You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII- Eastern Visayas
School Division of Calbayog City
Tinambacan II District

SAN JOAQUIN NATIONAL HIGH SCHOOL


Brgy. San Joaquin Calbayog City
School ID: 303650

Proyekto
Sa
Komonikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino

Ipinasa nila:
Angelo Pintuan, Jayson Sale
Analyn Samson, Jane Paulino
(ABM-Kaptan)

Ipinsa Kay:
(S.Y: 2019, 2020)
Ang Kultura ay yaman ng isang bayan. Ito ay sumasalamin sa mga paniniwala,
kaugalian at mga nakasanayang gawain ng mga tao. Ang kultura ay tinuturing pamana
ng ating mga ninuno na nagmula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Sa bansang Pilipinas, ang kultura ay nagmula pa sa tradisyunal na nakasanayan ng
mga katutubo at maging sa impluwensya ng mga mananakop.

Sa paglipas ng panahon, ang mga kulturang nakasanayan ay unti-unti ng nagbabago at


naglalaho dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang kaisipan at paniniwala ng mga tao. Ang
ilan sa sa mga dahilan ng pagbabago at tuluyang paglalaho ng mga nakasanayang
gawain ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon; pagkamulat ng mga tao sa
makabagong teknolohiya; at ang pagigiging moderno ng ating panahon. Nakakalungkot
mang isipin, ngunit iilang bayan na lamang sa ating bansa ang nagsasabuhay ng
Kulturang Pilipino.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, nanais nito na masagot ang ilang katanungan


patungkol sa kung anong mga kultura noon ang hindi na naisasabuhay sa kasalukuyan.
Bukod dito, tinatangka ring ipakita at ilahad ng pag-aaral na ito ang mga kahalagahan
ng mga kultura ng kahapon na hindi na naisasagawa sa ngayon. Layunin ng pag-aaral
na ito na maipakita sa mga mambabasa na ang mga nakasanayang gawain sa ating
kasaysayan ay may kinalaman sa buhay na tinamasa sa kasalukuyan.

Ang panghuhuli ng mga isda, hipon, igat at iba pa sa ilog ay isa lamang sa kanilang
nakagisnang pamumuhay. Noon ay may malawak na palayan sa kanilang lugar at
pagtatanim ang isa sa kanilang hanapbuhay. Pag-aararo, paghahabi, paggawa ng
tableya ay ilan lamang sa pangunahing hanapbuhay nila noon. Sa poso at sa tangke
sila kumukuha ng tubig. Tuwing Mayo nagkakaroon sila ng pagdiriwang na Flores de
Mayo na kung saan imbes na pag-parada ay pagsasadula ang kanilang ginagawa. At
pag-pista naman ay nagsasagawa ng Baylehan na kung saan ang mga kababaihan ay
naka-upo at lalapitan ng mga kalalakihan upang isayaw, ngunit dahil sa pagdami ng
populasyon unti-unti ng nakalimutan ang nakasanayang kultura.

You might also like