You are on page 1of 2

Filipino sa Natatanging Gamit

Don Honorio Ventura State University


Mexico Campus

Panggitnang Pagsusulit

Panuto:
a. Sagutin ang mga bawat tanong sa ibaba. Sa bawat kasagutan, maglahad ng makabuluhan at
malaman na diskusyon na naaayon sa iyong opinyon at natutuhan sa ating klase.
b. Isaisip lagi ang seksyon 2 ng Artikulo 5 ng Code of Ethics for Professional Teachers. “A teacher is
not entitled to claim credit or work of his/her own, and shall give due credit for the work of others
which he may use.” In short, huwag mag-plagiarize.
c. Ang pagsusulit ay naglalaman ng apat na tanong. Ang mga bawat tanong at kasagutan ay
nakalagay sa magkakahiwalay na pahina.
d. Kung naunawaan at binasa mo hanggang dito ang panuto, pumunta sa google classroom at mag-
chat agad-agad sa private comment ng “papasa cutie.”

1. Wikang Filipino (tatlong tanong; 25 puntos bawat isa)


a. Ang wika ang instrumentong tumutulong sa atin na magbigay ng partikular na pananaw sa daigdig
na ating kinabibilangan. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na nagtataglay ng
napakaraming buhay na wika. Kinakailangan natin ng isang tulay na wika upang magkaunawaan
kahit magkakaiba ang kinalakihang wikang sinasalita. Ilahad ang proseso na pinagdaanan sa
pagkakatatag ng wikang pambansa rito sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7, 107 pulong tinitirhan ng may mahigit nang 80 milyong
mamamayang gumagamit ng may 86 na iba’t ibang dialekto. Kabilang sa mga pangunahing dialekto
ay ang mga Tagalog, Bicol, Cebuano, Waray, Ilocano, Pampango, Hiligaynon, Pangasinan at
Maranaw. Naging malaking hadlang sa pagkakaroon ng wikang katutubo noon ang pagkakahiwa-
hiwalay nila ng lugar. May kasulatan noong 1681 na nagsasabing ang wikang Tagalog ay wikang
ginagamit at nauunawaan hindi lamang ng mga katutubo sa Luzon kundi maging sa iba pang isla.
Noong 1974, isang kautusang pangkagawaranang pinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura, na nagbibigay-sigla sa pagpapalaganap ng wikang pambansa. Ito ay ang Kautusang
Pangkagawaran 25 s.1974 na nagtadhana ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Layunin nito ang
paglinang ng isang bansang bilinggwal na may sapat na kakayahan sa paggamit ng Ingles at Filipino.
Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Kautusan Pangkagawaran 22 s. 1987 na nagsasaad
ng paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.

b. Tayong mga tao ay likas na ethnocentric. Sa etnosentrismo, pinaniniwalaan ang pagkakaroon ng


nakatataas o nakaangat na lahi kaysa sa iba. Kung ikaw ay buhay na noong panahong bago pa
lamang ang pagpapatupad ng Tagalog bilang pambansang wika, ikaw ba ay sasang-ayon ukol sa
pagpili nila sa wikang ito? Ipaliwanag.
Ang Surian ng Wikang Pambansa ang gumawa na siyang pag aaral sa pagpili ng wika ng
bansang Pilipinas.Isang mahabang at masusing proseso at pag aaral sa lahat ng mga katutubong
wika sa Pilipinas ang ginawa sa pagpili mula ng wikang pambansa.Sa pag aaral nito natuklasan ng
Surian ng Wikang Pambansa na ang wikang Tagalog ang nakatugon sa mga katangian ng isang
dinamikong wika. Kung kaya ito ang kanilang pinili. At ito ay tinagubilin ni Pangulong Manuel L.
Quezon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ibabatay
sa wikang Tagalog. Sa aking opinyon ang pagpili sa wikang Tagalog bilang batayan ng ating Wikang
Pambansa ay tama at mabuti sapagkat ang wikang Tagalog ay madaling intindihin at wikain. Ayon
din sa pag aaral natuklasan ng Surian ng Wikang Pambansa na ang wikang Tagalog ang nakatugon
sa mga katangian ng isang dinamikong wika. Ang wika ay nababago, ang hindi pagtanggi magbago.
Ito ay isang wika na maaring madagdagan ng mga bagong bokabularyo.Gawa ng pagiging malikhain
ng mga tao. Ito ay maaaring makalikha ng mga bagong salita.
c. Sinasabi na walang wikang superyor; bawat wika ay pantay. Maglahad ng tatlong kadahilanan (at
ipaliwanag) kung bakit mas mataas pa rin ang tingin ng mga Pilipino sa wikang Ingles kung
ikukumpara sa wikang Filipino. Huwag i-bubullet form.

Maraming ibat-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding
varayti ng wika. Mayroong inilahad na 5 dahilan kung bakit popular ang wikang Ingles sa buong
mundo at ito ay ang mga sumusunod Ang wikang Ingles ay ang wika ng globalisasyon. Sa kabila ng
mga nagaganap ngayon pagsikapanNakatuon ito sa pagtuturo ng tamang paggamit ng mga hiniram
na salita kabilang na ang mga may salitang mayroong katumbas at walang katumbas. Sa iyong
palagay bakit mahalaga ang wikang pambansa sa paghubog ng kamalayang Pilipino. Dahil ang OFW
ay isa sa mga manipestasyon ng globalisasyon hindi maiiwasang maging bahagi nito ang pagkatuto
ng wikang banyaga Sa wikang Ingles mas maipahahayag nila ang kanilang saloobin. Ito din ay ang
wikang ginagamit ng halos lahat ng mga bansa sa mundo upang makipagpalitan, makipag-usap at
para sa pamamahagi ng impormasyon sa madla. Kaya ito inaaral ay dahil ito rin ang ginagamit na
midyum sa pakikipag-usap sa pormal na pamamaraan.

2. Bilinggwalismo sa mga Filipino (25 puntos)


a. Sa panahon pa lamang ng mga Kastila, laganap na ang pagkakaroon ng bilinggwalismo sa wika.
Ganap itong naging pormalisado sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974 na naglalayong
makadebelop ng isang lipunang may sapat na kakayahang gumamit ng Ingles at Filipino.
Ang katanungan: Lumalawak at mas umuunlad ba ang wikang Filipino, pati na rin ang mga iba pang
wika sa bansa, kung patuloy na sumusulpot ang mga bunga ng bilinggwalismo? (Ang mga bunga ng
bilinggwalismo ay code switching, code mixing, at asimilasyon)

Oo sapagkat, mas marami ang matutunang wikang banyaga at mapapadali ang pakikipag kalakalan
sa ibang lahi. Sa henerasyong ito kaliwa't kanan na ang mga pakikipag kalakaran sa ibang bansa.
Nanaisin ng mas nakakarami matuto ng iba't-ibang wika dahil minsan ito ay nagiging batayan kung
gaano ka talino ang isang tao. Marami ang magagandang bunga nito kung susumain maraming
dayuhan sa ating bansa at makakapag usap lang tayo sa kanyang wikang nakasanayan pero dahil
tayo ay maalam sa kanyang wikang sinasalita ay nakakapag transaction tayo ng mabuti. At sa ibang
dako naman kapag tayo ay pumunta sa kanilang wika ay napapadali ang pakikipag komunikasyon sa
kanila at hindi nila tayo mamamaliit o mapagsasalitaan ng masama.

You might also like