You are on page 1of 14

KULTURA

NG
PILIPIN
O
Mayaman ang Pilipinas sa kultura. Sa mga kulturang ito,
nasasalamin ang magagandang asal at gawi, sining, at
tradisyon ng bansa. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakakilanlan
ang ating bansa. Nagsisilbi itong buklod ng pagkakaisa at
pagkakaunawaan.

Mga Halimbawa ng Kultura sa Pilipinas:


Pagsasayaw Harana Pagsasama-sama
ng Pamilya

Bayanihan Pakikiisa Laro


Ang mga kulturang ito ay kailangan nating
panatilihin upang maipagpatuloy pa ng mga
susunod na henerasyon.Ngunit, ilan sa mga
ito ay nanganganib na maglaho.
Ito ay ang mga kultura sa:
1. Magandang asal
2. Pamilya
3. Panliligaw

Bakit kaya ang mga kulturang ito’y


nanganganib na maglaho?
1. MAGANDANG ASAL
Nakaugalian na ng mga Pilipino
na magkaroon ng magandang
asal. Bata pa lamang, itinuturo
na ito ng mga magulang sa
kanilang mga anak.
Ang mga sumsusunod ay ilan sa mga
ugaling magandang asal:
a. Paggalang at Pagsasabi ng d. Maka-Diyos
“Opo” at “Po” sa mga nakakatanda

b. Pagmamano/paghalik e. Matulungin

c. Pagiging Hospitable f. Matapat


Likas sa ating mga Pilipino ang magkaroon ng magandang
asal. Subalit, dahil sa pagbabago ng mga panahon,
nagbabago rin at unti-unting nawawala ang kulturang ito.
Dulot ng Makabagong Teknolohiya
Marami ang hindi magandang naidudulot ng makabagong
teknolohiya sa kasalukuyan. At isa dito ay pag-uugali. May
mga kabataan ngayon ang nagbabago dahil sa kanilang mga
nababasa at napapanood sa social media. Ito’y kanilang
ginagawa at ginagaya. Dahil dito, nakakalimutan na nila ang
kanilang mga tungkulin na bumabago sa kanilang pag-
uugali. Kung saan, ang ating mga magandang asal ay unti-
uting naglalaho.
2. PAMILYA
Dahil sa impluwensiya ng bansang Tsina, kilala ang
mga Pilipino sa pagiging family-oriented. Malapit
ang pamilya sa isa’t isa kaya, kadalasan ay wala
nang pagkakaiba sa gitna ng malawak na pamilya,
mga malapit na kaibigan ng pamilya, o kahit na ang
pinakamatalik na kaibigan ng mga magulang.Mas
pinahahalagahan nila at binibigyan ng importansya
ang kanilang pamilya bago ang anupaman.
Nagtatrabaho sila buong araw at ginagawa ang
lahat upang mapakain at mapagkalooban ang
kanilang pamilya.
Ilan sa mga kultura nito ay:
a. Pagsasalo-salo sa hapag-kainan

b. Pagsasama-sama(bonding)
Pero ang mga ito’y unti-unti nang naglalaho.
Dulot ng Abala at Walang oras sa Pamilya:
-Dahil sa maraming ginagawa, karaniwan ay wala
ng oras ang pamilya sa isa’t isa. Kahit na nasa
iisang bahay lamang, hindi na nagkukumustahan at
gaanong nag-uusap. Samakatuwid, ang mga
kulturang ito ay naglalaho na.
3. PANLILIGAW
- Ang kinaugaliang panliligaw
sa Pilipinas ay inilarawan
bilang isang "konserbatibong“
diskarte kung ihahambing sa
kultura o mundong kanluranin.
Paraan ng Panliligaw:
a. Paghaharana c. Pagsulat ng mga liham

b. Pagbigkas ng mga d. Pagbibigay ng mga


tula regalo
Dahil sa modernong panahon, napakalaki ng pagbabago ng
panliligaw sa kasalukuyan. Napakadali lamang ngayon ang
manligaw. Kaya, maraming mga kabataan ang nagmamadali
at gusto agad magkaroon ng kasintahan kahit wala pa sila sa
tamang edad. Hindi muna nila kinikilatis at kinikilala ng
mabuti ang isa’t isa, basta kung napusuan,
makikipagkasintahan na. Ang iba’y palihim at hindi na
kinakailangan ang pahintulot ng kanilang mga magulang.
Ang kulturang ito’y nanganganib at naglalaho na dahil sa mga
pagbabago sa kasalukuyan.
Ang ating mga kultura ay dapat
nating ipagpatuloy para sa susunod
na henerasyon. Panatilihin natin
ang mga ito. Hindi dahil nagbabago
ang mga panahon, babaguhin din
natin at isasawalang-bahala ang
mga kultura noon. Dahil isa ito sa
kayamanan ng bansa na ating
maipagmamalaki.
Dolinta, Hanameel Alill
A.

You might also like