Professional Documents
Culture Documents
Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, "ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang kanyang kataga sa
pagpapahalaga sa kanyang bayan, ang wikang Tagalog ay hindi malilimutan. Siya ang
inspirasyon ng bawat Pilipino upang makamit ang kapayapaan na hinahangad ng
sanlibutan. Isa ito sa mga magandang ehemplo na aking maisasaad sa aking sanaysay,
ang importansya ng mga taong kasapi sa pagsisimula ng pag usbong ng historya
Pilipinas.
Isa sa mga ugali ng Pilipino ang crab mentality, mahirap man isa isahin at
sabihin na "mahalin mo kung ano ang mayroon ka" dahil hindi lahat tao ay marunong
makuntento. Ano nga ba ang dapat nating gawin upang mabawasan ang kaugaliang
ito? Gamitin natin ang social media, maging boses sa mga taong tahimik at tulungan o
turuan ang mga tao na mas palawakin ang kaalaman tungkol sa ating kultura. Kung
walang magtuturo, sino ang gagawa? At kung walang gagawa, sino ang magsisimula?
Hikayatin natin ang bawat Pinoy na maisakatuparan ang walang tigil na pag unlad ng
komunidad at lalo na ang likas na moral ng mamamayang Pilipino.