You are on page 1of 1

Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas; Kahapon, Ngayon, at Bukas.

"Pilipino" noon, ngayo'y "Filipino" na. Ito ay ang Wikang Pambansa na ating
ginagamit rito sa bansang Pilipinas. Ang Wika ay parte na ng ating pagkatao, dahil
simula pa lamang ng tayo'y isilang sa mundong ito, sa paglipas ng panahon, unti-
unting namumulat ang ating sarili sa wika at kulturang bumubuo sa ating pagkatao.
At ito na ang sumasagisag pati na rin sumisimbolo sa atin bilang isang Pilipino. At
ang Wika ay nagsisilbing tulay na kumukonekta sa bawat isa sa atin upang
magkaintindihan, magkaunawaan, at higit sa lahat ay mailahad ang damdaming nais
ipabatid para sa isa't isa.

"Wika tungo sa pagkakaisa". Isang perpektong larawan nito ay ang paglaban at


pag-alay ng mga buhay ng ating magigiting na bayaning Pilipino upang buhayin noon
muli at maipreserba sa kasalukuyan ang kultura at wika ng ating bansa. At bilang
respeto sa mga kabayanihang ginawa ng ating mga bayani, nararapat lang na gamitin
at linangin natin ng mabuti ang ating pambansang Wika. Ngunit sa paglipas ng
panahon, unti-unti na tayong napapalayo, nakakalimot, at isinasantabi ang wikang
Filipino. At ang lahat ng ito ay sa kadahilanang "Globalization", umusbong ang
itinatawag natin na "Social Media". Dahan-dahan tayong nilamon nito at makalipas ay
araw-araw na tayong gumagamit ng Social Media.

Hindi maitatangging naging parte na talaga ng ating buhay ang Social Media,
at malaki na rin ang naging epekto nito sa bawat Filipino, Lalong-lalo na sa ating
Pambansang Wika. Subalit, magmula na sumikat ang Social Media, itinatangkilik na ng
mga Pilipino ang wikang Ingles upang magmukang sosyal ang kanilang mga Post. Naging
madali rin ang pag sikat ng mga bagong salita gaya ng "Pak ganern", "Selfie", "How
to be you po?" at ang mga katagang "Nagmahal, Nasaktan, Naging Blogger".
Nalilimutan na nating tangkilikin ang ating sariling Wika. Marami na ang nagbago,
marami na ring salita ang naglaho, at unti-unti ng natatakpan ang ating pagka-
Pilipino. Kung kaya't iisipin na pagkaisahin ang wikang Filipino at ang social
media. Sa pamamagitan ng pag-popost ng mga Blog patungkol sa kultura ng Pinoy,
magagandang lugar o tanawin na makikita sa Pilipinas at ang pagbabalik tanaw sa mga
ginawa ng mga bayaning Pilipino sa makabagong paraan upang siguradong tatangkilikin
ng lahat. Sa paraang ito, tayo’y nakakatulong upang maipreserba at mapagyaman ang
ating kultura at wika.

Simula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang social media sa ating
buhay sa kabila ng mga epekto nito maganda man o hindi. Kaya’t imbes na tanggalin
ang social media na siguradong ikakagalit ng marami, mas mabuting gamitin natin ang
social media sa paraan na kung saan nakikitang buhay pa rin ang wika at kultura ng
bansa. Sa paraan na napepreserba ang ating pagiging makabayan at para na din sa
kinabukasan, sa mga susunod pa na henerasyon. ang ating pagiging Pilipino.

You might also like