You are on page 1of 4

1.

Pumili ng tatlo (3) sa labintatlong (13) tesis sa Wikang Pambansa na binanggit ni


Prop. Guillermo at kritikal itong talakayin.

 Magiging mas mabilis at episyente ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan


sa antas Pambansa kapag may iisa o iilang komon na wika na lamang na
ginagamit Sa isang bansa, magkakaroon ng pagkakaisa
at malalim na pag-unawa ang bawat tao sa mga impormasyon na balak nilang
ipabatid sa iba kung gagamit ang lahat ng komon na wikang naiintindihan ng
lahat. Dito sa Pilipinas, dapat nating gamitin ang wikang Filipino bilang wikang
pang-komunika upang mas mabilis ang palitan ng mga ideya at mas maiintindihan
ang mga nais ipahayag. Bilang ang wika ay isang makapangyarihang instrumento
na nagkokonekta sa mga tao at ito ay ginagamit sa pakikipagtalastasan sa araw-
araw na pamumuhay, mas maiging gumamit ng wika na naiintindihan ng
ordinaryong mga tao, wika na komportable ang lahat na gamitin, ito ay hindi
Ingles kundi Filipino. Ito ay makapagpapaunlad ng ekonomiyo, lipunan at kultura.

 Tanggap ng lahat na may malinaw na kognitibong bentahe ang paggamit ng


mga inang-wika bilang wikang panturo. Sinasabi ring mabisa lamang ang
paggamit ng ibang wikang panturo kapag maunlad na ang antas sa
konseptuwal na pagkaunlad ng inang-wika sa mag-aaral – Ang paggamit ng
inang-wika bilang wikang panturo ay mayroong positibong epekto sa pagkatuto
ng mga estudyante. Sa isang eksperimento nga na ginanap sa Iloilo, napatunayan
na ang paggamit ng kanilang inang-wika (Hiligaynon) bilang wikang panturo ay
nagdulot ng mataas na kamalayan sa akademikong usapin at kahusayan sa iba’t
ibang mga pagsusulit kumpara sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo. Ang
mga bata ay nagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa mga aralin kapag lubos
nilang naiintindihan ang mga salitang ginagamit sa paaralan at kung sila ay
komportable sa wikang ginagamit. Itaguyod dapat natin ang posibilidad na
maggamit ang wikang Filipino sa akademikong mundo upang mapaunlad din ang
pag-unawa ng mga mag-aaral.

 Ang pagiging hindi palabasa ng mga Pilipino ay maaaring dulot din ng


nakapupunding karanasan ng mga mag-aaral sa pagbabasa sa eskwela ng mga
akdang hindi nila maintindihan.– Totoong ang Ingles ay may malaking tulong sa
akademikong mundo, ngunit hindi naman lahat ng tao ay nakakaintindi nito. Sa
ibang mga bansa tulad ng Malaysia, Singapore, Japan at Vietnam, 45 o 60 na libro
ang karaniwang nilang nababasa sa loob ng isang taon, samantalang dito sa
Pilipinas ay 5 lamang. Ito ay patunay na kailangan lang natin na pagtibayin ang
ating wikang pambansa upang mapagtibay at mapaunlad din ang edukasyon sa
ating bansa. Sa mundo ng akademiko, dapat gumamit ng wikang naiintindihan ng
lahat ng tao upang hindi magkaroon ng agwat ang mga tao. Hindi lahat ay pinalad
na mamulat sa mundo na madali lang pag-aralan ang wikang Ingles. Gamitin
natin ang wikang Filipino bilang wikang panturo upang magkaroon ng pag-unlad
sa estado ng edukasyon, ekonomiya at pag-unlad din sa indibidwalisayon.

2. Bilang mag-aaral paano ka makapag-aambag sa intelektuwalisasyon ng wikang


pambansa? Magbigay ng mga kongretong hakbang at ipaliwanag ang mga ito. –
Isang suliranin sa ating bansa ang hindi pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa lahat
ng bagay, mapa-usaping agham, matematika, pilosopiya o agham panlipunan. Ang
intelektuwalisasyon ng wikang pambansa ay naglalayon ng gamitin ang wikang Filipino
bilang wika ng karunungan, wika na nagpapaunlad, wika ng pagkatuto at wika na
nagkokonekta.
Bilang isang mag-aaral, makatutulong ako sa intelektuwalisasyon ng wikang Pambansa
sa pamamagitan ng:
 Palagiang paggamit ng wikang Filipino. Marahil ay mababaw pakinggan o maliit
ng bagay kung iisipin, ngunit isa ito sa mga paraan ko bilang isang kabataan
upang mapagyabong ang wikang pambansa. Kung palagi nating gagamitin nang
gagamitin ang ating wika ay mas maipapahayag natin ang mga saloobin at mas
maiintindihan tayo ng mga tao sa ating paligid. Masasanay din tayo na gamiting
ang wikang Filipino upang ipaliwanag at iba’t ibang bagay at hindi gumamit ng
Ingles upang lubos ng maintindihan ng nakararami.
 Hindi natin dapat ikahiya ang paggamit nito. Sa paaralan ay maaari nating gamitin
ang wikang Filipino kahit matematika o agham ang asignatura. Dapat ay hindi
maging hadlang ang wikang Ingles sa ating pagkatuto sapagkat mayroon naman
tayong wika na naiintindihan ng lahat.
 Pagbabasa ng mga libro, artikulo, o iba’t ibang sulatin na isinulat sa wikang
Filipino. Dito ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng kohetibong pag-unlad at
pagkamulat sa ating wika. Habang umuunlad ang ating kaisipan ay umuunlad din
ang intelektuwalisasyon ng wikang pambansa. Ang wika ay dapat gamitin sa
seryosong usapin upang mapagyabong ito.

