You are on page 1of 1

Asignatura: 11.2.

8F at MAT Filipino 3036


Second Semester
2022-2023

Repleksiyong papel

Kalagayan ng Asignaturang Filipino: “Isang Pagsipat”

Ang kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa pagkatuto ng mga estudyante ay


kailanma’y hindi maitatangi. Ito ang pundasyon ng mga estudyante upang malinang ang kanilang
kaalaman. Ika nga, na “Ang Filipino bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura. Ngunit
ano na nga ba ang naging kalagayan ng ating Asignaturang Filipino sa makabagong panahon. Ito ba ay
pinahahalagahan pa ng maraming Pilipino?
Sa pagpasok ng modernong panahon, kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya
kagaya ng social media, pagcha-chat sa messenger, pagtetext sa cellphone at iba pa gamit ng mga
gadgets, di natin maitatanging karamihan sa ating mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ay
naiimpluwensiyahan na mula sa mga ito at tayo’y pilit ring umaangkop, nakikibagay at nakikisabay sa
mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran lalong lao na pagdating sa wika.
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan
at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa.
Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung
ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.
Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan.
Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang
bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa, maging ng tao sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya, lalong-
lalo na, ang patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at nagsisimula na
ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na
kadalasang tinatawag na “beki language”. Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagong
ito, lalong-lalo na sa mga kabataan.
Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit
na din tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng
pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagpepresenta sa isang salita
o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito
pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at
mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito
ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.
Sa kasalukuyang panahon, sa tingin ko, ang kalagayan ng ating wika ay dapat pang mas
pagyamanin, payabungin at irespeto. Sa pag-unlad ng panahon, kasabay din ang pag-unlad ng wika,
nasaan mang dako tayo ng mundo, nararapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika dahil
ito ang nagmomolde sa ating identidad bilang isang Pilipino.
Ipinasa ni: Ipinasa kay:
JESSA L. MANATAD ARLIN JARDIN, MT I
MAT-Filipino Instructor

You might also like