You are on page 1of 31

Magandang

Umaga!
Yunit 1: Ang Wika sa
Pambansang
Pagkakakilanlan
Aralin 1: Mga Batas
Pangwika
Aralin 2: Ang Pag-unlad ng
Wika
Aralin 3: Mga Tungkuling
Pangwika
Aralin 4: Mga Pagpaplanong
Wika Ayon kay James Dee Valentine, ang wika
ang pinakapagkain ng ating utak. Ang wika
ay isang penomenong pumapaloob at umiiral
sa loob ng lipunan at may angking
kakayahang makaimpluwensya, magdikta,
... ... magturo, tumulong, komontrol, manakot,
pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang
... realidad sa kanyang ispesipikong
... kakayahan. Ang wika ay humuhubog ng ating
pandaigdigang pananaw. Kung titingnan ang
wika bilang isang ideolohiya, maaaring
magkaroon ng iba't ibang pakahulugan,
pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil
may kanya-kanyang posisyon at papel ang
indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan
at kinabibilangan.
Wika Ang wika ang ugat ng
pakikipagtalastasan; ito ang kabuuan ng
kaisipan ng lipunang lumikha nito.
Samakatuwid ang wika ay salamin ng
kanyang katauhan. Ito ang behikulo o
... ... paraan ng paghahatid ng kanyang  ideya o
palagay sa tulong ng mga salita na
... maaaring pasalita o pasulat. Malaki ang
... tungkuling ginagampanan ng wika sa buhay
ng tao.
Ayon kay Archibald A. Hill, sa
kaniyang papel na WHAT IS LANGUAGE? “Ang
wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt
na anyo ng simbolikong gawaing pantao.”
Tungkuli Sa aklat nina Belbez et. al.
(2003) ay tinukoy ang ilang
ng Tungkuling Pangwika gaya ng mga
Pangwika sumusunod:
... 1. Tungkuling gampanan ang mga
obligasyong sosyal.
2. Kakayahang makipagpalitan ng
... kabatiran.
3. Tungkuling makaimpluwensya ng
kapwa.
4. Tungkuling tumugon sa pang-
araw-araw na pangangailangan.
5. Tungkuling pangkatauhan.
Tungkuli Tungkulin ng Wika ni Gordon Wells

ng Tungkulin ng Komunikasyon
A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba
Pangwika
... Gawi ng Pagsasalita
Pakikiusap: Puwedeng tumahimik ka.
Pag-uutos: Hoy, tumahimik ka nga.
... Pagmumungkahi: Baka gusto mong
tumahimik.
Pagbibigay-babala: Kapag hindi ka
tumahimik, isasama kita sa 5% na dapat
kong ibagsak sa klaseng ito.
Pagtanggi: Ayoko ko ngang tumahimik.
Pagpupunyagi: Tumahimik ka na sabi.
Tungkuli B. Pagbabahagi ng damdamin
ng
Gawi ng Pagsasalita
Pangwika Pakikiramay: Nakikiramay po ako.
... Pagpuri: Ang husay mo, ‘teh!
Pagsang-ayon sa pahayag: Tama ka.
Pagsalungat: Hindi totoo ‘yan. Wala na
... talaga siyang balak pag-aralin tayo.
Paglibak: Pakiramdam niya ang galing-
galing niya.
Paninisi: Kung hindi mo inaway si
Tita, ‘di sana’y may nagpapaaral pa sa
atin ngayon.
Tungkuli C. Pagbibigay o pagkuha ng
impormasyon
ng
Pangwika Gawi ng Pagsasalita
Pag-uulat: Sumabog po iyong isang
... tangke ng LPG.
Pagpapaliwanag: Kasi ma’am, unang
... beses ko pa lamang pong gumamit no’n.
Pagtutukoy: Ikaw nga talaga ang may
kasalanan.
Pagtatanong: Bakit hindi ka
nagtanong?
Pagsagot: Wala po kasing tao sa
kusina kanina.
Tungkuli
D. Pagpapanatili sa pakikipagkapwa
ng at pagkakaroon ng interaksyon sa
Pangwika kapwa.
...
Gawi ng Pagsasalita
Pagbati: Magandang umaga po.
... Pagbibiro: Ang seksi mo naman.
Pagpapasalamat: Salamat po sa
inyong lahat.
Paghingi ng paumanhin:
Ipagpaumanhin n’yo na po.
Tungkuli E. Pangangarap/Paglikha
ng
Gawi ng Pagsasalita
Pangwika Pagkukuwento: Sinagot na ako ni
... Lyka.
Pagsasadula: Lumuhod ako p’re.
... Tapos, tinanong ko siya kung ano
iyong sagot niya sa matagal ko
nang itinatanong.
Paghula: Siguro iniwan ka ni Lyka
kaya mukhang Biyernes Santo iyang
pagmumukha mo.
Gawai Paggawa ng komik-istrip
tungkol sa tungkuling
n pangwikang iyong napili.

