You are on page 1of 9

Ang Kulturang Pilipino

Noon at Ngayon

MYEMBRO
Shyrkeene Amigo
Noemi Opinion
Nikki Tesoro
Fritzie Ann Tanaka

GURO: Gng. Marivic Peñalosa


Sanhi
Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tuluyan ng
nakalimutan ang kulturang Pilipino ngayon?

Alam naman natin na dahil sa makabagong teknolohiya unti-unti ng


nakakalimutan ang mga nakagisnan na kultura nating mga Pilipino. Ang
mga bata ay mga wala ng respeto at hindi na nakikipag salamuha dahil
sa teknolohiya. Ang mga magulang ay minsan na lang may oras sa mga
anak nila at hindi na nila natuturo sa mga anak nila ang tamang aral at
hindi na nila napapasa ang mga kultura nating mga Pilipino.

1
EPEKTO

Ano na ang mangyayari kung tuluyan ng makalimutan natin ang Kulturang


Pilipino at ano nga ba ang magiging epekto nito sa atin?

Iyo pa bang ginagamit ang nakagisnang wika at kulturang Pilipino? O tuluyan mo na itong sinira,
winasak, at binalewala. Ang wika ay sumasalamin sa kulturang ating kinagisnan. Sa
pamamagitan ng wika nakikilala ang kultura ng isang bansa. Ngunit ng panahon, nagkaroon din
ng pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng paglimot sa kulturang iningatan
ng ating mga ninuno. Malaking tulong ang wika sa atin upang makipag-ugnayan sa ibang tao at
para mapadali ang pag-uusap. Kung wala ang wika, paano kaya tayo magkakaintindihan,
makakaunawaan sa ano mang bagay. Sa buhay natin ngayon napuno na ng kaharasan at nawalan
na ng respeto tayo sa ating mga kapwa Pilipino.
Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa Pamumuhay ng mga
Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social
networking sites, text message, mass media, news paper, at marami pang iba. Halimbawa na
lamang ang pagkaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring kaharasan, kalamidad, at iba
pang nangyayari sa ating bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media mabilis
tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Dahil sa teknolohiya
maraming mga salita na hindi nararapat na mabou sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng
nakasanayan. Dahil sa kagustohan ng mga Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang tao
kaya pinaikli nila ang mga salita. Ang pagnanais na makisabay sa ano ang uso kaya nagdudulot
ito upang mabuo ang mga salitang pabebe, jejemon, bekimon, at iba pang mga salitang binuo ng
teknolohiya. Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba dahil ito ay uso sapagkat laganap ang
iba’t ibang uri ng media sa bansa. Ang mga salitang ito ay hindi pormal at nagkaroon din ng
hindi pagkaunawaan sa pagitan ng taong hindi gumagamit ng modernong wika. Nakakalimutan
na nga nating magmano at magsabi ng po sa ating mga nakakatanda.

Sa pagbabago ng panahon nagbabago rin ang mga Pilipino. Dahil sa tecnolohiya unti-unting
sinisira ang wika at kulturang Pilipino kasi nakakalimutan na ng mga kabataan ngayon ang pag
galang sa mga nakakatanda gaya ng mga salitang ito “po at opo”dahil mas inuuna nila ang pag
hawak sa kanilang mga gadget.

