You are on page 1of 6

INTRODUKSIYON

Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang
wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang
tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang
magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo


ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan. Binanggit ni Austero et al. (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo
ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Sa pag-usbong ng modernisasyon at pagpapakilala ng mga bagong teknolohiya, ang wikang


Filipino ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Sa pamamagitan nito ay unti-unti nang nalimutan
ang mga lumang salita ng wikang Filipino. Napakaimportante ng ginagampanan ng wika sa ating
pakikipag ugnayan sa ating lipunang ginagalawan mula noon hanggang ngayon. Naging sangkap
ito upang tayo ay mag kaunawaan. Mahalaga ang tungkulin ng wika sapagkat ito ang naging
daan upang makamit natin ang pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod. Sa pamamagitan ng wika
ay naipapahayag natin ang ating saloobin, damdamin.

Isa sa mga suliranin na nakakaapekto sa mga mag-aaral sa paggamit ng pangalawang wika sa


pag aaral ang pag usbong ng mga makabagong teknolohiya. Kasalukuyang uso ay ang paggamit
ng slang, ang pinakamababang antas ng wika na kadalasang ginagamit ng mga kabataan.
Gumagamit
ang mga mag-aaral sa lungsod ng iba't ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto sa
buhay panlipunan at pang-ekonomiya.

Isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng isasagawang pananaliksik sa pagpili


ng paksang ito. Nais ng mga mananaliksik na malaman ang kalagayan ng pangalawang wika sa
patuloy na pag usbong ng modernisasyon at naglalayon na malaman kung ano ang naging epekto
nito sa mga mag aaral ang patuloy na pag usbong ng modernisasyon ng wikang filipino

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may

kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga

literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng


mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon ding

mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng

Edukasyon.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng

buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa

kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika

upang kamtan ang kailangan natin.” Sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat taong nasa

mababa, gitna at mataas na uri ng lipunan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa

tuwing makikipagtalastasan upang matamo ang layunin sa lipunang ginagalawan. Patunay

lamang ito na sa pamamagitan ng paggamit at pagpapalaganap ng Wikang Filipino kasabay ng

modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang

ipinagmamalaki ng Pilipinas. Kaya habang nabubuhay at humihinga ang tao patuloy rin ang

pag-unlad ng wika dahil ginagamit natin ito at habang ginagamit natin ito patuloy itong

mabubuhay at sasailalim sa mga pagbabago na patunay lamang na ito ay buhay.

Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino Web ay

nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing buwan ng Agosto o

tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino at nararapat

lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa

ating bansa. Sa kabila ng maraming pagbabagong naganap at proseso na pinagdaanan ng ating

Wikang Filipino dapat lamang natin itong pahalagahan at alalahanin dahil ito ang isa sa mga

pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Kung ito’y tuluyang makakalimutan at mawawala dahil sa
pag-usbong ng ibang wika o wika ng mga dayuhan kasabay din nitong mawawala ang ating

pagkakakilanlan na sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino.

Ayon kay Jimenez (2014), sa artikulo niyang “Ang pagsabay sa uso ng wikang Filipino”, na

kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang

kahulugan ng mga lumang salita kagaya ng alimpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga

modernong kabataan ang nakakuhang tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may

isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa ulat na ito, masasabi nating

mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wika mula

sa ating kasaysayan. Nakakalimutan na nila ang salita ng sinaunang panahon dulot ng

modernisasyon. Nangangahulugan lamang ito na ang Wikang Filipino sa makabagong panahon

ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Ngunit dulot rin ng modernisasyon nawawalan ng

kamalayan ang mga kabataan ngayon tungkol sa mga salita o wikang ginagamit noon dahil na

rin sa impluwensya ng makabagong teknolohiya at ang paglitaw ng mga bagong salita sa

henerasyon ngayon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap

ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat

henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga

huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi

ng pangkat o komunidad

Ayon kay Perez (2014), malaki din ang nagagawa ng teknolohiya at modernisasyon sa

paggamit ng ilang salita. Aniya, higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa

modernong panahon at mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon. Kabilang na


marahil ng pagbabagong ito ang pag-usbong ng ilang salita na likha ng mga ilang pangkat ng

ating lipunan, tulad ng “bekimon” ng mga gay na tinatawag na “jejemon”. Ang anyo ng wikang

ito ay sadyang kakaiba sa iba pang umiiral na wika ngunit ito ay itinuturing isang mabisang

instrumento ng pakikipagtalastasan ng mga beki sa kasalukuyang panahon. Tunay na nagbabago

ang lahat ng bagay habang lumilipas ang panahon at kasali na dito ang ating wikang sinasalita

na siyang naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Sinasabing tao ang may gawa ng

wika at nabubuhay ito dahil sa patuloy na paggamit at nagkaroon ng ibat-ibang barayti dahil sa

patuloy na pangangailangan ng tao na mapabatid ang nais at hangarin niya sa ibang tao.

