You are on page 1of 9

KONSEPTONG PAPEL

Pamagat:

“Pananaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng kultura

at tradisyon ng mga Ilokano”

Inihanda ni: Krizen Mae Maglasang

Ipapasa kay: ___________

Enero 26, 2021


I. Panimula

A. Sanligan ng Pag-aaral

Ang Pilipinas ay mayaman sa tradisyon at kultura binubuo ito ng maraming pangkat-


etniko. Dahil sa samut-saring kulturang mayroon ang Pilipinas ay kadalasang madali
itong mawala, mabago at bumuo ng panibagong pangkat sa paglipas ng panahon.
Kung kaya’t napakahalaga ang preserbasyon ng bawat kaugalian at paniniwala ng mga
pangkat etniko.

Isa sa mga pangkat-etniko na mayroon ang bansa ay ang na Ilokano na kadalasang


matatagpuan sa Hilagang Luzon lalo na sa rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan,
Abra at Pangasinan. Bunga nito, di-sapat ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kaya
naman, kilala ang mga Ilocano sa pagiging masinop, masipag, malikhain at mapagtiis.
Dahil din sa kakulangan sa mga likas na yaman, marami sa kanila ang nandarayuhan
sa ibang rehiyon o sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng pagsagawa ng pag-aaral na ito ay mababatid ng mga


mananaliksik ang kultura at tradisyon ng mga Ilokano lalo na ang iba’t ibang paraan sa
pagpapanatili nito.

B. Mga Layunin o Paghahanda ng Suliranin

Ang sulating pananaliksik na ito ay nagtatangkang alamin ang mga paraan upang
mapanatili o mapangalaga ang kultura at tradisyon ng mga Ilokano partikular na dito
ang kanilang kaugalian at paniniwala.

Kaugnay nito, tatalakayin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na mga layunin:

a) Matukoy ang iba’t ibang mga kultura at tradisyon ng mga Ilokano.


i. Pagkain
ii. Pananamit
iii. Wika
iv. Paniniwala
v. Pananampalataya
b) Malaman ang iba’t bang paraan kung papaano nila pinepreserba ang
kanilang Kultura at tradisyon.
c) Mailahad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kanilang kultura at
tradisyon.

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang magbigay ng kamalayan sa mga tao


tungkol sa kultura ng mga Ilokano. Maaari rin itong magsilbing inspirasyon sa ibang tao
lalo na sa mga sumusunod:

a) Lokal at Nasyonal na Gobyerno

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga lokal at nasyonal na


Gobyerno upang magkaroon sila ng ideya sa mga paraan na maaaring
magamit upang mapanatili ang sarili nilang kultura at tradisyon.

b) Paaralan

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga paraan upang mabigyan nila ng


karagdagang impormasyon ang mga mag-aaral tungkol sa kultura at
tradisyon ng mga Ilokano.

c) Mamamayang Pilipino

Mahalaga ang pananaliksik na ito upang mas maging malawak ang


kanilang pananaw sa mga Ilokano at mabigyan sila ng kamalayan sa
kahalagahan ng pagpapanatili ng kultura at tradisyon.

d) Mananaliksik sa Hinaharap
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga nais pang manaliksik
tungkol sa kultura ng mga Ilokano. Lubos itong magbibigay kaalaman at
katibayan sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon at mananaliksik.
Maaari nila itong gamitin upang makakalap ng ibang impormasyon tungkol sa
pagpapanatili ng kultura.
D. Sakop at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pangangalap ng impormasyon


tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng kultura at tradisyon ng mga Ilokano.
Ito rin ay naglilimita sa paggamit ng kwalitatibong disensyo sa pagsusuring pag-aaral
kung saan nakatuon ito sa pagkalap ng impormasyon sa mga Ilokano at kanilang
pamamaraan ng pagpapanatili ng kanilang kultura at tradisyon.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa taong panunurang 2020-2021.


II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Nakasaad sa kabanatang ito ang uri ng teoryang pampanitikan na gagamitin ng mga


mananaliksik bilang sanligan ng pag-aaral na ito. Tatalakayin din dito ang mga kaugnay
na literatura at pag-aaral na magiging reperensiya at pantulong kaisipan sa
isasagawang pananaliksik.

A. Kultura ng Pilipinas

Sinasabing ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong


impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon. Gaano man kayaman at kayanong ang kultura
ng isang lipunan, maaaring manganib ito kung hindi ito patuloy na pagyayamanin,
bibigyang halaga, at iingatan. Ang adbokasiyang pang edukasyon ay siyang susi upang
patuloy na ating linangin at payabungin ang ating iniingatang kultura. (Lacson, 2019)

B. Pangkat Etniko ng Ilokano

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o


pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining,
literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa
isang pamayanan (Santiago, 1979)

Ang Ilokano ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat- etniko sa Pilipinas. Sa


