You are on page 1of 3

Pilipinolohiya bilang isang bagong aspeto na makikita sa akademikong dispilina.

Isang sistematikong pag-aaral ng pagiging Pilipino mula sa sariling karanasan, na


laging nakakabit ang kaisipan, kultura at lipunan na nagbibigay buhay sa teorya o
pagsasaF/Pilipino ng F/Pilipino. Ang kaisipan, kultura at lipunan na bunga ng
karanasan, pang-uri sa larangan, pagsasabansa at kasarinlan ng lahi. Kalakip nito ang
kultura na umuusbong sa ibat-ibang aspeto ng larangan na nagpapayabong ng
kabihasnan ng Pilipinas, na maari sana humihiwalay o nagiging maliit na sangkap na
lamang ang kulturang nasyonal. Higit na ipinahihiwatig ang pagkatao ng isang F/Pilipino
na marapat magpakaF/Pilipino, marahil katutubo na ang maging tao ngunit ang
F/Pilipino ay dapat bigyan ng pansin. Para sa ganoon, mabigyang kahulugan ang
sariling porma, estetika (kagandahan) at kaayusan ng ating pagkabansa at lahi.
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng balakid sa wastong pagpapalalim ng
kaalaman, sa pagkukumpara ng dalawang lahi na sadyang magkaiba. Sapagkat, hindi
maaring ikumpara ang dalawang Filipino sa Amerika dahil sadyang magkaiba ito ng
kaisipan, kultura at lipunan na nagpapayabong sa sa kanilang kabihasnan. Ang bawat
pagpapasiya ng bawat is ay batay sa pangangailangan at naayon para sa kanila at
makakabuti sa kanilang kapakanan bilang isang metatag na bansa na may
kabihasanan. Ang P/Filipino sa pagiging salungat sa kaisipang kanluranin, ay dapat
maiwasan, ang pagkakaroon ng orihinal kabihasnan ang dapat bigyang pansin
magkaroon ng pagtatag ng labas, lalim at loob ng Pilipinolohiya. Sa pagkakataon na ito,
ang mismong pilipinolohiya ang magpapalaya sa mga Pilipino mula sa banyagang
kolonyal na kaisipan, kaugalian at lipunan. Naayon lagi sa pangangailangan,
napapanahon at wasto sa pagiging isang F/Pilipino ng isang nanirahan sa pilipinas ang
kultura, kung saan nagkakaroon ng adapsyon, at kalidad, nagiging paiba-iba ang tono o
pagbigkas ng wikang Filipino, masasabing hindi pa ganoon katatag o kaunlad ang
wikang sa atin. Kinakailangan pa ng mas malalim na pag-aaral at pagsasapasa ng
karunungan na naayon sa pagkakaroon ng kabuuan ang wika. Bilang isang lipunan o
sambahayan na likas ang kamag-anakian o extended family na nakikinita sa silangang
bahagi ng mundo, bibigyang pansin sa pilipinas bilang isang uniberalismong istruktura
ng ating pagiging lipunan tungo sa sariling pagkabansa at sariling lahi.
Ang sektor ng akademikong disiplina, bilang isang kolonyalismong bansa ng
kastila, amerikan, nagkakaroon ng problema sa kolonyal na pagiisip na hatid ng mga
dayuhan. Na laganap parin hangang ngayon, mas lalaong nakikita sa sistema ng
edukasyon sa pilipinas. Napapaniwala na ang resulta ng patutunguhan sa pag-sunod
sunuran sa kalakaran ng ibang bansa ang magpapalaya sa atin ngunit, tanging
pang-aalipin na binigyang sidhi ng kolonya, imperyalismo, at propagandista. Lalong
nagpapahirap sa pagpapayabong sa katutubo, isang sandata na makakapagbubuo sa
pambansang kabihasnan. Sa pag-aalipusta ng dayuhan na makakanluranin ang
pag-iisip na tanging pagbaba ng tingin sa sambayanang Pilipino, tanging sinabi hiram at
utang natin sa kanila ang ating kasarinlan ngayon. Na nagiging bulag ang ordinaryong
Pilipino sa pagkakaroon na uniberalismo na pag-iisip na nagsisimula sa labas, na
kinalimutan na ang katutubong kaugalian. Nagiging insulto ito sa katutubo partikular na
sa etnolinguistikong mga grupo. Mayroong sariling Teorya at Pilipinolohiya mula sa
sariling karanasan at pananaw ng taal ng Pilipino lamang na ang datos ay ang resulta
ay metodo, na magiging malikhain pagdating sa akademiko. Magiging malaking anta
