You are on page 1of 29

Magandang Araw!

ISTANDARDISASYON NG WIKANG
FILIPINO
Ulat nina:
Melomae Catiggay Mae Jolly Appegu
Larry M. Mallillin Divina Gracia
Ma. Christina Sumiog Primrose Tapec
Pearl Angel Javier Glenda Ziganay
Ano na kalagayan ng
intelektuwalisadong
Wikang Filipino?
May mga nagsasabing ang wikang Filipino ay
wikang hindi para sa mga edukado, may mga
nagsasabing ayaw nila gamitin ang wikang
Filipino dahil ito raw ay hindi babagay para sa
katayuan nila sa lipunan, at may mga
nagsasabing ang wikang Filipino ay isang
wikang walang kuwenta dahil hindi nila
mahanap ang mga salita para maipahayag ang
kanilang mga damdamin.
Ayon kay Petras (2013), isa sa
mga dahilan kung bakit hindi
ginagamit ang wikang Filipino ay
dahil sa pagtalima sa kulturang
Anglo-Amerikano bunga ng
paggamit ng wikang Ingles.
Makikita rin ito noon pa sa sanaysay na
ginawa ni Tinio (1975). Sinabi niya na kaya
lang naman iniiwasan ang paggamit ng
wikang Filipino ay dahil sa mga
sumusunod: Kakulangan ng tiwala ng mga
Pilipino sa wikang Filipino bilang wikang
intelektuwal; at ang pangambang maiwan
sa kanluraning pag-iisip kung titiwalag
nang tuluyan sa wikang Ingles.
Ayon sa sanaysay ni Arao (2010) , “
Ang wikang Filipino raw ay pang
kubeta na lang”. Nasabi niya ang pahayag
na ito dahil kadalasan ay hindi na
nagagamit ang wikang Filipino para sa
intelektuwal na diskurso. Hindi maikakaila
ang katotohanan ng pahayag na ito dahil
noon pa lang ay mababa na ang tingin
natin sa wikang Filipino.
Kung sa gayon, pinatutunayan lang nito ang
sinabi ni Tinio (1975) na kaya natin hindi
ginagamit ang wikang Filipino dahil ang tingin
natin dito ay hindi pang matalino o
intelektuwal, na bunga ng mga hakbang ng
pamahalaan at ng lipunan. Ito ang kalagayan ng
ating bansa sa kasalukuyan; ang pagtingin na
ang paggamit ng sariling wika ay
nangangahulugang pagkakaroon ng mas
mababang antas ng intelektuwalidad.
Ano ang
istandardisasyon ?
ISTANDARDISASYON
 Isang proseso o pamamaraan na
maaring matanggap at magamit ng
maraming tao ang wika sa isang
tiyak na talaan ng mga talasalitaan sa
isang tiyak na disiplina ng
karunungan
Ayon naman sa Komisyon ng Wikang
Filipino ang istandardisasyon ng
wikang Filipino ay isang
mapagkakatiwalaan at pleksibleng
gabay sa pagbabaybay sa isang wika.
Para sa wikang Filipino, ginagamit
nating gabay ang Ortograpiyang
Pambansa
Bakit kailangan ng
Istandardisasyon ng Wika?
 Nagsisilbing modelo at gabay ng isang
komunidad para sa mas epektibong
pakikipagkomunikasyon.
 Nagsisimbolo at sumasalamin sa
pagkakakilanlan ng isang nagsasalita.
 Nag-uugnay sa bawat miyembro ng
ating lipunan sapagkat may iisang
komprehensibong tuntunin ng wika
na sinusunod.
 Napapadali ang pagtuturo ng wika
sa paaralan
Dalawang Aspekto ng
Istandardisasyon
Istandardisasyon sa Ortagrapiya ng Wikang
Filipino
 Sistema ng Pagsulat
 Sistema ng Pagbabaybay

Marami sa mga wikang katutubo sa Pilipinas


ang hindi pa Istandardisado kaya may kahirapan
ito kung ituturo sa mababang antas ngunit nasa
proseso ito ng Istandardisasyon.
Istandardisasyon sa Talasalitaan ng
Wikang Filipino
Kapag istandardisado ang isang wika,
magkakaroon ng malawak na talasalitaan ito.
Nangangahulugan na may mga tiyak at
angkop na katawagan para sa mga bagay-
bagay, damdamin at iba pa.
Istandardisasyon ayon kay Charles A.
Ferguson(1968)

