You are on page 1of 4

PANANALIKSIK SA KULTURANG PILIPINO:

'SANG MALIIT NA PAG-AARAL TUNGKOL SA KULTURA NG


NAYON NG BUNA
LEJOS NA HINDI NA NAISASABUHAY SA KASALUKUYAN

Isang Akademikong Sulatin na Inihain kay


Gng. Neneth Erni ng Kagawaran ng Technical Vocational
Mendez Senior High School, Mendez, Cavite
Bilang bahagi ng pagtupad sa mga Pangangailangan para sa
Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Ipinasa ni;
LAILANIE JADION

I. Pagtingin sa Kabuuan ng Pananaliksik


Ang Kultura ay yaman ng isang bayan. Ito ay sumasalarnin sa
mga paniniwala, kaugalian at mga nakasanayang gawain ng mga
tao. Ang kultura ay tinuturing pamana ng ating mga ninuno na
nagmula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Sa
bansang Pilipinas, ang

kultura ay nagmula pa sa tradisyunal na nakasanayan ng mga


katutubo at maging sa impluwensya ng mga mananakop.
Sa paglipas ng panahon, ang mga kulturang nakasanayan ay
unti-unti ng nagbabago at naglalaho dahil sa pagkakaroon ng
iba't ibang kaisipan at paniniwala ng mga tao. Ang ilan sa sa
mga dahilan ng pagbabago at tuluyang paglalaho ng mga
nakasanayang gawain ay ang pagkakaroon ng iba't ibang
relihiyon; pagkamulat ng mga tao sa makabagong teknolohiya;
at ang pagigiging moderno ng ating panahon. Nakakalungkot
mang isipin, ngunit iilang bayan na lamang sa ating bansa ang
nagsasabuhay ng Kulturang Pilipino.
Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito na pinamagatang
"KULTURA NG
NAYON NG BUNA LEJOS NA HINDI NA NAISASABUHAY
SA KASALUKUYAN", ninanais nito na masagot ang ilang
katanungan patungkol sa kung anong mga kultura noon ang
hindi na naisasabuhay sa kasalukuyan. Bukod dito, tinatangka
ring ipakita at ilahad ng pag-aaral na ito ang mga kahalagahan
ng mga kultura ng kahapon na hindi na naisasagawa sa ngayon.
Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita sa mga mambabasa na
ang mga nakasanayang gawain sa ating kasaysayan ay may
kinalaman sa buhay na tinamasa sa kasalukuyan.

ll. Paglalahad ng mga Suliranin


Ang pananaliksik na ito ay nagnanais na masagot ang mga
sumusunod na katanungan:
I . Ano ang mga Kulturang Nayon na naisabuhay sa mga
nakalipas na panahon?

2. Ano ang mga Kulturang Pilipino noon na hindi na


naisasagawa sa ngayon?
3. Ano ang mga kahalagahan ng mga nawalang kultura noon na
maaari sanang maipamana sa kasalukuyang panahon?

lll. Paglalahad ng Layunin


Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na makamit ang mga
sumusunod na layunin
Maisalarawan ang mga Kulturang Pilipino na naisabuhay sa
nakalipas na panahon.
2. Mailahad ang mga Kulturang Nayon na hindi na naisasagawa
ngayon.
3. Maipaliwanag ang kahalagahan ng mga Kulturang Pilipino na
naisabuhay noon at hindi na naisasagawa ngayon.

IV. Pagtukoy sa Pook at mga Taong may Kinalaman sa


Pagsusuri
Ang pagsusuri na ito ay ginawa sa baryo ng Buna Lejos, bayan
ng Indang, lalawigan ng Kabite. Ang mga pangunahing naging
katuwang sa pagsusuri na ito ay ang mga taong naninirahan sa
nasabing baryo na may edad 75 hanggang 80 taong gulang.
Kinakailangan na ang mga magiging katuwang sa pag-aaral na
ito ay sadyang pinanganak at lumaki sa nasabing baryo.

V. Paglalahad ng Hangganan ng Pagsusuri


Ang pagsusuri na ito ay isinagawa mula noong ika-30 ng Hulyo
hanggang ika-31 ng Hulyo taong 2016. Ang pagsusuri na ito ay
naganap sa baryo ng Buna Lejos, bayan ng Indang, lalawigan ng
Kabite. Ang mga kalahok sa pagsusuri na ito ay ang mga taong
pinanganak at lumaki sa nasabing baryo na may edad 75
hanggang 80 taong gulang. Ang mga manananaliksik ay
kumausap ng sampung tao na makakatulong sa kanilang
pananaliksik.

Vl. Pamamaraaan sa Pagkuha ng Kinakailangan


Impormasyon
Ang mga mananalksik ay tumungo sa baryo ng Buna Lejos,
bayan ng Indang, lalawigan ng Kabite upang magtanong kung
sino ang mga taong maaaring maging bahagi ng kanilang
pagsusuri. Sumunod dito, sila ay magpapakilala at ilalahad ang
mga layunin ng kanilang pakikipag-usap. Ang mga mananaliksik
ay gagamit ng paraan ng pakikipaghuntahan upang makalap ang
mga kinakailangang impormasyon na magagamit sa kanilang
pagsusuri. Ito ay kanilang Iilinawin sa pamamagitan ng muling
pagtatanong sa mga sagot ng kanilang mga nakausap.
Matapos na makumpleto ng mga mananaliksik ang kanilang
pakikipagusap sa sampung taong kanilang napili na naaayon sa
batayan ng kanilang pagsusuri ay isasaayos nila ang bawat
impormasyon na kanilang nakuha. Sila ay magkakaroon ng
pagtatasa at pagbubuod sa mga nakalap na impormasyon bago
ito ilathala at ihain sa kanilang guro.

VII. Mga nakalap na impormasyon tungkol sa mga kulturang


nakasanayan noon.
Ang panghuhuli ng mga isda, hipon, igat at iba pa sa ilog ay isa
lamang sa kanilang nakagisnang pamumuhay. Noon ay may
malawak na palayan sa kanilang Iugar at pagtatanim ang isa sa
kanilang hanapbuhay. Pag-aararo, paghahabi, paggawa ng
tableya ay ilan lamang sa pangunahing hanapbuhay nila noon.
Sa poso at sa tangke sila kumukuha ng tubig. Tuwing Mayo
nagkakaroon sila ng pagdiriwang na Flores de Mayo na kung
saan imbes na pag-parada ay pagsasadula ang kanilang
ginagawa. At pagpista naman ay nagsasagawa ng Baylehan na
kung saan ang mga kababaihan ay naka-upo at lalapitan ng mga
kalalakihan upang isayaw, ngunit dahil sa pagdami ng
populasyon unti-unti ng nakalimutan ang nakasanayang kultura

VIII. Repleksyon
Ang mga kultura natin ay dapat na bigyang halaga dahil ito ay
malaki ang maitutulong para sa ikakaunlad ng ating bayan.

KABANATA ı
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

You might also like