3
SOLUSYON

Maraming paraan upang mapagyaman at mapalaganap ang kulturang Pilipino. Ngunit


ang unang hakbang ay matutunan mong mahalin ito at huwag ikahiya sa iba. Matutong ibahagi
sa iyong kapwa ang iyong kultura. Kahit tayo ay maaring magkaroon ng hakbang upang
mapanatili ang kulturang Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapayaman at pagsasabuhay ng
mga Kultura, at habang ipinalalaganap ito at ipinapapasa ito sa mga susunod na henerasyon.
Isang paniniwala ng mga tao na isalin salin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila. Isa
na sa lahi ng Pilipino ang sumunod sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon. Ang mga Pilipino
ay mahilig maniwala sa mga pamahiin kaya atin itong gawin.
Kulturang nagsimula sa mga ninuno natin ngayo’y na ngayon ay hindi pa humihinto.
Kulturang natutunan sa pakikipagsalimuha sa mamamayan o lipunang kinabibilangan natin. Ang
Kulturang nagbahagi satin ng pamumuhay at gawi ng mga kaninuninuan natin kahit kalian ay
hindi pa nalilimutan. Kulturang kayang panindigan ang tradisyon nila hanggang sa susunod na
tradisyon. May mga iba’t ibang Kultura ang mga Pilipino tiyak hanggang hanggang ngayon ay
sinasagwa parin. May iba’t ibang kaugalian din ang mga Pilipino na nagsisilbing tanda ng
paggalang sa kahit anumang gawi. May paniniwala sa kahit anumang bagay.
May mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay pinagpapabuhay parin
hanggang ngayon tulad ng piyesta, mahal na araw, buwan ng wika, pamamanhikan,harana,
simbang gabi, flores de mayo at marami pang iba. Sa piyesta kung saan kahit saan pumunta
maykakainin na pagsasaluhan ng mga Pilipino,mga palarong nakakalibangan para maalala ng
mga kabataan ang mga laro at hindi na lang puro gadget ang hawak. Sa Mahal na Araw naman
ay ang pagpapanampalatayang kinagisnan ng mga kristiyano,upang palalimin ang
pananampalataya. Pamamanhikan naman ang pagkakasundo ng babae sa lalaki para sa
pagpapakasal at para planuhin ang kanilang kasal. Ang harana naman ay ang pagpapalabas ng
nilalaman ng puso niya sa iniibig niya sa pamamagitan ng pagkanta ditto sa bahay ng babae na
patunay niya sa pagmamahal sa babae. Sa simbang gabi ay ang pagdidiriwang sa pagkapangank
kay hesukristo at pagmamahalan ng mga Pilipino. Sa Flores de Mayo naman ay ang piyesta ng
paghanda at paghandog ng bulaklak sa ating mahal na si Maria. Lahat ito ay noon at ngayon na
ating kultura.
Maraming pinamana satin ng mga kaninuninuang natin iba’t ibang selebrasyon ang
kinagalian na ating gawin. Kaugalingan ang pag sabi ng ‘PO’ at ‘OPO’ sa nakakatanda satin na
sa Pilipinas lang naririnig at pagmano at paghalik sa pisngi na sa Pilipinas rin nakikita.
Pakikipagtulungan at pakikipagkapwa tao sa ibang lugar ang mga kaugalingan ipinagmalaki
hanggang sa pagdating sa ibang lugar.
2
Recomendasyon

Para hindi natin makalimutan ang ating Kulturang Pilipino ay dapat natin na
ipakita at ginagawa ang kultura natin noon. Huwag natin balewalain ang mga kultura
natin dahil ito an gating pinagmulan at ating pagkilanlan. Bliang isang Pilipino ating
pahalagahan at ipagmalaki ang ating wika at kultura. Kaya dapat natin itong
mahalin,pahalagahan, at pagyabungin dahil ito ay sariling atin. Dapat nating mahalin an
gating wika at kultura dahil kung tuluyan na itong makalimutan at tuluyan na tayong
lamunin ng mga wika at kulturang banyaga ay paano na tayo makikilala bilang isang
Pilipino. Huwag nating hayaan na tuluyan tayo na lamunin at sakupin ng ibang bansa.

Tayong mga Pilipino ay likas na mapagpahalaga pero may mga bagay tayong nalilimutan
pahalagahan dahilan sa moderno o makabagong panahon ngayon. Sa paglipas ng panahon,
maraming pagbabago ang naganap sa kaualian ng mga Pilipino. Dapat tayo mismo ang buhayin
muli ng ating kultura at ito ay pahalagahan. Dahil hindi porket maraming nagbago sa paligid at
panahon ngayon ay dapat na rin natin baguhin ang ating mga kinasanayan. Dapat kahit saan
tayo magpunta ay lagi nating isapuso ang ating kultura. Ang kulturang ito ay isa sa
pinagyayaman ng ating bansa.
Sa panahon natin ngayon, may ibang nakaalala ng ating kulturang kinaugalian pero
hindi na ito susundin dahil ito daw ay "luma na" hindi na daw uso. Pero sa pamamagitan ng
pagpapahalaga ng ating kultura, dito natin maipapakita ang paggalang at pagalaala sa mga
ninuno natin. Marami na rin ang nakakapunta sa iba't ibang bansa ngunit may "ilang" mga
Pilipino na isinasatabi ang kultura dahilan sa may bago siyang puntahan na kung saan ditop siya
nagsisimula ng panibagong buhay.
Para sa akin mahalaga ang kulturang Pilipino. Marami ang humahanga sa tradisyong ito
kaya kahit saan o kahit kailan dapat lagi nating dala-dala ang bandera ng kulturang Pilipino.
Huwag natin na kalimutan na tayo ay Pilipino at hindi natin ato kalimutan at patuloy na
ipamahagi sa mga nakakalimtan na. “Ang paglimot ng kultura ay paglimot sa ating sariling
pagkatao”.

5
References

https://obienbangahonbalug.wordpress.com/2016/09/23/ang-epekto-ng-
teknolohiya-sa-ating-wika-at-kultura/

https://brainly.ph/question/549764

https://www.wattpad.com/59079269-isang-pamana-bilang-isang-pilipino-kultura

http://pinoyestudyante.blogspot.com/2014/07/sariling-kultura-dapt-
pahalagahan.html

7
Konklusyon

You might also like