Tatlong Komponent ang kailangan upang


maging istandardisado ang wika.
Grapisasyon
Modernisasyon at
Istandardisasyon
• Grapisasyon
Ang grapisasyon ay paglinang
ng isang sistemang pasulat ng
isang wika na nagiging batayan ng
literasi, ng pormal na edukasyon at
modernisasyon (Karam, 1974).
• Modernisasyon
Nakasalalay sa grapisasyon at
tumutukoy sa pag-unlad ng mas pinlawak
na bokabularyo at mga paraan ng
komunikasyon tungkol sa
kontemporanyong sibilisasyon upang
magamit ang wika sa lahat ng sitwasyon.
• Istandardisasyon
Binubuo ng paglikha ng modelo para
sa imitasyon at pagpapalaganap ng
modelong ito. Ayon kay Punya Sloka Ray
(1963), ang isang standard na wika ay
kalipunan ng mga diskursong pasulat na
nakabatay naman sa pagkakaroon ng
panitikan sa prosa o tuluyan.
Mga hakbang tungo sa
Istandardisasyon (Holmes, 2001)

Pagpili (Seleksyon)
Kodipikasyon(Codification)
Elaborasyon (Elaboration)
Pagtanggap (Acceptance)
• Pagpili
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming
kapuluan kaya natural lamang na maraming
wikain din ang bansa. Ang bawat wikang ito ay
may iba’t ibang barayti at baryasyon din.Ang
katangiang ito ng wika ay nangangahulugan na
mahalagang piliin ang wikang angkop, wasto at
magagamit ayon sa pangangailangan ng lipunan.
• Kodipikasyon
Sa bahaging ito ay pinapalawak ang
sakop ng mga wikang napili.Mahalagang
magamit ito sa iba’t ibang larangan at
matalakay ang kaangkupan ng wika.
Susuriin sa bahaging ito ang lawak o sakop
ng mga napiling wika kasali na dito ang
intelektwal at abstrak na tungkulin
• Elaborasyon
Sa bahaging ito pinpalawak ang
sakop ng wikang napili. Mahalagang
magamit ito sa iba’t-ibang larangan at
matalakay ang kaangkupan ng wika.
Susuriin sa bahaging ito ang lawak o
sakop ng mga napiling wika kasali na
ditto ang intelektwal at abstrak na
tungkulin.
• Pagtanggap
Sa hakbang na ito ay kinakailangan ang
pagtanggap ng lipunan sa mga napiling wika.
Isinasagawa rin ang pagpapakilala sa mga
napiling wika sa pamamagitan ng promosyon
at pagbabahagi sa iba’t-ibang ng Institusyon,
paaralan, ministro, ahensya, kultural na
organisayon at iba pang departamento na
kasangkot dito.
Istandardisasyon
Sa kabilang dako, nanalig si Nely I.
Cubar (1984)nna kakailanganin ang
istandardisasyon ng wikang Filipino sa
paggamit nito bilang wikang panturo sa mga
kolehiyo at unibersidad. Ayon pa sa kanya
ang wikang Filipino ay kailangang ibagay
sa modernong pamumuhay at kultura ng
kasalukuyang panahon.
Para sa kanya “Ang wikang istandardisado ay mas
malapit sa wikang pasulat at may sopistikasyon,
kapinuhan at may pagka-istrikto sa paggamit ng
salita at pagpapahayag, hindi katulad ng
pagsasalita. Dagdag pa niya, upang maging mabisa
ang komunikasyon at edukasyon, mahalagang
magkaroon ng talaan ng mga salitang teknikal na
may kakaunti lamang na pagbabago sa anyo
bagamat naiangkop na sa ponolohiyang Filipno.
Masasabing ang istandardisasyon ng Wikang
Filipino ay pagsasakatuparan sa nakasaad sa 1987
Konstitusyon, Artikulo XIV, Sec. 6 na:

“ Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang
wika”.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like