sang karungan at karansan sa pag-iisip sa pag-aaral ng Pilipinonolohiya. Isang kritikal
na paghahayag na hindi angkop ang pag-aaral ng dayuhan sa kabuuan ng asya sa
pilipinas o maging pag-aaral ng dayuhan sa hindi siya katutubo ay hindi magiging
angkop. Dahil nagkakaroon ng pagkakaiba-iba at ang bawat isa ay orihinal na may
kagandahan na hindi maaring Makita ng makadayuhang pag-iisip. Ang kultura ng
F/Pilipino na hindi naangkop na sabihin na ito lamang ay shared culture at walang
“Great Tradition”, nagkakaroon na ng pagkakamali dahil ang pilipinas ay walang sentro
ng baybayin ngunit mayroong daloy at batis ng kultura, na nagkakaroon ng kaayusan
kapag naging buo ito. Pagbibigyahang halaga ang pagkakaiba ng bawat isa sa
pagbubuo at ayos nito. Hindi maaring itotal kundi magkakaroon ng hawig at anyo na na
naayon sa kaisipan, kaugalian at lipunan na resulta ng sibilisasyon o kabihasnan.
Ang katayuan ng Pambansang Kabihasnan ay hindi naayon sa katagorya ng
panghalip panao ang diwa ng pantayong pananaw. Ang katatagan ng pantayong
pananaw ay walang pansin sa kung ano ang sinasaad ng dayuhan o banyaga, nagiging
kritikal na pagkakaroon ng balanse, posisyon at paninindigan. May katutubong
kamulatan at kamalyan ang pilipinolohiya na nagkakaroon ng kabuuan ang kabihasyan.
Pagkakaroon ng pananagutan ng bawat F/Pilipino na mahalin ang bayan o
magpakafilipino na hindi nagpapadaloy sa agos ng kolonyang banyaga. At pagiging
realidad na isinasabuhay dugo,laman at kaisipan ang P/Filipino. Malaking hakbang ang
paggamit ng wika bilang panturo at komunikasyon. Pagpapalaganap sa kultura,
akademiko, panitikan at drama, relihiyon, at sa kulutrang popular. Ang pagpapayabong
ng karunungan sa Pilipinolohiya ang magpapasigla o magbibigay buhay sa realid ng
F/Pilipinong kabihasyan na magbibigay na tunay na orihinalidad sa ating mga Pilipino.
Ang pagsibol ng Pilipinolohiya ang magpapatuloy ng pagbangon ng mga nabaon ng
katutubo sa bawat Pilipino na ninais maging Pilipino. Kinakailangan pa ng karagdagang
pag-aaral at iba’t ibang pananaw na mas magpapalawak sa aspeto ng Pilipinolohiya.
Magkaroon lamang ng wastong proseso na galing sa loob at pagsasakop ng panlabas
na kultura bilang parte sa pagkilala sa pag-aaral sa Pilipino. Kailangan parin itong
palaganapin kahit hindi hustong bigay pansin ng estado, dahil ang pag-unlad ay
masasabi sa pantay na pantay ng pag-unlad ng lahat ng sector ng lipunan, marahil
dapat bigyan pansin ng lahat. Napakahala rin ng F/Pilipino sa pagpapalaya galing sa
Kanluraning edukasyon, kinakailngan pa mamulat at maliwanagan ang Pilipino sa
nangyayari na hindi pansin sa pang araw-araw kundi malalaman lamang ang
phenomenon na ito kung bibigyan ng oras at panahaon na gamitin ang kaisipan,
kaugalian at pag-obserba sa lipunang ginagalawan. Kaukulang aksyon na mabilis
ngunit nababatay parin sa pag-angat ng Pilipinolohiya laban sa kolonyal na pag-iisip ng
mga tao. Magiging kritikal ang mamamayan sa pagkakaroon ng identidad bilang
pamilya, lipunan, komunindad at bansa na nagngangalang Pilipinas. Nawa’y
magkaroon ng sensibilidad ang obligasyon ng Pilipino sa kanyang sariling bayan sa
pamamagitan ng edukasyon at nakikinitang kinkabukas ng Pilipinolohiya.
Pinangangalandakan babangitin ang pangangailangan sa paghahayag pa ng
Pilipinolohiya para sa sariling kasarinlan na walang bahid ng dayuhan upang makamit
ang naturang pag-uugnay ng panloob na kaisipan, kultura at lipunan, patungo sa labas
na mayroong pagsasawalang-bahala sa mga dayuhan bilang isang malaking hakbang
sa pagkilala ng naturang Pilipino sa Pilipinolohiya bilang isang esensiyal na parte na
pagkilala sa sarili bilang isang sangkap na magpapaganap sa kabihasnan ng sariling
atin.

You might also like