You are on page 1of 1

DAHON NG PASASALAMAT

Walang hanggan ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga taong tumulong

upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang ginawang pananaliksik. Una,

nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil hindi ito magagawa at matatapos kung wala ang

Kanyang patnubay. Binigyan Niya din ng lakas ng loob ang mga mananaliksik at sa lahat

ng ginagawa, nandoon ang kanyang presensya. Pangalawa, sa mga magulang ng mga

mananaliksik na walang sawang sumusuporta sa pangangailangan, lalong-lalo na sa

problemang pangpinansyal at oras na binibigay upang magawa ang pananaliksik. Pangatlo,

sa guro na si Ginang Villadolid sa Filipino, na gumabay mula sa simula ng pananaliksik

hanggang ito’y matapos at nagbigay ng mga ideya upang mas mapalawak ang pamanahong

papel. Pang-apat, sa mga mananaliksik na may kaugnay sa pag-aaral na ito dahil

nadagdagan ang mga nakalap na impormasyon at nagkaroon ng mga basihan sa pag-aaral.

Pang-lima, sa mga kamag-aral na tumulong sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa paksa,

nagbigay suporta. Higit sa lahat, lubos ang pagpapasalamat sa mga respondenteng

pumayag na maging bahagi sa pag-aaral. Buong pusong nagpapasalamat dahil kung wala

ang mga taong ito, di magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan, magiging maayos,

organisado, at kapani-paniwala ang aming pamanahong papel.

Job Joshua M. Butanas


Noellha Jeanette G. Liwagon
Russell Ann C. Dacoco
Shaq M. Ejares

You might also like