Mahihinuha na kaakibat ng ating pagtanggap sa makabagong teknolohiya ay ang katotohanang

patuloy nitong binabago ang ating wika at sa pagbabagong ito may mga lumang salitang

tuluyang ng malilimutan upang mabigyang espasyo ang mga bagong nauusong salita.

Mula sa pag-aaral ni Jimenez (2014), natural lang sa isang pangkat ng kabataan na mag

imbento ng sarili nilang salita. Hindi naman daw ito dapat ikabahala dahil kung tutuusin, maaari

pa nga raw makatulong ang mga ganitong nauusong lenggwahe sa pagpapayabong ng wika

kapag lumaganap at natanggap ng marami. Magbago man ang bokabularyo ng mga Pilipino sa

paglipas

ng panahon; maluma man ang ilang salita dahil may bagong umusbong, patunay lamang ito na

buhay na buhay at masigla ang ating wika. Higit sa lahat, ang mahalaga ay hindi nagbabago ang

layunin nito sa ating mga Pilipino. Malabo nang magbalik pa sa dati nitong porma ang wika

dahil malalayo narin ang narrating ito at sumailalim na din ito sa maraming proseso dahilan

upang patuloy parin itong nabubuhay at umuunlad. Mahihinuha na tanggapin na lamang natin

ang mga pagbabagong ito at patuloy na paunlarin at gamitin para sa kapakanan ng susunod na

henerasyon.

Batay sa isang pananaliksik ni Mangyao (2016), mas malinaw na komunikasyon ang


pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang mas mapaunlad ang wikang Filipino. Karamihan

sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang dahilan sa pagbabago ng

wika, sa pag-unlad ng panahon kasabay din ng pag-unlad ng wika. Dapat lamang na palaging

gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang kinagisnan upang hindi ito mawala sa

sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo at tuluyang mawala dahil sa mabilis na pag-

usbong ng teknolohiya sa daigdig. Dahil itinatag ang wikang Filipino upang maging ilaw tungo

sa pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakaintindihan ng bawat mamamayan

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa

pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng

mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng

tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay

nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Ayon sa pag-aaral ni Amelita Madrid, ang ating wika ay nadadala sa proseso ng

modernisasyon sa pamamagitan ng panghihiram, paglikha at pagkakarga ng dagdag na

kahulugan sa kasalukuyang salita. Dagdag na ambag ng salin ng modyul, tulay ito para sa

gawaing bilinggwal, sa pangkabuhayang aspeto, sa pamamagitan ng salin, maraming mga

manggagawa ang makaiintindi, magiging instrumento sa pagsulong at pagpapaunlad ng

kabuhayan ng bansa.

Sa kabila ng pagiging malaya natin sa kamay ng mga banyagang amerikano ay nagkakaroon

parin ng impluwensya galing sa kanila. Napatunayan ito sa ginawang pag-aaral ni Rommel John

Anastacio na kung saan ang bandwagon effect na dulot ng mga banyagang salita at kultura ay

napag-alaman na nakakaimpluwensya rin sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino sinabi


niya rin sa kanyang pag-aaral na hindi rin nakakatulong ang pagiging conyo o paghahalo ng

wikang Ingles at Filipino upang maging sosyal kung pakikinggan, sa pag-unlad ng wikang

Filipino.

Ayon sa isang lokal na pananaliksik na isinagawa sa St. Mary's College of Meycauayan

(2017) na pinamagatang Isang Pagsusuri sa Paggamit ng mga Millennial Slang ng mga Mag-

aaral mula sa Ikapitong Baitang ng St. Mary's College of Meycauayan sa Taong-Panuruan 2017-

2018, dinamiko ang wika, at patuloy na nagbabago lalong-lalo na sa panahong elektroniko, kung

saan laganap na ang teknolohiya at modernisasyon. Iba’t-ibang uri ng salita sa

pakikipagtalastasan ang umusbong at napayabong ng kabataan dahil sa pagbabago ng panahon.

Ayon sa mga mananaliksik, sinikap nilang maisagawa ang pag-aaral na ito upang masukat ang

impluwensiya ng pagbabago ng panahon sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga mag-aaral. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, nalaman na malaking impluwensiya ang teknolohiya at sosyal

medya sa pagbabago ng wika tungo sa modernisasyon.

You might also like