You are on page 1of 2

Name: Roi Miguel A.

Baldo 09/01/2022

Section: STEM 11- Socrates

Ano ba ang wika? Base sa aking pagkakaintindi ang wika ay isang salita na ginagamit

natin sa pang araw-araw na pakikipag ugnayan, Ang wika ay nagsisilbi ding salamin ng

kultura nating mga Pilipino, ang ating wika ay mahalaga sapagkat ito rin ang nag sisilbing

tulay upang tayong mga mamayan ng bansa ay magkaintindihan. Dahil sa pananakop ng mga

banyaga nagbago ang ating wika dahil sa emplowensya na dala nila sa ating bansa, sa mga

nakalipas na panahon ang ating lipunan ay unti-unting nag babago dahil sa modernisasyon.

Ang kultura ng bansa ay unti unting nag babago dahil sa emplowensiya ng mga kulturang

hinde pangkaraniwan kumpara sa kanila, kapansin pansin rin ang kulturang pilipino ay

madaling na iimplowensyahan sa mga bagay na banyaga.

Kaya marapat lamang na bigyan ng napakataas na pagpapahalaga ang ating

pambansang wika. Kahit na sa simpleng pag uusap gamitin ang wikang Filipino ngunit

kasabay ng iyong pag gamit ay panatilihing wasto upang hinde maimpluwensyahan ang mga

kabataan na maka rinig, dapat nating respetohin ang ating wika, i preserba upang mapanatili

ang ating napaka gandang wika sa mga sumusunod na mga henerasyon. Dapat nating

ipalaganap ang wikang pambansa na filipino na may sapat na kaalaman upang maraming mag

papahalaga sa wikang filipino. At sa pag gamit ng social media dapat parin nating

pahalagahan ang wikang filipino sa pamamagitan ng pag gamit at pag tangkilik sa wikang

filipino sa mga post naten sa social media. Ang pag gamit ng wikang filipino sa komunidad

at paaralan ay kakatulong din dahil dito naipapakita natin ang kahalagahan ng wika nating ini

iingat ingatan. Sanay hinde natin malimutan lahat an ating wikang pambansa sapagkat ito ay

isa sa pinaka mahalagang bagay na dapat ma tutunan ng ating mga susunod na henerasyon

dapat naten itong ma i preserba at alagaan.


Mahalagang bahagi ng buhay ang wika dahil dito nabubuo ang mas mabisang

unawaan ng mga tao. At upang magkaroon nang maayos na buhay, kinakailangan

ng pagkakaisa at komunikasyon na nagiging posible dahil sa wikang ginagamit.

Nakapaglalahad ng ideya at opinyon, nakapagpapalitan ng saloobin at damdamin, at

nagkakaroon ng kaayusan sa pagpapatupad ng mga bagay dahil sa wika. At dahil

kay Manuel L. Quezon nag karoon ng masusi at malim na pag aaral tungkol sa

pagpili ng pambansang wika ng pilipinas. At ang mga taong nasalikod ng mga

pananaliksok na ito ay nang galing sa iba’t ibang rehiyon ng bansang pilipinas.

You might also like