You are on page 1of 2

Sa Pilipinas, ang kultura ay nagmula pa sa tradisyunal na nakasanayan ng mga katutubo at

maging sa impluwensya ng mananakop. Sa paglipas ng panahon, ang mga kulturang

nakasanayan ay unti-unting nagbabago at naglalaho dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang kaisipan

at paniniwala ang mga tao.

Pero bakit nga ba importante ang kultura? Ang kultura ang nagpapakita ng pagkakilanlan

ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Ang kultura rin ang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng

mga pangkat o kung ano ang pagkatangi nito.

Malaki ang epekto ng unti-unting pagkalimot sa mga kaugaliang Pilipino sa ating mga

Pinoy. Maaring hindi ito nakaapekto sa ating buhay ngunit nagkaroon ito ng negatibong epekto

sa ating magandang pagkakilanlan.sa simpleng pagtapon ng basura, pag bili ng mga bagay na

hindi sariling atin ay hindi na natin pinapahalagahan ang ating kultura. Isang disadvantage o

kawalan sa hindi pagsasabuhay ng mga kultura natin noon sa ngayon ay pagkwala ng ating

pagkakilanlan o pagka”distinct” sa ibang kultura. Maapektuhan rin nito ang paguugali ng mga

kabataan ng ating henerasyon. Kung noon may pag galang, ngayon tila ba ay nagiging bastos na

ang mga ito. sa tingin niyo, makakabuti bang iwan sa nakaraan at talikuran ang kulturang iniwan

ng ating mga ninuno sa atin? O mas magandang harapin at muling gamitin ito sa ating

henerasyon?
Ano nga ba ang mga kultura na hindi na naisasabuhay ngayon? Una na dito ang pag sabi

ng “po” at “opo”, iilan na lamang sa mga kabataan ngayon o mga tao ngayon ang isinasabuhay

ang pagsabi nito lalo na lamang noong naimpluwensyahan ng mga Amerikano. Pangalawa, ang

pagmamano sa mga nakakatanda sa ati, unti-unti na itong nawawala at nagiging beso o halik sa

pisngi na lamang. Pangatlo, ang paraan ng panliligaw. Dati uso pa noon ang paghaharana at

panunuyo o pamamanhikan. Ngunit ngayon para bang nawawala na ito at nagiging sa text at

calls nalang ang mga paraan ng panliligaw. Marami pang kultura ang nawawala na sa atin pero

bakit ba natin dapat isabuhay ang mga ito? Dahil ito ang humuhulma sa ating mga Pilipino, ito

ang nagbibigay ng natatangi na tin mga kaugalian na hindi nakikita sa iba.

You might also like