... - 3 miyembro bawat pangkat


- long bond paper
... - six-framed na komik-istrip
Rubrik sa Pagmamarka
Yunit 1: Ang Wika sa
Pambansang
Pagkakakilanlan
Aralin 1: Mga Batas
Pangwika
Aralin 2: Ang Pag-unlad ng
Wika
Aralin 3: Mga Tungkuling
Pangwika
Aralin 4: Mga Pagpaplanong
Ang wika ay may
kakayahang tumugon sa hamon
ng nagbabagong panahon. Batay sa Konstitusyon ng
Taglay nito ang katangiang Pilipinas 1987, mahalagang
dinamiko. Nagbabago ito probisyon ang pag-unlad o
batay sa kahingian ng debelopment ng wikang
modernisasyon sa usapin ng pambansa. Ang kahalagahan ng
pagpapaunlad ng wika, paglinang at tungkulin nito ay
ortograpiya, at paggamit. nakasalalay sa Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF)na
maisakatuparan ang pambansang
layon nito. Nilikha ang
Komisyon sa Wikang Filipino sa
bisa ng Seksyon 14 ng Republic
Act No. 7104 na nagsasaad ng
mga sumusunod:
A. Magbalangkas ng mga
patakaran, mga plano at mga
programa upang matiyak ang
higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap B. Magsagawa o makipagkontrata
at preserbasyon ng Filipino ukol sa pananaliksik at iba
at iba pang mga wika sa pang mga pag-aral upang
Pilipinas. isulong ang ebolusyon,
pagpapaunlad, pagpapayaman,
, at
istandardisasyon ng Filipino
at iba pang wika sa Pilipinas.
Sa pagkakabuo ng KWF,
nagkaroon ng sandigan ang Ayon sa isang linggwista,
pagpaplanong pangwika ang tawag sa
pagsasagawa ng pagpaplanong
pormal at organisadong paghahanap
pangwika tungo sa at paghahanay ng iba'ibang
binabanggit sa kautusang kalutasan sa mga namamayaning
pagpapaunlad, pagpapalaganap suliraning pangwika. Tinatanggap
at pagpapanatili ng wikang ito bilang akademikong disiplina na
Filipino at iba pang mga ang pangunahing layunin ay
wika. paghahanap ng mga solusyon na
daraan sa iba't ibang proseso.
Nitong mga nakaraang panahon,
nasaksihan natin kung paanong ang
pagpaplanong pangwika ay naging
isang interes na pampulitika, lalo
na ng mga bansang dumanas ng
pagkakolonya ng ibang mas
makapangyarihang bansa.
Mahihinuhang kailangan ang malapit na pakikipag-
ugnay ng KWF sa iba't ibang sektor sa lipunan,
partikular sa mga maituturing na makapangyarihan o
komokontrol. Kabilang sa komokontrol na pangwikang
domeyn ay pamahalaan, lehislatura, hudisyal,
kalakalan, komersiyo, industriya, agham at
teknolohiya, mga propesyon, midya at edukasyon sa
lahat ng antas (Sibayan sa brigham at Castillo,
1999).
Ayon kay Almario (2008) Punong Komisyoner (2013)
ng KWF, mas mabuting magsimula sa itaas, pababa. Ang
mga aksyon ay nararapat na magmula sa
kolehiyo/unibersidad. Sinasabi pa niya na mabilis
ang paglaganap ng anumang wika mula sa sentro ng
karunungan tungo sa mababang antas. Nabibilang sa
makapangyarihang domeyn o larangang pangwika ang
kolehiyo/unibersidad.
Inilahad pa rin ni Almario (2008) na may suliranin
sa nabanggit na domeyn. Ang mga suliraning ito ay
pagtanggap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang
karamihan at hindi sila naniniwalang kailangan ang
Filipino sa larangan ng lalong Mas Mataas na
Edukasyon (HEI).
Sinabi ni Sibayan sa Brigman at Castllo (1999), na
upang magtagumpay sa hakbang sa programang
pagpapaunlad ng Filipino bilang bahagi ng
pagpaplanong wika, magmumula ang pagkilos sa mga
iskolar sa pamamagitan ng pagsusulat sa Filipino at
sa mga Institusyon sa Tersarya na hinihikayat lalo
ang paggamit ng Filipino.
Kaugnay nito, kung ang wika ay ginagamit lamang sa
loob ng silid-aralan at hindi aktibong
sinusuportahan at pinahahalagahan ng mga nasa
paligid nito, ang pag-unlad ng wika at motibasyon sa
pagpapaunlad ng wika ay bababa. Patunay ito na ang
usapin ng institusyunal na pagpapalanong pangwika sa
mga HEI ay hindi lamang nakatuon bilang midyum ng
pagtuturo, kaagapay nito ang malawakang paggamit at
pagsuporta sa loob ng institusyon.
Inilahad ni Eastman (1982) sa aklat ni
Arrogante et.al. kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika,
may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng
isang wika na sasailalim sa istandardisasyon.
1. Indigenous Language - Wikang sinasalita ng mga
sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar.
2. Lingua Franca - Wikang gamitin ng mga taong may
magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa
paggamit.
3. Mother Tongue - Wikang naakwayr mula sa pagkabata.
4. National Language - Wikang ginagamit sa politika, sosyal
at kultural na pagkakakilanlan
5. Official Language - Wikang ginagamit sa transaksyong
