You are on page 1of 4

Midterm Examination

Bilang ng Kurso : Filipino 21


Pamagat : Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino (KONKOMFIL)

Ang KONKOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at


nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong
lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Kung sinasabing masyadong kontekstwalisado
ang isang usapin, ang ibig sabihin ay mahirap ito unawain kung hindi nalalaman
ang konteksto. Talakayin ang sumusunod. Sampung puntos (10) bawat
katanungan.

1. Sdds
2. Ano-anong pamamaraan ang isinabalikat ng Tanggol Wika upang maipaglaban
ang pananatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo? Paano nila naipagtagumpay
ang laban?

3. Paano ipinaliwanag ng mga posisyong papel ang kani-kanilang adbokasiya


hinggil sa wikang pambansa at sariling panitikan?

4. May papel ba ang wikang sarili sa globalisasyon at ASEAN integration?

Mahalaga ang ginagampanang papel ng sariling wika sa globalisasyon o


ang pagkakaugnay-ugnay ng iba’t ibang bansa sa mundo, at sa ASEAN
integration. Ang sariling wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at sa
pagpapatatag sa ekonomiya ng isang bansa. Ang wikang sarili ay
kinakailangan sa pakikipag-talastasan ng mga mamamayan sa isang bansa,
sapagkat hindi lalago ang ekonomiya kung hindi nagkakaintindihan at
nagkakaisa ang mga tao. At kung maunlad ang ekonomiya ng isang bansa, ay
makakatulong ito sa pagkakaroon ng matibay na samahan ng mga bansa o
ang globalisasyon at ASEAN integration na naglalayon na palakasin at
patatagin ang paglago ng ekonomiya ng bawat bansa, sa pamamagitan ng
pagkalat ng produkto, teknolohiya, at trabaho.

5. Ipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,


pagpapatibay ng kolektibong aydentidad, at pambansang kaunlaran?

Ang pagpapalakas sa wikang pambansa sa pamamagitan ng paggamit


nito sa paaralan at sa komunidad, pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa
wikang Filipino, at higit sa lahat ay ang ipagmalaki ito. Nakakatulong ito sa
pagpapatibay ng kolektibong aydentidad na tumutukoy sa pagiging kabilang ng
isang tao sa isang pangkat. Ang pagkakakilanlan ng pangkat ay nagiging
bahagi ng indibidwal na pagkakakilanlan ng tao. Nabubuklod ng wikang
pambansa ang mga mamayan nito o ang ating kolektibong aydentidad dahil sa
maayos na komunikasyon at ang pagkakaintindihan ng mga tao. At dahil dito
ay magkakaroon ng pambansang kaunlaran. Pambansang kaunlaran na hindi
lamang tumutukoy sa kayamanan, kundi pati sa malayang pagpasya at
maayos na edukasyon.
6. Ano-ano ang ebidensya na “wika ng bayan” na ang Filipino?

Ang Filipino ay wika ng bayan dahil ito ang sumisimbolo sa pambansang


komunikasyon. Ang wika ng bayan ay tumutukoy sa palatandaan ng
aydentidad ng isang bayan. At ang wikang Filipino ang sumisimbolo sa ating
pagiging mamamayang Pilipino. Masasabing wika ng bayan ang wikang
Filipino sapagkat ito ang nagbubuklod sa mga tao na galing sa iba’t ibang
lugar, kultura, at salita sa Pilipinas. Filipino ang wika ng bayan sapagkat ito ang
nagsisilbing tulay tungo sa mabisang pakikipagkomunikasyon ng mga
mamamayan sa bansa, dagdag pa rito ay maaring magkaroon ng
pagkakawatak-watak, hindi pagkakaintindihan na maaaring humadlang sa ating
pag-unlad kung wala ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ang wika ng
bayan dahil naipapakita nito an gating tradisyon at ang ating kutura.

7. Sa pangkalahatan, bakit kapwa mahalaga angFilipino bilang asignatura at


Filipino bilang wikang panturo?

Ang asignaturang Filipino at ang paggamit ng Filipino bilang wikang


panturo ay kapwa mahalaga para sa paglinang ng pagkapilipino ng mga mag-
aaral. Hinuhubog nito ang ating aydentidad at ang ating pagiging makabayan.
Mahalaga ang asignaturang Filipino at Filipino bilang wikang panturo sapagkat
ito ang nagsisilbing tulay upang mapabunga o mapalago pa an gating kultura.
Ang asignaturang Filipino at wikang Filipino ay hindi lamang pinag-aaralan at
ginagamit dahil ito ay kailangan, bagkus ay makakatulong ito sa ating buhay,
sa ating mas epektibong komunikasyon, at mas mabilis na matututo ang mga
mag-aaral kung Filipino ang ginagamit na midyum ng pagtuturo dahil mas
maiintindihan nila ito. At higit sa lahat, ito ay nagbibigay ng importansya sa
ating pagkatao, respeto sa ating bansa at sa pagiging mamamayang Pilipino.

8. Paano nakapag-aambag sa pagunlad ng Pilipinas ang paggamit ng Filipino sa


mga unibersidad?

Malaki ang epekto ng paggamit ng Filipino sa mga unibersidad sa pag-


unlad ng Pilipinas. Isa sa mga naiaambag ng paggamit ng Filipino sa mga
unibersidad ay mas nahuhubog pa nito ang ating kamalayan sa kultura at mas
magkakaroon tayo ng epektibong komunikasyon. Halimbawa na lamang nito ay
ang pakikipagsalamuhanatin sa mga ordinaryong mamamayan sa ating
lipunan. Ang paggamit ng Filipino sa mga unibersidad ay nakakatulong sa
pagiging epektibo at mabisa ng “community engagement” ng mga unibersidad.
Ito ay sa kadahilanang Filipino ang wika na ginagamit ng mga ordinaryong
mamamayan sa komunidad. Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang
ugnayan ng akademya at ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino. At dahil
nga dito ay mas magkakaroon ng matibay na samahan at relasyon ang mga
tao sa ating lipunan. Kung maayos ang ating pakikisalamuha sa ating kapwa,
at lahat ay nagkakaintindihan ay magkakaroon tayo ng pambansang kaunlaran.
9. Ipaliwanang ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

10. Patotohanan kung gaano kahalaga ang wikang pambansa sa sarili, sa kapwa,
at sa lipunan.

Mahalaga ang ginagampanang papelng wikang pambansa sa sarili, sa


kapwa, at sa ating lipunan. Ang pambansang wika ay isang mahalagang
aspeto ng ating bansa. Ito ay parte ng ating pang araw-araw na buhay.
Ginagamit natin ito upang magkaroon ng pagkakaintindihan sa iba. Ngunit, higit
pa dito ang kahalagahan ng pambansang wika sa ating sarili, sa kapwa, at sa
ating lipunan. Mahalaga ang pambansang wika dahil ito ay parte ng
pagkakakilanlan ng isang tao at ng isang bansa. Mahalaga ito sapagkat malaki
ang ambag nito sa pagbuo ng personalidad ng isang tao. Sa pamamagitan ng
wikang pambansa ay nagkakaunawaan ang mga tao. Nagkakaroon tayo ng
matibay na relasyon at samahan sa ating kapwa at sa lipunan. At ang
mahalaga dito ay maiiwasan natin ang anumang sigalot sa pagitan natin at ng
ating kapwa, at sa pagitan ng mga tao sa lipunan.

You might also like