilik at hinahangaan ng mga Pilipino lalong-lalo ng mga

kabataan ay ang Girls Generation, Super Junior, EXO, Shinee, Sistar, 2pm, 2am, 4

minute, Big Bang at 2NE1 na kung saan kabilang si Sandara Park na may dugong

Pilipino. Ayon din sa kanya nagkakaroon nan g malaking pagbabago sa kanilang


personalidad at nagkakarron ng maraming pagpipilian. Ang mananaliksik ay ginamitang

teoryang Intercultural Transformation dahil konektado ito sa paksa ng pag-aaral kung

saan kaya tinatangkilik ng mga pinoy ang K-Pop dahil lumalawak ang pananaw ng tao

sa pagbabago ng ng kultura kaya nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga tao.

Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV Seksiyon “Ukol sa layunin ng

komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Pilipino at, hangga’t

walang ibang itinadhana ang batas Ingles. Ang mga wika panrelihiyon ay pantukoy na

mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo

noon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Kastila at Arabic”. Kung walang batas

na nagsasabi na Ingles ang gagamitin Filipino ang dapat gamitin.


KABANATA 3

Mga balangkas na Tanong

1. Ano ang impluwensya ng Korean Drama o KPOP sa pag-aaral ng mga mag-aaral


ng CLIS?
a) Pisikal
b) Sosyal
c) Emosyonal

2. May positiong epekto ba ang KPOP sa personalidad ng mga mag-aaral?


a) Pisikal
b) Sosyal
c) Emosyonal

3. May negatibo bang epekto ang KPOP sa personalidad ng mga mag-aaral?


a) Pisikal
b) Sosyal
c) Emosyonal

4. Ano-ano ang mga posibleng dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mg mag-aaral


ang kulturang Koreano?

5. Paano nakakaapekto ang pagtangkilik ng kulturang Koreano sa paraan ng


komunikasyon ng mga mag-aaral?

6. Naisasabuhay mo ba ang iyong mga natututunan na aral sa panonood ng Korean


Drama sa iyong personalidad?

7. Nakakatulong ba ang impluwensya ng KPOP sa iyong pakikisalamuha o


pakikipag komunikasyon?

8. Sa iyong palagay, nakaka sama ba ang labis na pagtangkilik ng kulturang


Koreano sa mga mag-aaral?

9. Magiging hadlang ba ang labis na pagkakahumaling sa KPOP sa paraan ng


pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral?

10. Bilang isang mag-aaral, mas magiging epektibo ba ang personalidad at paraan ng
pakikipagkomunikasyon kung wala ang impluwensya ng KPOP
Paraan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraan at


prosesong naayon at nakabatay sa pananaliksik. Sa kabanatang ito ialalatag ng mga
mananaliksik ang disenyo ng pananaliksik. Kalahol sa pag-aaral, pamamaraan ng
pagkuha ng datos at plano ng paglalahad ng mga datos.

Disenyo ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasakatuparan ayon sa disenyo ng pamamaraang


deskriptibo. Sa pamamaraang ito gagamitin ng mga mananaliksik ang pag-aaral ng
mga panayam na sasagutin ng mga responsente. Ang mga paraang ito ang siyang
panggagalingan ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang pag-aanalisa ng mga
datos na nakalap ng mga mananaliksik sa mga respondent gamit ang mga katanungan
ay angkop na gamitin sa kasalukuyang pag-aaral.

Ang deskriptibong pananaliksik ay ang proseso ng pagkuha, pag-aanalisa,


paglalahad ng mga datos sa kasalukuyang kondisyon, gawain, paniniwala, proseso at
mga nauuso. Ang disenyong ito ay makakatulong upang malaman ang epekto ng
kulturang Koreano sa personalidad at paraan ng komunikasyon ng mga piling mag-
aaral sa Grade 10 ng Conde Labac Integrated School. Ang oag-aaral na ito ay isang
kwalitatibong pananaliksik o Qualitative research.

Mga kalahok sa pag-aaral

Ang nga kalahok sa pananaliksik na ito ay 10 magaaral sa Baitang 10 ng Conde


Labac Integrated School taong panuruan 2019-2020. Sa pangangalap ng respondent
ang mananaliksik ay nagsagawa ng obserbasyon upang makuha ang bilang ng target
na respondente. Ang mga mag-aaral ay binubuo ng tatlong seskyon, lima na mag-
aaral(5) Patience, tatlo na mag-aaral (3) Perseverance at dalawa na mag-aaral (2)
Passion.