pampamahalaan.
6. Pidgin - Nabuo sa pamamagitan ng paghahalo-halo ng wika.
Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may magkaibang
pinagmulang wika.
7. Regional Language - Komong wika na ginagamit ng mga taong
may magkaibang wikang pinagmulan na naninirahan sa isang
partikular na lugar.
wika.
8. Second Language - Wikang natututunan bilang karagdagan sa
unang
9. Vernacular Language - Wika nisang sosyal na grupo na
nadomina ng ibang wika.
10. World Language - Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng
mundo.
Sa panahon na naghahanap ng identidad ang bawat institusyong
akademiko, may magagawa ang Wikang Pambansa. Sa kabilang dako, ang
mga HEl ay may magagawa para sa Wikang Pambansa.
Ang usapin ng pagpaplanong pangwika na higit ang pagkiling sa
Filipino ay matagal nang paksa ng debate sa akademikong larangan.
Sa pangunguna ng KWF. katulong ng ibang sektor at Institusyong
pang-edukasyon, naipatutupad ang mga patakarang pangwika. Ito ay
mula sa polisiyang bilinggwal ng 1974 at 1987 hanggang sa Mother
Tongue Based Multilingual Language Education ng 2009.
Pinatutunayan nito ang aktibong pagtupad sa mga hakbang ng
pagpaplanong pangwika.
Batay sa sinabi ni Sibayan sa Brigham at Castillo (1999)
na kung ang wika ay ginagamit lamang sa loob ng silid-aralan
at hindi aktibong sinusuportahan at pinahahalagahan ng nasa
paligid nito, ang pag-unlad ng wika at motibasyon sa
pagpapaunlad ng wika ay bababa. Ang paggamit ng Filipino ay
hindi lamang nakatuon sa pagtuturo, hinihingi nito ang
malawakang paggamit at pagsuporta sa loob ng institusyon.
Sa ganap ng pagpaplanong pangwika, kailangang humarap ng
wikang pambansa sa laban ng Ingles sa pakikiaayon ng wikang
Filipino sa mga wikang bernakular at tunggalian sa paglinang
nito. Mapanghamon ang Ingles lalo't idinidikit dito ang
taguring internasyonal na wika at wika ng globalisasyon. Sa
kabilang panig, sa pahayag ni Miclat at Constantino (2005),
hindi naman nababatay sa kaalaman sa Ingles ang globalisasyon.
Binanggit niya ang kaúnlaran ng mga bansang hindi gumagamit ng
Ingles tulad ng South Korea, Japan, Israel, Malaysia, Vietnam,
India, China at Thailand. Kasama rin ang Germany, France,
Chechoslovakia at marami pang ibang bansa sa Europa.
Inilahad ng Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng
Edukasyon/Primer on the Filipino Language as language of
Education (2004) ng Pambansang Komite sa Wika at Salin na
Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA) ang
paliwag ng mga iskolar sa wika at globalisasyon. Sa
kasalukuyan, sabay-sabay na pinauunlad ang pandaigdigang
wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika. Ngunit napauunlad
din ang mga rehiyonal na wika o wikang nagsisilbing lingua
franca ng magkalalapit na bansa. Hindi na lamang sa Ingles
nakatuon.
Kaya, lilitaw naman ang hamon kung kakayanin naman ng
wikang Filipino na magtungo at makinabang sa globalisasyon
(Miclat sa Constantino, 2005). Tinugunan naman ito ni Almario
sa Zafra (2008) ng estratehiyang gamitin ang wikang pambansa
sa lahat ng sektor ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21
siglo. Maisasagàwa lamang ito sa pamamagitan ng tinawag
niyang simulating purista. Nangangahulugan itong hindi lamang
isang paraan ang gamitin kundi maluwag sa iba't ibang paraan
ng pagpapaunlad at pagpapaunlad ng wika tulad ng pagsasalin
at ebalwasyon.
Inilarawan ní Salazar (2000) na may sistemang closed circuit ang
pangkat ng taong nag-uusap lamang sa sarili at sa isa't isa. Sa
ganitong kalagayan, ang lipunan at kultura ng bansa ay may pantay
na pananaw kung gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat
ang kahulugan. Nangyayari lamang ito kung may iisang koda o wika.
Bilang tugon sa hamong ito, nagmungkahi si Guillermo ng
repormulasyon ng konseptong bumubuo sa pagpaplanong pangwika.
Sinabi niyang dapat na magsilbing pangunahing batayan ng
nagkakaisang diskurso ang paggamit ng pambansang wika bilang midyum
ng komunikasyon sa Pilipinas. Kailangan ding mapaunlad ang
komunikasyon at pagsasalin upang maging produktibo
ang interaksyon sa pagitan ng Filipino at Ingles.
Repleksyon
1. Ibigay ang iyong reaksyon hinggil sa pag-alis ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo. (3-5 pangungusap)
2. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong maitulong
upang maisulong ang pagpapahalaga sa wikang
Filipino? Magbigay ng tatlong kongkretong halimbawa.

You might also like