Hilagang - Kanlurang bahagi ng Luzon ang katutubong lugar ng mga Ilokano at ito ang
nagbibigay ng pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilocos. Nararapat na respetuhin at
galangin ang mga taong hindi natin kapangkat. Ang pamumuhay ng mga Ilokano ay pag
aani at pagsasaka sa bukid, kilala sila na masisipag na tao. (Ramos, 2015)

C. Kaugalian ng mga Ilokano

Ang buhay ng mga Ilokano ay nakasalalay sa pagbubungkal ng lupa. Ang


pagtulong sa kapwa na walang bataris (bayad ) ay isang matandang kaugalian na
nanatili hanggang sa ngayon. Marami silang paniniwala- paniniwala sa maligno,
pamahiin at iba pa. (Ramos, 2015)

Ang araw ng mga patay ay kasama sa kultura ng mga ilocano,ang pag hahain ng
handa upang iloy i-alay sa mga namayapang myembro ng pamilya tinatawag itong
"atang" sa ilocano.Ang pag a-atang kasabay ng dasal ay tinatawag na "luwalo" ang
paraan ng pag gunita sa mga namayapang mahal sa buhay,makakatulong sa mga
kaluluwang mapanatag at makamit ang matiwasay na pamamahinga sa kamay ng
panginoon. (Bumanglag, 2020)

Malikhain din ang mga Ilokano bunga na rin ng kakulangan sa mga materyal na
bagay mula sa kanilang kapaligiran. Makikita ito sa kanilang mga produkto tulad ng
burnay (mga banga, plorera at iba pang mga kagamitan mula sa luwad), hinabing tela,
muwebles (mesa, upuan at kagamitang- bahay na yari sa kahoy at kawayan), tabako at
iba pa. (Anak ti Ilokano, 2013)

D. Kahalagahan ng pagpapanatili

Bilang isang Pilipino, nasa atin ang tungkulin na bigyang buhay ang ating
panunumpa, ang ating pangako na huwag pabayaan ang ating kasaysayan, ang ating
wika, ang ating kultura. Tayo ang may responsibilidad na maipasa ito sa susunod na
henerasyon, dahil kung tayo mismo ay titigil na tumangkilik, magbigay halaga, at
maisadiwa ay kasama nating mamamatay ang mga magagandang kaugalian na ating
minana sa ating mga ninuno. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang
ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan,
kamalayan at kinabukasan. (Lacson, 2019)
III. Metodolohiya

Nakasaad sa kabantang ito ang disenyo, daloy at instrument ng pag-aaral.


Tatalakayin rin dito ang paraan ng pagsusuri at paglikom ng datos na gagamitin ng mga
mananaliksik.

A. Disenyo ng Pag-aaral

Isang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang pag-aaral na ito dahil gagamit ang
mananaliksik ng “Non-Probability Sampling” kung saan ang mananaliksik ang pipili mula
sa populasyon. Gagamit ang mananaliksik ng “convenience sampling method” at
“purposive sampling method” sa pagsagawa ang pag-aaral.

B. Instrumento ng Pag-aaral

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang pakikipanayam o ang


“focus group interview method” kung saan ang mga napiling kalahok ay magkakatulad
na pangkat-etniko (Ilokano). Naniniwala ng mananaliksik na ito ang pinakamabuting
instrument para sa pag-aaral.
C. Hakbang ng Pag-aaral

Unang hakbang ay ihanda ang mga tanong


para sa panayam.

Pangalawang hakbang ay pumili ng isa


hanggang limang kalahok na nararapat
Ilokano ang kanilang pangkat-etniko.

Ipaalam sa mga kalahok ang pag-aaral at


bigyan ng maaga ang mga katanungan
upang makapaghanda ang mga kalahok.

Itala ang mga sagot ng mga kalahok at


ayusin ito.

Magsagawa ng maayos na pagsusuri at


bumuo ng konklusyon.

D. Mga Kalahok

Pipili ang mananaliksik ng limang kalahok na sasagot sa mga hinanda na mga


katanungan. Ang mga kalahok ay nararapat na nabibilang sa pangkat-etniko na Ilokano
at nasa tamang pag-iisip para sagutin ang mga tanong. Nararapat rin na ang mga
kalahok ay nagbigay ng pahintulot upang itala ang kanilang mga sagot at nasa tamang
edad rin ito.
E. Paraan ng Paglilikom ng Datos

Una sa mga hakbang na tinahak ng mga mananaliksik ay ang pangangalap ng mga


datos o impormasyon sa pamamagitan ng pagbasa ng mga artikulo at dokumento mula
sa internet. Pangalawang hakbang naman ay ang pakikipanayam sa mga kalahok
upang mas makakalap ng sapat na ideya at impormasyon. Sa pamamagitan nitong mga
paraan ay makakamit ang layunin ng pag-aaral na ito.

Mga Sanggunian:

https://www.sunstar.com.ph/article/1827501/Pampanga/Opinion/Catap-Lacson-
Pangangalaga-sa-pamanang-kultura

https://prezi.com/1fjh1cqt_zob/ilokano/

https://www.goodinfonet.com/goodnews/kultura-at-tradisyon-ng-mga-ilocano

You might also like