3. Sa paanong paraan nagsilbing tagapagbukas ng mata sa realidad ng kinakaharap


ng lipunan (edukasyon, politika, ekonomiya, kultura) ang artikulo ni James
Soriano? Magbigay ng mga kongretong halimbawa.
- Ang artikulo ni James Soriano ay nagpatunay na tayong mga tao na may iba’t ibang
antas ng pamumuhay ay may iba’t iba ding pananaw ukol sa kahalagahan ng wikang
Filipino. Ang awtor ay lumaki sa isang mayamang pamilya, lumaki na Ingles ang wikang
nakasanayan. Ang suliranin na nakita ko sa kaniyang pahayag ay ang pagturing niya sa
Ingles bilang namamayaning wika dito sa bansa at pagturing sa wikang Filipino bilang
wika lamang ng pakikipag-usap.
Sa usaping edukasyon, ang unang itinuro sa kaniya noong siya ang bata pa ay Ingles.
Ingles na alpabeto, ingles na salita, at ingles na mga babasahin. Natuto siya na ang Ingles
ang pangunahing gamitin at itinuring niya ang Filipino bilang isang wika na ginagamit
lamang sa pakikipag-usap sa labas ng paaralan. Sa ekonomiya ay naibahagi niya na ang
wikang Filipino ay ginagamit lamang niya sa mga katulong, sa mga guards, at upang
makipag-usap sa mga tindera. Ito ay patunay na ang wikang Ingles ay nagbubuklod
lamang sa mga tao, ipinakita ng pahayag nya epekto ng agwat ng mga tao base sa antas
ng pamumuhay at ang pagkakaiba ng pagtingin sa mga wika. Ito ay nagsilbing
tagapagbukas ng mata sa realidad na ang wikang Filipino ay hindi masyadong
nabibigyang importansya sa mga elit na tao tulad niya. Totoong may mga purong Pilipino
na hindi bihasa sa wikang Filipino. Ito ay isang suliranin na patuloy na kinakaharap sa
ating bansa, ang hindi pagiging maalam sa sariling wika. Totoong may mga taong mas
maalam pa sa wikang banyaga kaysa sa sariling wika ngunit hindi naman nating masisisi
ang mga namulat sa mundo ng elite. Hindi pa huli para sa kanila na mapagyabong ang
wikang Filipino.

4. Ano-ano ang mga dimensyon sa pagpaplanong pangwika (Haugen)? Ipaliwanag ang


bawat isa – Ayon kay Haugen, may apat na proseso ang pinagdadaanan ng wika upang
magamit ito sa makabagong pamumuhay at makamit ang inaasahang pagbabago.

 Pagpili (Norm Selection) – ito ay ang pagpili ng wika o anyo ng wika batay sa
ginagamit ng nagsasalita upang matiyak ang pamamaraan ng paglutas ng
problema. Ito ay ang pagtukoy sa suliranin o ang pagbubuo ng patakaran ng isang
institusyon o komunidad. Ang pagpili ng iba’t ibang wika ay mahalaga upang ang
wika ay malinang, mapaunlad, mabigyan ng importansya at maisagawa ang mga
gampanin sa lipunan na baguhin ang wika sa magandang paraan.

 Kodipikasyon (Codification) – ito ay isang pamamaraan ng gramatikasyon at


pagbuo ng pamantayan para sa wikang napili. Ang paraang ito ay
maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga sulating gramatikal o mga
diksyunaryo upang mapaunlad ng sistema ng pagsulat at mga bokubularyo.

 Elaborasyon (Elaboration) – ito ay ang pagpapalaganap ng mga bagong termino


na nabuo at tipikal na pinamamahalaan ng mga manunulat. Sa prosesong ito
nakapaloob ang pagbabago ng mga baybay at spelling ng isang salita o ang
tuluyang pag-unlad ng struktura ng isang salita at paggamit ng wika. Ito ay para
mapayabong ang iba’t ibang varayti ng napiling wika.

 Implementasyon (Implementation) – ito ay isang pamamaraan ng pagwawasto at


pagsisiguro na maipapatupad ang mga pagbabagong nagawa tungo sa
malawakang pag-unlad ng napiling wika. Maari din itong maituring na
ebalwasyon ng mga paraang naisagawa upang mapagbayabong ang wika at
maipalaganap ang solusyong napili ng isang institusyon o ng isang komunidad.
Ito ay makikita sa pamamagitan ng paggawa ng mga sulatin tulad ng mga libro o
teksto gamit ang bagong pamantayan na nabuo.

You might also like