Paraan ng Pangangalap ng mga Kagamitan

Sa pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito, nagsasagawa ang mga


mananaliksik ng interbyu gamit ang mga binuong katanungan upang makuha ang
inaasahang resulta. Gamit ang mga aklat, limbag na pananaliksik, mga datos mula sa
internet at iba’t-ibang babasahing may kaugnayan sa paksa na magiging basehan sa
pag-aaral ng mga mananaliksik.
Pagbuo ng mg katanungan

Ang mga mananaliksik ay nagging mapanuri sa pagkalap ng impormasyon, at


iba pang detalyeng lubhang makakatulong sa pag-aaral. Gamit ang mga aklat ng silid-
aklatan nagsagawa ang mga mananaliksik ng pananaliksik. Nangalap din ang mga
nananaliksk ng karagdagang impormasyon sa internet tulad ng mga limbag na
pananaliksik upang gawing basehan sa pag-aaral.

Gayundin, ang mga mananaliksik ay nag sagawa ng malawakang pabgagasa at


pagpapalitan ng mga ideya at saangguni’t hihingi ng payo sa kanilang mga guro upang
makabuo ng isang mahusay na katanungan ga gagamitin sa pagsasagawa ng interbyu.

Sisikapin ng mga mananaliksik na ang mga katanungan ay angkop sa isinasagawang


pag-aaral. Titiyakin din ng mga mananaliksik na ang mga katanungan ay madaling
maunawaan at masasagot ng mga respondent sa oras ng interbyu.

Balidasyon ng Talatanungan

Ang mananaliksik ay bumuo ng nakabalangkas na tanong upang maging


batayan at mabigyan ng kasagutan ang mga epekto ng may kaugnayan sa kulturang
Koreano, pagkatapos ay aalamin at tutuklasin ang mga bagay na nakasipi rito. Humingi
ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga gurong eksperto sa larangan ng Filipino
upang ipasuri at ipabaledeyt ang talatanungan, gayundin upang mabigyan ng mga puna
at mungkahi patungkol rito.

Ang nga puna at mungkahi ng mga gurong nagrebisa ay muling susundin ng


mananaliksik. Pagkatapos maisagawa ang pagbbago, bubuo ng pinal na kopya at
paparamihin upang maipamahagi sa mga napiling kalahok,

Administrasyon ng Talatanungan

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng isang liham na humihingi ng pahintulot sa


tagapamahala ng paaralang pinag-aaralan ng mga kalahok gayundin sa mga guro nito.
Matapos mabigyan ng pahintulot na makapagsagawa ng panayan sa mga piling mag-
aaral sa baiting 10, ito ay agad na ipamamahagi sa mga kalahok ng pananaliksik.

Pagmamarka ng mga katanungan

Maayos na isasahawa ng mga mananaliksik ang interbyu para sa kasagutang


tugon ng mga respondent. Susuriin at pag-aaralang mabuti ito ng mga mananaliksik
upang pagsama-samahin at bigyan ng interpretasyon ang mga sagot na ito. May apat
na bahagi ang mga katanungan na nagbibigay ng resulta sa ginagawang pananaliksik.
(1) Ano ang impluwensya ng Korean Drama o KPOP sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
pisikal, sosyan at emosyonal? (2)Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng K-POP
sa personalidad ng mag-aaral? (3) ano ang mga posibleng dahilan kung bakit
kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang kulturang Koreano? (5) Paano nakakaapekto ang
pagtangkilik ng kulturang Koreano sa paraan ng komunikasyon ng mag-aaral?

Paraan ng pangangalap ng datos

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu at


bubuo ng mga katanungan upang makakalap ng mga datos na magmumula sa mga
piling mag-aaral sa baiting (10) ng Conde Labac Integrated School. Ipinaloob ng mga
mananaliksik ang epekto ng pagtangkilik ng kulturang Koreano batay sa kasalukuyang
nangyayari, paraan ng kanilang paggmit, maging sa kalalabasan nito pagdating sa
personalidad at paraan ng komunikasyon. Sa pamamagitan nito ay bibigyang pansin ng
mananaliksik ang bawat salitang nakasaad sa ginawang mga katanungan. Siniyasat ng
mabuti ng mananaliksik ang mga katanunagn bago itanong sa mga respondent.
Ipapakita at susuriin ito ng mga gurong tagapayo upang mas maging epektibo at
matibay ang ginawang katanungan. Kaakibat nito ang paghingi ng pahintulot bg mga
mananaliksik sa punongguro ng paaralan at sa mga respondent.

You might also like